You are on page 1of 20

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Mga Konseptong Pangwika
Filipino – Ika-11 Baitang
Unang Markahan – SLK 1: Mga Konseptong Pangwika
Unang Edisyon, 2020
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Noemi M. Bernaldez
Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Division of Davao City
Office Address : E. Qurino Avenue, Davao City
Telefax : (082) 2274726
E-mail Address : cid.davaocity@deped.gov.ph
11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Mga Konseptong Pangwika
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan kayo sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim
na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Nagagalak akong samahan sa pag-aaral mo ng asignaturang Filipino sa


antas Senior High School. Dito, matutuhan mo ang iba’t ibang konsepto ukol
sa komunikasyon, pananaliksk, wika, at kulturang Pilipino. Alam kong batid
mong ang Filipino ay hitik sa mga kaisipang dapat galugarin ng isang mag-
aaral na tulad mo. Hayaan mo akong samahan kita sa pagtuklas niyon.
Sa pag-aaral mo ng SKL na ito, inaasahang maisakatuparan ang
layunin na:
a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.

Subukin Natin

Maaari mo nang umpisahan ang pag-alam mo sa mga pangunahing


konsepto sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong:

Panuto: Basahin mo nang maayos ang mga pahayag at katanungan bago


umpisahan ang pagsagot. Piliin ang sagot mula sa pagpipilian. Isulat
ang napiling sagot sa bukod na papel.

1. Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang imbensyon sa tao?


A. wika B. intstrumento C. kultura D. mga sandata

2. Ang kahulugan ng salitang Latin na lingua ay ________.


A. wika B. dila C. kamay D. teorya

3. Mapananatiling buhay ang isang wika kung ito ay _________.


A. arbitraryo C. ginagamit
B. masistemang balangkas D. sinasalitang tunog

4. Sinasabing ang wika ay patuloy na lumalago dahil sa mga taong


gumagamit nito.
A. kultura B. teorya C. dinamiko D. arbitraryo

5. Isang mahalagang proseso ang na laging kinasasangkutan ng tao


na ang pangunahing intstrumento ay wika.
A. pangkat B. teorya C. dinamiko D. komunikasyon

1
Aralin Natin
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at
kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa aralin na ito.

Magiging gabay mo sa pag-aaral ng SLK na ito ang mga sumusunod na


tanong:

1. Ano nga ba ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon?


2. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang wikang pasalita upang maipahayag
ang saloobin o isipan sa iyong kapwa?
3. Paano mo maipakita na pinahahalagahan mo ang pagkakaroon ng sariling
wika?

I. Kahulugan at Katangian ng Wika

Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin


at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o
ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang
pangkomunikasyon. Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay
tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao
upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon
(Wikipedia). Bilang isang ispesipikong lingguwistikong konsepto, ang wika ay
tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistikong sistema na ang kabuuan ay
pinangalanan na katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo,
Mandarin, Filipino, at iba pa (Bernales, 2001).

Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na


ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na relasyon ng wika at dila ay
umiirral sa maraming wika patunay ito sa historikal na pagprominente ng
sinasalitang wika.

Ang mga eksperto ay may kani-kaniyang pagpapakahulugan sa wika


bilang isang pangkalahatang konsepto man o bilang isang ispesipikong
lingguwistikong konsepto. Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang
sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat at pasalitang simbolo.

Ayon kay A. Hill (sa Tumangan.et al., 2000) sa kanyang papel na What
is Language? ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na
lumilikha sa isang komplikado na estraktura.

2
Halos gayon ang binigay na kahulugan ni Gleason (Tumangan,et.al.,
2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Mula sa mga kahulugang nabanggit, ang mga pangunahin at unibersal


na katangian ng wika ay ang sumusunod:

1. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS. Lahat ng wika sa daigdig


ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas, Walang wika
ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay
sa tunog. Ponema ang tawag sa makabuluhang tunog ng wika
samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-
aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring
makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang
morpemang mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o
morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay
maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng morpema. Samantala, kapag
ang mga salita ay pinag-ugnay, maaring makabuo ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makabuluhang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng
tinatawag na diskurso. Makikita mo yan sa ilustrasyon sa ibaba.

BALANGKAS NG WIKA

Morpolohiya

Ponolohiya Sintaksis
Salitang-ugat +
Tunog Panlapi + Pangungusap Diskurso
Morpemang Ponema
(Ponema) (Sambitla)
(Morpema)

3
2. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG. Hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na nalilikha, kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pakakataon ay
ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha
ng aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa
baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa
pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog at minomodipika ng
resonador.

Mga Bahagi ng Katawan na Kailangan sa Pagsasalita


(Modelong Oscar)

Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang


tunog o ponema. Makahulugan ang wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan. ang wikang pilipino ay may dalawampu’t isang ponema
napapangkat sa dalawa:

4
A. Ponemang Katinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng
punto ng artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang
pagbigkas ng fonema at sa paraan ng artikulasyon o paraan
ng pagpapalabas ng hangin sa pagbikas ng fonema ay may
tunog o walang tunog.

B. Ponemang Pantinig mailalarawan sa pamamagitan ng


posisyon ng ng dila sa pagbikas ng mga ito at sa kung saang
bahagi ng dila nagaganap ang pagbikas ng bawat isa.

3. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS. Upang maunawaan ng


ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan gamitin ang isang wikang
hindi naunawaan ng kausap. Gayundin ang kausap, hindi niya
maaaring ipagpilitan ang wikang hindi batid. Tayo o ang ating kausap
ay kailangang pumili ng komong wika kung saan makakaunawaan.
Samantala para maging epektibo ang komunikasyon kailangan isaayos
ang paggamit ng wika.

4. ANG WIKA AY ARBITRARYO. Ayon kay Archibad Hill kung gayon, ang
isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon
ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
Samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling
pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa ibang
komunidad, bawat indibidwal ay nakadedevelop din ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinakaiiba niya sa lahat.

5. ANG WIKA AY GINAGAMIT. Ang wika ay kasangkapan sa


komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan. Ang isang
kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon
din sa wika, idagdag pa kapag ang wika ay hindi na ginagamit ito ay
unti-unting mawawala at tuluyang mamatay.

6. ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA. Hindi maaaring


paghiwalayin ang wika at kultura sapagkat sa pamamagitan ng wika,
nasasalamin ang kultura ng isang bansa.

7. ANG WIKA AY NAGBABAGO. Hindi ito tumangi magbago. Ang isang


wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit nito.
At maaaring nadaragdagan ang talasalitaan bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng bagong salita.
At yung mga salitang balbal ay isa ding dahilan.

Ang Wika ng Komunikasyon

Kapansin-pansin sa naunang talakayan kaugnay sa pagpapakilala ng


wika na ang pinakahalaga nito sa mga tao ay bilang instrumento ng
komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika naisasagawa ang komunikasyon.
Sa pamamagitan ng komunikasyon ay nagkakaroon ang mga tao ng ano

5
mang gusto nilang makamit. Sa pamamagitan ng ugnayan ng mga tao ay higit
na nalilinang ang kabihasnan at lumalago ang kultura na nasasalamin
naman sa wika na bahagi ng kultura. Kaya ng nauna nang nabanggit na ang
wika at kultura ay magkabuhol.

Komunikasyon ang nagsisilbing ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.


Ang komunikasyon ay ang akto ng paglipat ng mensahe mula sa
pinanggalingan tungo sa tagatanggap. Daan ito upang magpahayg ng
kaisipan, ng damdamin, sa layong magkaunawaan. Ngunit hindi maitatangi
ang katotohanang maaring maging daan din ito ng di pagkakaunawaan.

Katangian ng Komunikasyon

Ang komunikasyon ay isang proseso - hindi lamang ito


kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang
tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pag-eencode ng mensahe.

Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko - ano mang komunikasyon


ay nainpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot
sa proseso, kung kaya't ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil
sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.

Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadala o natanggap sa


komunikasyon - pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay
proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Ang
pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito.

Hindi maaaring umiwas sa komunikasyon - kahit pa hindi nagsalita.


nakikipagtalastasan sa ating kapwa. Anong uri ito ng komunikasyon?
Intrapersonal diba? Lalo na kapag may tao sa paligid. Hindi man tayo
magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas, at anyo hindi man sinasadya
ay nakakapagpadala tayo ng mensahe sa iba.

6
Ang Mundo ng Komunikasyon at ang Mundo ng Wika
Ano ba ang bumubuo ng komunikasyon? Sa Bernales et. al (2013)
anim (6) na mahahalagang sangkap ng komunikasyon ang tinalakay:

Nagpadala ng
Mensahe • Tao
o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng
mensahe.
(sender)

Mensahe o •Dalawang uri ng mensahe:


Impormasyon • mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
(message) • mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.

•Kategorya ng daluyan
Daluyan o • daluyang sensori - tuwirang paggamit ng paningin,
Tsanel pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama
• daluyang institusyunal – mga kagamitang
(channel) elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile
phone.

Tagatanggap
ng Mensahe •Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng
kanyang natanggap.
(receiver)

•Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang


Tugon o paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
•Tatlong uri:
Pidbak
• tuwirang tugon
(feedback) • di-tuwirang tugon
• naantalang tugon

Potensyal na •Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.


Sagabal sa •Anim na uri:
Komunikasyon • semantikong sagabal • saykolohikal
(communication • pisikal na sagabal • sistematik na sagabal
• pisyolohikal • atityudinal na sagabal.
noise or filter)

7
Sa proseso ng komunikasyon, hindi maiiwasan ang mga sagabal na
maaaring maging daan ng miskomunikasyon. Kaya nararapat lamang na
maging sensitibo ka sa mga ito.

1. Semantikong Sagabal. Hindi nangangahulugan na iisang wika ang


ginagamit ng dalawang sangkot sa komunikasyon ay hindi na magiging
sagabal ang wika. Maaaring may partikular na register ng wika na ginagamit
ang sender na hindi tuwirang maunawaang ng tagatanggap.

2. Pisikal na Sagabal. Isang halimbawa ay ang ingay sa paligid, distraksyong


biswal, suliraning teknikal na kaugnay mg sound system, hindi mahusay na
pag-iilaw at hindi komportableng upuan.

3. Pisyolohikal na Sagabal. Ito ay matatagpuan sa katawan ng mga nag-


uusap tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang
pagkakasakit ay isa ring halimbawa nito

4. Sikolohikal na Sagabal. Ang mga halimbawa nito ay mga biases,


prejudices, at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring
magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.

5. Sistematik na Sagabal. Natutungkol ito sa mga organisasyon o mga


samahan kung saan nararapat na sundin ang hirarkiya sa proseso ng
komunikasyon. Halimbawa, sa opisina, kung hinaing ang isang empleyado,
hindi siya maaaring dumiretso sa pangulo ng kumpanya kundi sa kaniyang
supervisor o kaya ay dumulog siya sa Human Resource Office ng kaniyang
kumpanya. Kung hindi alam ng isang empleyado ang sistema, maaring
manahimik na lamang siya dahil sa kawalang kaalaman.

6. Atityudinal na Sagabal. May pagkakataon na ang ating asal ay nagiging


sagabal sa proseso ng komunikasyon. Maaring tayo ay walang interes sa
pinag-uusapan o di kaya ay ayaw natin makisangkot kung kaya’t wala tayong
interes.

Ang Komunikasyon ng Tao

Bahagi na ng buhay ang komunikasyon, dapat tandaan na may iba’t


ibang uri ng pakikipag-usap. Kung ikaw ay nakikipag-usap sa iyong sarili o
kaya ay nagdarasal. Ito ay tinatawag na intrapersonal na komunikasyon.

Sa sandaling ibahagi mo ang iyong nararamdaman, kaisipan o opinyon


sa isang tao o maliit na pangkat, ito ay tinatawag na interpersonal na
komunikasyon. Kung sensitibo ang iyong kausap, magkakaroon siya ng
ideya sa iyong pagkatao kung susuriin ang iyong pananalita. Sa pamamagitan
ng interpersonal na komunikasyon ay nakapagpapatatag ng mga ugnayang
pantao.

8
Sa sandaling ikaw ay nakisangkot sa mga malalaking usapan kung
saan kinapapalooban ng malalaking pangkat ng tao, ito ay tumutukoy sa
komunikasyong pampubliko. Halimbawa nito ay pangangampanya ng
politiko. Ang palabas sa telebisyon din ay maituturing na pampublikong
komunkasyon. Kapuna-puna ito sa mga sumikat na teleserye tulad ng Ang
Probinsyano, Encantadia at marami pang iba na nag-trending pa sa Social
Media.

Napakahalaga ng komunikasyon sa apang-araw-araw na buhay. Sa


pagising sa umaga, magpapasalamat na agad sa Panginoon. Sa hapag kainan
ay magkakaroon ng kwentuhan. Malaking bahagi ng buong araw ay
kinasasangkutan ng komunikasyon kung kaya’t tunay na masasabi na
mahalaga ang pakikipagtalastasan at sa gawaing ito at mahalaga din ang
kaalaman sa wika na siyang pangunahing instrumento natin.

Gawin Natin

Upang lubusang maunawaan at masuri ang kaalaman sa paksang


tinalakay, gawin natin at sagutin ang mga katanungan na inihanda upang
masuri ang kaalaman sa aralin.

Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit itinuturing na pinakamahalagang imbensyon ng tao ang wika?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Sa palagay mo, makararating ba tayo sa ating kasalukuyang estado
kung walang wikang nag-uugnay sa atin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa mga nabanggit na katangian ng komunikasyon, alin sa palagay mo
ang higit na masasalamin sa kasalukuyang kalakaran ng ating
mundo? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
Sanayin Natin

Dahan-dahan nang naging malinaw sa iyo ang konseptong pangwika.


Ngayon, natitiyak kong magagawa mo ang pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa palagay mo maari bang mabuo ang proseso ng komunikasyon


kung kulang ang isang sangkap? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Nakatutulong ba o hindi ang pagsulpot ng makabagong teknolohiya
upang mapaunlad ang proseso ng komunikasyon? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa maghapong pagsasagawa ng pang-araw-araw na gawain, alin sa
tatlong uri ng komunikasyon ang karaniwan mong kinasasangkutan?
Ipaliwang.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tandaan Natin

Natapos mo nang pag-aralan ang mga konseptong natalakay kaya


mahalagang tandaan ang mga sumusunod na punto.

II. Kahulugan at Katangian ng Wika


Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.
Mga Pangunahin at Unibersal na Katangian ng Wika
1. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS.
2. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG.
3. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS.
4. ANG WIKA AY ARBITRARYO.
5. ANG WIKA AY GINAGAMIT.
6. ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA.
7. ANG WIKA AY NAGBABAGO.

• Ang Wika ng Komunikasyon


Sa pamamagitan ng wika naisasagawa ang komunikasyon.
Komunikasyon ang nagsisilbing ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
• Katangian ng Komunikasyon

10
Ang komunikasyon ay isang proseso. Ang proseso ng
komunikasyon ay dinamiko.

Anim (6) na Mahahalagang Sangkap ng Komunikasyon.


1. Nagpadala ng Mensahe (sender)
2. Mensahe o Impormasyon (message)
3. Daluyan o Tsanel (channel)
4. Tagatanggap ng Mensahe (receiver)
5. Tugon o Pidbak (feedback)
6. Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon (communication noise
or filter)

Mga Sagabal
1. Semantikong Sagabal
2. Pisikal na Sagabal
3. Pisyolohikal na Sagabal
4. Sikolohikal na Sagabal
5. Sistematik na Sagabal
6. Atityudinal na Sagabal

Ang komunikasyon ng Tao


• Intrapersonal na komunikasyon – nakikipag-usap sa iyong sarili o
kaya’y nagdarasal
• Interpersonal na komunikasyon - Sa sandaling ibahagi mo ang
iyong nararamdaman, kaisipan o opinyon sa isang tao o maliit na
pangkat
• Komunikasyong Pampubliko - Sa sandaling ikaw ay nakisangkot sa
mga malalaking usapan kung saan kinapapalooban ng malalaking
pangkat ng tao

Suriin Natin
Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin mo
ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na gawain.

Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na salita. Piliin sa kahon sa


ibaba ang titik ng iyong sagot.

1. Bawat nilalang ay may kanya-kanyang katangian, kaalaman at


kakayahan sa paggamit ng wika dahil ang wika ay ____.
A. arbitraryo C.dinamiko
B. masistemang balangkas D.nagbabago

11
2. Ang salitang net ay maaring mangangahulugang lambat o network sa
kompyuter.
A. ang wika ay dinamiko C. ang wika ay arbitraryo
B. ang wika ay malikhain D. magkabuhol ang wika at kultura

3. Ang salitang salipaopao ay hindi na ginagamit sa pagtukoy sa eroplano sa


kasalukuyan.
A. ang wika ay dinamiko C. ang wika ay arbitraryo
B. ang wika ay malikhain D. magkabuhol ang wika at kultura

4. Ang isang texto ay maaring himay-himayin sa maliit nay unit mula sa


talata hanggang sa pangungusap, sa mga sugnay o parirala, sa mga
salita, sa mga pantig at sa mga ponema.
A. ang wika ay dinamiko C. ang wika at pinipili at isinasaayos
B. ang wika ay arbitraryo D. magkabuhol ang wika at kultura

5. Pinagkasunduan na ang tawag sa lalaki na nagsisilbing haligi ng tahanan


ay tatay, ama, itay, papa o dada.
A. ang wika ay dinamiko C. ang wika ay arbitraryo
B. ang wika ay malikhain D. magkabuhol ang wika at kultura

6.Ito ay ang akto ng paglipat ng mensahe mula sa pinanggalingan tungo sa


tagatanggap.
A. kultura C. organisasyon
B. komunikasyon D. pamilya

7.Si Jose ay nagtatrabaho sa isang kumpanya may reklamo siya laban sa


kanyang supervisor, hindi niya alam kung kanina magsasabi. Anong
sagabal ito.?
A. pisyolohikal C. saykolohikal
B. sistematik na sagabal D. atityudinal na sagabal

8. Nagmumuni-muni ang binata dahil naguguluhan siya sa kanyang


naririnig. Anong uri ito ng komunikasyon?
A. interpersonal na C. intrapersonal na komunikasyon
komunikasyon
B. pampubliko na D. wala sa pagpipilian
CDkomunikasyon

9. Isang halimbawa ay ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning


teknikal na kaugnay ang sound system.
A. semantikong sagabal C. pisyolohikal na sagabal
B. pisikal na sagabal D. saykolohikal na sagabal

12
10. Nakikinig sa isang pangangampanya ng isang politiko sa inyong plaza.
Anong uri ito ng komunikasyon?
A. interpersonal na C. intrapersonal na komunikasyon
komunikasyon
B. pampubliko na D. wala sa pagpipilian
CDkomunikasyon

Payabungin Natin

Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin


mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na gawain.

Panuto: Makinig o magbasa ng isang diyalogo o pag-uusap. Ilarawan ang


kahalagahan ng wika sa komunikasyon batay sa diwa ng
napakinggang pag-uusap.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10 puntos
• Lawak at lalim ng
pagtalakay.
• Makabuluhang ugnayan
ng kaisipan sa paksang
tinalakay

Balarila 10 puntos
• Wastong gamit ng
wika/salita
• Baybay, bantas,
estruktura ng mga
pangungusap

Organisasyon 10 puntos
• Lohikal na pagkakaayos/
daloy ng mga ideya
• Pagkakaugnay ng mga
ideya
KABUOAN 30 puntos

13
Pagnilayan Natin
Malapit ka nang matapos sa SLK na ito. Sa bahaging ito, maaaring
mo masukat ang kaalaman mo sa mga konseptong pangwika kaya
naman, batid ko na maisasagawa mo nang maayos ang gawain na ito.

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay hinggil sa katanungan na makikita sa


ibaba. Gawing gabay sa pagbuo ng sanaysay ang pamantayan sa
pagmamarka.

• Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa kasalukuyang


sitwasyon ng pandemya o pagpasok ng COVID19?

___________________________
Pamagat
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10 puntos
• Lawak at lalim ng pagtalakay.
• Makabuluhang ugnayan ng kaisipan
sa paksang tinalakay
Balarila 10 puntos
• Wastong gamit ng wika/salita
• Baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Organisasyon 10 puntos
• Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng
mga ideya
• Pagkakaugnay ng mga ideya
KABUOAN 30 puntos

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga aralin sa Unang


SLK. Inaasahan ko naging matagumpay at magamit mo ang kakayahan at
kasanayan na nakuha sa SLK na ito.

14
15
Suriin Natin
1. A
Subukin Natin 2. B
1. A 3. A
2. B 4. C
3. C 5. d
4. C 6. B
5. D 7. B
8. C
9. B
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adaya, J., Camba, A., Carpio, P., Castillo, M., Peña, R., & Sagun, R.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (2016).
Jimczyville Publications.

Bernales, R., Bernardino, E., Belida, M., Cuevas, A., Dela Salde, M., Limpot,
M., . . . Solatorio, L. Wika @ Komunikasyon (2013). Mutya Publishing
House, Inc.

Bernardino, E., Belida, M., Palconit, J., Cuevas, A., Limpot, M., Napil, M., . .
Fortunato, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (2016). Mutya Publishing House, Inc.

Mahalagang Sangkap sa Artikulasyon ng mga Tunog. (n.d.). Retrieved from


Wika at Panitikan:https://filipino101
blog.tumblr.com/post/70080208753/amp

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like