You are on page 1of 9

Ang May-akda at Nobela

Bob Ong;

Isang filipino manunulat

Maraming ng nagawang libro tulad ng Macarthur

Macarthur Filipino Fiction

Pang anim na libro ni Bob ong inilimbag noong 2007

Kauna-unahang likha niya na ginamitan ng elementong hindi pang karaniwan sa mga


dati na niyang sinusulat ang drama

Tungkol sa socio-political ang kwento

Ipinanganak sa Quezon City

Si Bob ong ay Pilipino Author

Tema

Bakit nga ba naging McArthur ang pamagat nito? Ang pinaka rason ay ang linyang " I
shall return " ni Douglas McArthur. Nung sa eksena na nag uusap ang magkakaibigan
tungkol sa tae nila at sinabi don na ang taeng di maflush sa bowl ay bumabalik at
nagsasabing " I shall return " linya na nanggaling kay McArthur. At isa pang dahilan ay
ang possibleng pagbalik ni Noel sa kanilang tahanan dahil nga sya'y pinalayas ng
kanyang tatay, kumukonekta parin sa " I shall return " ni McArthur at ang huli ay ang
paglaya ni Cyrus sa rehab. dahil nga sya ay naging adik. Na nangangahulugan padin sa
pagbabalik.

Mga Tagpuan:

●Palengke -Dito madalas si Cyrus nagnanakaw

●Bahay ni Cyrus -Dito sila madalas gumagamit ng droga


●Bahay ni Noel -Dito sya lagi kumukuha ng mga gamit para ibenta para pantustus sa
kanyang bisyo

●Kwarto ni Noel -Dito sya nagtatago at nagpapahinga pagkatapos gumamit ng droga

●Palikuran ng gasolinahan -Dito pinahirapan ni Topak si Cyrus at dito rin muntik makita
ang nilunok ni Cyrus na droga

●Ilalim ng tulay -Dito natagpuan ang bangkay ni Voltron

●Peryahan -Dun sila nagtayo ng kanilang negosyo

●Bahay nila Voltron -Doon sila nag-inom kasama ang nanay ni Voltron

●Hospital -Doon dinala at inalagaan ni Noel ang lolo ni Cyrus na si Mang Justo

●Bahay ni Jim - Doon nag-away ang mag asawa.

Mga Teoryang Mailalapat :

Batay sa Tauhan:

Cyrus

- masasabing siya ang nasa teoryang romantisismo sapagkat gagawin niya ang
lahat para sa kanyang lolo. masasabi ring siya ay kabilang sa teoryang dekontruksyon
sa kaduluhan ng kwento sapagkat siya ay nagbagong buhay.

Voltron

- siya naman ay mabibilang sa teoryang eksistensyalismo dahil siya ay pumili at


gumawa ng desisyon para sa kanyang hinaharap Jim - siya naman ay masasama sa
teoryang romantisismo dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa kanyang asawa kung
saan siya sumunod sa Bicol para sakanyang asawa

Noel
- siya ay mabibilang sa teoryang dekontruksyon kung saan siya ay nagbago at
bumalik sa kanyang pamilya sa kaduluhan ng kwentong ito.

Mang Husto

- siya naman ay kabilang sa teoryang romantisismo dahil sa kanyang labas na


pagaaruga sa kanyang apo na si cyrus

Batay sa Nobela:

Ang nobelang MacArthur ay masasabing nakabatay sa teoryang humanismo


sapagkat ang mga tauhan ay siyang kontrabida sa totoong buhay. Base sa kwento sila
ang naging sentro nito dahil sila ang protagonista sa kwento. Masasabing humanismo
ito dahil sila ay mga adik pero sa kwento sila ang tumatayong mabubuti at sentro ng
nobela kung saan nilatag ang kanilang mabubuting karakter kahit sa totong buhay ito ay
masama . Isa pang teorya ng nasabing nobela ay teoryang realistiko kung saan ang
kwento ay totoong nararanasan ng ibang taong kumakapit sa patalim at hirap sa buhay
at tumutukoy nagaganap sa kasalukuyan. Ito ay realistiko dahil sa ating bansa ito ang
droga ay isa sa pinakaunahing suliranin at patuloy na lumalalaki ang problemang ito
dahil sa di sapat ang disiplina sa bansa dahil sa mismo pinakatinitingala ng mga tao ay
siyang hindi responsable.

ANG MGA TAUHAN DESKRIPSYON PAGSUSURI


Cyrus Pinakabatang miyembro ; 1.A Tauhang Lapad
may pinakamabilis na mga > Voltron at Jim
kamay ; pinakamatuling na 1.B Tauhang Bilog
mga paa ; pinaka-wais > Cyrus at Noel
diskarte,atpinakamaraming 1.C Protagonista /
record sa pulisya. Antagonista
Protagonista: Cyrus, Noel,
Jim, Voltro, Mang JUsto
Antagonista: Kahirapan/
bisyo
Noel Pangkaraniwang college
boy na naka faded jeans at
kulay putting t-
shirt

Jim Biente-tres anyos ,


pinakamatanda sa grupo;
may katawan sapat para
bumuhat ng isang sakong
bigas at maliit na utak
Voltron Payat na lalaking may
maumbok na dibdib, maliit
na ulo at malaking kamay at
paa, mukhang robot na
kapag nagsalita ay nagpapa-
ulan ng laway.
Mang Justo Setenta anyos na lolo ni
cyrus , nagtatrabaho sa
isang pagupitan ng
buhok,nagtatanging kamag-
anak na kasama ni cyrus
Olive Nanay ni jon-jon asawa ni
na buntis
Topak Hepeng panot at malaki tyan
layla Kapatid ni Noel
Aleng Saling Negosyanteng nanay ni
Noel , lagging kinakampihan
ang anak na si noel

Pinakapaboritong pahayag:

“Dalawang dekadaka lang mag-aaral. Kung di mo oagtiyatiyagaan, anak, limang


dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan,
sa pananaw ko, eh walang gugustuhin umiwas sa eskwela” saad ni Mang Justo
Kabuuang Pagsusuri

Hindi ni bago sa aming pandinig ang pangalang Bob Ong, tunay na sikat na
manunulat sapagkat sya'y tanyag kahit pa hindi mo pa nababasa ang kabiyang mga
akda. Nasanay ang mambabasa na kwelang atake ang ginagamit ni Bob Ong sa
kaniyang mga akda subalit, sa kwentong Mc Arthur, ay seryoso ang kaniyang
pagkakahag at pagsasadula ng mga ito. Tinalakay ng nasabing kwento ang mga
kinahaharap na problema ng mga kabataan at pangkaraniwang mga mamamayan ng
ating bansa, tulad ng edukasyon, korupsyon, trabaho, pamilya, pagkakaibigan, at bisyo,
partikular, ang pinagbabawal na gamot.

Sa isang bansang hindi legal ang mga droga sa kahit anong pamamaraan nang
pag-gamit o kunsumo. Tipikal na lamang para sa atin ang mga katagang, 'adik'
'pariwara' 'sabog' at marami pang ibang deskripsyon na syang tumutukoy sa mga taong
gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Isa ito sa mga tinuturing na malalaking
problema na kinakaharap ng ating bansa at ang mga naturang adik ay nakikita ng ating
lipunan bilang salot na 'tila baga'y dapat ubusin para lamang maging mapayapa ang
bansa. Sa kasalukuyan, ito ang pinakaplataporma ng kasalukuyang administrasyon,
naging maugong pa nga ito, sapagkat lumobo ang bilang ng mga kaso ng
pagkakamatay ng mga adik, kalakip ang karatulang, 'adik ako, wag tularan' na
magpasahanggang ngayo'y hindi pa rin nabibigyang katarungan. Sa istoryang Mc
Arthur ni Bob Ong, pinakita nya ang isang perspektibong malayo sa nakagisnang
pinaniniwalaan ng bawat isa. Pinakita nya, na ang tunay na kalaban ng bansa, ay hindi
ang droga at mga adik, k'undi ang kahirapan, na syang puno't dulo ng halos lahat ng
pagkalugmok at pagkasawi, hindi lang ng bawat Pilipino, kun'di maging ng buong
Pilipinas, bilang kabuuhan. Ang ganitong mga storya ay hindi masyadong nailalathala
sa madla, kaya naman ang naturang babasahin ay hindi lamang nakapupukaw ng
damdamin, kun'di maging ng mga isipan--- binubuksan nito ang diwa ng mambabasa at
binabasag ang nakasanayang persepsyon patungkol sa mga lulong o gumagamit ng
droga. Inihahayag ng istoryang ito, na lahat tayo, ay biktima lamang--- lahat tayo'y may
pinagdadaanan, ibang landas man ang pinili na'ting tahakin matapos ang mga lubak na
daa'y nararapat lamang na ating isaisip na sa halip na husgahan, alipustahin, ituring na
iba, at patayin, ay dapat natin silang sagipin mula sa pagkakahawak nila sa mga
patalim, na sa kinalaunan, kung patuloy na papabayaan at titignan na 'tila bang isang
rumi sa'yong mga paanan, ay baka maging sanhi pa ito sa isang buhay na nasayang.
Ang mga karakter sa kwento'y nagpapakita ng realidad--- ang bawat isa'y may istorya at
rason kung bakit sila napasok sa ganoong bisyo, na kung sisipating mabuti at
papakiramdama'y mauunawaan mo, kahit pa, minsa'y hindi sumasapat ang kanilang
mga rason. Ang babasahin din ay nasa lengguaheng balbal at kolokyal--- impormal
ma'y naging mabisa ito upang maihatid ng may akda ang mensahe ng yaring kwento. 

Nakabibitin man ang dulo, lalo na sa mga impormasyon sa kung ano ang
kinahantungan ng buhay ng mga karakter ay masasabing ang kwentong Mc Arthur, ay
lubos na nakawiwili. Isang napakagandang likha, sensitibo man ang tinatalakay ay
naisaad ng maayos ang mensahe ng istorya, maiksi subalit direkta, ang mga ginamit na
salita'y hindi angkop sa mga bata ngunit napakita nito ang realidad ng buhay.
Nirerekomenda namin itong basahin ng mga taong edad labing-lima pataas at hindi
naman nirerekomenda sa mga hindi handa sa mga sensitibong paksa.
Pagsusuri Sa Nobelang

“Mac Arthur”

Ni Bob Ong

Sinuri Nina:

Jhon Joel Nofies

Alyana Prieto

Ian Balofinos

Monique Callao

Shania Fariolan

John Vincent Siao


Jazzie Alaro

You might also like