You are on page 1of 2

I.

LAYUNIN (OBJECTIVE)
 Makilala ang mga alamat sa pilipinas.
 Masuri ang iba’t-ibang elemento ng alamat.
 Maunawaan ang kahalagahan ng alamat sa kulturang Pilipino.

KBI: Pagpapahalaga sa mga alamat ng pilipinas

II. NILALAMAN (CONTENT)


A. Paksa “Mina ng ginto” (Baguio)-alamat
III. KAGAMITANG PANTURO (LEARNING MATERIALS)
 Papel, bolpen, references, visual aids, marker
 Sanggunian: code: F9N-Ia-b-39, CG p. 166, DCCM II-loyal
Heroes and historical places, III- enduring values, V-role
Models LM, pahina 18-25.
IV. PAMAMARAAN (PROCEDURE)
1. Paunang aktibidad
a) Pagsasanay (drill)
 Magpapabasa sa klase ng mga uri ng alamat at pagbibigay sa ginintuang
aral ng mga ito.
b) Balik-aral (review)
 Anu-ano ang mga uri ng panitikan dito sa pilipinas?
 Paano nagkakaiba ang mga ito?
2. Preparasyon
a) Pagganyak (motivation)
 Ibigay ang mga nawawalang titik upang makompleto ang salita.
1) _a_h_n-karakter sa kwento.
2) T_g_u_a_-lugar na pinagganapan ng mga eksena sa
kwento.
3) _a_l_t _a _a_i_l_h_n- kasiglahan sa kwento.
4) T_n_g_l_a_-paghaharap o pag-aaway ng mga karakter.
5) _a_u_d_l_n-pinakamagandang parte o bahagi ng istorya.
6) k_k_l_s_n- unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa
katapusan.
7) _a_a_u_a_-kung saan nagtatapos ang isang kuwento.
3. AKTIBIDAD NG PAG-UNLAD (ENRICHMENT ACTIVITY)
a) Aktibidad (activity)
 Ang klase ay maghahati sa limang pangkat, bawat lider ng gropu
ay bubunot ng alamat na kanilang babasahin at susuriin nila ang
mga elemento ng alamat at iuulat sa harap ng klase.
a. Pangkat 1- alamat ng pinya
b. Pangkat 2- alamat ng lansones
c. Pangkat 3- alamat ng dagat
d. Pangkat 4- alamat ng saging
e. Pangkat 5- alamat ng sampaguita
b) Pagsusuri (analysis)
 Ilalahad ng mga mag aaral ang kanilang natutunan base sa kanilang
ginawang aktibidad.
c) Abstraksyun (abstract)
 Dadagdagan ang mga impormasyon lalo na yung hindi nabanggit
 Mga katanungan:
 Bakit kailangan nating maunawaan ang kahalagahan ng alamat sa
kulturang Pilipino?

d) Palipat (application)
 isulat sa papel ang mga aral na natutunan galling sa binasang
alamat.

4. Linangin
 Ihango sa totoong buhay ang mga aral na natutunan mula sa alamat
 Pangkatang Gawain: ipakita mo, galing mo.
 Paglalahad sa mga aral na natutunan mula sa alamat sa
pamamagitan ng:

-role playing
5. Paglipat
 Ipabasa sa klase ang alamat “mina ng ginto”
 Pagbibigay ng mga katanungan ukol sa binasang alamat.
 Mga tanong:
-Paano sinimulan ng may akda ang alamat?
-Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
-Anu-anong katangian ang ipinakita ng pangunahing tauhan sa
alamat?
-Paano nagwakas ang kuwento?
-Anung aral ang inyong natutunan mula sa alamat?
6. Ebalwasyon
 Bilang isang mag-aaral paano mo mabibigyang halaga ang mga alamat sa
pilipinas
 Pumili ng isang pangyayari sa alamat na maiuugnay mo sa kasalukuyan.
7. Takdang aralin
a) Gumawa ng maikling alamat, gamit ang mga elemento nito:
-Tauhan
-Tagpuan
-Saglit na kasiglahan
-Tunggalian
-Kasukdulan
-kakalasan
-katapusan
V. MGA TALA
 Matagumpay na natapos ang aralin, 90% ng mag-aaral ay nakakakuha ng mataas
na marka at 10% ng mag-aaral ay nakakuha ng average na marka.
VI. PAGNINILAY (REFLECTION)
 Bilang isang guro, palagi kung nanaisin ang pag-unlad di-lamang sa kognitibong
aspetong aking mga mag-aaral kundi pati na rin ang mabuting pagkatao at ang
pagpapahalaga sa mga alamat ng pilipinas.

You might also like