You are on page 1of 7

MGA EPEKTIBONG

DULOG SA PAGTUTURO
NG PANITIKAN
PAGDULOG PORMALISTIKO
• Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o
akdang pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa
katha. Madaling maipapaliwanag ang kabuuan ng mga
akda kung ang elementng taglay lamang ng akda ang
higit na pinag-uukulan ng pansin.
• Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda
kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may-akda, pangkasaysayan man o
panlipunan.
PAGDULOG MORALISTIKO
• Ayon sa maraming kritiko, hindi sapat na maipakita at
mapatunayan kung bakit at paano naging masining at
malikhain ang isang akda. Sa pagdulog moralistiko, pinag-
aaralan ang panitikan at may pagtatangkang gamitin ito
bilang instrumento ng pagbabago ng tao at ng lipunan.
• Hindi sapat na ilahad ang panitikan bilang salamin ng buhay
kundi manapa’y sa isang malikhain at masining na
kaparaanan ng manunulat ay maipakita ang mga kaisipang
moral, ang halaga ng tao, ang kanyang karangalan at
kadakilaan.
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
• Hindi lamang ang mga elemento ng akda ang
pagtutuunan ng pansin sa pag-aaral kundi manapa’y higit
na pansin ang iuukol sa ugnayang sosyo-kultural,
politikal, at kapamuhayan at damdamin, asal, kilos,
reaksyon dito ng tao.
• Sa pagdulog na ito, sinasabing ang panitikan ay masining
na pagpapahayag ng damdamin, asal, at gawi ng tao
batay sa mga kapaligirang sosyo-kultural at panitikan din
ang makapangyarihang lakas na may bahaging
ginagampanan sa pakikipag-ugnayang sosyo-kultural.
PAGDULOG SIKOLOHIKAL
• Ang sikolohikal na pagdulog ay maituturing na isang susi
sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga
nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo
ng katauhan sa isang akda.
• Tinatalakay sa mga akda ang mga damdaming
namamayani sa mga tauhan gaya ang pagmamahal,
paghanga, pagkadakila, gayundin ang mga negatibong
damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba
pa. Mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala
ang tunay na katauhan ng indibidwal.
PAGDULOG FEMINISMO
• Ang Feminismo ay isang pagbalikwas sa patriarkal na sistema ng
lipunan – na ang lalaki ang may kontrol ng lipunan, na ang papel
na ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa lalaki sa lahat
ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, pulitika,
ekonomiya, lipunan, batas, at sining.
• Sa pagdulog na ito, binibigyang pansin an mga sumusunod:
a. Ang mga manunulat na babae at ang kanilang kakayahang
lumikha ng mga obra;
b. Mga dahilan kung bakit sila kulang sa pansin; at
c. Ang kanilang akda- ang tono, larawang-diwa, kalagayan,
wikang nagtataglay ng sensibilidad at iba pa
PAGDULOG ISTAYLISTIKO
• Isang magandang pamaraan sa pagsusuri sa istilo at mg
devices na ginamit ng awtor ang pagdulog istaylistiko.
Sa dulog na ito, maaaring suriin ang wikang ginamit ng
awtor (kolokyal, balbal, pormal); ang paningin o
pananaw ng pagkakasulat ng akda; ang paraan ng
paglalarawan ng tauhan at ganapan ng kilos; ang mga
tayutay na ginamit; at iba pang mga prosodic devices na
makapagpapayaman ng kahulugan ng tono, diin, antala,
at haba ng sa pagbasa ng mga salita.

You might also like