You are on page 1of 4

SUBJECT COMPETENCIES

 KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG Nagagamit nang may lalong mataas na antas ng


FILIPINO kasanayan at kahusayan ang wikang Filipino sa
 PAGSULAT AT PAGBASA TUNGO SA akademikong larangan.
PANANALIKSIK
 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

CONCEPT UPDATE:
1. KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
A. PONOLOHIYA – ang maagham na pag-aaral ng mga tunog ng ponema
PONEMA – ang makabuluhang tunog ng salita.
MORPOLOHIYA – ang maagham na pag-aaral ng bawat yunit ng salita
MORPEMA- ang makabuluhang anyo ng yunit ng salita.
Halimbawa: Ang PANG – ay nagiging PAM – kapag ang inunlapiang salita ay nagsisimula sa /p/
at /b/; nagiging PAN – kapag nagsisimula sa /d, l, r, s, t/ at nananatili sa orihinal nitong anyo na PANG –
kapag nagsisimula sa mga patinig at katinig na wala sa mga nabanggit.
TONO- tumutukoy sa taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Walang magiging
pagbabago sa kahulugan kahit baguhin pa ang tono.
DIIN- tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita
ANTALA- ang saglit na pagtigil sa pagsasalita
HABA- nagpapabago sa kahulugan ng salita
PARES MINIMAL- pares na mga salita na magkatulad sa bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. Hal.
kulay-gulay, bahay-buhay….
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN- mga ponemang E at I na malayang nagpapalitan na hindi
nakaaapekto sa kahulugan ng salita. Hal. babae/i
DIPTONGGO-magkatabing patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig. Hal. batingaw, gulay…..
KLASTER- magkatabing katinig sa loob ng isang pantig Hal. traysikel, transportasyon….
PANTIG- ay isang saltik ng dila sa pagsasalita. Hal. a, wa, ba…..

B. BAHAGI NG PANALITA
 PANGNGALAN- tumutukoy sa ngalan ng tao, ayop, bagay, lugar at pangyayari. Hal. Ana, paaralan,
aklat, kambing….
 PANGHALIP – ginagamit sa halip ng pangngalan. Hal. ikaw, sila, kayo….
 PANG-URI- nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip. Hal. maganda, magiting, maputi ….
 PANG-ABAY- nagbiigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Hal. mabilis maglaba, lalong
mabilis…..
 PANDIWA- nagsasaad ng kilos at galaw. Hal. kumain, tumakbo, sumulat…..
 PANGATNIG- nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay. Hal. ngunit.
Kaya, habang….
 PANG-UKOL- nag-uugnay sa panaguri at layon nito. Hal. alinsunod sa , ayon kay, para sa….
 PANANDA- pananda sa paksa at ayos ng pangungusap. Hal. ang, ang mga

C. BALARILA AT WASTONG GAMIT NG SALITA AT KATAGA


 PANGUNGUSAP- salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa.
 PARIRALA – bahagi ng pangungusap na hindi nagsasaad ng buong kahulugan
 SUGNAY- lipon ng mga salita na maaaring buo ang diwa at maaaring hindi.
C1. WASTONG GAMIT
NG –NANG
NG- Kung sinusundan ng pangngalan bilang layon ng pandiwa. Hal. Ang bata ay sumulat ng tula.
NANG – panguna sa sugnay na di buo ang diwa; inilalagay sa pagitan ng pandiwang inuulit. Hal. Nang ako’y
umalis, dumating ka.

MAY – MAYROON
MAY- kung sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay. Hal. May tao sa labas ng bahay.
MAYROON- kung sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari. Hal. Mayroon silang magandang
bukas na naghihintay.

KONG –KUNG
KONG- panghalip na panao na hinunlapian ng ng . Hal. Nais kong handugan ka ng aking pagmamahal.
KUNG- pangatnig na panubali o kondisyunal. Hal. Mamamasyal tayo ngayon kung hindi uulan.

DAW, DIN, DITO DOON - RAW, RIN, RITO, ROON


DAW, DIN, DITO, DOON – kung sumusunod sa salitang nagtatapos sa katinig maliban sa Y at W. Hal. Malapit
daw ang bahay nila sa paaralan.
RAW, RIN, RITO, ROON – kung sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig at Y at W. Hal. Ikaw raw ang
napagkaisahan ng grupo na dadalo sa palatuntunan bukas.

ll. PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


A. MGA TEORYA NG PAGBASA
 BOTTOM-UP
 TOP-DOWN
B. MGA URI NG PAGBASA
 INTERAKTIBONG PAGBASA- nagpapakita ng ugnayan ng manunulat at mambabasa
 METAKOGNITIV NA PAGBASA- uri ng pagbasa na may kamalayan kung kalian hindi
nauunawaan at nauunawaan ang binabasa.
C. MGA URI NG BABASAHIN
 TEKSTONG AKADEMIK- Humanidades, Literatura, Agham, Matematika, Ekonomiya, atbp.
 TEKSTONG PROFESYUNAL- naglalahad ng mga impormasyon bunga ng mga pag-aaral
at pananaliksik upang makapag-ambag sa kaalaman ng publiko at iba pang profesyunal
 PANLIBANGAN/PAMPALAKASAN
D. MGA LAYUNIN NG PAGBASA
 EXPRESIV – nagpapahayag ng sariling saloobin at nadarama
 TRANSAKSYUNAL- layunin ng sumusulat na makipagpalitan ng idea, informasyon at
karanasan sa mga mambabasa

E. MGA URI NG PAGSULAT-


 AKADEMIK- komposisyon, malikhaing pagsulat, reaksyon, takdang-aralin
 TEKNIKAL – elementong pang-agham, panlipunan at panteknolohiya
 JORNALISTIK – pahayagan, broad sheet o tabloid, editorial, lathalain
 REFERENSYAL – bibliograp
F. PANGANGALAP AT PAG-AAYOS NG MGA DATOS
 DIREKTANG SIPI- pagsipi ng angkop na pahayag mula sa awtoridad
 SINOPSIS – pagsulat ng buod ng isang akda
 PRESE (PRECIS) – itinuturing na maikling bersyon ng synopsis
 PARAPREYS (PARAPHRASE)- pagsasabing muli ng informasyon naitala mula sa
pinanggalingang sanggunian
 ABSTRAK- ito’y kabuuang impormasyon sa isinagawang pag-aaral
 SINTESIS- pag-uugnay-ugnay ng iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong
kaalaman
lll. MASINING NA PAGPAPAHAYAG
G. PANITIKAN- nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig,
pamumuhay at pamahalaan, kaugnayan sa kaluluwa at bathalang lumikha
H. URI NG PANITIKAN
 PATULA- isinusulat nang pataludtod, may sukat at tugma
 PASALAYSAY- isinusulat nang patalata walang sukat at tugma
I. PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA-
 KANTAHING-BAYAN
KUNDIMAN- awit nagpapahiwatig ng pagmamahal
KUMINTANG- awit nagpapahiwatig ng paghihimagsik ng damdamin
OYAYI- panghele sa sanggol
DIONA- awit pangkasal
SULIRANIN- awit ng pamamangka
DALIT- awit handog sa mahal na birhen
 KWENTONG-BAYAN
EPIKO- may kahabaang salaysay ng kabayanihang-gawa na may-uring angat sa
kalikasan
ALAMAT- kwento hinggil sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
 KARUNUNGANG-BAYAN
1.) SALAWIKAIN 2.) SAWIKAIN 3.) KASABIHAN 4.) PALAISIPAN 5.)
BUGTONG 6.) DUPLO 7.) KARAGATAN
J. PANITIKAN PANAHON NG KASTILA- mga akdang panrelihiyon
 PANUNULUYAN-paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang Jose at Maria
noong bisperas ng pasko.
 SENAKULO- itinatanghal ito kung panahon ng mahal na araw.
 MORO-MORO- paglalaban sa pagitan ng mga kristiyano at muslim
 TIBAG-paghahanap sa krus na kinamatayan ni Hesus nina sta. Elena at Constantino
 PANUBONG- tulang awit handog sa may kaarawan
 ENSILADA- paligsahan sa pagtula bilang pang-aliw sa namatayan
 AWIT- isang tulang binubuo ng 12 pantig
K. PANITIKAN PANAHON AMERIKANO
 MGA PAHAYAGAN
EL NUEVO DIA – Sergio Osmena
EL GRITO DEL PUEBLO – Pascual Poblete
EL RENACIMIENTO- Rafael Palma
 MGA MAPANULIGSANG AKDA
WALANG SUGAT- Severino Reyes
TANIKALANG GINTO- Juan Abad
MALAYA- Tomas Remegio
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS- Aurelio Tolentino
L. PANITIKAN PANAHON NG HAPONES-pag-usbong ng damdaming makabayang Pilipino
M. PANITIKAN NG IKATLONG REPUBLIKA –pag-usbong ng mga drama sa radio, mga pelikula at
telebisyon
N. PANITIKAN SA KASALUKUYAN-higit na nalantad ang mga Pilipino sa pelikula, telebisyon,
tanghalan, radio, pahayagan at iba pang babasahin

You might also like