You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Baitang 11
(Hunyo 17-21, 2019)

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. matatalakay ang nilalaman ng mga konseptong pangwika;
b. makapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng mga konseptong
pangwika ;
c. makasasagot sa pagsubok na inihanda ng guro; at
d. makasusulat ng tatlong saknong na tula patungkol sa wika.

II. Paksang Aralin: Mga Konseptong Pangwika


Sanggunian: Dayag, A. & Del Rosario, M. (2016). Pinagyamang pluma: Komunikasyon at
pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Phoenix publishing house, Inc. 927
Quezon Ave., Quezon City.

Kagamitan: Aklat, Laptop at LCD Projector, Marker, White Board


III. Pamamaraan

A. Aktibiti (Semantic Mapping)


Panuto: Ang mga mag-aaral ay kinakailangang isulat ang kanilang sariling kaisipan o
pagpapakahulugan sa salitang “WIKA” na nasa pisara. Ang sinumang sasagot
ay mabibigyan ng puntos.

Babasahin ng lahat ang mga kaisipan iniugnay sa salitang nasa pisara. Pagkatapos ay iisa-
isahin itong ipapaliwanag ng mga mag-aaral.

B. Analisis

 Bakit mahalagang pag-aralan natin ang wika?


 Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan,
kapayapaan at mabuting pakikipagkapwa-tao?
 Sa tingin mo, ano kaya ang mangyayari kung wala ang wikang mayroon tayo
ngayon?

C. Abstraksyon

1. Ano ang wika?


2. Sino-sino ang mga dalubhasa na nagbigay kahulugan sa wika?
3. Ano ang wikang pambansa?
4. Ano-ano ang naging pamantayan ng mga miyembro ng Surian sa pagpili ng wikang
pambansa?
5. Anong batas ang nagsaad na ang Wikang Filipino ang ating magiging wikang
pambansa?
6. Ano ang ibig sabihin ng wikang opisyal? Paano nagiging opisyal ang wika?
7. Sa iyong palagay, makakatulong kaya sa mga batang mag-aaral kung ang wikang
kinagisnan nila ang gagamiting wikang panturo sa kanila? Bakit?
8. Kung magkakaroon ka ng anak balang araw, anong wika kaya ang imumulat mo sa
kanya? Ang wika bang umiiral sa inyong lugar o ang wikang banyaga? Bakit?

IV. Ebalwasyon
A. Panuto: Iguhit ang  kung ang pahayag ay tama at  naman kung hindi.
________ 1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino lang ayon sa itinadhana ng Saligang
Batas ng 1987.
________ 2. Alinsunod pa rin sa Saligang Batas ng 1987, itinuturing na pantulong na wikang
opisyal at pantulong na wikang panturo ang mga wikang panrehiyon.
________ 3. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika ng mga mag-aaral sa
kinder hanggang ikatlong baitang ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
________ 4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baitang
ang mga wikang Filipino at Ingles.
________ 5. Ang mga wika at dayalektong kabilang sa MTB-MLE ay gagamitin sa dalawang
paraan: bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo.
B. Panuto: Ibigay ang mga hinihingi.
________ 1. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang
pangkagawarang nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating
wikang pambansa.
________ 2. Siya ang kalihim ng DepEd na nangunguna sa pagtaguyod ng mga pagbabagong
dala ng K to 12 Kurikulum.
________ 3. Sa probisyong pangwika ng Saligang Batas na ito unang nagamit ang Filipino
bilang wikang pambansa.
________ 4. Siya ay naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika
raw ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
________ 5. Ito ang bilang ng mga wika at dayalektong pinangalanan ng DepEd upang gamitin
sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.

Mga Sagot:
A: 1.  2.  3.  4.  5. 
B: 1. Jose E. Romero 2. Brother Armin Luistro, FSC 3. Saligang Batas 1987
4. Charles Darwin 5. 19
V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng tatlong saknong na tula tungkol sa wika. Isulat ito sa isangkapat na papel at
ipasa sa susunod na tagpo.

Pamantayan:
Nilalaman……………….5
Orihinalidad…………….5
Tugma…………………..5
Wastong gamit ng wika...5
KABUUAN 20 puntos

Inihanda ni:

JAY ANN D. MUSICO


SHS Department, Filipino Teacher

Iniwasto ni:

DR. AIDA C. ABAD


Principal

You might also like