You are on page 1of 34

Alamat

inihanda ni: Bb. Melody D.C.


Teria
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. natutukoy ang pamagat, tauhan, at tagpuan sa binasang


alamat;
B. napahahalagahan ang gintong aral na napulot sa
binasang alamat; at
C. naibabahagi ang mga sagot sa katanungan sa binasang
alamat.
Hanap Salita
Panuto:
Hanapin at bilugan ang mga salita na hinanap sa loob ng
kahon. Ang mga salita ay maaring pahalang, patayo o
dayagonal.
Mga Salitang Hahanapin:
1. Ampalaya
2 Sitaw
3. Kalabasa
4. Talong
5. Petchay
Panuto:
Lagyan ng Tsek(/) kung ang pangungusap ay
sa tingin ninyo mangyayari sa kuwento,
ekis(x) naman kung sa tingin ninyo ay hindi
mangyayari sa kuwento.
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig.
Mga Elemento ng Alamat
1, Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kuwento at
kung ano ang papel na ginagampanan
ng bawat isa.
Mga Elemento ng Alamat
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung
kailan ito nangyari.
Alamat ng
Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa
naninirahan ang lahat ng uri ng
gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang


tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na
may anghang, si Labanos na
sobra ang kaputian,
si Talong na may lilang
balat, luntiang pisngi ni
Mustasa, si Singkamas na
may kakaibang lutong na
taglay, si Sibuyas na may
manipis na balat, at si
Patola na may gaspang na
kaakit-akit.
Subalit may isang gulay
na umusbong na kakaiba
ang anyo, siya si
Ampalaya na may
maputlang maputlang
kulay, at ang kanyang
lasang taglay ay di
maipaliwanag.
Katanungan:

1. Sino ang gulay na kakaiba ang anyo?


2. Sino-sino ang mga gulay na nabanggit
sa kuwento?
Araw-araw, walang
ginawa si Ampalaya
kung hindi ikumpara
ang kanyang itsura at
lasa sa kapwa niya
gulay, at dahil dito ay
nagbalak siya ng
masama sa kapwa
niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi
kinuha ni Ampalaya
ang lahat ng
magagandang
katangian ng mga
gulay at kanyang
isinuot.
Tuwang-tuwa si
Ampalaya dahil ang
dating gulay na hindi
pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit
walang lihim na hindi
nabubunyag nagtipon-
tipon ang mga gulay na
kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang
sundan ang gulay na may
gandang kakaiba, at laking
gulat nila nang makita
nilang hinuhubad nito isa-
isa ang mga katangian na
kanilang taglay. Nanlaki
ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si
Ampalaya.
Katanungan:
• Ano ang ginawa ni Ampalaya nang
sumapit ang gabi?
2. Bakit nagulat ang mga gulay sa nakita
nila?
Nagalit ang mga gulay at
kanilang iniharap si
Ampalaya sa diwata ng
lupain. Isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni
Ampalaya. Dahil dito
nagalit ang diwata at lahat
ng magagandang katangian
na kinuha sa mga kapwa
niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya
dahil inisip niya na iyon
lamang pala ang
kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit
makalipas ang ilang
sandali ay nag-iba ang
kanyang anyo.
Tanong:

1. Bakit nagalit ang mga gulay kay


Ampalaya?
Ang balat niya ay
kumulubot dahil ang kinis at
gaspang na taglay ni upo at
kamatis ay nag-away sa loob
ng kanyang katawan.
Maging ang mga iba’t ibang
lasa ng gulay ay naghatid ng
hindi magandang panlasa sa
kanya kung kaya’t pait ang
idinulot nito.
Ang kanyang kulay ay
naging madilim na luntian
Ngayon, kahit
masustansiyang gulay si
Ampalaya, marami ang
hindi nagkakagusto sa
kaniya dahil sa pait na
kanyang lasa.
Tanong:

1. Anong nangyari kay Ampalaya ng


pinarusahan siya ng Diwata?
Paglalapat:

Bigyan mo ako ng
sorbetes
Paglalapat:
Panuto: Buuin ang sorbetes at Isulat sa sorbetes ang
mga hinihinging sagot sa katanungan. Pagkatapos ay
ibahagi sa harap ng klase ang sagot.
Paglalapat:
Paglalahat
Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa
patlang.
____1. Ano ang pamagat sa binasang
kuwento?
a. Alamat ng Ampalaya
b. Alamat ng Kalabasa
c. Alamat ng Sitaw
Pagtataya
____2. Sino ang gulay na mapait ang lasa,
kulobot ang balat, at kulay ay madilim na luntian?
a.Ampalaya
b.Kamatis
c.Upo
d.Kalabasa
Pagtataya
____3. Ano ang tagpuan ng Alamat ng Ampalaya
a.Sariwa
b.Sawira
c.Sowira
d.Sariwo
Pagtataya
____4. Sino ang gulay na may asim at
malasutlang kutis?
a.Kalabasa
b.Kamatis
c.Luya
d.Labanos
Pagtataya
____5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
tauhan?
a.Ilog
b.Gubat
c. Bahay
d. Ampalaya
Takdang-Aralin
Panuto: Maghanap ng Alamat at
basahin ito, Pagkatapos ay isulat sa
malinis na papel ang napulot na
gintong aral dito.

You might also like