You are on page 1of 12

1

MODYUL SA

FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN (FILDIS)

PAMAGAT : (TITLE)

Kahulugan,Katangian ,Tungkulin,at Teorya ng Wika

( Isang Modyular na Pagtatalakay)

PANIMULA ( INTRODUCTION)

Ang wika ay isa sa mga tanda ng ating pagkatao, nakikilala tayo bilang
isang bansa sa ating wika. Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman at mahasa
ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa ating wika.

Ang modyul na ito ay sadyang binuo bilang maging gabay sa pag-aaral


ng sabjek. Nakapaloob dito ang layunin,kahulugan ng wika, katangian ng wka,
teorya ng wika. Sa kabilang dako, ang pag-aaral na ito ay sadyang pinagaan ang
mga nilalaman na naglalayon na maintindihan nang mabuti ang bawat paksa.

LAGOM-PANANAW (OVERVIEW)

Ang unang bahaging na inyong matutunghayan sa pag-aaral sa sabjek na ito ay


nagmula sa mga manunulat na nagbigay ng pahayag tungkol sa wika, kahulugan
katangian at teorya nito.Sa mataas na pag-aaral sa kolehiyo malalaman ang
kaibahan ng mga paraan ng pag-aaral na kung saan mapapalalim o mapapalawak
ang kritikal na kaisipan ng mga mag-aaral.Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito
makikita ang kahalagahan ng demokratikong paglalahad ng tao sa realidad at
katotohanan ng buhay sa lipunan. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin :
1. Kahulugan ng Wika; 2.Katangian ng Wika;3.Teorya ng Wika ,at 4.Tungkulin ng
Wika.

LAYUNIN O MGA INAASAHNG MATUTUHAN( OBJETIVES OR LEARNING


OUTCOMES )

1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wika.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning lokal at


nasyonal.

1
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t
ibang larangan.

Mga Layunin

Pangkaisipan Pandamdamin Pansaykomotor

PANUTO SA MGA MAG-AARAL (INTRUCTIONS TO THE LEARNERS)

Bago pag-aralan ang modyul na ito, kailangang maisagawa nang maayos at


may sistematikong paglalahad ng mga mag-aaral sa pagtatalakay ng ugnayan ng
function ng wika, kahulugan, katangian ,at teorya nito. Lagging maghanda ng papel
o notebook.

Kailangan mo munang sagutin ang unang pagsubok ng komprehensibong


pagsagot sa mga tanong, at malikhaing paglalahad ng impresyon o refleksiyon.
Tandaan anuman ang iyong malalaman ay magiging gabay mo sa mga susunod na
paksa.

PAUNANG PAGSUBOK (PRE-TEST)

Gawain 1.

Panuto: Hanapin sa Hanay B. ang tamang sagot at ilagay ang titik sa patlang ng
bawat bilang.

Eastman (1982) inilahad niya ang kaugyan sa paraan ng pagpili ng wika. Sa


katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika
na sasailalim sa estandardisasyon:

Hanay A. Hanay B.

1. Indegenous Language ____ A. wikang ginagamit sa malawakan na saklaw


ng mundo

2. Lingua Franca ____. B. wika ng isang sosyal na grupo na nadomina


ng ibang wika.
3. Mother Tongue _____ C. wikang natutunan bilang karagdagan sa

2
unang wika

4. National Language _____ D. komong wika na ginagamit ng mga taong


may magkaibang wikang pinagmulan na
naninirahan sa isang partikular na lugar.

5. Official Language ____ E. nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo


ng wika

6. Pidgin ____ F. wikang ginagamit sa transaksyong


pampamahalaan

7. Regional Language _____ G. wikang ginagamit sa pulitika, sosyal at


kultural na pagkakakilanlan

8. Second Language ____ H. wikang naakwayr mula sa pagkabata

9. Vernacular Language _____ I. wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang
wika na may tiyak na layunin sa paggamit

10. World Language ____ J.wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na naninirahan
sa isang lugar

Gawain 2.

Panuto: Isa-isahin ang mga napagkukunan ng mga impormasyon upang maisagawa


ang reserts.Magbigay ng sampung halimbawa.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain 3.

Panuto: Paano nakatutulong ang mga kasanayang pagbasa at pagsulat sa


pananaliksik? Pag-isipan at gawing gabay ang makikitang varyasyon.
Hanggang dalawang talata lamang ang kailangang sagot.

Pamantayan:

Kaisipan ____________________________________= 5 puntos

Tamang pagkakaayos ng mga pangungusap ________= 5 puntos


3
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 4.

Panuto: Magbigay ng limang (5) tips o pamamaraan kung paano ka pumili ng isang
paksa? Ilagay ang sagot sa bawat patlang na nasa ibaba.

PAKSA
1._______________________

2.________________________

3. _______________________

4._______________________

5._______________________

Kung ikaw ay tapos na, maaari mo nang isangguni sa propesor ang


iyong sagot.

Nakuha mo kaya ang mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain na


ipinagawa ng iyong guro ? Ilang puntos ang nakuha mo mataas o mababa? Kung
mataas, ibig sabihin mulat na ang kamalayan mo sa gamit ng wika ,at ang
kahalagahan nito sayo bilang isang mag-aaral.Kung mababa naman, huwag kang
malungkot at maaari ka pang bumawi sa susunod na mga gawain. Pag-aralan mo
ang paksang Wika ng Bayan,at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa
Pangangailangan ng Sambayanan at Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa
Pananaliksik

Alam mo ba na ang unang pamagat ng Pambansang Awit ng


Lupang Pilipinas ay “ Diwa ng Bayan” na ang pagsasalin ng titik nito sa wikang
Hinirang Tagalog na ginawa ni G. Lope K. Santos na Direktor ng Surian ng
Wikang Pambansa sa ilalim ng administrasyong ni dating Pang. Jose P.
Laurel?

Wik
a
Alam mo bang mula sa wikang Tagalog-Wikang Pambansang
Pilipino-Pilipino-Filipino ang ebolusyon ng wika ng mga Pilipino na
kung saan ito ay dumaan sa masusing pag-aaral kalakip ng mga
patnubay ng mga pangulong may malaking ambag sa pagpili ng
wikang opisyal ng mga Pilipino sa Pilipinas.

Ang lahat ng impormasyong ito ay hindi napulot lamang.Bagkus ay pinag-aaralan ng


ilang masisigasig na mga taong manunulat na naglalahad ng kasaysayan ng wika at
may malaking ugnayan sa pag-aaral ng pananaliksik.

ARALIN 1. KAHULUGAN NG WIKA


Wika . Ano nga ba ang wika? Mahalaga ba itong malaman ng bawat tao ?
Para kanino ? Para saan ? Kailangan ba ng bawat bansa ang wikang pambansa ?
Paano ba ito makakamtan ?

Isa ito sa mga katanungan maaring nasa iyong isipan. Masasagot ang lahat
ng ito kung tutulungan mo ang iyong sarili. Buksan ang isipan at maging mapanuri
sa lahat ng babasahin at tandaan ang ilang mga mahahalagang impormasyon na
mapapakinabangan balang araw.

Maraming mga kabataan ang nalilito kung ano ba talaga ang Pambansang
wila ng Pilipinas, isa ka ba sa kabataan na nalilito o alam mo ang sagot pero hindi
mo maipaliwanag nang maasyos.Paano nga ba napagtibay ang Filipino na gawing
Pambansang wika ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon.

 “Bawat bansa ay may sariling wika; habang may sariling wika ang isang bayan ay
taglay niya ang kalayaa; ang wika ay pag-iisip ng bayan.”-Kabanata 7. Si Simoun
El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal

 Base sa aklat ni Jose A. Arrogante “ Maraming iba’t ibang wika sa daigdig at sa


bawat isa’y may kahulugan. Ngunit kung hindi ako marunong ng wikang
ginagamit ng aking kausap, hindi kami magkakaunawaan.” –Korinto 14;10-11

 Ayon kay Henry Gleason ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura

 Ayon kay Salazar (1996)’ Kung ang kultura ay ang kabuuan ng


isip,damdamin,gawi,kaalaman,at karanasan na nagtatakda ng maaangking
kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang daluyan kundi higit
pa rito, tagapagpahayag at umpukan –impukan ng alinmang kultura.”

5
 Upang patunayan ito, mayroong natagpuang isang palayok taong 1400 na nakatitik
ang mga unang baybayin. Natagpuan ito sa Calatagan, Batangas.Pinatutunayan
lamang nito na mayroon nang nakasulat na anyo ang wikang Filipino noon pa
mang taon 1100\

 May napansin ka bang mahirap intindihin o naintindihan mo ang mga


pagpapakahulagan na ginawa ng mga may-akda. Ang agad ang
pumasok sa isipan mo habanag binabasa mo ang mga kahulugan at
pagbibigay-halaga nila sa wika

Ngayon nabigyan ka nila ng mga ideya at kaalaman tungkol sa wika, ano


kaya ang maibibigay mong sariling pakahulugan? Maaari mong isulat sa
papel ang iyong iniisip.

Lahat ng bagay ay may puwang sa mundo, ang wika ay isa sa


pinakaimportante sa tao .Bilang mag-aaral sa iyong palagay gaaano kaya
kahalaga ang wika ?

ARALIN 2. MGA TEORYA NG WIKA


Mahalaga ang bawat bagay lalong-lalo na ang iyong pinagmulan, at
ang pinagmulan ng wika at teorya ng wika upang magkaroon ka ng malalim
na pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.

Ito ay binigyang-linaw sa aklat ni G. Melvin Orio Mortera, ang walong


teorya ng wika na naitalakay sa kanyang pananaliksik.

1. Teoryang bow-wow

Sinasabing nagmula ang wika mula sa paggaya ng tao sa mga tunog


na likha ng mga bahagi ng kalikasan. Maaaring ito’y buhat sa
hayop,halaman,hangin o tubig.

2. Teoryang ding-dong

Ang wika ay buhat umano sa tunog ng mga bagay na likha ng tao.

3. Teoryang pooh-pooh

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang wika ay nagmumula sa tunog na


naiuusal ng tao kapag nakararamdam ng mataas na emosyon. Ito’y
maaaring pagkagalit,pagkatuwa,pagkatakot at ilan pang katulad na
damdamin.

6
4. Teoryang ta-ta

Nagmula ang salitang ta-ta sa wikang Pranses na may kahulugang


paalam. Mula rito hinugot ang teoryang ta-ta na may paniwalang mula sa
paggalaw ng mga bahagi ng katawan ay may inuugnay na tunog o wika
katulad nga ng pagpapaalamkasabay ang pagtaas at pagbaba ng kamay.

5. Teoryang tarara-bom-de-ay

Ang wika ay pinaniniwalaaang nalikha mula sa mga pagsigaw at pag-


usal ng mga pangkat ng tao sa kanilang mga ritwal-sayaw na bahagi ng
kanilang kultura.

6. Teoryang sing-song

Nagmula umano ang wika sa romantikong mga awit.

7. Teoryang yum-yum

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nakauusal ang tao ng tunog sanhi ng


gutom at iba pang katulad na pangangailangang pisikal.

8. Teoryang Yo-he-ho

Ang wika ay pinaniniwalaang nabuo buhat sa tunog na nalilikha sa


pagbibigay ng puwersang pisikal tulad sa pagbubuhat at pagtutulak ng
mabibigat na bagay, pag-iri ng nanganganak na ina at iba pang katulad na
gawain.

Ano ang naiisip mo sa mga nabasa at natuklasan mo ?


Nagulat ka ba? O bigla kang natawa. Sa palagay mo ba
lahat ng mga bagay ay may kaakibat na simula?

Sa isang mag-aaral na katulad mo, nabigyan ka ng linaw tungkol sa


mga teorya ng wika, kaya mo bang gumawa ng sarili mong teorya ng wika
? Gawin mo ito sa isang papel.

Ano ang naiisp mo sa ga nabasa at natuklasan mo ? Nagulat ka ba? O


bigla kang natawa. Sa palagay mo ba lahat ng mga bagay ay may kaakibat
na simula?

ARALIN 3. KAKANYAHAN O KATANGIAN NG WIKA

7
Kailangang mong malaman ang katangian o kakanyahan ng wika.
Makatutulong ito sayo upang mabigyang -pansin na lahat ng bagay maliit man
o malaki ay may halaga.

 Ito’y may masistemang balangkas

 Ito’y sinasalitang tunog

 Ito ay arbitraryo

 Nakabatay sa kultura

 Ang wika ay dinamiko

 Ito ay midyum sa komunikasyon

 Ito ay makapangyarihan

 May politika ang wika

 Ano ang mga salitang mahirap na maintindihan ? Napansin mo bang ang


binasa mo ay may kaugnayan sa may-akda na si G.Henry Gleason ?

 Ngayong alam mo na ang mga katangian ng wika, kaya mo bang


magdagdag ng limang iba pang katangian ng wika na mula sa iyong
malawak na isipan?

ARALIN 4.TUNGKULIN NG WIKA


Importanteng malaman natin ang mga tungkulin ng wika upang
mabigyan tayo ng gabay kung ano ang tungkulin ng wika na maaaring gamitin
lalong-lao na sa akademya at pati na rin sa sariling pagpapayaman ng
kaalaman.

o Instrumental –saklolo hinablot ang cellpohe ko!

o Regulatori-Bawal Tumawid. Nakamamatay.

o Representasyon –Magkakaroon ng Eleksyon ngayong 2022

o Interaksyunal-S’an ka pupunta?

o Personal –Pagtatapat ng pag-ibig

o Hyuristik – Pagtatanong sa guro o Kaklase

o Imahinatibo –Habang may binabasa, maaaring


mabuo sa isipan ng mambabasa ang mga
inilalarawan sa kuwento,atbp.

8
Ano ang mga nalaman mo sa tungkulin ng wika ? Hindi ba’t may kaibahan ang
gamit nito? Ikaw alam mo ba ang kaibahan ng tungkulin,responsibilidad ,at
obligasyon ?pag-isipan mong mabuti kung paano mo ilalapat ang salitang
tungkulin sa reponsibilida at obligasyon.

Marami ka nang nalaman tungkol sa wika. Sikaping huwag


makalimutan ang mga ito sapagkat ito ang magiging gabay mo
sa pag-unawa sa mga susunod pang paksa.

SERYE NG MGA GAWAIN (SERIES OF ACTIVITIES)

PANGHULING PAGSUBOK

Gawain 1. Hanapin ang sampung( 10) salitang may kaugnayan sa ara lin.

N G A A N G I A U O

N W O T H K T N Y N

I W I A G P E R S O

L A K K J M A E O S

U G U E A R H A A Y

K G N U T E A K L A

S I B I E G L I O S

A L B E O U A W P A

K R A H R L G A E M

A R I K Y A T O R I

Gawain 2. Humanap ng salita na may iisang kahulugan at gawing


Clinning word paraan ng pagkakasunod-sunod ng mga salita
mula sa magaan hangga sa pinakamabigat na salita.

_______________________________5.

__________________________4.

______________________3.

__________________2.

_______________1.

9
Gawain 3. Ilagay sa bawat patlang ang tamang sagot.

___________________1.Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nakauusal


ang tao ng tunog sanhi ng gutom at iba pang
katulad na pangangailangang pisikal.
___________________2. Ano ang pangalawang tawag sa ating
pambansang wika ayon sa itinalagang batas?
___________________3. Isa ito sa mga tungkulin ng wika na
nagbibigay babala.
___________________4.Sino ang nagpahayag na “ang wika ay di
lamang daluyan kundi higit pa rito,
tagapagpahayag at umpukan –impukan ng
alinmang kultura.”?
____________________5.Ano ang mga salitang nakasulat na mali ang
baybay sa kanilang panahon na tanggap ng
nakararami at naiintindihan sa kasalukuyan.

Kung ikaw ay tapos na, maaari mo nang isangguni sa propesor ang iyong sagot.

Panungatang Pagsusulit (Criterion Post Test)

Panghuling Pagsubok

Matapos mo nang basahin at pag-aralan ang lahat ng aralin at nagawa ang mga
pagsusulit at gawain, oras na para sagutin mo ang huling pagsubok. Ito ang
magiging sukatan kung paano mo naiintindihan ang mga aralin sa modyul na ito.
Basahin at unawing mabuti ang mga tanong at salungguhitan ang tamang sagot:

1. Isa ito sa mga tungkulin ng wika na nagbibigay impormasyon kung ano ang
magaganap.

A. Representasyon C. Imahinatibo
B. Regulatori D. Impormatib
2. Ang kanyang pagpapakahulugan ng wika ay nakatuon sa lahat ng kultura sa
buong daigdig.

A. Dr. Jose P. Rizal C. Salazar (1996)


B. Jose A. Arrogante D. Henry Gleason
3. Sinasabing nagmula ang wika mula sa paggaya ng tao sa mga tunog na likha
ng kalikasan.

A. Teoryang Yo-He-Ho C. Teoryang tarara-bom-de-ay


B. Teoryang Bow-bow D. Teoryang Ding-dong
4. Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng isang grupo.

A. Vernakular Language C. Regional Language


B. Official Language D. International Language
10
5. Wikang ginagamit sa pulitika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan.

A. World Language C. Lingua Language


B. Official Language D. Indigeneous Language
6. Kung gagawa ka ng isang reserts, ano ang unang mong iisipin bago ka
magsimula ?

A. Paksa C. Lugar
B. respondent D. Layunin
7. Teorya ng wika na nagmula sa salitang Pranses ?

A. Teoryang Yo-He-Ho C. Teoryang tarara-bom-de-ay


B. Teoryang Bow-bow D. Teoryang Ta-ta
8. Inilahad niya ang sampung kategorya ng wika kung saan maaaring sasailalim
sa estandardisasyon.
A. Melvin O. Mortera C. Eastman (1992)
B. Lope K. Santos D. Salazar (1996)
9. Ano ang pangalawang katawagan ng opisyal na wika ng Pilipinas?

A. Wikang Pambansang Piipino C. Pilipino


B. Wikang Tagalog D. Filipino
10. Ano ang unang pamagat ng Pambansang Awit ng Pilipinas ?

A. Diwa ng Pilipino C. Diwa ng Pilipinas


B. Diwa ng Bayan D. Diwa ng Filipino

PAGPAPAHALAGA ( EVALUATION)

Nakatulong ba sa iyong pag-aaral ang mga nagawang gawain ng iyong guro ?


May nais ka bang imungkahi o tanong ? Kung wala binabati kita sa lahat ng sagot at
kaalaman na iyong natutuhan.

LISTAHAN NG SANGGUNIAN (LIST OF REFERENCE)

Arrogante,J.A., et al.(2007)Filipino1- Sining ng Komunikasyon sa


Akademikong Filipino, Navotas City: Navotas Press, Navotas City.

Bernales, R.A., et al.(2013).Retorika: Ang Sining ng


Pagpapahayag.Malabon City:Mutya Publishing House, Inc.

Mortera, M.O., et.al. (2011).Filipino 1- Komunikasyon sa Akademikong


Filipino, Quezon City:Trinitas Publishing,INC. ay kasapi ng Philippine
Educational Publishers Association at National Bookstore Development
Board.

11
Sauco, P.C., et al.(2004). Retorika Para sa Antas Tersyaryo. Makati City:
Katha Publishing Co.,Inc.

PAALALA:

Laging pahalagahan ang bawat kaalaman na iyong matututuhan

Inihanda nina :

Gng. Isabel Peňaverde

BB. Maricel M.Sayson

BB. Alma Medel

Gng. Novalinda B. Jurada

12

You might also like