You are on page 1of 4

Totoo nga kulang sa disiplina ang mga Pilipino nakakalungkot man isipin na kung sino pa yung

kulang sa kaalaman yun pa ang mga nakatira sa tabing ilog. Natural di nila maiiwasang magtapon
ng basura sa ilog dahil hindi nila naiisip kung anong mangyayari. Tapon lang sila ng tapon. Hindi
lamang ang mga informal settlers ang problema pati na rin ang iba’t ibang polusyon at sobrang
daming basura. Ito ang dahilan ng pagkalubog ng maraming lugar sa ating bansa.

Sa iba’t ibang polusyon na gawa ng tao. Ito’y isang malaking epekto sa ating inang kalikasan. Isa
na dito ang sobrang dami ng basura sa sobrang paggamit ng plastik pagtatapon kung saan saan at
marami pang iba. At ang pagdami ng populasyon dahil sa sobrang tao nawawalan ng kontrol ang
pamahalaan sa mga sakuna. Nagkukulang din ng mga mapagtatamnan ng ating mga puno at iba
pang mga pangangailangan sa kadahilanang puro bahay na lang. At nakakalungkot sa ating lipunan
sapagkat hindi nagtatanda ang mga pilipino sa mga ganitong sakuna.

Isa pa sa mga nakakalungkot na dahilan na hindi lamang nadadala ang mga Pilipino sa mga
ganitong sakuna patuloy pa ring naninirahan sa tabing ilog at pagkawala ng disiplina. Sana’y
magkaroon tayo ng disiplina at magising na sa mga pangyayaring kahindik-hindik. Magkaroon ng
sapat na edukasyon. Maging isa sa solusyon sa problema ng ating bansa at huwag nang dumagdag
pa.

Ako at ikaw bilang isang estudyante tayong lahat ay makakatulong. Sa simpleng pagtapon ng
maayos sa basuharahan at pagbawas ng plastik sa lipunan isang malaking tulong sa ating bansa.
Makisali sa mga programang nagsusulong para iligtas ang inang kalikasan. Dahil kung hindi ito
pangangalagaan darating ang panahon maghihirap ang lahat ng tao at wala nang magandang
kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Makiisa, makitulong at simulan ang pagbabago
Paghihimagsik ni Ina

Baha, haze o ambon, kidlat na kumikitil ng buhay, lindol, pagkasunog, tumataas


na bilang ng mga na-heat stroke, pabago bagong klima. Ilan lamang ito sa mga nararanasan
ngayon ng ating bansa. Kung ating tatantuhin, itoy isang natural na kalamidad lamang ngunit ito
na palay isang paghihiganti ng ating inang kalikasan. Sa pagtagal ng panahon, nagging mabuti
ang kalikasan sa atin, pinoprotektahan tayo, binigyan ng pambahay, pagkain, tubig at
sinusuportahan gaya lamang ng isang ina sa kanyang mga anak, ngunit ang kapalit nitoy sakit at
pait. Inaabuso ang mga likas na yaman, pagsisira sa natural na ganda ng kalikasan, pagsunog sa
mga plastic, pagsunog sa mga gubat, pagmimina, pagpapatag ng mga bundok. Ang tao nga
naman ay isang sakim, binigyan na nga magandang buhay ngunit itoy hindi pa sapat para sa
kanya.
Marami na ang namatay sa sinasabing natural na kalamidad kuno, ngunit ang hindi natin
alam ito na pala ang tinatawag na paghihimagsik nang isang ina. Totoo nga namang walang
disiplina ang mga tao, kayat nararapat na lamang na silay disiplinahin ngunit kapalit nitoy buhay
ng tao.
Papayag ka ba na darating ang araw na pupunta na lamang ang isang tao sa myuseyo para
tumingin ng kahoy at sapa? Na sa litrato na lamang makikita ang isang ibon? Na hanggang ala-
ala na lamang ang masaganang gubat at masarap na hangin? Habang maaga pa, dapat ay
aksyunan natin ang problemang ito upang hindi tayo umabot sa ganon. Ako at ikaw bilang isang
estudyante tayong lahat ay makakatulong. Sa simpleng pagtapon ng maayos sa basuharahan at
pagbawas ng plastik sa lipunan isang malaking tulong sa ating bansa. Makisali sa mga
programang nagsusulong para iligtas ang inang kalikasan. Dahil kung hindi ito pangangalagaan
darating ang panahon maghihirap ang lahat ng tao at wala nang magandang kinabukasan para sa
susunod na henerasyon. Makiisa, makitulong at simulan ang pagbabago

Kahalagahan ng Wikang Filipino

Naranasan mo na bang makinig sa usapan ng isang grupo nang mga koreano, o di kayay mga
Nigerian? O di kayay manood ng isang Korean drama o anime na walang subtitle? Ano ang iyong
nararamdaman? Inis di ba? Ito ang mangyayari sa mga tao ng isang bansa kapag walang wika. Kung wala
ang wika, ang bansay magkakagulo. Ang mga taoy hindi magkakaintindihan na siyang dahilan nang
kaguluhan.

Ginagamit ang wika sa komunikasyon, sa paghahatid ng balita sa mga mamamayan, sa pagpapa-


alam ng mga pagbabago sa lipunan, sa pagpapalaganap ng bagong batas. Kung walang wika na
pambansa na kung saan lahat ay nagkakintindihan, hindi makarating sa mga mamamayan ang mga
impormasyon o pagbabago na siyang dahilan ng patuloy na paggamit ng lumang sistema na kalaunay
magreresulta sa paglabag ni ito. Hindi magkaintindihan ang mga tao, hindi maintindihan ang mga bagay
sa paligid. Magiging mangmang ang mga tao.

Kayat wika ay pahalagahan gaya ng pagpapahaglag nang isang tao sa kanyang sarili. Ang wika
ay napakahalaga hindi lamang sa komunikasyon ng bawat tao kundi sa kabuuang pag-unlad ng
bansa. Kung wala tayong sariling wika, maaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi
pagkakaunawaan. Sa pamamagitan nito, naihahatid sa mga mamayan ang mga mahahalagang
pangyayayari sa bansa at sa boung mundo. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa
anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

Isyu ng paggamit ng Social Media

Marami na ang nagsilabasang mga social media sa panahon natin ngayon. Kaakibat nito,
tumataas narin ang bilang ng mga nabibiktima nito. Talaga nga namang nakakasira ng kinabukasan ang
social media.

Halimbawa, nasisira ang relasyon nang mag-asawa dahil pagla-like at pagwa-wow nito sa mga
babae sa facebook na humahantong sa hiwalayan. Maraming mga kabataan ang nagpakamatay dahil
madaling ma apektuhan sa mga sinasabi ng mga tao sa social media. Kung ano ang trend, kahit mali, itoy
kanilang sinusunod nila. At kapag hindi nasusunod ang social criteria, malimit na nawawalan sila ng
confidence sa sarili . Karamihan ay sa social media nalamang umiikot ang kanilang mundo at
nakakalimutan ang readidad na buhay.

Ngunit ang social media ay nakatulong din sa isang tao dependi sa paggamit niya nito. Dapat ang
taoy may kaalaman sa tamang paggamit nito upang itoy hindi magamit sa masasama at hindi maksisira
ng buhay. Think before you click ika nga, dahil sa bawat lag click natin o pag HAHA sa mga nakatawang
litrato o pagcomment natin ng masasakit na salita, may nasasaktan. Dapat isipin na sa likod ng screen ay
isang tao.

PAKSA: Social Media

CLAIM: Nakakasira ng kinabukasan

MGA PATUNAY:

1. nasisira ang relasyon nang mag-asawa dahil pagla-like at pagwa-wow nito sa mga
babae sa facebook na humahantong sa hiwalayan
2. Maraming mga kabataan ang nagpakamatay dahil madaling ma-apektuhan sa mga
sinasabi ng mga tao sa social media
3. Nakakawala ng confidence sa sarili.

CONCLUSION: Dependi lamang ito sa paggamit nang isang tao.


Pagkakapantay-pantay o Equality

You might also like