You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa

Filipino para sa Ikalawang Baitang


Inihanda ni Norhana M. Hadji Solaiman
Octobre 28, 2019

I. Layunin

a. Mabigyang pansin ang kahalagahan ng katapatan at


mapagkakatiwalaan
b. Magamit ang aral na natutunan sa totoong buhay
c. Magbigay ng pandiwa na galing sa pinakinggang kwento
d. Kilalanin ang iba pang pandiwa

II. Paksang Aralin


a. Paksa: “Ang Pasiya ng Hari” at Pandiwa
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma ( wika at pagbasa sa elementarya),
Pahina 110-125

III. Pamaraang Pabuod

Gawain ng Guro Gawain ng mg Bata


A. Panimulang Gawain

Magandang hapon mga bata? Magandang hapon din po Teacher


Kumusta kayo mga bata? Hannah.
Bago tayo magsimula, gusto ko munang Mabuti naman po.
tumayo kayong lahat.

B. Pagpapayak

Alam niyo ba ang kantang " Kung Ikaw Opo


ay Masaya?"

Okay. Kantahin natin ng sabay sabay.

Kung ikaw ay masaya pumalakpak. Kung ikaw ay masaya pumalakpak.


( Palakpak) 2x ( Palakpak) 2x

Kung ikaw ay masaya buhay mo ay Kung ikaw ay masaya buhay mo ay


sisigla. Kung ikaw ay masaya sisigla. Kung ikaw ay masaya
pumalakpak pumalakpak

Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.


Kung ikaw ay masaya pumadyak ka. ( Tadyak) 2x
( Tadyak) 2x
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay masaya pumadyak
sisigla. Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.
ka.
Kung ikaw ay masaya tumawa ka.
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. ( HAHAHA) 2x
( HAHAHA) 2x
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay masaya tumawa ka.
sisigla. Kung ikaw ay masaya tumawa ka. ( HAHAHA)
( HAHAHA)

Okay. Maari na po kayong umupo.

C. Magbalik Tanaw

Ano nga ba ulit ang tinalakay natin noong Mga Bahagi ng Aklat
nakaraang Biyernes?
Magaling! Pabalat, karapatang sipi, paunang salita,
Ano-ano ang bahagi ng aklat? talaan ng nilalalaman, nilalalman ng
aklat, bibliograpiya at glosari.

D. Pagganyak
Sasabihin ko ang totoo dahil masama ang
Ano ang gagawin mo kapag may nagawa magsinungaling.
kang isang bagay , sinadya man o hindi ,
na alam mong ikagagalit ng iba kapag
nalaman nila?
Halimbawa: Humiram ka ng laruan sa
kaibigan mo tapos hindi mo sinasadyang
masira ito.
Ano ang gagawin mo, sasabihin mo ba ito
o mananahimik ka na lang at huwag
sabihin ang totoo? Opo.

E. Pagpapaliwanag

Class makinig sa aking babasahing


kwento.
“Ang Pasiya nh Hari”
Noong unang panahon, sa isang
malayong kaharian ay may matandang
haring walang tagapagmana. Naisip
niyang piliin ang susunod pinuno mula sa
mga kabataan sa kaharian. Isang araw ay
ipinatawag niya ang lahat ng kabataang
lalaki.

“Mga bata, tumatanda na ako at


kailangan ko nang pumili ng susunod na
pinuno,” ang paliwanag ng hari. “Mula sa
inyong naririto ay pipiliin ko ang susunod
na mamumuno sa kaharian!”

Nagpalakpakan ang lahat sa narinig. Isa


pala sa kanila ang magiging susunod na
hari.

Binigyang ng hari ang bawat bata ng tig-


isang buto. “ Itanim ninyo ang buto at
alagaang mabuti. Pagkalipas ng anim na
buwan, ipapatawag ko kayo sa kaharian.
Dalhin ninyo ang inyo-inyong tanim. Sa
araw na iyon ay pipiliin ko ang susunod
na magiging hari.”

Isa sa mga batang nabigyan ng buto ay si


Lupin, anak ng isang magsasaka.
Itinanim at inalagaan niyang mabuti ang
buto. Araw-araw niyang binibisita at
dinidiligan ang itinanim subalit kahit
anong pag-aalaga ang gawin niya ay
walang tumubo mula sa buto. Mabilis na
lumipas ang anim na buwan. Malungkot
malungkot si Lupin. Ayaw n asana niyang
bumalik sa kaharian ngunit kinausap siya
ng kaniyang ama. “ Anak ginawa mo ang
lahat para mabuhay ang buto. Kailangang
bumalik ka sa palasyo bilang pagtupad sa
kasunduan ninyo ng Mahal na Hari.”
Nang dumating si Lupin sa kaharian at
nakita ang malalago at malulusog na
tanim ng ibang mga bata ay lalo siyang
nalungkot at nahiya. Siya lang ang nag-
iisang may hawak ng pasong walang
laman. Gusto na sana niyang umalis kung
hindi lang niya naisip na mahalagang
tumupad sa kasunduan nila ng hari.

Isa-isang nilapitan at pinagmasdan ng


hari ang dalang paso ng mga bata. Nang
mapalapit ang hari kay Lupin ay naiyak
ang bata sa magkahalong lungkot, kaba,
at hiya dahil hindi nabuhay ang tanim
niya.

“O, bakit ka umiiyak, bata?” ang


nakangiting tanong ng hari.
“Hindi po nabuhay ang tanim ko, Nabigo
ko po kayo,” ang sabi ni Lupin kasabay
ng paghikbi.
Inakbayan ng hari si Lupin.” Ano ang
pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Lupin po,” Ang sagot nito.
“Mga mamamayan, ipinakikilala ko sa
inyo si Lupin, an gating susunod na hari,”
ang malakas na sabi niya.
Natahimik ang lahat. Gulat na napatingin
sila kay Lupin. “Ang butong ibinigay ko
sa inyo noon ay tiyak kong hindi
mabubuhay dahil ipinalaga ko ang mga
iyon. Subalit kayong lahat ngayon na
aking binigyan ay nagdala ng malulusog
na halaman at tanging si Lupin lang
nagdala ng pasong walang laman. Taglay
ni Lupin ang mga katangiang mahalaga
sa isang pinuno: katapatan, kabutihan ng
kalooban, at pagiging maginoo sa
pagtupad sa kasunduan.”
Buong paghangang pinalakpakan ng mga
bata si Lupin. Isang napakahalagang aral
ang natutunan nila sa araw na ito.
-Halaw

Class “Ang katapatan ay mahalagang


katangian Upang ang isang tao ay Samara: Ako teacher.
pagkatiwalaan.” Kapag inutusan ako ng nanay ko na
bumili at kapag may natira sa pera ay
Sinong makakapagbigay ng halimbawa isinasauli koi to para sa susunod ay
uutusan niya ako tapos bibigyan niya ako
ng pera.

Pinabili ka sa tindahan. Nang makauwi Isasauli ko ito kasi masama ang


ka na ay napansin mongo sumobra ng magsinungaling.
limang piso ang sukli ng tindera. Naisip
mong ibalik ito pero palabas na sa
telebisyon ang paborito mong cartoons.
Ano ang gagawin mo. Opo .

Naintidihan class ang kwento?

Pandiwa ang tawag sa mga salitang


nagsasaad ng kilos o galaw ng
pangngalang o panghalip.

Basahin ang mga halimbawa, Ang mga bata ay ipinatawag ng hari..


Halimbawa: Si Lupin ay pinili ng hari.
Ang mga bata ay ipinatawag ng hari.. Naghahanda siya para maging mabuting
Si Lupin ay pinili ng hari. pinuno
Naghahanda siya para maging mabuting
pinuno.

Basahin ang mga halimbawa ng pandiwa:


Natutuwa, nagpalakpakan, itinanim,
binibisita, dinidiligan, naiyak,
Natutuwa, nagpalakpakan, itinanim, inakbayan, napili, tutulong,
binibisita, dinidiligan,, naiyak
inakbayan, napili, tutulong,

F. Pagsasanay “Ang katapatan ay mahalagang katangian


Upang ang isang tao ay pagkatiwalaan.”
Bakit mahalaga ang pagiging matapat?
ipinatawag
pinili
Ano nga ulit yong mga pandiwa na naghahanda
nabanggit sa kwento?
nagsasalita nagsusulat tumatakbo

Ano pa ang alam niyong pandiwa?

G. Paglalahat

Ang pagiging matapat ay mahalaga para


magkaroon tayo ng mabuting
kinabukasan.

Ang lahat ng salita na nagpapakita ng


kilos o galaw ay tinatawag na Pandiwa.

IV. Pagsusulit

Kulayan ang puso ng pula kung ang nakasulat sa kahon ay resulta ng pagiging
matapat at lagyan ng ekis (X) kung hindi.

1. Nagtitiwala ang mga tao sa isang batang matapat


2. Natutuwa ang magulang dahil nagsabi ng totoo ang kanilang anak

3. Si Lupin ang nakabasag sa baso pero hindi niya sinabi sa kayang nanay
ang totoo.

V. Takdang Aralin

A. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa:

Halimbawa: Nagwawalis: Ako ay nagwawalis sa aming bahay.


1.natutuwa:_____________________________________________________
2. tumulong:_______________________________________________
3.naiyak:__________________________________________________.
4.nakangiti:__________________________________________________.
5.nagpalakpakan:_____________________________________________.

B. Bakit mahalaga sa isang tao ang pagiging matapat

You might also like