You are on page 1of 20

MINDANAO

POLYTECHNIC COLLEGE
Makar Junction, Brgy. Labangal, General Santos City

Panitikang Panlipunan

MGA AKDANG HINGGIL SA SITWASYON


NG MGA PANGKAT MINORYA
at mga
KOMPILASIYON NG MGA MAIKLING
KWENTO HINGGIL SA KAHIRAPAN
Pangkat 5
Lider:

Rodriguez, Jayson B.

Mga Miyembro:

Alberastine, Nicole Louisse

Ortillano, Nicole

Dela pena, Melore Jane

Escobillo, Mariel Mae

Galaura, Ian Mark

1
Talaan ng nilalaman
I. Panimula

MGA AKDANG HINGGIL SA SITWASYON NG MGA


PANGKAT MINORYA
II. Tula
a. Katutubong atin

b. Unos ng pagsasamantala sa gasak ng mga magsasaka

III. Awit
a. Kastifun/ Pagtitipon (Blaan)

IV. Sanaysay
a. Panitikang Hinggil sa Sitwasyon ng Pangkat Minorya

V. Maikling kwento
a. Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Epiko ng Ifugao)

KOMPILASIYON NG MGA MAIKLING KWENTO


HINGGIL SA KAHIRAPAN
VI. Pipay: Ang baklang di nawawalan ng pag-asa sa buhay
Gawa ni: JAYSON B. RODRIGUEZ

VII. Hanggang kalian ako mahirap?


Gawa ni: NICOLE LOUISSE ALBERASTINE

VIII. Nakakahong pangarap ni Aya


Gawa ni: NICOLE ORTILLANO

IX. Ang buhay ni Anna


Gawa ni: MARIEL MAE ESCOBILLO

X. Batang Gensan

Gawa ni: MELORE JANE DELA PENA

XI. Ang Buhay ni Mang Thomas

Gawa ni: IAN MARK GALAURA

2
Panimula

Sa kompilasiyon na ito ay makakabasa tayo ng iba’t ibang mga akdang


pampanitikan na nakasentro saating mga kapatid na minorya o mga indigenous
people (IP). Pinapakita ng kompilasiyon ang makukulay at mayaman na kultura ng
mga pangkat minorya. Naisama rin dito ang ilan sa mga problema o isyu na
kinahaharap ng ating mga kapatid.

Mayroong mga halimbawa ng mga tulang tumutukoy at nagpapakita ng kultura ng


ating mga kapatid at meron ding tulang ang pokus ay mga isyu na kinahaharap ng
ating mga kapatid na minorya. Nakapaloob din dito ang isang halimbawa ng awitin
mula sa mga kapatid nating Blaan. Awiting nagsasabing itigil na ang away at sa
halip ay magtipon tipon.

Isinama na rin namin sa kompilasiyon na ito ang isang halimbawa ng sanaysay na


tungkol sa mga minorya. Mayroon ding maikling kwento o epiko mula naman sa
Ifugao.

Iba’t ibang mga akdain may tula, awitin, sanaysay at maikling kwento ngunit
iisang pokus lamang ang pinakikita ng mga ito at yun ay ang ating mga kapatid na
mga pangkat minorya.

Nakapalood din sa kompilasiyon na ito ang iba’t ibang maikling kwentong hinggil
naman sa kahirapan. Ang bawat kwentong nakapaloob ay gawa ng mga estudyante
ng Bachelor of Science in Hospitality Management na nagmula pa sa paaralan ng
Mindanao Polytechnic College. Ang mga maikling kwentong ito ay magsisilbing
performance task ng mga estudyante na magiginng malaking parte ng kanilang
grado.

Ang mga maikling kwento ay hinggil sa kahirapan. Kaya mababasa dito ang iba’t
ibang klase ng kahirapan. Iba’t ibang mga problema, saya at iba’t ibang mga
karanasan ngunit lahat ay may pagkakatulad at ito ay ang kahirapan.

3
Mga Akdang Hinggil
sa Sitwasyon ng mga
Pangkat Minorya

4
Tula
Katutubong Atin

Itong Lahing Kayumanggi sang-ayon sa kasaysayan,


May sarili, katutubo at mayamang kalinangan;
Pinagpala't dinakila, pinagtanggol sa dayuhan
Nitong mga Pilipinong bayani ng ating bayan.

Isang paham ang nagwika at matatag na tinuran:


"Ang kultura ay bahagi nitong mga mamamayan,
Nagsisilbing isang moog at bantayog na may dangal,
Nararapat na mahalin at sa puso ay itanghal."

Kalinanga'y pagyamanin sa isipan at damdamin,


Sa dula at katutubong mga sayaw at awitin;
Lagi sanang tatandaan at sa diwa ay itanim,
Ang kultura'y isang hiyas... kayamanang ituturing.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-tula/katutubong-atin/?
fbclid=IwAR36Oxganzf7si_fJG3ijWgj_afyegdBnTEZyANrrzRy7TiSf7
h6yCfJsFw

inas ani: Nicole Louisse Alberastine

5
Tula
Unos ng pagsasamantala sa Gasak ng mga magsasaka

https://daluyong.wordpress.com/2011/05/17/unos-ng-pagsasamantala-
sa-gasak-ng-mga-magsasakaa/

Pinasa ni: Melore Jane Dela pena

6
Awit
Kastifun/Pagtitipon (Blaan)
Blaan Tagalog
Gel guh salek ti kalbong Lagi kong tanong, gaano karami
Tubed Blaan di banwe
Lahing Blaan sa aming bayan.
Git lite guh samfo yo gamo
Guh samfo guroh Anuman ang dugong pinagmulan

Deen to baling suteh Ay pinagmulan ko rin.


Nawa di banwe
Kelen tu ron kafnge
Kastifun kasalye Blaan Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?

Kelen kafnge lite Ablaan


Maloh di banwe
Afnaloh labeh Kailan magkakaroon ng pagtitipon
Afnaloh tase kastulen para sa pagkakaisa ng mga Blaan?

Kelen kastifun Kailan matatapos ang pagdanak ng dugong


Am e lite Blaan
Kamom ti baling sakla dalan Blaan sa bawat tinutunguhang bayan?
Beg ato stabeng di kafnge banwe Maraming matatapang,

Neng ato baling saha kiyeh Maraming masasamang salita.


Don to baling suteh
Nawa di banwe
Kailan magkakaisa ang dugong Blaan?
Kelen kafnge
Tu ron kastifun Bakit tila iba-iba ang tinatahak nating daan?
Kasafye Blaan
Magtulungan tayo sa ikauunlad ng bayan.
Kelen kafnge lite Blaan Itigil na natin ang pag-aaway.
Maloh di banwe
afnaloh labeh
Afnaloh tase kastulen
Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?
Kelen kastifun
Am e lite Blaan
Kamom di baling sakla dalan Kailan magkakaroon ng pagtitipon
Beg ato stabeng woohh..
para sa pagkakaisa ng mga Blaan?
Di kafye banwe
Kailan matatapos ang pagdanak ng dugong
Neng ato baling saha kiyeh
Kelen kastifun am e lite Blaan Blaan sa bawat tinutunguhang bayan?
Kamom ti baling sakla dalan
Maraming matatapang,
Beg ato stabeng woohh..
Maraming masasamang salita.
Di kafye banwe
Neng ato baling sahal kiyeh
Kelen kastifun am e lite Blaan
Kailan magkakaisa ang dugong Blaan?
Kamom te baling sakla dalan
Bakit tila iba-iba ang tinatahak nating daan?
Beng ato stabeng
Di kafye banwe
Neng ato baling sahal kiyeh

https://www.youtube.com/watch?v=RZZHMslhgDA

Pinasa ni: Ian Mark Galaura

7
Sanaysay

PANITIKANG HINGGIL SA SITWASYON NG


PANGKAT MINORYA
(KATUTUBO)
Ang pangkat minorya ay tungkol sa mga katutubo ang Pilipinas ay may
iba’t ibang mga tribu at pamayanan sa bawat bahagi nito. Bawat isa ay
may kanya-kanyang dayalekto, bawat isa ay may kanya-kanyang
kaugalian at tradisyon. At sa kabila ng daang taong pananakop ng mga
banyaga, Kastila, Amerikano, o Hapon man, marami ang naniniwala na
tila hindi pa din nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng iisang
tunay na pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.Subalit hindi maitatanggi
na tayong mga Pilipino ay isa ng dakilang lahi na may sariling kultura
libong taon na bago pa man dumating ang mga mananakop. Sa
katunayan, nasa mga tribung Pilipino, nasa mga katutubong pamayanan,
nasa Indigenous Peoples o IP ang kultura at pagkakilanlan na yan! Sila
ang tinatawag na First Peoples, mga unang pamayanan, kung saan
umuugat ang kultura at identidad ng Pilipino. Nasa Katutubo ang ugat
ng lahing Pilipino.
Kung kaya’t mahalaga ang pagsulong ng mga hakbang na tutulong na
kilalanin ang kulturang likas sa bawat isa sa kanila. Ito ang diwang nais
nilang makamit sa pamamagitan ng IP Education o IPED.Nais ipahatid
na kaisa nila ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd hindi lamang sa
pagpapalawig ng mas maayos na serbisyo pagdating sa edukasyon para
sa mga pamayanang katutubo, ngunit pati na ang higit pang pagkilala sa
mayaman at makulay na kasarinlan ng bawat pamayanan.Ngunit
maliban dito, isa sa mga pangunahing hakbang na nais tahakin ng
Kalihim ang kanyang masidhing paniniwala na mahalaga ang pagkilala
sa kanya-kanyang kultura’t kasarinlan upang mas maisulong ang
pagbabagong hangad nilang lahat. Ang paglinang sa katutubong kultura
sa kanilang sistemang pang edukasyon, kabilang na ang paggamit ng
katutubong dayalekto at mga tradisyon, ay nagpapakita ng mas malawak
na pang-unawa sa yamang tao na mayroon sa bayan.

Pinasa ni: Mariel Mae Escobillo


8
Maikling Kwento
Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Epiko ng Ifugao)
Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa
ugali, at sa pananampalataya.

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon,


isang mandirigma sa nayon ng Hannanga sa Ifugao. Siya ay mabilis at
magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring
mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong
ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang
matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya
ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga
bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang
trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya
ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang
kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit


ng buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga
mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa
inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Antalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at


kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang
maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay
Pangaiwan na taga-Daligdigan. Nang handang-handa na si Aliguyon,
nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila
ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi
si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma,
tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban
upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa


magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.
9
Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung
tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang
kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat
na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging


nito at nagmistulang awit sa hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang


humahanging sibat. “Saksakin mo siya, Dinoyagan!”
Sasawayin sila ng binata, “Kasinggaling ko siya sa labanang ito.”

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot


ng linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat
ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang


simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang
huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang
natalo.

Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng


pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si
Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang
alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat.

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang


mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang
maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon na si
Aginaya. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay
nang maligaya. Doon lumaki ang kani-kanilang mga supling.

10
Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong
kasiyahanng pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung
sila’y sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din
sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang
maririkit na agila.

Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga


tao tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng
mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan.
Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang
kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso
at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma.
Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang
pamana ng mga dakilang mandirigma.

https://pinoycollection.com/epiko-ni-aliguyon/

Pinasa ni: Nicole Ortillano

11
Mga Maikling Kwento
Hinggil sa Kahirapan

12
Pipay: Ang baklang di nawawalan ng pag-asa sa buhay
Gawa ni: JAYSON B. RORIDGUEZ
Sa lungsod ng heneral santos, nakatira ang isang baklang puno ng pangarap sa buhay. Ang pangalan ay
Pipay pinaikli ng Princess Ina Penelope Anne Yambao. Pambabae ang pangalan nito dahil sa ina nitong
gustong gusto magka anak ng babae ngunit hindi naman binigyan. Nang dahil sa pambabae pangalan ay
naging target ng panunukso at pambubully si Pipay.

Mahirap lamang sila Pipay kaya sa murang edad kinailangan niyang huminto sa pag aaral at maghanap ng
trabaho. Namatay kasi ang ina nito na siyang bumubuhay sa kanilang pamilya. Pinasok niya na ang
pagiging Tutor, Janitor, staff sa restawran, dishwasher at kung ano ano pa. Ang ama nito’y sugarol at
abusado. Araw araw ay bugbog ang abot niya sa ama dahil sa kasarian nito. Binubugbog si Pipay kapag
di niya nabigyan ng perang pangsugal ang ama kaya napilitan itong akuin ang tungkuling buhayin ang
kanilang pamilya.

“Bakla” “salot sa lipunan” “walang kwenta” “malandi” ilan lamang yan sa mga katagang natanggap ni
Pipay sa kaniyang ama. Pagpapahiya sa publiko at pananakit ay natamo niya na din sa sariling ama.
Ngunit kahit kelan ay di naisip ni Pipay na lumaban at iwan ang ama nito. Tanging hagulhol lamang ang
naging tugon nito dahil sa mahal na mahal ni Pipay ang kaniyang ama at siya nalang ang natitirang
pamilya nito.

Isang araw habang papasok si Pipay sa kaniyang pangalawang trabaho napadaan ito sa isang masikip na
iskinita. Napansin niyang may mga lalakeng binubogbog at pinagtutulungan ang isang lalake. Hindi nag
dalawang isip si Pipay na tulungan ito sapagkat ang turo ng ina nito’y kapag nangangailangan ng tulong
ang isang tao ay tulungan mo. Alam ni Pipay na wala siyang kalaban laban sa mga taong ito kaya nag isip
ito ng paraan para makatulong.

Weeeee woooo weeee woooo tunog ng wang wang mula speaker na dala dala ni Pipay. Dahil dito
nataranta ang mga lalake at iniwan ang walang malay na lalakeng nakabulagta sa lapag. Mabilis niya
itong nilapitan at tinulungan. Dinala ni Pipay ang lalake sa pinaka malapit na ospital.

Matangos na ilong, mahahabang pilik mata, at mapupulang mga labi ang kinis pa ng mukha! ang perfect
Sana ol isip isip ni Pipay habang nakatitig sa gwapong lalake na nakahiga sa harap niya. Bigla namang
bumukas ang mga mata nito at sinabing

Tapos ka na bang titgan mukha ko? Matutunaw na ako dito oh

Ha.. ha? Namumulang sabi ni Pipay, di kita tinititigan ah! Kapal ng mukha neto natatarantang sabi ni
Pipay habang ngumingisi lang naman ang lalake.

Gising ka na pala, tawagin ko lang yung mga nurse. Mabilis na sabi ni Pipay habang papaalis sa kwarto.
Grabe ang kabog ng dibdib ni Pipay pagkalabas ng silid. Ang laki mong pokpok pipay yan tuloy nahuli ka
pang nakatitig. isip isip nito habang papunta sa counter para tawagin ang mga nurse.

Salamat nga pala sa pagtulong saakin ha buti nalang dumating ka baka napatay na ako kung wala ka,
biglang sabi ng lalake pagkaalis ng mga nurse

Ahhh wala yon, di naman pwedeng pabayaan lang kita don habang binubugbog ka nila. Sabi naman ni
Pipay

By the way I’m Joshua Collins. Sabay lahad ng kamay kay Pipay

I’m Pipay ngiting sabi nito habang inaabot ang kamay ng lalake.

Mabilis na lumipas ang oras sa buhay ni Pipay araw araw pinag sasabay niya ang pagtatrabaho service
crew sa isang restaurant sa umaga at part time worker naman sa isang convenience store sa gabi. Halos
walang pahinga si Pipay gising ito mula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng madaling araw,
kinakailangan niya pang gumising ng maaga upang maglinis ng bahay at mag luto ng almusal. Dahil sa
kaniyang sitwasiyon ay di na niya naalagaan ang kaniyang kalusugan. Isang umaga nagising si Pipay na
masama ang pakiramdam, siya medyo nahihilo pero sinikap parin nitong pumasok sa trabaho.

Oh my gosh! Alam mo ba kung magkano tong damit ko? Mas mahal pa to sa buhay mo Dior yan oh Dior
alam mo ba yon? Bulyaw ng isang mayamang customer sa restaurant na pinag tatrabahuan nito. Ang
tanga tanga mo naman! Ngayon pa talaga at may pupuntahan pa ako. Di mo ba ako kilala ha? Saan ang
manager niyo dito? Patuloy na pag eeskandalo ng babae

mabilis namang lumapit ang manager ng restaurant nagulantang sa nadatnan nito.

Pasensya napo maam Maris baguhan lang po kasi si Pipay kakapasok niya lang po nitong nakaraang
buwan. Pagpapaliwanag ng manager

13
Ahhh kaya pala mukhang di niya ako kilala! Dahil diyan your fired! Bulyaw ng mayari ng restaurant.

Ma’am? Sorry po talaga di ko po alam ma’am baka naman po wag niyo po akong tanggalin kailangang
kailangan ko po talaga ang trabahong ito. naiiyak na sabi ni Pipay habang nakayuko.

My decision is final kung di ka ba naman tatanga tanga! Simula bukas ayaw ko nang makita ang
pagmumukha mo dito! sabi naman ng malditang may ari.

Naluluhang umalis si Pipay sa restaurant. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga pangyayari.
Ngunit hindi ito nawalan ng pag asa at nagpatuloy na lamang papunta sa ikalawang trabaho. Wag kang
mag alala pipay makakahanap ka pa ng bagong trabaho pagpapagaan nitong sabi sa sarili.

Pipay wag ka munang papasok sa may bodega ha may pumutok kasi yung plangka kanina baka mapano
ka don sabi ng kasamahan nito sa trabaho. Ahh sige po kuya jun salamat sa paalala. Habang nag hahanay
ng paninda si Pipay ay para bang pinag papawisan siya at nakaka amoy siya ng mabaho parang may
nasusunog.

Kuya may naamoy ka ba? Parang mabaho?

Ha? Wala naman baka bunganga mo lang Pipay, natatawang sabat ng kasamahan nito.

Hindi nga kuya parang amoy sunog! Ha? Oo nga no?

Huli na ng malaman nila Pipay na nasusunog na pala ang bodega ng tindahan na pinagtatrabahuan niya.
Malaki na ang apoy kaya di na nila naagapan ang apoy. Walang nasaktan sa sunog na naganap pero dahil
dito ay nawalan na naman ng trabaho si Pipay.

Hahaha pinag lalaruan ata ako ng tadhana eh! Naluluhang sabi nito. Una sa restaurant ngyon eto na
naman. Pano na kami kakain nito eh ako lang inaasahan sa bahay? Panginoon andiyan ka pa ba? Tulong
naman oh. Gusto ko lang naman po maging masaya masama po ba iyon? Umiiyak na panalangin ni Pipay
bago makatulog ng may mga luha sa mga mata

Umaga pa nagising si Pipay para mag handa sa paghahanap ng trabaho. Tulog pa ang ama nito sapagkat
lasing na naman ito kagabi. Mga kapatid naman nito ay maaga pang pumasok sa eskwela. Nalulungkot na
naman si Pipay at di parin makapaniwala sa mga pangyayari kahapon.

Pipay, Pipay pagsubok lang to walang wala pa ito sa mga naranasan mo noun, pagpapagaan nitong sabi sa
sarili. Kaya mo to Pipay laban lang tayo sa buhay, wag tatamad tamad Fightiiiiiing sabi pa nito sa sarili
habang naghahanda para maghanap na naman ng trabaho. Habang nag aayos ng mga papeles ay may
nahulog na papel. Nang madampot ni Pipay ang papel ay parang nabuhayan ito ng loob. Galing ang papel
na ito kay Joshua isa itong business card at tawagan niya lamang daw ang mga numero sa papel kung
kailangan niya ng tulong.

Si Joshua ay isa pa lang CEO ng isang malaking kompanya. Nag lalakad lakad siya nung araw na yon at
bigla nalang itong pinagbubugbog at ninakawan ng mga lalakeng yon. Laking pasalamat nito kay Pipay
sa pag tulong nito sakanya kaya’t hindi ito nag dalawang isip na tulungan din si Pipay pabalik. Kahit di
nakapagtapos ng kolehiyo si Pipay ay binigyan siya ni Joshua ng trabaho sa kaniyang kompanya. Kinuha
siya nitong maging sekretarya na naging dahilan ng pagiging malapit ng dalawa.

Nagising si Pipay sa bango ng piniritong bacon lumabas siya sa kwarto at sinundan kung saan nang
galling ang amoy. “Bonjour mon Amour” sambit ni Pipay habang niyayakap ang topless na nobyo mula
sa likod. Nilingon siya nito at hinalikan sa mga labi. Nakakapa ni Pipay ang six-packs abs ng nobyo.
Hmmmm parang gusto ko ng pandesal at bacon sa almusal. Pa joke na sabi ni Pipay.

Hahahah Good morning baby! Don’t worry pandesal and bacon with lots of love for Pipay coming right
up. Pagsakay naman ng nobyong si Joshua.

Mabilis na lumipas ang panahon sa buhay ni Pipay. Mag tatatlong taon na silang magkarelasyon ni
Joshua. Nasa Paris, France ang dalawa para sa honeymoon ng kanilang kasal. Legal sa France ang same-
sex marriage kaya duon nilang naisipan magpakasal. Gumanda ang estado ng buhay ni Pipay simula ng
makilala niya si Joshua.

Natupad na ni Pipay na bigyan ng mgandang buhay ang kaniyang pamilya. Nakapagpundar na siya ng
bahay para sa kaniyang ama at mga kapatid. Siya den ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Ang kaniyang
ama naman ay nag tatrabaho na, nagbago na ito at hindi na sugarol.

Sa buhay hindi lang puro saya, dadating at dadating talaga ang problema. Sa pag dating nito, kailangan
mo itong harapin. Madapa ka man sa daan, bumangon ka lang at magpatuloy. Huwag na huwag kang
susuko at huwag kang mawalan ng pag asa dahil sa huli ang lahat ng ito ay mapapalitan din ng saya at
sobra sobrang biyaya.

14
Hanggang Kailan Ako Mahirap?
Gawa ni: NICOLE LOUISSE ALBERASTINE

Kakatapos lang kumain ni Jenny, anak kong babae. Agad siyang lumapit at yumakap ng mahigpit saakin.
"Salamat sa masarap na hapunan, nay. Siguro't bumabawi ka sapagkat minsanan ka nalang umuwi dito
satin at lagi nalang kami ni Kuya ang naiiwan.", ani niya.

Bagama't otso anyos palang ay magaling nang makipag-usap sa matanda itong anak kong babae,
kasalungat ng sampung taong gulang kong anak na napakamahiyaing Kuyang si Jerry.

Agad kong kinuha ang photo album sapagkat alam kong nais na naman nilang marinig ang mga kwento
ko sa bawat larawan. Agad kong binuksan ang libro at hinawi ang bawat pahina hanggang sa makita ko
ang litrato ko kasama ang aking tatlong pinakamatalik na Kaibigan.

Sa panahong iyon ay natitiyak kong namimiss ko sila. Tila ako'y nilipad ng panahon sa nakaraan at dati.

"Malapit na graduation natin, saan niyo balak mag Kolehiyo?", tanong ni Martin. "Basta ako mag-aaral
ako isang Unibersidad, magiging scholar ako ng bayan, magiging tanyag akong Director."

"Ako naman, sa UP. Sa future magiging isa akong politiko. Pagsisilbihan ko ang bayan ng buong puso.",
sampit ni Hosing.

"Kumakati na ang kamay ko mga kapatid, paparating na ang pera sapagkat ako'y magiging isang tanyag
na business man. Antayin moko UP!", sigaw ni Carlos. "Eh ikaw ba Jessy?"

"Pulis. Pangarap kong maging pulis." Hindi hinanap ng aking mga mata ng kanilang reaksyon at nanatili
lang nakatingin sa ilalim habang naglalakad. "Ngunit alam nyo namang imposibleng makapag-aral pa ako
ng Kolehiyo. Wala na si tatay, Si nanay ay may sakit at ako nalang ang inaasahang kumayod para
saaming pamilya. Kung hindi, wala kaming kakainin."

Tumigil sila sa paglalakad at niyakap ako. "Hayaan mo Jessy at kapag kaming tatlo ay nakapagtapos ikaw
na naman ang pag-aaralin namin. Para saan pat tayong apat ay matalik na magkakaibigan, lalo pat ikaw
lang ang nag-iisang baby girl namin. At kahit pa nag-aaral na kami sa UP eh hinding hindi ka namin
makakalimutan ", ani Hosing.

Mangiyak-iyak akong yumakap sakanila at nagpasalamat. Tinahan nila ako at nilabas ang pinky fingers
upang sumelyo ng pangako.

"Pangako yan. Pangako ng Director, ng Politiko at Businessman mong Kaibigan, Jessy."

Madami nang nangyari simula ng araw na uyon. Nakapagtrabaho nako bilang waitress sa fast food chains,
taga masahe sa massage centers, kahit sa club. Mag dadalawampung taon nadin ang lumipas mula ng huli
ko silang nakita. Ganon siguro talaga ang buhay ng mga tanyag na degree holders bilang scholar ng
bayan. Balita ko si Martin ay Director na sa isang tanyag na stasyon, si Hosing ay isa nang politiko at
naghahatid ng pampublikong serbisyo habang si Carlos ay namamalakad na ng sarili nyang kumpanya.

Purong tuwa ang nilalaman ng puso ko sapagka't naabot nila ang kanilang mga pangarap. Lagi ko silang
tinatawagan ngunit paminsan minsan ay secretarya lang ang sumasagot at kung hindi ay puno daw ang

15
schedule nila. Palagi akong naghihintay ng text kung kailan nila gustong makipagkita at
makipagkwentuhan ngunit wala akong natatanggap.

Maluluha na ang aking mga mata nang muli akong lumingon saaking mga anak.

"Ayan kana naman nay. Umiiyak ka na naman dahil Miss mo sina Tito Martin, Hosing at Carlos.", sampit
ni Jenny habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Namimiss lang ni nanay ang mga kaibigan nya, nak. Napapagod na ako sa buhay at gusto ko lang sana
silang makausap man lang.", tugon ko saaking mga anak.

Tahimik lang na nakikinig si Jerry at tila may gustong sabihin sa akin.

"Tinutukso nila kami, Nay. Nang mga ibang bata rito. Magkaiba raw ang tatay namin.", sampit ng aking
anak na si Jeffrey.

"Hayaan nyo't ipapa balita natin iyang mga batang iyan ke Tito Martin. Isusumbong natin kay Tito
Hosing at di natin bibigyan ng mga produkto ni Tito Carlos nyo mga anak."

"Eh kailan po ba namin sila makikita, Nay. Ang tangal napo nilang nakatambay lang sa isipan namin.
Gusto napo namin ng detalyadong mukha.", pangungulit ni Jenny.

"Sa susunod anak. Kapag meron na silang oras, makikilala nyo di sila. Oh siya, aalis na ang nanay at may
kailangan pa akong gawin para pag balik ko sa makalawa eh may mas masarap ulam.", paalam ko saaking
mga anak.

Lumabas ako ng bahay dala ang aking tote bag. Nagpadala ulit ako ng mensahe saking tatlong matalik na
kaibigan.

"Gusto na kayong makilala ng mga anak ko. Takits naman sa susunod."

Malapit nang pumatak ang alas onse at nakarating na ako saaking kailangan puntahan. Nag antay ako sa
isang madilim na kalyeng sinabi ng aking kailangang hatiran. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag.
Lumingon lingon ako sa paligid upang masiguradong hindi ako nasundan.

Dumating ang lalaking naka sumbrero at nagsindi ng yosi saaking harapan. Dinukot ko ang bag upang
ibigay ang isang maliit na paketeng libo-libo ang presyuhan. Paglingon ko sa kliyente ay pangarap ko na
ang nasa aking harapan. Di na ako nakagalaw.

Hanggang dito nalang siguro ang aking kahirapan. Pinikit ko ang aking mga mata at inisip ang aking mga
anak. Sana'y kahit sa kanila nalang tuparin ang mga pangako ng aking matatalik na mga kaibigan.

Pinutok ang baril at dahan dahang wala na akong maramdaman. Ito na. Hanggang dito nalang ang aking
kahirapan.

16
“Nakakahong Pangarap ni Aya”
Gawa ni: NICOLE ORTILLANO

Sa Pook ng Maynila may isang Dalagitang nag ngangalang Aya. Siya ay may bunsong kapatid at
bata palang sila ay nasa puder na sila nang kanyang lola. Maagang pumanaw ang kanyang mga
magulang sa kadahilanang nasangkot ito sa isang trahedya, labis na nasaktan si Aya sa
pangyayaring yaon na kapag naaalala niya ang pangyayari ay maiiyak nalang siya. Sa murang
edad ay namulat na siya sa hirap nang buhay. Nag tatrabaho siya sa umaga at nag aaral sa gabi
upang makatulong sa kanyang lola at upang may mapang tustos sa pag-aaral niya at ng kanyang
bunsong kapatid. Si Aya ay may matayog na pangarap gusto niyang maging istuward pag dating
nang araw kaya’t labis nalang ang kanyang pagpupursigi upang siya ay makapag tapos nang pag-
aaral.

Ngunit isang araw, dumating ang isang dagok na pangyayari sa buhay ni Aya, pumanaw ang
kanyang lola nang dahil sa katandaan. Labis ang hinagpis ni Aya dahil sa ikalawang pagkakataon
ay napag iwanan nanaman siya nang taong katuwang at Karamay niya sa hirap nang buhay.
Tanging si Aya nalang at ang kanyang bunsong kapatid ang natitirang lumalaban sa buhay.

Makalipas ang ilang buwan ay unti unti nang nararamdaman ni Aya na


kulang na ang kanyang sweldo para sa pagkain at pang tuition nila nang kanyang bunsong
kapatid. Dumadating din sa oras na nalilipasan na sila ng gutom. Kaya habang makikita niya ang
kanyang kapatid na nahihirapan ay nasasaktan siya. Bilang siya ang nakakatanda, napag
desisyunan niyang isantabi muna ang pag-aaral at sa halip ay mag trabaho nalang at pag tuonan
nalang nang pansin ang kanyang bunsong kapatid. Kaya tumigil nalang muna siya sa pag-aaral at
mag trabaho nalang.

Lumipas ang ilang mga taong paghihirap ni Aya, Ilang buwan nalang ang lalakbayin para
sa itinakdang pagtatapos ni Ana sa kolehiyo, ang akala niyay magbubunga na lahat ng paghihirap
niya at pwede na siyang makapag aral ulit upang sa gayon ay matupad niya na ang kanyang
matagal na pinapangarap. Ngunit habang siyay masayang umuwi may Nakita siyang isang
magandang damit, at sabi niya sa sarili. “Ang ganda nito! Tiyak ay bagay ito kay Ana total
malapit na rin naman ang kanilang graduation, ay reregaluhan ko siya neto.” Ngunit ang hindi
niya alam ay may masamang balita nanaman siyang kakaharapin. Pag dating niya sa kanilang
bahay Nakita niya si Ana na kinakabahan na para bang konting konti nalang ay maiiyak na.
“Anong problema Ana?” punong puno nang pag-aalalang tanong ni Aya sa bunsong kapatid.
“Ate may sasabihin po ako sa inyo, wag ka po sanang magagalit ha.” Aniya ni Ana. “Ano ba
iyun Ana?” pagtatakang tanong ni Aya. “Buntis po ako ate at hindi napo ako makakapag
graduate” hagulhul na sabi ni Ana. Walang nasagot si Aya at dahan dahan pang pino prosesyo sa
kanyang utak ang mga pangyayari. Klase klaseng pakiramdan ang nararamdaman ni Aya. Hindi
niya alam kung magagalit ba siya dito o maaawa dahil sa sitwasyong mayroon ang kanyang
kapatid, at ang masakpal pa dito ay hindi ito pinanagutan. Labis ang kalungkutang
nararamdaman ni Aya. Kahit alam niya isa itong biyaya ng panginoon pero hindi niya parin
lubos maisip na mangyayari ito sa kanila.

Nawawalan na nang pag asa si Aya na tuparin ang kanyang mga pangarap. Dahil alam
niya walang ibang tatakbuhan ang kanyang kapatid kundi siya at siya lang. Isang araw napadaan
si Aya sa puntod nang kanyang mga magulang at nang kanyang lola kinuwento niya dito ang
mga pangyayari sa kanilang buhay. Habang siya ay umiiyak bigla niyang natanong sa kanyang
sarili “ Mananatili nalang bang nakakahon ang aking mga pangarap?”

17
Ang buhay ni Anna
Gawa ni: MARIEL MAE ESCOBILLO

Ang kwentong Ito ay tungkol sa buhay ni Anna sya Ang panganay na sa dalawa nyang kapatid
na sina Sarah at Don. Si anna ay may busilak na puso at punong-puno ng mga pangarap sa
buhay. Ang pamilya ni Anna ay napakasaya, may problema mang kinakaharap ay naayos Ito
kaagad. Ang pamumuhay ng ama at ina ni Anna ay nagbibinta Ito ng isda sa palingke walang
iniinda si Anna sa pag aaral nya sa kolehiyo dahil suportado Ito nang kanyang ama at ina.
Maayos Ang buhay ng pamilya ni Anna dahil sa kasipagan nga nang kanyang mga magulang
kahit na anong hilingin nya ay agad- agad itong nabibigay.

Subalit dumating ang hindi inaasahang Pangyayari sa magulang nya nagkaroon ng trayedya ,Ang
kanyang ama at ina pumanaw sa kadahilanang nabangga nito ng sasakyan habang nag mamaniho
din Ito nang sasakyan na maghahatid Lang nang mga isda sa palingke. Masakit ito Kay Anna
hindi nya alam Ang kanyang gagawin kundi ang umiyak ng umiyak hanggang natanggap na Ito
ng lubosan . Nag desisyon Ang mag kapatid na doon sila titira sa kapatid ng ama ni anna
tinanggap naman sila subalit habang paubos Ang perang naiwan ng kanyang ama at ina ay iba na
Ang trato nito sa kanilang magkakapatid. Hanggang sa nag desisyon nalang umalis Ang
magkapatid . “Ante uuwi nalang kami saamin”. Sabi naman nito ni Anna. “ Mas mabuti pang
umalis nalang kayo dito napakahirap nang buhay namin dito Wala na kaming ipapakain sa
inyong tatlo” Naka tulala si Anna sa sinabi nang kanyang ante na akala nya pipigilan ngunit
Hindi pala. Masakit kay Anna kaya’t naalala naman nito ang ama at ina nya Ang kanyang
magagawa ay umiyak nalamang upang mailabas Ang sama na loob.

Hanggang sya nalamang ang nagsislbing ama at ina sa dalawa nya kapatid, may mga pera man
sila ngunit hindi Ito sapat sapang araw araw nila napag isipan na lamang ni Anna natumigil na
lamang sya sa kanyang pag aaral mairaos nya ang kanyang dalawang kapatid. Habang nag uusap
sila ni sarah Ito Yung pangalawa nyang kapatid “ Ate Kung hihinto nalang din kaya ako”? Sabi
ni sarah sa kanya. “ Kapatid ko hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo may awa rin Ang
diyos basta't maniwala Lang tayo sa kanyang dahil ang bawat pagsubok ay may kaginhawaan
kung Ito ay iyong malalagpasan”. Tugon ni anna sa kanyang kapatid.” Ipagpatuloy nyo Ang pag
aaral ninyo di Don sisikap ako para sainyong dalawa” Tugon uli ni Anna Kay Sarah.

Nakita nanaman ni Anna Ang kanyang bunsong kapatid na si Don na naka tulala sa bintana.
“Bunso anong ginagawa mo riyan”? Sabi naman ni Anna sa kanyang bunsong kapatid. Wala po
ate may iniisip lang po ako” Tugon naman ng bunsong kapatid. “ Ano naman Ang iniisip mo”?.
Tanong ni anna sa kanyang bunsong kapatid. Iniisip ko po ate Kung sakaling Hindi nawala ang
ating ama at ina baka napatuloy mo Ang iyong pag aaral at Hindi ka nahihirapan ngayon” Tugon
ng bunsong kapatid. Ano kaba bunso wag mong isipin yun. May kasabihan nga na “ habang may
buhay may pag-asa” kaya sisikap tayo ng mabuti ang mahalaga ay nakakapag aral kayong
dalawa ng ate mo. Kaya ayusin mo yang pag-aaral mo Hindi man ako siguradong maabot pa ang
mga pangarap ko gusto Kong kayong dalawa nang ate mo ang aabot nito. Sumagi sa kanyang
isipan ngunit Wala na talagang sapat na pera upang makapag aral ulit ako.

Napag desisyonan na lamang ni ana namag trabaho sya ng maigi para sakanyang mga kapatid .
Hanggang nakapag ipon sya pinag patuloy nya Ang pagbibinta ng isda sa palingke dahil Ito na
yung kinabubuhay nila noong buhay pa Ang kanilang mga magulang . Nagtutulongan Ang
magkapatid tuwing walang pasok Ang dalawa. Hanggang sa napag tapos ni anna Ang kanyang
pangalawang kapatid na si Sarah sa kolehiyo . Maraming pagsubok at kahirapan sa buhay na
pinag daanan ng tatlong magkakapatid ngunit Hindi sila sumuko . Yan Ang kwentong buhay ng
tatlong magkakapatid.

18
Batang Gensan
Gawa ni: MELORE JANE DELA PENA

General Santos City 1993—Masikip. Magulo. Marumi. Pugad ng mga snatcher, prostitute, at
mga drug addict. ‘Yan ang Cebu: isang lugar sa Maynila na kilala sa krimen at kahirapan. Dito
ako ipinanganak.
Oo; batang Gensan ako.
Hindi man ako lumaki sa mismong pugad ng kaguluhan, lumaki akong mulat sa kahirapan at sa
panganib ng lansangan.
Lima kaming magkakapatid; lumaki kaming lahat sa hirap. Ang bahay namin ay isang maliit na
kwarto na yari sa plywood na malapit sa isang kanal, tila isang maliit na kahon kung saan anim
kaming nagsisiksikan na parang sardinas minsan nanan ay asin at toyo lamang..
Walang tiyak na trabaho ang mga magulang namin. Pinasok na ata ni Mama ang lahat ng klase
ng hanap-buhay para maitaguyod ang pamilya namin. Tinanggap niya ang mabababang posisyon
sa mga karenderya,,naglako siya ng mga gulay isa, at nagtinda ng ihaw-ihaw sa at kanto—lahat
ng ‘yan para lang matugunan ang pangangailangan sa eskwela at mapunan kahit ang mga
kumakalam na sikmura.
Sinubukan naman ng tatay namin na mabigyan kami ng magandang buhay, subalit kinain siya ng
bisyo at ng kahirapang kinasasadlakan namin.
Lumaki ako sa pamilyang magulo, maingay, baon sa utang, at tila wala nang pag-asa.
Sabi nila, tuyo at instant noodles daw ang pagkain ng mahihirap. Kung yan man ang basehan,
masasabi kong mas mahirap pa kami sa daga. Naranasan ko nang pumasok sa eskwela nang
walang baon at matulog sa gabi nang hindi pa kumakain. “Mabuti pang itulog na lang. Lilipas
din ang gutom na ‘to.”
Sabayan mo pa ng walang tigil na away ng mga magulang namin. Walang humpay na sigawan,
bugbugan, bisyong hindi maitigil na nakakabakiw, at palitan ng masasakit na salitang gumuguhit
sa diwa ng isang batang ninakawan ng kalayaang maging bata.
Hindi gutom ang mortal na kaaway ng mahihirap.

19
Ang Buhay Ni Mang Thomas

Gawa ni: IAN MARK GALAURA

Sa isang Bulubunduking Bayan ng Valencia, may isang Pook Kung saan nakatira Si Mang
Thomas at kanyang Pamilya, at tanging ikinabubuhay nila ay pangangalakal Ng mga Kung
anong puwedeng mabintang makalakal nila Mula sa basura , Kasama ang kanyang asawa, at sa
tuwing matapos na sila sa pangangalakal si Mang Thomas ay nagtatrabaho rin bilang isang
kargador sa palengke bilang dagdag ng hanap buhay., So Mang Thomas ay may apat na anak na
pinapa'aral, Kaya kailangan niyang mag doble kayod upang mayroong ipangtustos sa pag-aaral
Ng kanyang mga anak.

Dumating ang isang araw, si Mang Thomas ay nagkaroon Ng malubhang sakit, mas lalong
naghirap ang kanyang pamilya, Wala na silang Pera pambili Ng pagkain dahil naubos sa pagbili
Ng mga gamot para sa kanyang sakit, ang tanging kinakain nalang nila ay ang mga kaunting
tulong na nabibigay ng mga kapibahay., awang awa na ang mga anak Ni Mang Thomas sa
kanyang kalagayan Kaya ang kanyang panganay ay napilitan nalang huminto at maghanap Ng
trabaho upang matulungan sa gastusin sa pag-aaral Ng kanyang kapatid at sa gamot Ng kanyang
ama, pati natin sa kanilang pagkain.

Hindi sana gusto ni Mang Thomas ang gagawing paghinto ng kanyang panganay na anak, ngunit
Wala siyang nagawa kundi napaluha at napa-isip na lamang sa sobrang pag-alala sa pag-aaral ng
kanyang anak, sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkat ang tingin Niya sa kanyang sarili ay Isa
na siyang inutil na umaasa sa kanyang anak, napa-isip din siya na parang Hindi na Niya
matutupad ang pangarap na ipagtapos Ng pag-aaral ang kanyang mga anal, upang makahanap Ng
magandang trabaho, Hindi katulad nya na walang pinag-aralan kaya mababa at Mahirap ang mga
trabaho.
Hanggang sa dumating ang ilang araw, unti-unti nang gumagaling sa sakit si Mang Thomas.,
Nang tuluyan na siyang gumaling, agad siyang bumalik sa trabaho upang makabawi sa kanyang
pamilya sa maraming araw na Hindi siya nakatrabaho dahil sa kanyang sakit., Nang nakabalik na
siya sa pagtatrabaho, pinahinto Niya ang kanyang anak sa pagtatrabaho at pinabalik sa pag-aaral.

Lumipas ang mga Panahon, nakapagtapos na ang panganay Ni Mang Thomas at nakahanap ng
magandang trabaho at malaki ang sahod, ang panganay Niya nadin ang nagpapa-aral sa kanyang
mga kapatid at binigyan ng magandang negosyo ang kanyang mga magulang, dahil dito
napatunayan Ni Mang Thomas na kaya niyang ipagtapos ang mga anak kahit Wala siyang pinag-
aralan.

Dapat natin itong gawing isang inspirasyon dahil tayong mag-aaral na pinapa-aral Ng ating mga
magulang., Sila ay nagbabalat ng buto upang matustusan ang ating pag-aaral at mabigyan Tayo
Ng magandang kinabukasan.

20

You might also like