You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 4

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay inaasahang maipakita ang pag-unawa
sa pinanood sa pamamagitan ng pagkilos nito.
II. Paksang Aralin
A. Deskripyon
1. Kasanayan: Pagsasadula
2. Nilalaman: Pagiging tunay na kaibigan, http://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/
3. Sanggunian: Yaman ng Lahi pg. 197
4. Materyales: Manila paper, pentel pen
III.
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak:
Sino sainyo ang may totoong kaibigan?
Paano mo nasabing totoo mo siyang kaibigan?

2. Pagganyak na tanong:
Ano ang ginawa ni Clark na naging dahilan para
magdamdam si Leo?
3. Paglalahad:
Isang hapon, masayang naglalakad si Clark
at Leo sa gubat. Masaya nilang pinag-uusapan ang
mga karanasan nila nang natanaw nilang
dumarating ang napakalaking oso. Mabilis na
umakyat sa katabing puno si Clark. Hindi niya
naalalang pagsabihan man lang si Leo sa laki ng
takot sa mangyayari sa sarili.

Naiwan ang kasama na di na makakibo dahil sa


aabutan na ng oso. Naisipan na lamang niyang
dumapa sa kinatatayuan niya at magkunwaring
patay. Alam niyang hindi inaano ng oso ang mga
taong patay.

Dahan dahang lumapit nga ang oso, inamoy-amoy


si Leo na pigil na pigil naman ang paghinga.
Pagkaraan ng ilang sandali, iniwan na siya ng oso at
lumayo na ito.

Mabilis na bumaba si Clark sa puno. "Ano ang


ibinulong sa iyo ng oso?" tanong ni Clark
"Sabi niya sa akin, hindi raw maaasahan ang isang
kaibigang mabilis umakyat ng puno dahil iiwan ka
nito sa oras ng kagipitan. Hindi raw ganoon ang
tunay na kaibigan". Naghiwalay ang dalawa, ang
isa'y nahihiya at ang isa'y nagdaramdam.

B. Panlinang na Gawain
Isabuhay ang mga pangyayaring nakatalaga sa
kani-kaniyang pangkat.

Group 1: Dahan dahang lumapit ang oso, inamoy-


amoy si Leo na pigil na pigil naman ang paghinga.
Group 2: Masayang nag-uusap ang dalawang
kaibigan ng matanaw nila ang isang oso.

Group 3: Tinanong ni Clark si Leo tungkol sa ginawa


ng oso. Sinabi ni Leo na hindi daw dapat siya
makipagkaibigan sa taong iiwan ka sa oras ng
kagipitan.

Group 4: Naghiwalay ang dalawa, ang isa’y


nagdaramdam at ang isa’y nahihiya.

Group 5: Natatarantang umakyat ng puno si Clark


habang naiwan si Clark.

Ngayon, bigyan natin ng marka ang bawat grupo


ayon sa kanilang pagganap.

Ngayon naman umisip kayo ng isang kilos na nakita


nyong ginawa ng isa sa inyong kamag-aral. Gayahin
ito sa harapan at pahulaan kung sino ang ginagaya
niyo.

Papangkatin ko kayong muli.

Bawat pangkat ay maghahanda ng isang dula-


dulaan tungkol sa nasaksihang pangyayari sa loob
ng silid-aralan.

Bibigyan ko kayo ng pitong minuto.

4. Pagsasabuhay:
Ano ang natutunan nyo sa ginawa ni Wag iiwanan ang kaibigan sa oras ng kagipitan.
Clark?
Dapat bang tularan ang ginawa niya? Hindi po

IV. Evalwasyon
Ngayon naman umisip kayo ng isang kilos na nakita nyong ginawa ng isa sa inyong kamag-aral. Gayahin
ito sa harapan at pahulaan kung sino ang ginagaya niyo.
V. Kasunduan
Pag-aralan ang pang-abay at pang-uri para sa pagsusulit bukas.

You might also like