You are on page 1of 50

Ang batang sanay magdildil ng asin ay handang sumuong sa butas ng karayom makatapos lang ng pagaaral.

Talagang magsusunog sila ng kilay upang marating ang rurok ng tagumpay.

IDYOMA

Mga Idyoma
Mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid Sa pamamagitan ng idyoma, nakikilala ang yaman ng isang wika

MGA HALIMBAWA

ALOG NA ANG BABA


(Matanda na) Sila lola ay hindi na maaring sumayaw sapagkat alog na ang kanilang baba.

BIRO NG TADHANA
(mga kabiguan o kamalasan)
Malupit na biro ng tadhana ang nangyari sa buhay ng magasawang Lopez.

ANAK- PAWIS
(Mahirap ang angkan) Si Danny ay hindi nakatapos ng kanyang pag- aaral dahil siyay anakpawis lamang.

BAHAG ANG BUNTOT


(Walang lakas ng loob o duwag.) Matapang si Eze kapag wala ang kalaban ngunit kapag kaharap na ay bahag naman ang kanyang buntot.

BAKAS NG KAHAPON
(alaala ng lumipas na panahon)

Sa tuwing maaalala ni Grace ang nadisgrasya niyang katawan ay sumasagi sa kanyang isipan ang malungkot na bakas ng kahapon sa kanyang buhay.

BUKAS ANG PALAD


(Matulungin)
Bukas ang palad ng magasawa sa mga nangangailangan.

BUKAS NA AKLAT
(hindi na lihim sa mga tao, alam ng marami.) Ang buhay ng mga artista at pulitiko ay isang bukas na aklat sa mga taong nakapaligid sa kanila.

BUHATIN ANG SARILING BANGKO


(laging pinupuri ang sarili o ang kanyang kapamilya) Si Mario ay mahilig magbuhat ng sariling bangko. Lagi niyang pinangangalandakan ang marurunong niyang mga anak.

BUKAS NA DIBDIB
(Laging nakalaang tumulong sa nangangailangan)
Ang DSWD ay itinataguyod ng mga taong bukas ang dibdib.

KAMAY NA BAKAL
(Mahigpit) Dahil sa pinaiiral ng may- ari ang kamay na bakal, walang tatamad- tamad sa kanyang pagawaan.

KUSANG PALO O KUSANG LOOB


(gumagawa kahit hindi inuutusan / may kusa)
Ang trabahador na may kusang palo ay maaaring asahan sa trabaho.

Iba pang Halimbawa:

Butas ang bulsa

Nagbibiilang ng poste

Ibaon sa hukay

Nagtataingangkawali

Buwayang lubog

Pantay ang mga paa

Pusong bakal

Patabaing baboy

Ningas-kugon

Maghigpit ng sinturon

Suntok sa buwan

Lubad ang kulay

PAGSASANAY..

PANUTO

Ipaliwanag ang mga idyomang ginamit sa bawat pangungusap.

1.
Ang utang ni Che-che sayo ay ilista mo na lamang sa tubig dahil siyay umalis na.

ILISTA SA TUBIG

UTANG NA HINDI NA MABABAYARAN

2.
Ang mga basurero ay matiyagang nagsisikap sa trabaho para hindi na nila mabalikan pa ang isang kahig isang tuka.

ISANG KAHIG ISANG TUKA..

PULUBI, O HIRAP NA HIRAP SA BUHAY

3.
Mababa ang luha ni Sally, kaya madali siyang maapektuhan ng malulungkot na pangyayari sa buhay ng kanyang kaibigan.

MABABA ANG LUHA

MADALING LUMUHA

4.
Ang bantog na si Manny Pacquiao ay laging nananalo dahil mabigat ang kanyang kamay.

MABIGAT ANG KAMAY


MALAKAS MANUNTOK O MANAMPAL

5.
Madaling umasenso si Allan dahil sa kanyang mabulaklak na dila.

MABULAKLAK ANG DILA

MAHUSAY MANGUSAP

6.
Malakas ang kapit ni Walter sa Mayor kaya hindi siya nababahalang matanggal sa trabaho.

MALAKAS ANG KAPIT

MAINPLUWENSYA

7.
Ang taong maluwag ang turnilyo ay sadyang mahirap kausap.

MALUWAG ANG TURNILYO

MAY DEPERENSYA ANG PAGIISIP

8.
Ang anak ni Roger ay may gatas pa ang labi nang mag-asawa kaya nahihirapan sa pagdadala ng buhay.

MAY GATAS PA SA LABI

NAPAKABATA PA O UMAASA PA SA MAGULANG

9.
Naghalo ang balat sa tinalupan nang magkatagpo ang pamilya ni Don Ramon at Don Jose.

NAGLAHO ANG BALAT SA TINALUPAN


NAGKAGULO O LABU- LABO

10.
Ang magkakapatid na Kenyon,Arisa at Nala ay parang asot pusa.

PARANG ASOT PUSA

PALAGING NAG-AAWAY

11.
Kahit na panakip-butas lamang ang eksena ni Kristel,para sa amin ay siya pa rin ang magaling.

PANAKIP- BUTAS

PANGHALILI O PAMALIT

PAGSUBOK
PANUTO: A. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumunod na idyoma.

1. Biro ng tadhana
2. Parang asot pusa 3. Alog na ang baba 4. kamay na bakal

5. naghalo ang balat sa tinalupan

B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sinalungguhitang idyoma sa pangungusap.

1. Bakal ang dibdib ng mga bayaning nakipaglaban sa kalayaan. 2. Palaging tinutukso si Jose dahil siyay butot balat. 3. Malungkot ang lahat sapagkat ang pangulo ay nasa banig ng karamdaman.

4. Maraming naiipong pera si Roland sapagkat siyay may bulsa sa balat. 5. Kinaiinisan ng lahat ang taong buwaya. 6. Kung gusto mong magtagumpay, dadaan ka muna sa butas ng karayom.

7. Mahigpit na pinatutupad ng batas ang supilin ang mga taong nagbebenta ng damo.

8. Si Leo ang tinaguriang damulag sa klase. 9. Ang ating kaibigan ang nagsisilbing balikat natin kapag tayoy may problema.
10. Sanay ang mga mahihirap na magbanat ng buto upang may makain araw-araw.

You might also like