You are on page 1of 4

Jess Learzle Villaseñor

BSHM-1B

TAKDANG GAWAIN 2 (INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO)

A.

Si Intoy Syokoy Ng Kalye Marino

Eros S. Atalia (2006, Firstprize Don Carlos Palanca Memorial Awards of Literature)

B.

(Pinagkuhaan:http://www.goodreads.com/author/show/3337068.Eros_S_Atalia)

C.

-Si intoy ang buhasa sa lahat ng mga magtatahong sa kalye marino Sa lungsod ng Cavite, Tinatawag
siyang “Intoy Syokoy” ng nga tao dahil para nga raw itong isdang syokoy na nakakatagal sa ilalim ng
dagat na parang may hasang ito tulad ng isda at kahit bagong ligo pa siya ng tabang na tubig huwag
lang pagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad siya pinaglilingkuran niya ang kanyang amo na si Mang
Amor

Isang araw ay tinamaan ng nga alig ang mga tahungan ng mga tao sa kanilang lugar. Bilang magaling
na maninisid at bihasang nagtatahong si Intoy ang inaasahan ng mga taong maglilinis at magsasalba sa
kanilang tanging kabuhayan mula sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw nitong mga nakaraang
taon

Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas at sa mga susunod na araw ay
maraming may tahungang magpapalinis sa kaniya. Kikita siya ng malaki ngunit malungkot siya Dahil
bukas o sa mga susunod na araw pa siya kikita. Ngayon niya kailangan ng pera! At ngayon sana niya
aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na pasikreto niyang ginawa. Matatapos na sana ang
kaniyang paghihintay at magkakaayos na sana sila ni Doray. Kursunada ni Itoy si Doray kahit noong
mga bata pa lamang sila kahit alam niya at ng buong kalye Marino ang trabahong paglalako ng
“tilapya” o katawan ni doray sa mga parokyano at maging sa mga mangingisda. Nagustuhan niya ito
dahil mabait si Doray Sa kaniya dahil maliban kay berto ay ito lang ang magtitiyagang makinig sa
kaniyang mga kwento at pantasya

Kaya siya namroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil may usapan sila ni doray. Gusto
niyang dalhin ang “tilapya” ni doray hindi niya alam kung gusto niyang mahalin at aanuhin din
pagkatapos. Isang gabi ay nakita niya si Doray na nilalako ang kaniyang “tilapya” sa mga
parokyano.Gustong sumabay ni doray sa kanyang pag uwi at pinagbigyan niya naman ito
Nagulat si intoy sa tinuran ng mga dalaga. Marahil ay nasabi ni Berto dito ang tungkol sa kaniyang
balak kay Doray hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit sa kaibigang washer hindi rin niya
alam kung nakikipag-syota naba sa kaniya si doray O simpeng nilalakuan lang siya ng “tilapya” nito.
Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray na pupuntahan siya nito sa bahay niya.
Marami sana siyang balak. Bibili sana siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi
nakakahiya Kay Doray Ngunit ngayon ay pinatay ng mga alig ang sagot sa mahabang pag iintay na iyon
ni Itoy. Wala siyang pera wala siyang ibabayad kay Doray Ngunit paano kung gusto pala siya ng babae
At hindi ito nagpapabayad?

Gabi, salamat sa paunang bayad isangdaang piso sa kaniya ng amo,nakabili siya ng pandesal at
mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy Hindi pa siya naliligo sa maghapong paglilinis sa tahungan.
Nakaupo siya at makikita ang mahapding sugat sa kamay, Naramdaman niya bigla ang langitngit ng
tulay na kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na iniluwa ng dilim na bagong paligo. Naikwento niya dito
ang nangyari sa tahungan at ang pesteng mga alig nagulat na lamang siya na hinalikan ni Doray ang
kanyang kamay at sinuri ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay paloob ng bahay.

D.

INTOY- siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito sa aking palagay si Intoy ay imahe ng isang
binata na puno ng pangarap handang harapin ang anumang hirap at may malasakit sa kapwa ang
kanyang pisikal na kaanyuan ay sumasalamin lamang sa matitinding hirap na naranasan niya sa
pagtratrabaho sa Kalye Marino batid ko ang kantang tapat na pagmamahal sa kababatang si Doray

DORAY- si doray ay isang babaeng representasyon lamang ng milyun-milyong kababaihan sa pilipinas


na handang ikalakal ang dangal at puri para lamang malamnan ang kumakalam na sikmura at may
maipangtustos sa pamilya. Hindi ko siya masisisi dahil sa kinalakihan niyang lugar, tila katanggap
tanggap na propesyon ang pagbebenta ng laman. At isa pa lumaki si doray na walang magulang kayat
hindi rin kataka-takang Ito ang kanyang sinapit na trabaho

MANG AMOR- siya ang amo ni intoy sa aking pananaw siya ang uri ng taong nagpapahalaga ng husto
sa kanyang pinagkakakitaan ipinahihiwatig din ng deskripsyon sa kanyang kaanyuan kilos at galaw
tulad ni intoy at doray ay laki siya sa hirap.

BERTONG BAKA- Siya ang kaibigan ni Intoy, sa kanyang estilo ng pananalita at mga impormasyong
lumalabas mula sa kanya, kitang kita ang kawalan niya ng pinag aralan at dahil sa mga kwento niya
ukol sa pandadali niya sa ibat ibang babae sa kanilang lugar, nabatid ko siya ang uri ng lalakeng hindi
rumerespeto sa kababaihan at tinitingnan lang ang mga ito bilang parausan sa tingin ko ay naging
masamang impluwensya siya kay intoy

-Iba pang kaibigan Yeyeng/Boyet tulad ng mga naunang tauhan hindi maikakailang sila ay lumaking
hindi rin nakapag aral at kulang sa gabay ng magulang.

E.

1.Naipakita sa akdang ito Kung paano nakakaapekto ang estado ng buhay sa nagiging karakter ng
isang tao Katulad na lamang ng mga gawaing patuloy Na ginagawa ng mga tauhan sa kwentong ito na
sa kung tutuusin ay normal na din na gawain ng ating kapwa Mamamayan na hikahos sa buhay
mapapansin din na sa paraan ng pananalita ng isang tao mahihinuha kung ano ang kalagayan nito sa
buhay nasasalamin ng mga tauhan ang paraan ng pagsasalita: pabalbal man o minsan ay maseselan
na pananalita mga pag uugali at mga gawain ng mga taong walang pinag aralan at mga taong hikahos
sa buhay.

2.Makikita rito ang isa sa mga kaugaliang pilipino na PAKIKISAMA sa kapwa. Ito ay pakikiayon o
pakikibagay sa mga kasamahan Maganda ang pakikisama dahil nagdudulot ito ng magandang
samahan at pagkakaisa. Isang halimbawa nito ay nang humingi ng tulong ang ibang nagtatahong kay
intoy na linisin din ang kanilang lugar agad na sumang-ayon si Intoy na linisin din ang kanilang lugar
ito at upang ipakita sa nga tao na mahusay siyang makibagay at makisama naipamalas din ni Intoy ang
kaugalian ng isang MATULUNGIN ng isang pilipino. Nagagawa rin niyang tumulong sa mga taong nasa
paligid niya at maging kay Doray, Dahil nadin sa kalagayan niya sa buhay naipakita ng bidang si Intong
ang pagiging MASIPAG at MATIYAGA na likas at kilala na sa ating mga pilipino halimbawa lamang nito
ay Pagtatayo ni Intoy Ng kaniyang sarilinh baklad O lugar para sa mga tahong upang para kahit
papaano ay magkaroon siya ng kita pinakita rin niya ang pagiging MAPARAAN kung saan sa mga pira
pirasong Bagay na maaring mapakinabangan ay kinuha at ginamit niya Para sa kaniyang tinatayong
baklad.

3.Sa aking palagay may mga parte sa istoryang ito ang nagpapakita ng isang pilosopiyang pilipino
Alam naman natin na umiikot ang istoryang ito tungkol sa kahirapan ng buhay Nagpamalas naman
ang mga tauhan ng kaisipan na kadalasa’y ginagawa ng mga pilipino sa reyalidad ng buhay minsan
iniisip lang natin na magawa ang isang bagay kahit hindi natin alam ang magiging resulta nito

“Mga pilosopong nakita sa kwento”

-Ang karahasan ng buhay ay depende kung sino ang mandarahas at dinarahas

-Ngitian ang mga bagay na hindi malunasan

-Ang buhay ay hindi simpleng pagtugon lang sa kalam ng sikmura

-Lahat ng tao ay pwedeng mangarap wag tumigil mangarap at isabuhay ang pangarap

-Ang pangarap ng isang pinaka simpleng tao ay singhalaga rin ng pangarap ng pinaka
makapangyarihan sa mundo

-Ang buhay ng pinakapayak na tao ay katumbas ng buhay ng pinakamayayaman sa lipunan

4.Maraming simbolo ng pagka pilipino ang nakita ko sa pagbabasa ng akdang ito. Ang Kalye Marino ay
sinisimbolo ang ating bansa na dumadaan sa matinding kahirapan, kahirapan na patuloy na kumalala
magpasahanggang ngayon ang kalye marino ay isang lugar kung saan matatagpuan ang totoong
pinagdaraanan ng karamihan sa atin dahil nga sa hirap ng buhay na nararanasan sa karamihan sa
ating bansa likas na sa atin ang pagiging masipag at matiyaga tulad na lamang ng pangunahing tauhan
sa kwento na si Intoy dahil siya ay isang binatang may pangarap sa buhay nagsisikap siya sa pag
tratrabaho magkaroon lamang ng panlaman sa tiyan. Ang mga pesteng ALIG naman ay sumisimbolo sa
mga taong summisira sa pangarap ng ibang Makaahon sa kinasasadlakan. Ang mga alig rin na ito ang
nagbibigay ng “FALSE HOPE” sa mga tao ito rin ang mga makapangyarihan sa lipunan na walang habas
kung abusuhin ang kanilang kapangyarihan sa mga walang kalaban laban.

G.
PANLIPUNAN- Iba’t ibang uri ng tao ang bumubuo sa lipunang ating ginagalawan ipinapakita ng
akdang ito ang hindi pagkakapantay pantay ng mga tao sa ating lipunan Sa pagkakaiba-iba ng lebel ng
tao iba-iba rin ang kanilang pangangailangan para mabuhay sa lipunang kanilang kinabibilangan

PANG-MORAL- “Ang taong gipit sa, patalim kumakapit” isang sikat na kasabihan na akmang-akma sa
akda Nangangahulugang sa oras Ng kagipitan, napipilitan tayong gumawa ng kamalian, Problema
pinansyal man o personal ang nagtutulak sa isang indibidwal upang gumawa ng mga hindi inaasahang
bagay

PANG-ARKETIPO- gamit ang trabahong pagtatahong, naging epektibo ang akda sa mga mambabasa sa
tulong nito nagawa ng akdang bulabugin Ang isipan ng mga mambabasa Kagaya ng ibang kabuhayan
tulad ng pagsasaka na ang kalaban ay peste Gayundin ang pagtatahong na ang kalaban ay alig

PANG-SISYOLOHIKAL AT PANG-SIKOLOHIKAL- kung ang pag uusapan ay aspetong sosyolohikal hindi


nagkulang ang akdang ito kitang kita sa akda ang pagiging liberal ng may akda nakikita niya ang mali
sa lipunan Kahirapan ang puno't dulo ng maikling kwentong ito, Ito ang unti unting pumapatay sa
mumunting buhay ng mga nasa masalimuot na lipunan.sakit ng lipunan na tila hindi na magagamot
kailanman

Hindi nagbabago ang lugaw ang tao ang nagbabago na nagbabago sa lugar Ayon sa sikolohiya ang
lipunang ginagalawan ng tao ang siyang pangunahing tagahulog ng kaniyang mga kilos at pag uugali
ang tagpuan ng maikling kwento na ito ay sa tabing dagat kaya’t ang kabuhayan ng mga tao dito ay
galing sa dagat tulad ng sinabi sa kwento ang KALYE MARINO ay hindi KALYE MARINO kung walang
MAGTATAHONG

E.

1.Ang paksa ng akda ay umiikot sa kahirapan, prostitusyon at sa kawalan ng pag asa Ilan lamang sa
mga reyalidad ng buhay na kinakaharap ng lipunan ngayon

May mga lugar parin hindi lamang sa CAVITE, Ngunit sa iba pang parte ng bansa lalong lalo na sa
Maynila ang nakakaranas ng kalagayang Inilahad sa akda ito ang takbo ng lipunan noon. Ito parin ang
takbo ng lipunan ngayon.

2.Subukan mong ilagay ang sarili sa kwento, Isiping isa ka sa mga karakter sa kwento at kalimutan
muna ang iyong sarili kahit saang anggulo ay napakahirap maging isa sa kanila Ang klase ng buhay nila
na malayo sa iyong kinagisnan

Ang akda ay naglalahad at ipinapaalam sa atin ang mundo ng ibang mga tao sa malalayong
kabihasnan Kung ano pang mga bagay na hindi pa natin nakikita, Mga bagay na itinatago ng midya
upang mapagtakpan ang tunay na kalagayan ng bansa

Ito ay nag nagbibigay sa atin ng ideya, kaalaman at kamalayan tungkol sa mga bagay na malimit
lamang nating marinig sa lang araw araw na pamumuhay hindi dahil hindi sila totoo ngunit dahil hindi
natin alam na mayroon palang ganoong katotohanan na lingid sa ating kaalaman.

You might also like