You are on page 1of 9

MARYMOUNT ACADEMY

SAN ANTONIO
Your Trusted Partner in Developing Effective Communicators and Successful Young Entrepreneurs
YEAR 2018-2019

 DEKADA 70
( LUALHATI BAUTISTA)
 MACARTHUR
(BOB ONG)
 SA KUKO NG LIWANAG
(EDGARDO M. REYES)

Ipinasa ni :
Jason P. Gregorio
Purity 11

Bb. Dhitas P. Lumanglas


Gurong Taga-patnubay

Pebrero 8, 2019
PAMAGAT NG NOBELA : DEKADA 70

MANUNULAT : LUALHATI BAUTISTA

I. TEMA

Ang nobelang ito ay hango sa mga tunay na pangyayari noong dekada 70. Ipinakikita rito
ang paghihirap ng mga pilipino sa kasagsagan ng batas militar noong panunungkulan ni Marcos.
Ang pagkamatay nang hindi nabibigyan ng hustisya, pagsasamantala ng mga dayuhan sa bansa,
at marami pang iba. Tungkol din ito sa mga suliraning kinahaharap ng isang tipikal na pamilya at
paano nila masolusyonan ang mga ito. Ang pagtanong ng isang ina sa sarili kung habang buhay
na lang ba niyang pagsisilbihan ang kaniyang pamilya, at kung bakit hindi niya magawa ang
gusto niyang gawin bilang babae at hindi bilang ina. Ipinakikita rin ang kaibahan ng
personalidad ng mga anak at ang paghihiwa-hiwalay nila ng landas sa pagtanda nila at
pagkamulat sa realidad.

Sa tingin ko’y nais iparating ng may akda na si Lualhati Bautista na magkaroon tayo ng
kamalayan sa ating lipunan, at huwag lamang magbulag-bulagan sa mga pangyayari sa
kasalukuyan. Maaari ngang ang mga pangyayari na ito ay noong dekada 70 pa ngunit hindi pa
rin naman ito nalalayo sa kasalukuyang panahon. Dahil sa sakripisyo ng mga pilipino noon kaya
tayo ay malaya ngayon. Sandamakmak na dugo ang tumulo bago tayo mabigyan ng maayos at
mabuting pamumuhay. Iba’t ibang hirap at karahasan ang dinanas ng mga pilipino noon. Kaya
naman tayo rin ay dapat na maging mulat sa maaaring maling pamamalakad ng pamahalaan at
matutong ipaglaban ang karapatan natin bilang mamamayan.

II. BUOD

Si Amanda ay isang ina ng limang anak, asawa at may malaking responsibilidad sa


kaniyang pamilya. Sina Jules, Gani, Em, Jason at Bingo ang kaniyang mga anak at si Julian naman
ang kaniyang asawa na ama ng mga ito. Masayang namumuhay ang pamilya ngunit habang
tumatanda ang mga bata, ay nagkakaroon na rin ng kamalayan sa lipunan. Hanggang sa
dumating sa punto ng kanilang buhay na nagkaroon ng mga suliranin. Si Jules ay naging
aktibista na pinaglalaban ang karapatan ng tao, ngunit nahuli at pinahirapan, si Gani naman ay
nakapangasawa nang maaga na di kalaunan ay naghiwalay din, si Em ay naging isang
manunulat, si Jason ay nag-aral ngunit hindi nakapagtapos dahil hindi na madadaan sa
matatamis na salita ang propesor sa kolehiyo na ginagawa niya noong high school, at si bingo
na nag-aaral pa rin. Gumuho ang mundo ng mag asawang bartolome nang malaman nilang
patay na si Jason. Pinipilit nilang alamin ang dahilan ng pagkamatay nito at nais nilang mabigyan
ng hustisya, umabot din sa puntong nais na makipaghiwalay ni Amanda kay Julian dahil sa mga
pangyayari ngunit hindi naman natuloy. Sa kabila ng mga trahedyang nangyari sa kanilang
buhay, ang pagkakulong ni Jules, at pagkamatay ni Jason, ay nanatili pa rin silang matatag at
natuto sa mga pangyayaring pinagdaanan nila. Sa huli, sila ay handa na lumaban at harapin ang
pagbabago.

III. SIMBOLO AT PAHIWATIG

1. Kalapati o ibon - Maihahalintulad ito sa isang bata, tulad ng nasabi ni Amanda.


Maaring umalis ang mga ibon, subalit ito ay babalik pa rin. Maliban na lamang kung hindi ito
masaya sa tahanang tinitirahan nito. Tulad ng bata, maaari siyang umalis, magtuklas ng mga
bagong bagay at mamulat, ngunit babalik pa rin ito sa kaniyang pamliya.

2. Latigo - Maaaring ito ay sumisimbolo ng pagpapahirap ng pamahalaan sa mga pilipino


noong dekada 70, na para bang latigo itong humahampas sa mga bibig ng pilipinong
ipinaglalaban ang karapatang pantao.

3. Baril - Kamatayan. Sa nobelang ito’y samu’t saring pagpapatay ang nabanggit.


Pagpatay sa mga inosenteng tao o sa mga walang ginawa kundi ang ipaglaban ang karapatan
nila.

IV. TALASALITAAN

1. Nag-apuhap - Kumapa, kinapkap, humipo, etc.

2. Selda - Kulungan.

3. Komedor - Silid kainan o dining room.

4. Katal - Nanginginig.

5. Nagpapasaring - Nagpaparinig, pinapatamaan.

6. Dantayan - Pagpapatong ng paa sa bawat isa habang nakahiga.

7. Napapitlag - Napatalon sa gulat.

8. Magnanaknak - mawasak o mapunit.

9. Eksasperasyon - Pagkainis, pagkagalit.

10. Sangkot - Kabilang.


V. ANO ANG PARAAN NG PAGSULAT NG MANUNULAT? BAKIT SIYA KINAGIGILIWAN NG
MAMBABASA?

Gumamit ang manunulat ng di pormal na pagsulat, na ang mga pag uusap sa nobela ay
naririnig mo lang din sa iyong pang araw-araw ng gawain. Taglish din ang nilalaman ng nobela
na nakatulong sa mga mambabasa na intindihin ito. Mayroon kasing ibang salita sa tagalog na
minsan lang marinig at mahirap intindihin. Maayos niya rin na nahihimay himay ang daloy ng
istorya dahil para lamang siyang nakikipag usap sa mga mambabasa. Dahil na rin siguro siya ay
isang magaling at tanyag na manunulat kaya naman madali lang para sa kanya na kunin ang
loob ng mga mambabasa.

Kinagigiliwan siya ng mga mambabasa dahil bukod sa mga nabanggit, ay tunay nga
namang maihahalintulad ito sa lipunan natin. Para talagang totoo ang pamilya sa nobela. Para
kang may kausap na babae na kinikwento ang kaniyang buhay bilang asawa’t ina, at kung paano
siya namulat sa mga karanasan. Hindi siya nakakasawang basahin dahil minsan ay may mga
nakakatawang parte din sa nobela na nakakapagbigay aliw sa mga mambabasa. Higit sa lahat,
napakalalim ng mensahing ipinapahiwatig ng kaniyang nobela kaya naman ito ay kinagigiliwan
ng mga mambabasa.
PAMAGAT NG NOBELA : MACARTHUR

MANUNULAT : BOB ONG

I. TEMA

Ang nobelang ito ay hango rin sa tunay na buhay. Ito ay patungkol sa droga at kung
paano ito nakakasira sa kinabukasan ng isang tao. Kwento ito ng apat na magkakaibigan na may
iba’t ibang suliranin sa kani kanilang buhay. Isa sa mga rason ay kakulangan sa edukasyon at
kahirapan. Kahirapan, kakulangan sa edukasyon at pagkalulong sa droga na naguudyok sa tao
na gumawa ng masasamang gawain tulad ng pagnakaw, pagpatay at iba pa. Tungkol din ito sa
pagkakaibigan, kung gaano kahalaga ito sa buhay ng tao.

Isinulat ito ng manunulat na si Bob Ong dahil nais niya tayong bigyan ng aral. Aral na
makakatulong sa atin sa paggawa ng mga desisyon sa hinaharap. Hindi rin naman ito nalalayo
sa mga tunay na pangyayari sa ating lipunan kaya naman dapat tayo ay maging mulat at
maingat. Isang pagkakamali mo lamang ay makakapagbago ng iyong kapalaran. Kaya naman
mas mabuti nang maging handa ngayon bago pa mahuli ang lahat. Para ito sa ating mga
kabataang pilipino dahil sa kasalukuyang panahon ay marami nang kabataang nasasangkot sa
maling gawain.

II. BUOD

Sina Cyrus, Voltron, Jim at Noel ay magkakaibigan na may iba’t ibang personalidad. Si
Cyrus ang pinakabata sa magkakaibigan, napakahusay niya dumiskarte, maliliksi ang mga paa,
ngunit maraming record sa pulisya. Si Voltron naman ay mukhang robot, sapagkat malaki ang
katawan at kamay ngunit maliit ang ulo, at kung magsalita’y nagpapaulan ng laway. Si Jim, ang
pinakamatanda, may pamilya na, malalaki ang katawan ngunit maliit ang utak sa kakasinghot ng
bato. Si Noel naman ay laging kaaway ang kapatid at laging nagnanakaw ng gamit sa kanilang
bahay para ipagkakitaan. Nagkaroon ng malaking pagsubok si Cyrus nang malaman niyang may
sakit ang kaniyang tatay na nagtulak sa kaniya na magnakaw pa ng mga alahas ngunit
nabawasan din ang mga ito dahil sa kurakot na pulis na si topak na kinuha ang mga ninakaw
niya para pagkakitaan. Mas lalo pang gumuho ang mundo ng magkakaibigan nang malaman
nilang patay na si Voltron, pugot ang ulo nang matagpuan ito. Sa huli, trahedya ang mga
pangyayari dahil sa masamang panaginip ni Cyrus na nagdulot sa pagkapatay ng kaniyang tatay
na si Mang Justo.
III. SIMBOLO AT PAHIWATIG

1. Halimaw - Ito ay maaaring isang kaniyang kinatatakutan na hindi niya maagapan.


Dahil hindi niya maagapan, unit-unti siya nitong kinakain nang buhay.

2. Droga/Bato - Sa nobela, pinapakita na masaya sila habang hinihithit ang mga ito,
ngunit, ito rin ang nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Parang sa buhay, pag pinilit mong
gawin kahit na mali basta’t mapasaya ka lamang, ay may kaakibat na banta sa iyong buhay.

3. Buwaya - Ginamit ito bilang paglalarawan kay topak. Ang buwaya base sa nobela at sa
tunay na buhay ay isang sakim at makasarili, kadalasan sa pulitika.

IV. TALASALITAAN

1. Bogaloids - Bobo o mangmang.

2. Paslit - Bata.

3. Kumprontahin - Sumbatan, awayin.

4. Malespu - Mapulis o mahuli ng pulis.

5. Asiwang sagot - Pabalang na sinagot.

6. Nambulahaw - Nanggugulo.

7. Goons - Agresibo tignan, mukhang kriminal.

8. Nagngingitngit - Pagngangatngat ng isang bagay.

9. Dumahak - Paglunok ng laway, paglimas ng lalamunan.

10. Sumampa - Umupo, sumandal.

V. ANO ANG PARAAN NG PAGSULAT NG MANUNULAT? BAKIT SIYA KINAGIGILIWAN NG


MAMBABASA?

Ang paraan ng pagsulat ng manunulat ay hindi ito pormal, na nagmumukha itong


totoong paguusap ng mga tauhan. Gumagamit din ito ng mga salitang kadalasan nating naririnig
sa mga kalye tulad ng bogaloids, abnormalities at iba pa. May halo din itong mga nakakatawang
parte kahit na seryoso man ang nilalaman ng nobelang ito. Ang mga ito ay nakakatulong upang
hindi magsawa ang magbabasa. Marahil ay dahil taglish din ang ginamit dito kaya naman hindi
nahihirapang makasunod ang iba sa mga mambabasa.
Kinagigiliwan siya ng mga mambabasa dahil angkop na angkop ang mga suliraning
kinakaharap sa teksto at sa tunay na buhay. Marami ka ring aral na mapupulot dito at
makakatulong sa iyo. Maayos na naipakilala ang mga tauhan, na nagkakaroon ng imahe sa
aming isipan kung ano ang mga itsura nila. Ganun din sa kapaligiran, kung saang lugar sila
nakatira’t namumuhay. May mga linya din na tatatak sa ating isipan na magbibigay-kaalaman sa
atin na tiyak ay kaaaliwan ng mga mambabasa.
PAMAGAT NG NOBELA : SA KUKO NG LIWANAG

MANUNULAT : EDGARDO M. REYES

I. TEMA

Ang nobela ay patungkol sa magkasintahan na sina Julio at Ligaya na nasadlak sa


kahirapan. Nais nilang iangat ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa
Maynila. Dahil pinangakuan ng magandang hanapbuhay at pagkakataong makapag-aral, si
Ligaya ay naging biktima lamang ng panloloko at pagmamalupit. Sumunod naman ang kaniyang
kasintahang si Julio, na siya ring nakaranas ng panlalamang at pag aabuso. Dahil umaasang
makikita pa ang kasintahan ay nakipagsapalaran si Julio. Nakipagsapalaran sa bagsik at bangis
ng lungsod ng Maynila.

Ipinahahayag ng nobelang ito ang kalagayan ng lipunan noon. Kung paano nagdusa ang
mga pilipino, kung paano napunta sa mga dayuhan ang mga pianghirapan, at iba pa. Pinakikita
dito ang pag-aabuso at pagtiwala na naging dahilan ng pagiging biktima. Maaaring ito ay
makapagbibigay sa atin ng aral tungkol sa pangyayari sa lipunan sa realidad. Sila ay biktima,
biktima ng mapagsamantalang dayuhan.

II. BUOD

Si Julio ay isang mangingisda at kasintahan niya si Ligaya. Si Ginang Cruz, ay pinangakuan


na bibigyan niya ng pagkakataon na makapag-aral at makapaghanapbuhay kung sasama ito sa
kaniya sa Maynila na napapayag din si Ligaya. Sumunod naman si Julio na naging dahilan ng
pagiging biktima ng mapanlamang na mga tao sa lungsod. Ngunit, sa kabila nito, ay may mga
kaibigan siyang nakilala nanakatulong sa kaniya sa paghanap kay Ligaya. Unti-unting nawawalan
ng pag-asa si Julio na makitapa si Ligaya ngunit nagbago ang lahat nang muli niyang makita si
Ligaya at nalaman na biktima ito ng prostitusyon at pagmamalupit ng intyek na si Ah Tek.
Nagbalak lumayas ang dalawa para bumalik sa probinsya ngunit maaaring patayin si Ligaya ng
kinakasama pag nakita siya nito. Naghintay siya sa tagpuan nila at di kalaunay nalaman niyang
patay na si Ligaya na naging dahilan para siya ay maghiganti’t patayin ang intyek na si Ah Tek.
Marami ang nakasaksi at binugbog nila si Julio na naging dahilan din ng pagkamatay nito.

III. SIMBOLO AT PAHIWATIG

1. Maynila - Mapanlinlang na salita dahil sa tingin ng iba’y magandang pamumuhay ang


naroroon sa Maynila, ngunit pagpapahirap din ang meron dito.
2. Ah Tek - Pangalan ito ng intyek na umabuso kay Ligaya at base sa pananaliksik ko’y
ibig sabihin nito ay pera. Ang pera ay siyang ugat ng kasamaan.

3. Estero - Kahirapan. Ang estero ay isa sa mga tagpuan sa nobela at ito’y inilalarawan
na may maruruming tubig. Dito rin kadalasan naninirahan ang mga mahihirap.

IV. TALASALITAAN

1. Erpat - Ama.

2. Kapatas - Katiwala.

3. Paralitiko - Lumpo, balbado.

4. Uumentuhan - Tataasan, dadagdagan.

5. Sinesante - Tinanggal, pinaalis.

6. Pakundangan - May repeto o paggalang.

7. Bigotilyo - May kaunting bigote.

8. Lanseta - Isang uri ng patalim.

9. Kasa - Paghahanda sa baril bago paputukin.

10. Takipsilim - Paglubog ng araw at pagsisimulang dumilim.

V. ANO ANG PARAAN NG PAGSULAT NG MANUNULAT? BAKIT SIYA KINAGIGILIWAN NG


MAMBABASA?

Maayos na pagkahimay-himay ng kwento. Nakakagawa ng imahe sa isipan habang


binabanggit niya o nilalarawan ang isang lugar o tao. Hango sa tunay na buhay kaya naman
nakaaaliw para sa mga mambabasa. Tama o ayos lamang ang paggamit ng mga malalalim na
salita. Madaling intindihin at wala masyadong kumplikadong mga salita kaya nakakaaliw.

Siguro ito’y kinagigiliwan ng mga mambabasa dahil ito ay hindi nagkakalayo sa tunay na
buhay. Nararamdaman ng mga mambabasa ang mga nararamdaman ng mga tauhan sa teksto.
Nailalarawan kaya naman hindi mahirap intindihin ang mga personalidad ng mga tauhan. Gayun
din sa mga lugar na nabanggit. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ito kinagigiliwan ng mga
mambabasa.

You might also like