You are on page 1of 32

Edukasyon sa pagpapakatao – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pakikilahok sa Gawain, Mabuting Ugaliin!
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Robilyn B. Duria
Camille Carla N. Nazar
Kristelle A. Sta Maria
Maria Eleonor P. Nejar
Mark D. Tiongson

Tagasuri ng Nilalaman : Rainelda M. Blanco, PhD


Agnes R. Bernardo, PhD
Tagasuri ng Wika : Melinda P. Cataga
Tagasuri ng Paglapat : Melinda P. Cataga
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernando
Glenda S. Contastino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan-Modyul 3
Pakikilahok sa Gawain,
Mabuting Ugaliin!
EsP5P-IIIc-25
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang
pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang ga-
gabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral
na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pag-
tatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan na-
man na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa
ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami


na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa: EsP5P-IIIc-25

• Nasasabi ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino;

• Nailalahad ang mga paraan ng pakikilahok sa mga gawaing


pampamayanan na nagpapakita ng mabubuting pag-uugali ng mga
Pilipino; at

• Naipapaliwanag kung paano maipakikita ang disiplina at


pakikilahok sa gawain upang mapanatili ang pagiging mabuting
Pilipino.

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang ng nagpapakita ng disiplina at


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pampamayanan, at ekis (x) naman ang hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

________1. Pagsama sa mga gawain ng mga kabataan sa inyong barangay


________2. Pagsusulat sa mga pader ng mga pampublikong gusali
________3. Magiliw na pagtanggap sa mga panauhin ng mga kapatid at magulang
________4. Pagbabahagi ng angking talento sa mga pangkatang gawain sa paaralan
________5. Pag-aaksaya ng tubig
________6. Pagdalo sa mga programa ng pamayanan o barangay
________7. Pagtulong sa pagpapaganda ng kapaligiran sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng kalinisan
________8. Pagtatapon ng mga basura sa tamang lagayan
________9. Pagdidikit ng poster kung saan-saan
________10.Pakikibahagi sa pagbibigay ng relief goods sa mga mamamayan sa mga
nasalanta ng bagyo

2
Balikan

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung nagpapakita ng wastong gawain at buwan ( )


kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

_________1. Ang mga talento ay maaaring mawala sa tao.


_________2. Hindi na nararapat pang linangin ang mga talentong tinataglay.
_________3. Ang talento ay namamana.
_________4. Ang talento ay biyaya ng Diyos.
_________5. Gamitin nang buong husay ang talento para sa sarili lamang.
_________6. Laging gamitin ang talento sa lahat ng pagkakataon.
_________7. Maging mapanagutan sa talentong tinataglay.
_________8. Maging responsable sa paggamit ng angking talento.
_________9. Uunlad ang talentong taglay kung ginagamit ito.
_________10. Ibahagi ang talento sa kapuwa.

Tuklasin

Isang paraan ng pagpapamalas ng kamalayang pansibiko ang pakikilahok sa


pangangalaga ng ating kapaligiran. Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay
nagpapakita rin ng pagpapahalaga sa natatanging kaugaliang Pilipino.
Basahin ang kuwento. Ating alamin kung paano ipinamalas ng mga mag-aaral
na sina Cherry, Anna, at Rowel ang pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan.

Kamalayan sa Lipunan

Isang umaga, masayang ipinabatid ni Gng. Tin De Guzman sa kaniyang


mag-aaral na ang kanilang klase ay makikilahok sa gaganaping Clean Up Drive
ng barangay na nakasasakop sa kanilang paaralan bilang pagtugon sa
proyektong “Bayan Ko, Linis Ko”. Ito ay proyekto na kung saan hinihikayat ang
lahat na makilahok upang mapanatili ang kalinisan sa barangay. Bilang
pagtugon, ang Baitang 5 sa pangunguna ni Gng. De Guzman ay sumang-ayon
na makikilahok sa nasabing programa.

3
Ang mga mag-aaral na sina Cherry, Anna, at Rowel ay tuwang-tuwa sa
ibinalita ng kanilang guro. Batid nila na ang gawaing ito ay isa sa mga
magagandang proyekto ng kanilang paaralan at ng kanilang barangay.
“Ma’am Tin, kailan po gaganapin ang proyektong ito?,” nananabik na
tanong ni Cherry. “Ito ay gaganapin sa ikatlong Sabado ng Setyembre,” tugon ni
Gng. De Guzman. “Lahat ba kayo ay gustong sumama?,” tanong ng guro.
“Sasama po ako, Ma’am,” masiglang tugon ni Rowel. “Ako rin po, Ma’am
Tin,” sunod na sabi ni Anna. Sumunod na rin ang iba pang mag-aaral na
sumagot na gusto nilang makilahok sa proyekto.
“Masaya akong malaman na ang bawat isa sa inyo ay nagnanais na
makibahagi sa proyektong ito ng ating barangay,” sabi ng kanilang guro. “Upang
makibahagi sa Clean Up Drive na ito, kailangan ninyong humingi ng pahintulot
sa inyong mga magulang,” paalala ni Gng. De Guzman sa mga mag-aaral.
Kinabukasan, masayang ibinigay ng mga mag-aaral ang kanilang sulat
pahintulot sa kanilang guro. Ang bawat isa ay sabik na makilahok sa programa.
Nakipag-ugnayan ang kanilang guro sa tagapamahala ng Clean Up Drive na
gaganapin sa kanilang barangay. Ipinabatid ng guro na ang mag-aaral sa
ikalimang baitang ay makikibahagi sa kanilang proyekto.

4
Araw ng Sabado, ang lahat ng mag-aaral sa ikalimang baitang ay
maagang dumating. Bago magsimula ang Clean Up Drive ay nagkaroon ng
pagtitipon sa barangay hall upang ipaliwanag sa bawat isa ang layunin ng
proyekto. Ang bawat isa ay nakinig sa punong barangay. Pagkatapos ng
pagtitipon, ang bawat isa ay sama-samang nagtulungan at nagkaisa sa paglilinis
ng barangay. Dahil sa pagtutulungan, mabilis nilang naisagawa ang paglilinis ng
kapaligiran.

“Salamat sa inyong lahat!,” masayang bati ng punong barangay sa mga


mag-aaral. “Nakatutuwa na ang mga kabataang tulad niyo ay nakatutulong sa
ating bansa.”
“Salamat din po,” sabay-sabay na tugon nina Cherry, Anna, at Rowel.
“Marami po kaming natutunan sa proyektong ito,” masayang tugon ni
Rowel. “Opo, tama po si Rowel, natutunan po namin na sa sama-samang
paggawa at pagkakaisa ay maraming magagawa,” wika ni Anna.
“Natutunan rin po namin na disiplina ang kailangan upang mapanatili ang
kalinisan sa ating kapaligiran,” saad ni Cherry.

5
Lubos na natuwa ang punong barangay sa mga natutuhan ng mga
mag-aaral sa kanilang proyekto. Dahil dito, ang bawat isa sa kanila ay binigyan
ng munting regalo bilang pasasalamat sa kanilang pakikipagtulungan.
“Salamat sa inyong lahat,” nagagalak na wika ng guro. “Ang inyong
pakikiisa sa proyektong ito ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali na maaari
nating maipagmalaki,” saad ng guro.
“Hindi po namin malilimutan ang karanasang ito, Ma’am Tin,” wika ni
Anna. “Maaari po kaming tumulong na mabawasan ang basura sa kapaligiran at
manghikayat ng kapuwa namin kabataan sa pagpapanatili ng kalinisan,” dagdag
ni Cherry.
“Lagi po namin tatandaan na disiplina ang kailangan upang mapanatili
ang kalinisan. Pagkakaisa ang kailangan upang gawain ay mapagaan,” patulang
wika ni Rowel. Nagpalakpakan ang lahat sa tinuran ni Rowel. “Lubos akong
natutuwa na kayo ay may natutunan sa ating gawain,” masayang wika ng guro.
Matapos ang gawain ay inatasan ang mga mag-aaral na sumulat ng isang
journal sa kanilang naging karanasan sa proyektong kanilang ginawa.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang gawaing lalahukan ng mga mag-aaral ni Gng. De Guzman?


________________________________________________________________
2. Ano ang kailangan upang makadalo ang mga mag-aaral sa Clean Up Drive
ng barangay?
________________________________________________________________
3. Ano ang naramdaman ng guro sa mga naging tugon ng mag-aaral sa baitang
lima?
________________________________________________________________
4. Ano ang ipinakita ng mga mag-aaral sa proyekto ng barangay?
________________________________________________________________
5. Ano ang natutunan ng bawat isa sa ginanap na Clean Up Drive?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6
Suriin

Pakikilahok sa Gawain, Mabuting Ugaliin!


Nagpapakita ng pakikiisa sa pangkat na kinabibilangan ang paglahok sa mga
gawaing pampamayanan. Ito ay nagpapakita ng mabuting pakikitungo sa ating kapuwa
at kamalayang pansibiko.
Ilan sa mga magagandang asal na taglay nating mga Pilipino ang pakikiisa at
mabuting pakikitungo natin sa ating kapuwa. Ito ay mga kaugalian na maaari nating
maipagmalaki sa lahat. Bukod pa rito ay maaari nating maiugnay ang pakikiisa at
mabuting pakikitungo sa kapuwa sa iba pang magandang kaugalian nating mga Pilipino
tulad ng mapanuring pag-iisip, kasipagan, pagkakawang-gawa, disiplina sa paggawa at
iba pa.
Ginagawa mo ba ang pakikilahok sa mga gawaing nagpapakita ng mabubuting
ugali ng mga Pilipino? Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Taglay mo rin ba ang ugaling
ipinakikita ng mga tao sa komunidad?

© ©
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Freedom_Island_coastal_clean_up.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG

© ©
https://commons.wikimedia.org/wiki/ https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:Philippine_Red_Cross_Bloodletting_with_The_Cybersmile_Foundation.jpg File:227Pandi_Balagtas_Bulacan_Rice_Fields_Provincial_Roads_43.jpg

7
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Kumpletuhin ang bawat diyalogo. Ano ang gagawin mo sa mga


sumusunod na sitwasyon upang maipakita ang iyong pakikilahok sa gawaing
pampamayanan? Gawin ito sa sagutang papel.

Mico, nakikita mo ba yung _____________________


1. nakikita ko? Nasasayang _____________________
ang tubig sa gripo at _____________________
patuloy itong tumutulo _____________________
patungo sa kalsada, ano _____________________
ang gagawin natin? Wala _____________________
pa ang mga tauhan na _____________________
magkukumpuni. _____________________

Ana, tingnan mo yung _____________________


aso, ikinakalat ang mga _____________________
2.
_____________________
basura sa kalsada! Baka
_____________________
bumaho ang ating kapa-
_____________________
ligiran at dumami ang mga
_____________________
langaw.

8
3. Leo, narinig ko na _____________________
magkakaroon ng Gift _____________________
Giving Program ang ating _____________________
barangay para sa mga
_____________________
batang nasa lansangan,
Naalala ko kasi madami _____________________
tayong mga laruan at mga _____________________
damit na nakatabi sa ating _____________________
bodega, maari natin _____________________
mapakinabangan ang
_____________________
mga iyon.
_____________________

4. Aris, tingnan mo ang _____________________


daming nabaling sanga at _____________________
_____________________
mga dahon sa kalsada, _____________________
may mga puno rin na _____________________
nabuwal dahil sa bagyo, _____________________
_____________________
Gusto kong maibalik ang
_____________________
kalinisan dito, paano kaya _____________________
tayo makatutulong? _____________________

9
5.
Paul, ano kaya ang _____________________
maitutulong natin sa ating _____________________
bansa sa kabila ng _____________________
pandemya na ating _____________________
kinakaharap? _____________________

Pang-isahang Pagtataya 1

Panuto: Isa-isahin ang mga mabubuting pag-uugali na naipamamalas ng mga


Pilipino sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko o pampamayanan. Isulat ang sagot sa
loob ng puso. Gawin ito sa sagutang papel.

Mabubuting Pag-uugali ng mga Pilipino

10
Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Bilang isang batang Pilipino ay maipakikita ang gawain ng pakikilahok


sa pamamagitan ng mga payak na paggawa ng kabutihan. Pumili sa loob ng kahon ng
mga gawaing nagpapakita ng mabuting pag-uugali ng pakikiisa sa mga gawaing
pampamayanan. Ilagay ito sa bawat bilog na nakapalibot sa larawan ng mga bata.
Gawin ito sa sagutang papel.

A. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad at ng ating bansa


B. Ang pagsunod sa mga batas ng iyong munisipyo at maging ng ating bansa
C. Hindi pagsali sa samahan para sa kapakanan ng mga katutubong Pilipino
D. Magalang na pakikipag-usap sa matatanda
E. Paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan
F. Pagsuway sa pagpapatupad ng batas trapiko ng iyong lungsod
G. Pagsali sa mga liga o larong pampalakasan sa inyong barangay

11
Pang-isahang Pagtataya 2

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa
sagutang papel.

Naglunsad ng isang proyekto ang GPTA Officers na ang layunin ay


paigtingin ang kampanya sa pagpapatupad ng batas sa kalinisan at kaayusan ng
paaralan kasama na rin ang buong barangay. Ito ay upang maiwasan ang
paglaganap ng mga sakit tulad ng dengue at iba pang may kaugnayan dito.

Binigyan ang bawat mag-aaral ng liham paanyaya para sa kanilang


magulang na nagsasabi na lahat ay hinihikayat na makilahok sa gawain. Isa ang
pamilya ni Manuel sa nakatanggap nito. Laking tuwa niya dahil buong pamilya niya
ay sasama at makikiisa sa nasabing proyekto. Sila ay masasabing huwaran ng
pagiging mabuting Pilipino dahil madalas silang makita na masaya at may
pagkakaisang nakikilahok sa gawaing pampamayanan.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang layunin ng GPTA Officers sa kanilang inilunsad na proyekto?


_____________________________________________________________________
2. Maganda ba ang kanilang layunin? Bakit?
_____________________________________________________________________
3. Lumahok ba ang pamilya ni Manuel? Ano ang kanilang naramdaman?
_____________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Manuel, makikilahok ka rin ba sa mga ganitong gawain? Bakit?
_____________________________________________________________________
5. Naranasan mo na ba na makilahok sa mga ganitong gawain? Anong gawain na ang
iyong nilahukan? _______________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Ginagawa mo ba ang pakikilahok sa mga gawaing nagpapakita ng


mabubuting ugali ng mga Pilipino? Punan ang bawat patlang upang mabuo ang tamang
kaisipan. Pumili ng sagot na nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

pakikiisa pampamayanan pansibiko kaugalian disiplina

Nagpapakita ng (1)_______________ sa pangkat na kinabibilangan ang


pakikiisa o paglahok sa mga gawaing (2)________________. Ito ay nagpapakita ng
mabuting pakikitungo sa ating kapuwa at kamalayang (3)________________.
Ilan sa mga magandang asal na taglay nating mga Pilipino ang pakikiisa at
mabuting pakikitungo natin sa ating kapuwa. Ito ay mga (4)_________________ na
maaari nating maipagmalaki sa lahat. Bukod pa rito ay maaari nating maiugnay ang
pakikiisa at mabuting pakikitungo sa kapuwa sa iba pang magandang kaugalian nating
mga Pilipino tulad ng mapanuring pag-iisip, kasipagan, pagkakawang-gawa,
(5)____________ sa paggawa at iba pa.

Pang-isahang Pagtataya 3

Panuto: Kulayan ng PULA ang kung ito ay nagpapakita ng mabuting


pakikilahok sa gawaing pampamayanan at DILAW naman kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Pakikiisa sa mga programa ng barangay


2. Pag-iwas sa mga gawaing pampamahalaan
3. Pagsali sa ibat ibang uri ng isports sa inyong barangay
4. Paghikayat na sumali sa mga rally bilang pagtutol sa pamahaalan
5. Pagsusulat sa mga pader na dinaraanan
6. Pagbibigay ng dugo sa mga nangangailangan
7. Pangunguna sa paglalagay ng maliliit na watawat ng Pilipinas sa pagdiriwang
ng Araw ng Kalayaan.
8. Pagtatapon ng basura sa mga estero at kanal
9. Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa kabundukan
10. Pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad

13
Isaisip

Panuto: Gumupit ng mga larawan ng gawaing pansibiko (hal. pamimigay


ng relief goods) at idikit ito sa sagutang papel. Isulat kung paano ka makikilahok sa mga
nasabing gawain.

1. Paano ka makikilahok sa kanilang


gawain?

2.
Paano ka makikilahok sa kanilang
gawain?

3.
Paano ka makikilahok sa kanilang
gawain?

4.
Paano ka makikilahok sa kanilang
gawain?

14
5. Paano ka makikilahok sa kanilang
gawain?

Isagawa

Panuto: Suriin ang gawain ng sariling pamilya. Nakikilahok ba kayo sa mga


kampanya sa pagpapatupad ng mga programa at batas sa kalinisan, kalusugan at
kaligtasan? Paano ninyo ito ginagawa? Buuin ang talahanayan. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Mga Gawain ng Ano ang babaguhin mo sa gawain ninyo?


Sariling Pamilya o
Kung walang nais baguhin, bakit dapat
ipagpatuloy ang gawaing ito?

15
Tayahin

Panuto: Basahin mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin kung alin sa mga sumusunod
ang dapat at mabuting gawin ng isang batang katulad mo. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa sagutang papel.

_________1. Nabalitaan mo na magkakaroon ng medical mission sa inyong barangay


bukas ng umaga. Sa paanong paraan ka makatutulong sa paghahanda sa
nasabing gawain?
a. Makikiisa ako sa paglilinis at pag-aayos sa lugar.
b. Pupunta ako nang mas maaga upang tingnan ang mga gamot na
maaari kong maiuwi.
c. Sasabihin ko kina nanay at tatay na magtungo sa lugar na
pagdarausan upang sila ang tumulong doon.

_________2. Nakita mo na abala ang lahat sa paglilinis ng mga kanal at estero habang
ikaw ay naglalaro lamang sa harap ng inyong bahay.
a. Itutuloy ko ang aking paglalaro dahil marami naman silang naglilinis.
b. Tatawagin ko ang mga batang kasama sa gawain upang magkaroon
ako ng kalaro.
c. Tutulong ako sa paglilinis upang mas madali silang makatapos.

_________3. Nagbabahay-bahay ang health workers sa inyong barangay. Pinababatid


nila na may libreng bakuna sa dengue para sa mga bata sa inyong lugar.
Isinasama ka ng iyong tita na kamadrona upang makiisa sa kanilang gawain.
a. Magdadahilan ako upang hindi makasama.
b. Ihahanda ko ang aking sarili upang makiisa sa kanilang gawain.
c. Sasabihin ko kay tita na hindi ako pinapayagan ni nanay na umalis ng
bahay.

_________4. Ang SPG at iba pang organisasyon ng inyong paaralan ay magkakaroon ng


"Tree Planting Activity". Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na makilahok
dito ngunit hindi mo hilig ang pagtatanim.
a. Liliban ako sa araw na itinalagang gawin ang pagtatanim.
b. Makikiisa ako sa gawain kahit na hindi ko ito hilig.
c. Magtatago ako sa loob ng silid-aralan upang hindi nila ako makita.

16
_________5. Ang inyong klase ay naatasang mangampanya sa pagpapatupad ng
wastong pagtatapon ng basura sa inyong paaralan. Ngunit isa sa mga
kamag-aral mo ay ayaw sumali.
a. Hahayaan ko na lamang siya, ako na lamang ang sasali.
b. Makikiisa sa hindi niya pagsali upang hindi ako mapagod
c. Kukumbinsihin ko siya na makiisa dahil ito ay para sa ikabubuti
naming lahat.

_________6. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang bulwagan.


Magsisimula na ang pambansang awit bilang panimula ng programa. Ano
ang dapat mong gawin?
a. Sumali sa nagkukuwentuhan.
b. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan.
c. Sabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at lumahok
sa pag-awit.

_________7. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa Kalye Aurora. Ano ang iyong
gagawin?
a. Alalayan ang matanda.
b. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
c. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.

_________8. Tila nakalimutan ni Lola Anita ang daan pauwi. Paikot-ikot siya at hindi
malaman ang gagawin. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ang lola hanggang may tumulong sa kaniya.
b. Magpapanggap na hindi nakita ang lola.
c. Tanungin si Lola Anita at tulungan siya.

_________9. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa


inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo?
a. Manood sa mga taong naglilinis.
b. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
c. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa komunidad.

17
_________10. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang isang organisasyon sa
inyong lugar. Ano ang maaari mong itulong?
a. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mga bata.
b. Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.
c. Makikain kasama ang mga bata.

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ilagay sa kahon ang bilang ng
mga gawaing HINDI nagpapakita ng disiplina at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko.
Ipaliwanag ang mga napiling sagot kung paano ito maitatama. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

1. Pagsali sa mga organisasyon na makakatulong sa bansa

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rizal_Park,_PH_flag_-_Rizal_day_ceremony_
(Manila)(2017-12-30).jpg

2. Pagsuway sa batas-trapiko

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Scooters_Bangkok_Nana.jpg

18
3. Pagsasagawa ng ilegal na pagputol ng puno

©
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Logging_illegal_IMG_0912_02.jpg

4. Pagbibigay ng dugo sa Red Cross

©
https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:09104jfBloodletting_Blood_donation_Philippine_Red_Cross_SM_City_Baliuagfvf_13.jpg

5. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot

©
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Drug_addict.jpg

19
6. Paglilinis ng kapaligiran

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Clean-Up_Drive_(CMO)_Bgy_Old_Capitol_Site.jpg

7. Pagsali sa mga patimpalak

https://en.wikipedia.org/wiki/File:New_Clark_City_Stadium_-_west_side,_athletics_track_
(Capas,_Tarlac;_12-06-2019).jpg

8. Pagtatapon ng basura sa dagat

https://pixabay.com/photos/pollution-trash-garbage-ocean-4855507/

20
9. Pagsusulat sa pampublikong lugar

©
https://pxhere.com/en/photo/1149842

10. Pangangampanya tungkol sa pagreresiklo

©
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:NEA_recycling_bins,_Orchard_Road.JPG

Ilagay ang bilang ng sagot sa kahon at ipaliwanag kung paano ito maitatama.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

21
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

22
B. Panuto: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng pakikilahok
sa mga gawaing pampamayanan bilang isang mabuting mamamayang Pilipino. Gawin ito
sa iyong kwaderno.

23
24
Subukin
1. ✓
2. x
3. ✓
4. ✓
5. x
6. ✓
7. ✓
8. x
9. x
10. ✓
Balikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Tuklasin
1. Clean up drive sa barangay
2. Pahintulot ng magulang
3. Masaya
4. Disiplina at pagkakaisa
5. Ang dislplina at pagkakaisa ay mahalaga
Susi sa Pagwawasto
25
Pang-isahang Gawain 1
*SARILING SAGOT AT PALIWANAG NG MGA BATA
Pang-isahang Pagtataya 1
*SARILING SAGOT AT PALIWANAG NG MGA BATA
Pang-isahang Gawain 2
1. A. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad at ng ating bansa.
2. B. Ang pagsunod sa mga batas ng iyong munisipyo at maging ng ating bansa.
3. D. Magalang na pakikipag-usap sa matatanda.
4. E. Paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan
5. G. Pagsali sa mga liga o larong pampalakasan sa inyong barangay.
Pang-isahang Gawain 3
1. pakikiisa
2. pampayanan
3. pansibiko
4. kaugalian
5. disiplina
Pang-isahang Gawain 3
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
26
Isaisip
*SARILING SAGOT AT PALIWANAG NG MGA BATA
Isagawa
*SARILING SAGOT AT PALIWANAG NG MGA BATA
Tayahin
1. A
2. C
3. B
4. B
5. C
6. C
7. A
8. C
9. B
10. A
Karagdagang Gawain A.
2. Pagsuway sa batas trapiko
3. llegal na pagputol ng puno
5. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
8. Pagtatapon ng basura sa dagat
9. Pagsusulat sa pampublikong lugar
*SARILING SAGOT NG MGA MAG-AARAL KUNG PAANO NILA MAITATAMA ANG
MGA GAWAIN.
Karagdagang Gawain B.
*SARILING SAGOT AT PALIWANAG NG MGA BATA
Sanggunian

Ylarde, Z.R. & Peralta, G.A, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Manwal ng Guro,
Masacupan, J. R & Robles, I.C, ed., (Vibal Group, Inc., 2016), pp. 36-38

Ylarde, Z.R. & Peralta, G.A, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat,
Masacupan, J. R & Robles, I.C, ed., (Vibal Group, Inc., 2016), pp. 124-129

Go, Galileo L, Gabay sa Pagpapakatao, Batayang Aklat, Esdicul, Angelita M, ed.,(Abiva


Publishing House, Inc., 2017), pp. 215.

Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies Matrix in


Edukasyon sa Pagpapakatao .(Philippines:Department of Education,2020), pp. 58

Editha Honradez, “Yunit IV - Aralin 5 Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing


Pansibiko”, slideshare.net, Published on Feb 18, 2017,
https:// www.slideshare.net/EDITHAHONRADEZ1/

https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:Philippine_Red_Cross_Bloodletting_with_The_Cybersmile_Foundation.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Freedom_Island_coastal_clean_up.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG
https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:227Pandi_Balagtas_Bulacan_Rice_Fields_Provincial_Roads_43.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rizal_Park,_PH_flag_-_Rizal_day_ceremony_
(Manila)(2017-12-30).jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Scooters_Bangkok_Nana.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Logging_illegal_IMG_0912_02.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:09104jfBloodletting_Blood_donation_Philippine_Red_Cross_SM_City_Baliuagfvf_13.
jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Drug_addict.jpg
https://en.wikipedia.org/wiki/File:New_Clark_City_Stadium_-_west_side,_athletics_track_
(Capas,_Tarlac;_12-06-2019).jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Clean-Up_Drive_(CMO)
_Bgy_Old_Capitol_Site.jpg
https://pixabay.com/photos/pollution-trash-garbage-ocean-4855507/
https://pxhere.com/en/photo/1149842
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:NEA_recycling_bins,_Orchard_Road.JPG

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like