You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino I

Petsa: Marso 29, 2023

Baitang: I

I. MELC: Pagpapahayag ng sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa


napakinggan/ nabasa sa kwento.
II. Layunin:
1. Nakakapaglahad sa layunin na binasa patungkol sa kahalagahan ng kwento.
2. Isinasa-ulo ang mga bagay na kaylangan gawin para sa ikabubuti nang bawat
isa.
3. Maintindihan ang panunuod/pakikinig sa kwento

III. Paksang Aralin (Kwentong si Mario, Ana at ang Isda)


a. Paksa: Paglalahad/pagkilala sa mga katangian nang bawat tauhan sa
kwento.
b. Sanggunian; Ang kwentong si Mario, Ana at ang Isda (Kwentong Aklat ng
Pambata) https://www.youtube.com/watch?v=Vlp7AnR9B8k
c. Kagamitan: Aklat, Television(Video) at speaker
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawaing ng Mag Aaral Tayo’y halinat tumayo at manalangin sa
Poong maykapal
Pagtala ng liba at pagsaayos nang silid.
2. Balik-aral sa nakaraang tinalakay na aralin at panimula sa bagong aralin
Preparasyon sa ipapakita na video sa mga Tayo’y manood at making sa kwento na
mag aaral. At ibahagi sa kanila ang mga makikita natin sa video. At pagkatapos nito
aklat na naglalaman nang Tauhan sa ay magkakaroon tayo nang aktibidad.
kwento.
Si Mario, si Ana, at ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario


nang may nabingwit siyang isang malaking
isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo,
bigla itong nagsalita, “Huwag!” Muntik
nang mahulog sa bangka si Mario sa
malabis na pagkagulat.

“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng


kayamanan,” sabi ng isda, na nagpipilwag.

Nang mahulasan si Mario, tinanong niya


ang isda, “Ano ka ba, impakto?”

“Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na


naatasang magbantay dito sa malapit sa
pampang. May kapangyarihan ako –
mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa tubig
at ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin
mo.”

Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan


niya. Lagi itong inirereklamo ng asawa
dahil sa kaliitan. “Nais ko ang malaking
tirahan,” sabi niya sa isda.

“Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo


ang iyong malaking tahanan,” sabi ng isda
na kaagad namang ibinalik ng lalaki sa
tubig.
V. Paglalahad Pagkatapos na manood ng kwento ang
mga bata ay bigyan muna sila nang ilang
minuto upang sila’y makapag kwentohan
at magbigayan ng mga reaksyon
patungkol sa nakita nila sa video.
1. Pagganyak a. Tanungin sila kong ano ang
kanilang masasabi sa kwento.
b. Tatawagin ko kong sino ang
makakapagbigay nang kabuuan sa
kwentong nakita.
c.
2. Pagtalakay a. Isa isip ang mga mga katangian ng
bawat tauhan sa kwentong nakita.
b. Itatanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa
kwento?
2. Sino ang may busilak na puso?
3. Ano ang katangian na meron si
Ana?
4. Ano ang binigay ng isda kay
Mario?
5. Ano ang nahuli ni Mario?

3. Pagpapahalaga Paano mo mapapahalagahan ang binigay


ng Diyos sa atin. Kong ano ang meron
tayo dapat ay makuntento kasi darating
ang mga araw na lahat ay mawawala na
parang bula na naglaho bigla.
VI. Gawaing Pagtataya Pangkat-pangkatin ang mga mag aaral sa
tatlo. At simulan ang kanilang aktibidad.
Unang Pangkat (Mario)
Pangalawang Pangkat (Ana)
Pangatlong Pangkat (Isda)
Aktibidad; 1. Itanong sa bawat pangkat kong ano
ang kanilang natutunan na
katangian sa tauhan na meron sila.
2. Isasadula sa pangkat kong ano ang
kanilang nakita sa kwento.
3. Hingin sila nang reaksyon kong ito
ba’y ating pa iralin na hindi
makontento sa isang bagay na
meron tayo.
VII. Takdang aralin Panuto: Magbigay nang halimbawa ng
kaugalian na meron si Mario, si Ana at
ang Isda sa kwentong napanood at isulat
sa malinis na papel.

Inihanda ni: Estiban Recreo Jr.

You might also like