You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas
CASA DEL BAMBINO EMMANUEL MONTESSORI
Contreras Compound, Alangilan, Batangas City
Taong Panuruan 2022-2023

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 8

Petsa: Agosto 10, 2022


Araw: Martes

I. Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan at mahahalagang kaisipan ng mga karunungang-bayan
(bugtong).
2. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
3. Nakabubuo ng sariling halimbawa ng bugtong.

II. Pamantayang Pangnilalaman


Paksa: Karunungang-bayan (BUGTONG)
Sanggunian: Vinta, Paglalayag sa Wikang Filipino ;
Kagamitan: Laptop, telebisyon, at mga larawan

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng silid – aralan ( Pagtugon ng mga mag – aaral sa panimulang
3. Pagtatala ng liban Gawain )
4. Pagbati

B. Aktibiti
Bilang panimula ng ating panibagong
aralin ay magkakaroon tayo ng isang
gawain, at ito ay tatawaging

“Kayamanan ng nakaraan,
Pag-usapan at balikan!”

Ngayong buwan ng Agosto, buwan ng


wika at pagka Pilipino, ating sariwain at
balikan ang ilan sa mga mahahalagang
ambag ng ating mga ninuno sa kasarinlan
ng ating kultura.

Mayroon akong isang kaibigan at sya’y


nagngangalang, Si Juan – at ang
kanyang kayamanan.

Ang tanong ng bayan, matutulungan ba


natin si Juan?

Sa saliw ng musika, iikot ang susi sa


bawat isa, at sa paghinto ng awitin, ang
katanungan ay kailangang sagutin.

Ang bawat katanungang ating sasagutin


ay magiging daan upang makarating si
Juan sa kanyang kayamanan at sa
panibagong aralin na ating tatalakayin.

Handa na ba ang lahat?

MGA DAPAT SAGUTIN: *Gunting


*Pako
1. Andyan na si Kaka, pabuka-bukaka. *Saging
2. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
3. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago ito *Mata
kainin.
4. Dalawang batong itim, kaylayo ng *Kasoy
nararating. *Sili
5. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
6. Baboy ko sa parang, namumula sa *Kalabasa
tapang.
7. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y
gumapagapang pa.

*BUGTONG (sabay-sabay)
At dahil nasagot natin ang bawat
katanungan, oras na para malaman ang
kayamanan ng nakaraan at ito ay ang

C. Analisis
Pagtalakay sa aralin

D. Aplikasyon

Hahatiin ang klase sa apat (4) na


pangkat. Ang bawat pangkat ay iisip ng
tiglilimang (5) bugtong tungkol sa mga
bagay na makikita nila sa apat na sulok
ng silid-aralan.

Kinakailangan na sa inyong bugtong na


gagawin ay nagtataglay ito ng katangian
ng bugtong.

• dalawang taludtod
• tugmaan ang huling pantig ng huling
salita
• gumamit ng imaheng nagtataglay ng
katangian ng pinahuhulaan

*Nakatutulong ang mga mahahalagang ambag


ng nakaraan sa kasalukuyang buhay ng bawat
E. Abstraksyon isa sapagkat ito ay naghahatid ng aral para sa
atin. Ang ating nakaraan ang syang
Paano nakatutulong ang mga pinagbatayan ng ating kasalukuyan upang
mahahalagang ambag ng nakaraan sa maghatid ng magandang kinabukasan. Gaya ng
kasalukuyang buhay ng bawat isa? bugtong ang buhay ay isang malaking
palaisipan, minsan ang ating hinihiling ay hindi
natutupad, minsan ang ating ginugusto ay hindi
ibinibigay, talagang mapaiisip ka na lang ngunit
lagi nating tatandaan na ang lahat ng bagay ay
ikaloloob sa ayon ng tamang panahon.

F. Pagtataya (Ang bawat isa ay tutugon sa hinihinging


gawain)
Tukuyin ang sagot sa bugtong na nakatala sa
bawat bilang. Piliin lamang ang sagot sa
malaking kahon. Isulat ang titik sa patlang na
nasa unahan ng bawat bilang.

___1.
A. Saranggola
Ang
B. Kandila
dami-
C. Pinya
raming
D. Salamin *C
mata
E. Sampayan *E
hindi
F. Baril *A
makakita. *D
___2. ‘Di hari, ‘di pari nagdadamit ng sari-sari.
___3. Buto’t balat lumilipad. *F
___4. Kwadro ko sa dingding kamukha ng bawat
tumitingin.
___5. Ang taksil na si Hudas dila ang tsinelas.

Takdang-aralin

1. Ibigay ang kahulugan ng Pang-uri.


2. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng pang-uri.

Inihanda ni:
G. Joshua D. Uri
Guro sa Filipino

You might also like