You are on page 1of 11

NAGBALAYONG NATIONAL HIGH SCHOOL

ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM) LEARNING SHEETS


Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto sa
Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Baitang 11

Unang Markahan – Unang Linggo


KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MGA
KONSEPTONG PANGWIKA

Manunulat: Verna S. Garchitorena


Editor: Mary Ann S. Valdez
Tagasuri: Dave D. Basto:
Tagalapat: Guilito B. Macatuggal
MASUSING PANGKONSEPTO

Magandang araw , mahal naming mag-aaral!

Narito na ang Alternative Delivery Mode (ADM) Learning Sheets na binuo para sa iyong
pagkatuto.

Kalakip nito ang mga Gawain na makatutulong sa iyo upang matutunan ang mahahalagang
aralin sa ika-11 na Baitang – Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang mga
aralin ay patungkol sa Mga konsepto, elementong kultural,kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang
Pilipino. Inaasahang mailalapat mo ang kahulugan at kabuluhan ng Mga Konseptong Pangwika
(F11PT- Ia-85) (DepEd, Most Essential Learning Competencies 2020)

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Maibigay ang kahulugan ng iba’t-ibang konseptong pangwika sa pamamagitan ng isang


pangungusap;

2. Makapagtala ng mga salita mula sa mga napapanuod o naririnig na balita at suriin ayon
sa gamit nito; at

3. Nakagagawa ng isang poster tungkol sa kahulugan at kabuluhan ng wika.

1
PAGLALAHAD

Bago mo gawin ang mga inihandang mga gawain, suriin natin ang mga dati mo nang alam
tungkol sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng kahon sa unahan ng bilang


kung tama ang sinasabi ng pangungusap at malungkot na
mukha naman kung mali ang pahayag.

1. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.

2. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.

3. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.

4. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.

5. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumatanggap ng mga pagbabago.

2
ARALIN 1: KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MGA KONSEPTONG
PANGWIKA

Sa araling ito, ating himayin ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa kahulugan at kabuluhan ng
Mga Konseptong Pangwika (F11PT- Ia-85). Sa pag-aaral na ginawa hinggil sa wika, tunghayan
natin ang iba’t-ibang kahulugan at kabuluhan ng wika na inihain ng iba’t-ibang awtoridad.

Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa buhay ng tao? Ang bawat nilikha ay
naghahangad na magkaroon ng kahusayan sa wika. Ito ay isang mahalagang kasangkapan upang
maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan.
WIKA- nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang
masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan
ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan
ang mga tao. (Panganiban)
KAHULUGAN NG WIKA AYON SA IBA’T-IBANG AWTORIDAD
Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
George Lakoff: Ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng
kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.
Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
Archibal A. Hill: Ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos
sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura.
Webster (1990): Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad.
Hutch (1991): Ang wika ay malimit na binibigyang kahulugan bilang sistema ng mga tunog,
arbitaryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
ANTAS NG WIKA
1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang
antas ng wika. -Mga salitang pangkalye o panlansangan. -Tinatawag din itong singaw ng panahon
sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. -Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo
tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa: parak- pulis eskapo- takas sa bilangguan
istokwa- naglayas juding- bakla
tiboli- tomboy brokeback- lalaki sa lalaking relasyon
lobat- lupaypay

3
2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na
mga salita. -Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin naman maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. -Ginagamit sa
okasyong impormal at isinaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan.
Halimbawa: alala lika naron
kanya-kanya antay lugal
utol atsay tisay

3. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang
nakauunawa nito kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa.
Halimbawa:
TAGALOG ILOKANO BIKOLANO CEBUANO
ibon bilit langgam gamgam
aalis pumanaw molakaw mahali

KAHALAGAHAN NG WIKA
Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitandin nito nalalaman natin
kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihanat nagkakaunawaanang bawat
isa sa pamamagitanng paggamit ng wika. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa
Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at
nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming aspekto ng buhay ng tao. Ang wika ay kaluluwa ng
isang bansa at salamin ng lipunan. Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ang
wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga
mamamayan. Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika

4
PINATNUBAYANG PAGSASANAY

Tingnan natin kung may natandaan ka sa ating aralin matapos mong basahin at unawain
ang kahulugan at kabuluhan ng mga Konseptong Pangwika (F11PT- Ia-85) (DepEd, Most
Essential Learning Competencies 2020)

Hamunin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inihandang gawain na


may kaugnayan sa layunin ng aralin

GAWAIN 1:

Panuto: A. Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang kahulugan ng wika ayon sa iba’t-ibang
awtoridad.

1. 2.

3. 4.
WIKA

5. 6.

B. Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao. Sa loob


ng ulap, isulat ang kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa.

8.
7.

9. 10.
MALAYANG PAGSASANAY

5
Naaliw ka ba sa natapos na gawain? Nasunod mo ba ang mga panutong ibinigay sa iyo?
Ngayon, muli nating subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Handa ka na ba? Magsimula na
tayo.

GAWAIN 2:

Panuto: Magsaliksik ng 10 salita mula sa mga napanuod o narinig na balita at suriin


ayon sa gamit nito. Sundan ang halimbawa sa ibaba.

SALITA GAMIT NG WIKA


Halimbawa:
utol Kolokyal/pambansa
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

PAGLALAPAT

6
Sa mga gawaing iyong natapos sagutan hinggil sa kahulugan at kabuluhan ng Mga
Konseptong Pangwika (F11PT- Ia-85) (DepEd, Most Essential Learning Competencies 2020), ang
susunod na gawain ay magpapakita kung paano mo ito mailalapat sa tunay na buhay.

GAWAIN 3:

Panuto: Gamit ang ¼ na kartolina, gumawa ng isang poster kung ano ang pakahulugan mo sa wika.
Maging malikhain sa paggawa ng iyong poster.
Ito ang pamantayan kung paano mamarkahan ang iyong likha,

Puntos Deskripsiyon
Malinaw ang isinulat na pagpapakahulugan sa wika. Napakahusay at malikhain ang
5 paggawa ng poster at nakaaakit ang disenyo.
Malinaw ang isinulat na pagpapakahulugan sa wika. Mahusay at malikhain ang paggawa
4 sa poster at nakaaakit ang disenyo.
Hindi masyadong malinaw ang pagkakasulat ng kahulugan ng wika. Hindi masyadong
3 mahusay, at di masyadong malikhain ang paggawa sa poster at di nakaaakit ang
disenyo.
Hindi malinaw ang pagkakasulat ng kahulugan ng wika. Hindi mahusay, at hindi
2 malikhain ang paggawa sa poster at di nakaaakit ang disenyo.
Hindi naipakita ang kahulugan ng wika sa poster at hindi malikhain o nakakaakit ang
1 pagkakagawa.

PAGLALAHAT

7
Binabati kita. Nais kong malaman mo na masaya ako para sa iyo….

Ang pinal mong gawain sa araw na ito ay ang pagsagot mo sa panghuling pagtataya.
Nais kong makakuha ka ng 70% pataas na marka dito o makatama ka ng 11 sa 15 aytem.
Ang gagawin mo lamang ay piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na
katanungan. Huwag kang magatubiling balikan ang mga aralin para sa mga tanong na
hindi mo nasagutan nang tama.

PANGHULING PAGTATAYA

Panuto:
A: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Ayon kay _______ ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad.
A. Nenita Papa C. Henry Gleason
B. Hutch D. Webster (1990)
2. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan.
A. balita C. wika
B. panayam D. salita

3. Ayon naman kay ________ ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
A. George Lakoff C. Webster (1990)
B. Henry Gleason D. Hutch

4. Wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama. Sino ang
nagsabi nito?
A. Nenita Papa C. Archibal A. Hill
B. Webster (1990) D. George Lakoff

5. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo tulad ng
mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.

A. Slang C. Lalawiganin
B. Pabalbal/Balbal D. Kolokyal/Pambansa

6. Ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao.Ito ay ayon kay ________.

8
A. George Lakoff C. Archibal A. Hill
B. Henry Gleason D. Nenita Papa

7. Ayon kay _________ ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng


kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.

A. Hutch C. Henry Gleason


B. Webster (1990) D. George Lakoff
8. Ang wika ay malimit na binibigyang kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitaryo na
ginagamit sa komunikasyong pantao. Sino ang nagpahayag nito?
A. Hutch C. Nenita Papa
B. George Lakoff D. Henry Gleason
9. Antas ng wika na ginagamit sa isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang nakauunawa nito
kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa.
A. Pabalbal/Balbal C. Kolokyal/Pambansa
B. Slang D. Lalawiganin
10. Ito ay antas ng wika na ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw ay hinalaw sa pormal
na mga salita.

A. Lalawiganin C. Pabalbal/Balbal
B. Kolokyal/Pambansa D. Slang

(11-15) Magbigay ng 5 halimbawa ng antas ng wika na pabalbal/balbal.

11. _______________

12. _______________

13. _______________

14. _______________

15. _______________

MGA SANGGUNIAN

9
DepEd. Most Essential Learning Competencies. Pasig, 15 May 2020.

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo, Jonathan V., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino:Unang Edisyon, 2016

Alcaza, Cid, Basilides, Gina, Pamplina, Jocelyn, Treyes, Avelina, Hilario, Imelda, Lacuesta, Johnson,
Austria, Renalyn, Dela Cruz, Ricky, Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High
School, 2016

10

You might also like