You are on page 1of 10

I.

LITERATURA

Bawal na gamot

Bawa't yugto ng sandaling halos 'di ko alam

Naglalakbay ang diwa sa ligayang nakamtan

Gamot na bawal ay ayaw ko nang tigilan

Hinahanap-hanap ko at inaasam

O, kay sarap ng buhay

Kung siya'y aking nalalanghap

Akala ko ang mundo ay wala nang katapusan

At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa

Kinabukasan ko ay nawala

Pangarap ko'y 'di maabot

Dahil sa bawal na gamot

Labis ko nang pinagsisihan

Ang aking kamalian

O, kay sarap ng buhay

Kung siya'y aking nalalanghap

Akala ko ang mundo ay wala nang katapusan

At nang ako ay magising sa kasalanang nagawa

Kinabukasan ko ay nawala

Pangarap ko'y 'di maabot

Dahil sa bawal na gamot

Labis ko nang pinagsisihan

Ang aking kamalian

Ngunit ngayon ay nasaan

Ang langit na walang hanggan

Labis ko nang pinagsisihan

Ang aking kamalian


Batingaw

Tawag ng batingaw

Hayo na't ipaalam

Sa mundo ay isigaw

Karapatang pantao ay igalang

Ano mang dahilan

Antas, kulay o isipan

Tao'y pahalagahan

Karapatang likas, panindigan

CHORUS:

Ang karapatang pantao ay igalang

'Di lamang sa diwa kundi sa puso man

Siyang sandigan ng katarungan

Kapayapaan at kalayaan

AD LIB:

Tayo ay lilikha

Bayan na pinagpala

Bayan na may kalinga

Kinabukasang alay sa mga bata

INTERLUDE:

Tawag ng batingaw

Hayo na't ipaalam

Sa mundo ay isigaw

Karapatang pantao ay ipaglaban

[Repeat CHORUS twice]


Dukha

Ako ay isang anak mahirap

Lagi na lang akong nagsusumikap

Ang buhay koý walang sila

Puro na lang dusa

Paano na ngayon ang buhay ko

Sa akin ay walang tumatanggap

Mababa raw ang inabot ko

NO read, No write pa ko

Paano na ngayon ang buhay ko

Isang kahig, isang tuka

Ganyang kaming mga duka

Isang kahig, isang tuka

Ganyan kaming mga dukha

Anak ng Pasig

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay nang anak ng Pasig

Swimming-swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura mo

Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo


Hanggang nakakita ako ng lumang litrato

'Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko

Kaibigan ano ang nangyari dito?

(Anong nangyari, Anong nangyari)

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo Ay…

Kung Ikaw Ay Mangibang Bansa

Noong ako ay nangibang bansa

Dala ang pangarap at pangamba

Pagtulo ng luha di alintana

Kagustuhang maiahon ang pamilya

Mahirap man buhay sa ibang bansa

Madalas puyat kalam ang sikmura

Kinakain ang sariling luha

Dahil namimiss ang pamilya

Kung ikaw ay mangibang bansa

Dalhin mo ang mahabang pasensiya

Pagkat di madaling magpaalila

Puno ng hinagpis at pagdurusa

Ang tangi ko nalang pakiusap

Sa aking pamilya sa Pilipinas

Mag-ipon kayo huwag puro waldas

Upang pagbalik ko akin ring malasap

Kung ikaw ay mangibang bansa


Dalhin mo ang mahabang pasensiya

Pagkat di madaling magpaalila

Puno ng hinagpis at pagdurusa

Ang tangi ko nalang pakiusap

Sa aking pamilya sa Pilipinas

Mag-ipon kayo huwag puro waldas

Upang pagbalik ko akin ring malasap

Kung ikaw ay mangibang bansa

Kung ikaw ay mangibang bansa

Kung ikaw ay mangibang... bansa…

I. INTERPRETASYON

Bawal na gamot:

Ang kantang ito ay nagpapahayag sa posibleng maging dulot ng droga sa bawat buhay
ng tao. Ang paggamit ng droga ay hindi lang sumisira sa katawan, pag-iisip o sa sarili mo kundi
pati na rin sa buhay ng mga nagmamahal sayo. Hahayaan mo nalang bang maging gayon ang
kalagayan mo?

Paggalang sa buhay at sa minamahal. Kung ito ang ikikintal natin sa ating isipan minu-
minuto, makasisiguro tayong makalalayo sa ipinagbabawal na gamot na ito.

Ito rin ay nagsilbing paalala sa atin na walang magandang maidudulot ang droga at
nagiging tulay lamang ito sa pagkawasak ng kinabukasan ng bawat tao. Kung gusto mong
makamit pa ang mga minimithi mo sa buhay, wag kanang sumubok pang tumikim ng droga.

Batingaw:

Isang malaking isyu sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon ang karapatang pantao.
Hindi nasisiguro ang patas na pagbabahagi ng katarungan, at hindi agad nalulunasan ang mga
katiwalian at kaapihang nananaig pa sa bayan. Nagkakaroon ng hadlang sa pamamagitan ng
mga tao at hindi pagkakapantay-pantay anuman ang edad, kasarian, grupong kinabibilangan,
estado sa buhay, propesyon, atbp. Ang pagkakaroon ng hidwaan at dibisyon sa lipunan na
nagbubunga ng gulo at paghihirap. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at
mamuhay nang hindi hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilabag ang karapatang
ito, mawawala ang katarungan. Ang katarungang panlipunan ay hindi lamang sa ugnayan ng
tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa lipunan. Ang pagkakapantay-pantay ay
hindi sa lubusang pagpaparte ng mga yaman sa bansa sa lahat ng mga Pilipino, kundi ang kahit
papaano ay mabawasan ang pagkakaiba ng estado sa lipunan partikular na sa pagbibigay ng
mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman.

Dukha:

Ang kanta ay tungkol sa buhay ng isang mahirap. Isinasaad sa kanta ang kahirapang
tinatamasa ng isang anak mahirap. Minsan, isang beses lang sa isang araw makakakain dahil
sa kawalan ng perang pambili na dahil narin sa kawalan ng trabaho ng mga magulang.
Kadalasan, dahil sa kahirapan, hindi nakakapag aral ang mga anak. Mahirap at hindi na kayang
tustusan ng mga magulang ang kanilang edukasyon kung kaya’t maraming makikitang mga
bata na palaboy-laboy sa daan, namamalimos at walang pinag-aralan, ang iba ay nagtratrabaho
sa amurang edad. Sa kanta, inilalarawan ang buhay ng isang dukha, isang kahig at isang tuka.
Ang sweldo ng kanilang mga magulang ay sapat lamang sa kanilang pagkain at wala ng iba.

Anak ng Pasig:

Isa sa pinakamahirap na isyu na nakapaloob sa kanta ay ang pagpapabaya sa


kapaligiran. Ipinapahayag dito ang masasamang naidulot ng mga ginagawa ng tayo sa ating
kapaligiran. Kabilang na dito ang pagtatapon ng basura sa ilog Pasig at iba pang mga lugar.
Maging mga pabrika ay hindi na sumusunod sa mga panukala na may kinalaman sa
pangangalaga ng ating kalikasan. Kung ihahalintulad lang ang nakaraan at kasalukuyan,
makikita natin ang unti-unting pagkasira ng ating likas na yaman. Kung ipagpapatuloy natin ang
pagpapabaya sa ating kapaligiran ay hindi na mararanasan ng mga susunod na henerasyon
ang malinis at preskong hangin, malinaw na ilog, mahalimuyak na mga bulaklak, mga
nagtataasang puno, at magagandang bulubundukin. Dapat ay gumawa tayo ng hakbang upang
mailigtas ang ating mga likas na yaman, tulad ng sinasabi ng kanta ngayon. Para may
madadatnan pang magandang umaga at kinabukasan sa kapaligiran ang mga magiging anak
natin sa pag dating ng henerasyon. Na hindi dapat natin hintayin na hindi na natin maisasalba
ang kalikasan sa ating mga kamalian.

Kung ikaw ay mangibang bansa:

Dahil mahirap makakita ng trabaho sa Pilipinas at dahil na rin sa mababang sweldong


natatanggap sa trabaho, hindi sapat itong pantustos sa pang-araw-araw na mga gastusin ng
isang pamilya. Kaya minsan napagdedesisyunan ng mga magulang ang mangibang bansa
upang magka-pera at umangat ang kanilang mga buhay. Alam nating malaki ang ating kikitain
kapag tayo ay mag trabaho sa labas ng Pilipinas o sa ibang bansa. Kahit masakit mawalay sa
pamilya, ito’y tinitis lamang para may pantustos at makakain ang pamilya. Kaya ang mga
magulang na nag sasakripisyo sa ibang bansa nakikiusap sa kanilang pamilya na tumulong sa
kanila dahil hindi madali ang kumayod. May iba nga inaabuso ng kanilang amo, iba din ay
walang kain, Kaya dapat natin sila bigyan ng tamang trabaho at sweldo dito sa Pilipinas upang
hindi sila maghirap at mangibang bansa.
II. SULIRANING PANLIPUNAN

 Droga

Laganap sa ating lipunan ang usapin patungkol sa droga na kung saan maraming tao
ang naapektuhan, ma bata man o matatanda. Maraming mga krimen ang mga nagaganap dahil
sa paggamit ng bawal na gamot. Ang pagpatay ng mga inosenteng tao na walang kalaban-
laban sa buhay. Isa na rito ang pang-aabuso, inaabuso ng mga tao ang paggamit ng droga para
pansamantalang mawala ang kanilang mga problema na dinadala. Isa pa ay ang paggagahasa
ng mga inosenteng babae dahil sa epekto ng gamot na kanilang ginagamit. At pagnanakaw,
maraming gumawa ng ganyang bagay para matustusan ang kanilang bisyo at meron silang
pera na pambili nito, isa din ito sa pinakamataas na problema na nangyayari sa ating bansa. Sa
administrasyon ni Pang. Duterte, sinimulan niya ang kanyang pakikibaka laban sa droga ngunit
dahil din dito may mga nangyayaring ‘extra-judicial killings’ kung saan kinikitil ang mga
inosenteng tao dahil napagkakamalan sangkot sa illegal na droga.

 Karapatang pangkalikasan

Lingid sa kaalaman nating mga tao na unti-unting nating pinapatay ang kalikasan sa
mga bagay na ginagawa natin na ‘di nating namamalayang nakakasira dito. Dito sa atin sa
tuwing may malakihang selebrasyon tulad ng Sinulog at iba pang mga piesta ay kalat na kalat
ang mga basurang pinagkainan ng mga tao na wariý mga walang pakialam sa kapaligiran. Ito
ang problema ng mga tao ang kawalan ng pakialam sa kapaligiran na naatim nilang itapon ang
kanilang mga basura kahit saan. Alam naman siguro nating lahat na ang basura ay isa sa mga
dahilan ng pagbara ng mga daluyan ng tubig na siyang nagdudulot ng pagbaha dito sa atin
ngunit sa kabila ng kaalamang ito, mas pinili parin ng karamihan na itapon ang kanilang mga
basura kahit saan. Kahit ano mang gawing aksyon ay wala paring nangayayari kasi ang mga
pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili.

 Brain drain o migrasyon

Isa rin sa mga problema sa ating lipunan ay ang migrasyon. Isang pang dahilan ng
kawalang-kasiyahan ng “labor force” ay ang mababang sweldo at kakulangan ng mga
benepisyo sa inaalok ng kompanya. Dahil nakatira sila sa isang mundo na kung saan patuloy-
tuloy ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin habang ang kanilang mga sweldo ay hindi
tumataas. Nangingibang bansa ang mga Pilipino dahil mas malaki ang sahod doon at para
maiahon ang kanilang pamlya sa kahirapan. Dahil dito maraming mga magagaling na
propesyonal ang nagsialisan sa bansa at nagging resulta nito ang tinatawag na “brain drain”.
Wala ng mga magagaling na propesyunal na natitira sa ating bansa.

 Paglabag sa karapatang pantao


Nananataling matindi ang problema ng Pilipinas sa usapin ng paglabag sa mga
karapatang pantao at extrajudicial killings. Maraming tao ang pinapatay sa pamamagitan ng
mga awtoridad ng gobyerno ngunit hindi dumaan sa pagsasagawa ng legal na proseso. Ang
ekstradyudisyal na kaparusahan ay kadalasang nagpapakita ng hindi pagiging makatao o hindi
etikal, sapagkat hindi nila sinunod ang angkop na proseso ng legal na saklaw kung saan
nangyari ito. Sa kabila ng mga garantiya sa mga pambansa at internasyonal na batas sa
karapatang pantao at kalayaang sibil.

 Kahirapan

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas pa
nating sisihin ang iba sa kahirapan na ating nararanasan tulad ng madalas nating sisihin ang
mga namamalakad ng ating bansa. Maraming rason kung bakit naghihirap ang ating bansa
tulad na lamang ng kakulangan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa. Tulad na
lamang ng mga korupsyon, krisis, kakulangan sa disilpina at iba pa. Iyan ang mga posibleng
dahilan kung bakit nagiging mahirap ang ating bansa. Kung patuloy tayong ganito ang pag-
uugali, ano na lamang ang mangyayari sa atin? Hindi uunlad ang bansang Pilipinas sa ganitong
sitwasyon at walang mangyayaring progreso.

III. HAKBANG SA PAGLUTAS NG MGA SULIRANIN

Sa paglutas ng mga suliraning ito, maaari nating gawin ang mga hakbang na ito:

 Idulog sa mga lokal na ahensiya at pagdulog sa pandaigdigang korteng pangkatarungan


ang mga isyung tungkol sa karapatang pantao.
 Ipaglaban ang mga karapatan, makibaka para sa pantay-pantay na karapatan.
 Magkaroon ng sapat at tamang edukasyon para sa karapatang pantao.
 Pagbibigay importansiya sa karapatan ng mga babae at ng mga OFW.
 Isuplong sa mga awtoridad ang mga taong sangkot sa droga. Tukuyin at ipakulong ang
mga opisyales ng gobyerno na siyang puno't dulo ng mga pagbebenta ng mga
ipinagbabawal na gamot.
 Magsagawa ng symposium o mga seminar at pagbibigay edukasyon sa mga kabataan
na siyang pokus ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
 Pagpataw ng mas mataas pang buwis sa alak at sigarilyo.
 Maging maalam sa mga negatibong epekto ng droga sa isipan, gawa at buhay ng tao.
 Bigyang atensyon ang mga kabataang napariwara upang hindi malulong sa mga droga,
alak at iba pa.
 Bigyan mg mas malaking oportunidad ang mga Pilipino dito sa Pilipinas.
 Bigyan sana ng mataas na sahod ang mga manggagawang Pilipino upang hindi na nila
maisip pa ang mangibang bansa.
 Magpatupad ng mga batas o ordinansa na makakapagbigay proteksyon sa mga yamang
pangkalikasan. Pagtibayin ang implementasyon ng mga batas, magbigay ng mga
parusang nararapat sa mga taong nang-aabuso sa mga yamang likas.

IV. MGA ARAL SA BUHAY

Ang mga isyu at mga hakbang sa paglutas ng mga isyung sosyedad ay dapat matukoy
dahil ito ang puno't dulo ng ating pangunahing isyu sa bansa, kahirapan. Dapat nating
pagtuunan ito ng pansin ng sa gayon ay mapabuti at mapaunlad natin ang ating mga buhay, at
lalong-lalo na ang ating ekonomiya. Noon paman ay talamak na ang isyu tungkol sa kahirapan,
kung hindi man natin kayang tanggalin ang isyung ito, maaari nating maibsan ito. Simulan natin
sa ating mga sarili. Huwag na natin pang dagdagan ang mga isyung ito. Kung hindi natin
gustong humantong ang ating mga buhay sa kahirapan, mag-aral tayo ng mabuti nang sa
ganoon ay makapaghanap tayo ng trabahong may malaking sahod na ibibigay. Huwag tayong
humanagad na manatili lamang sa kung anong mayroon tayo. Dapat magsumikap na maabot
natin ang ating mga minimithing panagarap dahil ito ay makakatulong sa atin at sa buong
bansa.

Talamak narin ang mga isyung tungkol sa droga. Kadalasang nabibiktima ay mga
kabataan dahil sila ay madaling maimpluwensiyahan. Sana ay bigyan ng mga magulang ng
atensiyon ang kanilang mga anak, bigyang pansin ang mga anak sapagkat sa mga edad nila
ngayon, nangangailangan sila ng pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang.

Sa kalikasan, dahil sa walang katapusan nilang pang-aabuso sa kapaligiran, nalilimutan


na nila ang magiging pakinabang nito sa mga sumusunod pang henerasyon. Dapat ay mahalin
natin ang ating kalikasan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng buhay. Tignan natin ang ating
kapaligiran, dahil sa mga isyu tulad ng pagkakaingin, pagbobomba at paglalason sa mga
karagatan at iba pa, nagiging dahilan ito ng mga sakit na pangmatagalan na kumikitil na sa
ating mga buhay. Kung kaya dapat tayong magkaroon ng pake sa mga likas na yaman sa ating
kapaligiran. Huwag na natin pang dagdagan ang mga suliraning ito bagkus dapat sa atin
magsimula ang pagbabago at ng makamit natin ang inaasam-asam na kapayapaan sa lipunan
kung saan, malinis ang kapaligiran, walang takot sa mga taong may makapangyarihan, walang
diskriminasyon, walang gulo, walang droga, walang korapsyon, lahat pantay-pantay, walang
mahirap at mayaman. Ito lamang ang daan upang mapabuti natin ang ating kalagayan at ang
kalagayan ng ating kapwa tao. Dapat ay isabuhay natin ang mga aral na ito, at sana'y maging
inspirasyon tungo sa pagbabago.
LIT031

SOSYEDAD AT PANITIKAN

TTH1:30PM – 3:00PM

ROOM 274

You might also like