You are on page 1of 9

Pagsusuri sa mga

Piling Spoken Poetry

Ipinasa ni
Rica D. Lomonggo

Ipinasa kay
Dr. Regina I. Cuizon
"ANONG PAKE KO SAYO?"

Ni -Y.A. MACAPAGAL 

Anong pake ko sa'yo? Eh nabubuhay lang naman ako para sa sarili ko tulad ng isang
buwaya na nabubuhay sa ilog na nais lamang na maiangat ang sarili at ang nasa baba
ay manatiling nasa ibaba.

Yan ba? Yan ba ang bukambibig ng mga taong walang maipantig dahil sa kanilang
tindig pa lang alam mo nang nagbubulag-bulagan.

Oo, nagbubulag-bulagan! Sa mali ng kapaligiran, sa mali ng bayan, sa mali ng bansa.


Saan? Bakit? Paano? Hanggang kailan? Hanggang kailan mo sasambitin ang
pangungusap na 'Anong Pake ko Sa'yo?'

Hanggang kailan ka magtatago at magpapanggap na hindi mo nakikita ang dumi ng


mundo, ang dumi ng bayan, ang mantsa ng kultura na kinagisnan ng mga naunang
henerasyon. Bakit? Dahil ba sa wala kang alam? Dahil ba sa hindi mo nasilayan ang
mga nangyari noong bago ka isinilang? Dahil ba hindi mo alam kung ano ang puso ng
isang may diwang makabayan? Dahil ba sa hindi mo alam ang hirap na dinanas ng
ating mga ninuno para lamang maipagpatuloy ang henerasyon na akala nila ay
magiging pundasyon ng isang solusyon ng mga taong hindi ANONG PAKE KO SA'YO
ang bukambibig kundi ang pagnanais na maialis ang buhay sa isang maliit na kahon
upang maging parte ng isang mas malaking misyon.

Malaking kahon, Oo! Kahon na kinukulong ka sa pamamahala ng gobyerno na


sumasabay lamang sa globalisasyon. Kahon na kinukulong ka sa maliit na pag-iisip
upang hindi ka na makialam sa mga ginagawa nilang aksyon.

Aksyon nga bang tunay? Kung ito'y aksyon, bakit hindi nila kayang hikayatin ang mga
organisasyon? Organisasyong binubuo ng mga kabataan.
Kabataang nais malaman ang tunay na kahulugan ng kasaysayan.
Kasaysayan na saligan ng diwang makabayan!

Anong pake ko sa'yo? Sa inyo? Sa kanila? Yan ba ay narinig mo na sa mga taong pinilit
na ipaglaban ka? Yan ba ay nabanggit ni minsan ng mga taong namatay para sa iyo?
Tulad ni Rizal, Bonifacio, at iba pang mga bayani na hindi hinayaang sumabay sa
pagtalsik ng kanilang dugo ang pagnanais ng pagbabago. Pagbabagong di mangyayari
kung hindi mo naman sisimulan sa sarili mo. Pagbabago na nagdudulot ng
kapayapaan, kalayaan, at kapanatagan ng loob. Pagbabago na mag-uungkat ng tunay
na kuwento at ng tunay na kahulugan ng totoong diwa ng kasaysayan. Ito ang
magmumulat sa mga mamamayan, sa pamahalaan, at sa komunidad na kung
KASAYSAYAN ang batayan ng pagiging Makabayan, bakit hindi natin subukan?

Subukang magkaroon ng pake sa paligid, subukang imbis na maghilahan pababa ay


magsama-sama para sa pagbabago. Pagbabago na siyang magbibigay kinang sa mga
problema ng bayang ito, sa mali ng kapaligiran, sa dumi ng bansa, at sa mantsa ng
kulturang kinagisnan. At kapag nangyari yan, kapani-paniwala na ang Kasaysayan ang
Saligan ng Diwang Makabayan.

Pagsusuri sa spoken poetry ni Y.A Macapagal, "ANONG PAKE KO SAYO?"

Ang akda ay isang halimbawa ng akda na may sining ng globalisasyon na


kung saan ang tao at maging ang mundo ay nagbabago dulot ng mga iba’t ibang salik
tulad na lamang kurapsyon, kahirapan at kawalan ng paki sa kapwa tao.

Kultural:

1. “Anong pake ko sa'yo? Eh nabubuhay lang naman ako para sa sarili


ko tulad ng isang buwaya na nabubuhay sa ilog na nais lamang na
maiangat ang sarili at ang nasa baba ay manatiling nasa ibaba.”

Nakapaloob sa bahaging ito ng spoken poetry na nakasanayan nan g mga


tao ang pagiging walang paki sa kapwa niya. Mas inuuna ng karamihan ang
kanilang sarili at ang kanilang ikabubuti bago ang iba. Ang ilan sa atin ay may
sariling diskarte sa buhay, ang ilan ang hihilahin ang kapwa o sila ang umangat
sa lipunang kinabibilangin. Ang pagiging makasarili ng tao ay siyang
napatunayan sa bahagi ng akdang sinuri.
2. “Yan ba? Yan ba ang bukambibig ng mga taong walang maipantig
dahil sa kanilang tindig pa lang alam mo nang nagbubulag-bulagan.
Oo, nagbubulag-bulagan! Sa mali ng kapaligiran, sa mali ng bayan,
sa mali ng bansa.”

Ang ilan sa atin ay mas pinili na lamang ang tumahimik at magbulag-


bulagan sa mga mali ng kanilang bayan, paligiran maging sa lipunang kanilang
kinabibilangan. Ipinahihiwatig sa bahagi ng akda na lahat tayo o ang ilan sa atin
ay nakapiring ang mata at tikom ang bibig sa katotohanan.

3. “Anong Pake ko sayo”


Ang saytasyon na ito ay nagpapahiwatig lamang ng kawalan ng mga tao
ng pakialam sa iba at “concern” na rin para sa kapwa.

Politikal:

1. “Malaking kahon, Oo! Kahon na kinukulong ka sa pamamahala ng


gobyerno na sumasabay lamang sa globalisasyon. Kahon na
kinukulong ka sa maliit na pag-iisip upang hindi ka na makialam sa
mga ginagawa nilang aksyon.”

Ipinapahiwatig sa akda ang kawalan ng kalayaan ng msga tao. Hawak ng


mga politiko ang mga tao sa leeg at hawak naman ng globalisasyon ang takbo
ng ating bansa. Ang pagiging sakim ng mga tao sa kapangyarihan at kayamanan
lalong lalo na sa mga taong nasa mataas na posisyon sa gobyerno.

Ekonomiya:

1. “Eh nabubuhay lang naman ako para sa sarili ko tulad ng isang


buwaya na nabubuhay sa ilog na nais lamang na maiangat ang
sarili at ang nasa baba ay manatiling nasa ibaba.”

Ipinapahayag sa bahagi ng akda na sa ating lipunang kinabibilangan na


ang mga mahihirap ay lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay lalong
yumayaman. Ang mga mahihirap ay lalong nasasadlak sa putik ng kahirapan
dahil sa mga buwaya ng lipunan. Kung susuriing mabuti, ang tinutukoy na
buwaya ng lipunan ay ang mga tiwaling pamahalaan, kurakot na gobyerno at
mga kaliwa’t kanang kurapsyon ginagawa ng mga politiko.

Modernong Reaksyon:

1. “Anong pake ko sayo”

Ito ang madalas na maririnig na reaksyon mula sa mga taong ang iniisip
ay ang sariling interes at sariling kapakanan, mga sakim na tao at walang awa
para sa kapwa.

“Ang Bagsik Ng Pera”

Tawa’t Tula ni Joe Cabrera

Sa buhay ang pera, sobrang mahalaga

Kay dami ng bagay, na nagagawa nya

Una nga lang ang Dios, sya na'ng pangalawa

Na sa buong mundo, ay kinikilala

Maraming milagrong, nagagawa ito

Pang ligtas ng buhay, ay isa na rito


Syang nag-papakilos, dito sa buong mundo

Sadyang kailangan, ng lahat ng tao

Mayron akong kwento, tungkol dyan sa pera

Na kung pano'ng kanyang, bagsik na talaga

Usapan po ito, nang anak at ina

Na pawang "ngo-ngo" po, na sa "phone" po sila

H’wag sanang magalit, mga "ngo-ngo" sa 'kin

Hindi ko po nais, na sila'y biruin

'Yay talaga ng Dios, alam nila't nadn

"All my 'hair-lip* friends know, how deep 1 feel for them"

Itong inang "hair-lip", nasa Pilipinas

Nag "long distanee" siya, dyan sa Encinitas

Sa bunso po niya, na si Felicitas

Ang trabaho po nya, ay bilang isang nurse

"Nunungan mo ‘ami (tulungan mo kami), Mely ang wika nya

Mu'ay namin nito (buhay namin dito), inap na inap na (hirap na hirap na)

La'at ng mili’in (lahat ng bilihin), Somrang ma’al manga (sobrang mahal baga)

Madala ka naman (padala ka naman), ng ‘ondi ang PERA (ng konti pang PERA)
Kung ano ang garil, nitong dila niya

Siyang pagka-linaw, pagdating sa PERA

Pagkat baka hindi, ma-intindihan sya

Pilit itinuwid, ang dila sa kwarta

Eto na ang sagot, ni Pelisa Madrid

Ngonting era inay (kaunting pera inay), mimingay ako ngid (bibigay ako gid)

Ang iling ko namang (ang hiling ko lamang), ag ayong mangalit (huwag kayong magalit)

'Ana naman ‘ayo (sana naman kayo), ay mag TIPID TIPID (note: ang linaw po ng Tipid).

Pagsusuri sa spoken poetry ni Joe Cabrera, “ Ang Bagsik Ng Pera”

Ang akda ay isang halimbawa ng akda na may “world class culte” na kung
saan ang mga Pilipino ay may malasakit sa kapwa lalong lalo na rin sa kanyang
pamilya.

Kultural:

Sa buhay ang pera, sobrang mahalaga


Kay dami ng bagay, na nagagawa nya
Una nga lang ang Dios, sya na'ng pangalawa
Na sa buong mundo, ay kinikilala

Ipinapahayag sa bahagi ng akda na kung saan nagiging panginoon nan g tao


ang pera. Kapag mayaman ka, ikaw ang sinasamba ng mga tao at kapag ikaw naman
ay mahirap, ikaw naman ang kanilang tinatapakan.

Maraming milagrong, nagagawa ito


Pang ligtas ng buhay, ay isa na rito
Syang nag-papakilos, dito sa buong mundo
Sadyang kailangan, ng lahat ng tao
Mapapatunayan sa bahaging ito ng akda na kung saan maraming naidudulot ang
pera sa tao. Marami rin itong nagagawa, masama man o mabuti.

Ngonting era inay (kaunting pera inay), mimingay ako ngid (bibigay ako gid)
Ang iling ko namang (ang hiling ko lamang), ag ayong mangalit (huwag kayong
magalit)
'Ana naman ‘ayo (sana naman kayo), ay mag TIPID TIPID (note: ang linaw po ng
Tipid)

Ipinapahayag sa bahagi ng akda ang nakasanayan ng mga Pilipino na kung


saan sila ay may kakayahang bumagay o makiayun sa agos ng panahon. Hindi rin
mawawala sa mga Pilipino ang pagiging reklamador at minsan ang pagkukwenta sa
mga bagay na kanilang nagawa o naitulong.

"Nunungan mo ‘ami (tulungan mo kami), Mely ang wika nya


Mu'ay namin nito (buhay namin dito), inap na inap na (hirap na hirap na)
La'at ng mili’in (lahat ng bilihin), Somrang ma’al manga (sobrang mahal baga)
Madala ka naman (padala ka naman), ng ‘ondi ang PERA (ng konti pang PERA)

Ipinapahayag sa bahagi ng akda na kultura na nating mga Pilipino ang


palaging paghingi ng mga magulang ng pera sa kanilang mga anak na may trabahong
maayos lalong lalo na sa mga magulang na walang ibang pagkakakitaan.

Politikal:

Maraming milagrong, nagagawa ito


Pang ligtas ng buhay, ay isa na rito
Syang nag-papakilos, dito sa buong mundo
Sadyang kailangan, ng lahat ng tao

Sa bahaging ito ng akda, ipinapahiwatig malaki ang nagagawa ng pera


lalong lalo na sa political na aspeto sapagkat nakagagawa ito ng maraming
melagro. Kadalasan sa mga tumatakbong politiko ay nananalo lamang dahil sa
kanilang pagbayad sa mga boto.

Sa buhay ang pera, sobrang mahalaga


Kay dami ng bagay, na nagagawa nya
Una nga lang ang Dios, sya na'ng pangalawa
Na sa buong mundo, ay kinikilala
Sa bahaging ito ng akda, ipinapahayag ang pagiging sunod-sunodran natin sa
mga politikong may maraming pera. Sila ang nagiging batas at ang boses ng bayan.
Ang ilan sa kanila ay nagiging Diyos ng mga taong nasuhulan. Hindi rin mawawala sa
mga politiko ang pangungurakot sa kaban sa bayan sapagkat malaking salapi ang
kanilang naaangkin at marami rin ang naaabot ng kanilang impluwensya dulat ng
salapi.

Ekonomiya:

Itong inang "hair-lip", nasa Pilipinas


Nag "long distanee" siya, dyan sa Encinitas
Sa bunso po niya, na si Felicitas
Ang trabaho po nya, ay bilang isang nurse

Makikita sa bahaging ito ng akda na kung saan, ang kawalan ng


mapagtatrabahuan ng mga nurse sa isang lugar o sa lugar na kanilang tinitirhan.
Mapapansin din ang kakulangan ng mga pribado at pampublikong ospital o senter sa
kanilang lugar na tinitirhan. Ipinapahayag din sa akda na ang pagtatrabaho bilang isang
nurse ay may malaking sahud (noon).

Modernong Reaksyon:

H’wag sanang magalit, mga "ngo-ngo" sa 'kin


Hindi ko po nais, na sila'y biruin
'Yay talaga ng Dios, alam nila't nadn
"All my 'hair-lip* friends know, how deep 1 feel for them "

Ipinapahayag sa bahaging ito ng akda na dahil sa modernong panahon kaya


nagbago at nahaluan na ang ating istruktura ng wika na siyang dahilan kung bakit
nagiging taglish kadalasan o pinagsamang tagalog at Ingles sa isang pahayag. Minsan
rin ay nagiging “jejemon” na tayo kung makapag-usap sa iba at kung sa larangan ng
pagbabaybay naman ay pawing mga mali at hindi angkop na baybay an gating
naisusulat.Sa pahayg na ito, ang manunulat ay mahihinuhang isang millennial na tao at
inaasahan rin niyang ang kanyang mga mambabasa ay mga kapwa millennial ding tao.

You might also like