You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN at PANGKABUAHAYAN 5

Home Economics
Pangangalaga sa Sariling Kasuotan
ACTIVITY SHEET No. 1 WEEK 1

Pangalan: ___________________________ Baitang/Pangkat: __________ Marka: _____


Guro: ___________________________________ Petsa: ______________________

Pagtambalin ang mga larawang magkakaugnay sa itaas at ibaba. Gumamit ng


bilang 1-5. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Unawain Natin

Ang matalinong pagpili ng angkop na kasuotan sa iba’t ibang panahon ay mawawalan


ng halaga kung hindi naman ito aalagaan nang wasto. Ang pangangalaga ng kasuotan ay
mahalaga sapagkat ipinapakita rito ang pagpapahalaga ng taong may suot nito. Nakadaradag
din ito sa iyong kaayusang panlabas.
Lahat ng bagay na isinusuot sa katawan ay nangangailangan ng pang-araw-araw na
pag-aalaga. Sikaping maglaan ng ilang oras para rito. Nakatitipid ng oras, pagod at salapi kung
uugaliing pangalagaan ang mga damit araw-araw. Tatagal pa ang pakinabang mo rito.

Narito ang ilang paraan ng pangangalaga ng kasuotan.

1. Dapat ingatan ang kasuotan mula sa oras na isuot ito hanggang sa ito ay iyong hubarin. Isuot
nang maingat ang damit upang maiwasan ang mga tastas at punit. Mag-ingat sa pagkilos
upang hindi masabit sa pako o iba pang bagay na matulis ang damit.
2. Iwasang maupo sa mga lugar na marurumi.
3. Huwag gamiting pamunasan ng kamay, pawis, o dumi ang damit. Gumamit ng panyo para
sa mga ganitong gawain.
4. Hubarin kaagad ang damit pampasok at magpalit ng damit pambahay pagkagaling sa
paaralan.
5. Ilagay sa sisidlan ng maruming damit o ropero ang damit na pinaghubadan.

1
Narito naman ang ilang mga paraan upang manatiling malinis at maayos ang kasuotan.

1. Paglalaba
Kailangang labhan ang mga damit na naisuot na upang matanggal ang dumi,
alikabok at pawis na kumapit dito. Nakarurupok ng tela ang mga duming ito
bukod sa nagging sanhi ng hindi kanais-nais na amoy. Napananatiling maayos
ang damit kapag ito ay nilalabhan kaya nagagamit pa ito nang matagal na
panahon. Mahalagang isagawa nang maayos ang paglalaba upang matiyak na
malinis ang mga damit.
2. Pamamalantsa
Ang mga bagong labang damit ay gusot-gusot kapag natuyo na. Hindi maayos
tingnan ang damit kung isusuot na lukot-lukot kaya dapat plantsahin muna.Sa
pamamagitan ng pamamalantsa, bumabalik ang dating hugis at ayos ng damit.
Kaiga-igayang tingnan ang kasuotan kung maayos at wasto ang pagkakaplantsa
nito.
3. Pagsusulsi
Kung minsan ay hindi maiwasang magkaroon ng punit ang damit lalo na kung
luma na ito at hindi nagging maingat sa pagkilos ang nagsuot. Sulsihan kaagad ang
mga punit sa damit upang hindi lumaki pa ang sira.
4. Pagtatagpi
Ang butas sa damit na gawa ng upos ng sigarilyo, kagat ng daga at mapanirang
mga kulisap ay kinukumpuni sa pamamagitan ng pagtatagpi.
5. Pag-aalis ng Mantsa
Dapat tanggalin kaagad ang mga mantsa sa damit sapagkat ito ay hindi
magandang tingnan. Bukod pa rito, mas mahirap tanggalin ang mantsa kapag
nagtagal o natuyo na sa damit. Tiyaking natanggal na ang mantsa ng damit bago
ito labhan upang hindi masayang ang lakas at oras sa pagtatanggal ng mga ito
habang naglalaba.
6. Pag-aayos ng mga Damit
Mahalagang magkaroon ng sariling lalagyan ng mga damit. Higit na
mapangangalagaan ang mga kasuotan kung may cabinet o aparador na
paglalagyan ng mga ito. Kung walang cabinet o aparador, maaaring ilagay rin sa
malinis at malaking kahon ang mga kasuotan.

Panuto: Suriin ang mga larawan ng kasuotan. Sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong.

A. Sagutin ang sumusunod:


1. Anu-ano ang makikita sa larawan?
2. Anu-anong klase ng damit ang mga makikita sa larawan?
3. Tuwing kailan isinusuot ang mga klase ng mga damit na ito?

2
B. Tukuyin ang mga larawan kung ano ang ginagawa ng mga nasa larawan. Isulat ito
sa kahon.

Ilapat Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin sa Hanay B ang paraan
na dapat gawin upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kasuotan na
binabanggit sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

______ 1. Pagkapunit o tastas ng damit A. pagpaplantsa


______ 2. Pagkatapos isuot ang damit na naalikabukan B. pagtutupi at
o nadumihan paghanger ng
______ 3. Pagkatapos malabhan at matuyo ang damit ay na plantsang damit
magkakaroon ng gusot na di maganda tignan. C. pagtanggal ng mantsa
______ 4. Pagtanggal ng natapunan ng pintura, tinta, at iba pang D. pagsusulsi
likidong di madaling tanggalin sa paglalaba lamang E. paglalaba
______ 5. Pag-aayos ng mga nalabhan at naplantsang damit

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon kung paanno


mapangangalagaan ang ating kasuotan. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung
wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi wasto.

______ 1. Hiniram mo ang damit ng iyong kapatid para makadalo ka sa kaarawan ng iyong matalik na
kaibigan at hindi sinasadyang natapunan ang iyong puting damit ng inumin. Nang umuwi ka na sa
inyong bahay agad mong hinubad at nilabhan ang isinuot na damit upang hindi magmantsa ang
natapong inumin.
______ 2. Nagusot ang iyong mga uniporme nang labhan ni Nanay ang mga ito at nakaligtaan niyang
plantsahin para maisuot mo kinabukasan ngunit nasa kusina si Nanay at abala ka sa paglalaro ng
Mobile Legend sa iyong silid kaya hahayaan mo na lamang itong gusot na isuot kinabukasan.
______ 3. Tinupi na at pinatong ni Ate ang iyong malilinis na bagong labang damit sa ibabaw ng
iyong kama habang ika'y abala sa paggawa ng iyong takdang-aralin. Malalim na ang gabi nang ikaw
ay matapos kaya ipagpapabukas mo na lamang ang pagtatabi nito sa iyong aparador.

Likhain Natin
Goal
Inasahan na makapagtatala ng limang (5) paraan ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
kasuotan na ginawa sa tahanan.

3
Role
Bilang miyembro ng pamilya at mag-aaral, ikaw ay makikiisa sa gawaing bahay sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng pansariling kasuotan.

Audience
Ang mag-aaral at iba pang miyembro ng pamilya.

Situation
Nauuso ngayon ang pag post ng mga OOTD (Outfit of The Day) sa iba't ibang social internet
sites. Dahil kinaaliwan mo ding tignan ang mga OOTD ng iyong mga kaibigan ay nais mo
ring magpost gaya nila. Hindi naman kailangang laging bago at mamahalin ang iyong mga
damit kinakailangan lamang na mapangalagaan ito nang magmukang bago, malinis, at kaaya-
aya itong tingnan. Paano mo kaya ito gagawin?

Product Performance
Ayon sa pinag-aralan. Ano ano ang naranasan mong gawin upang mapangalagaan ang
kasuotan? Itala ito sa talahanayan.

Pagapapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Pangalan at lagda ng magulang/ibang


pansariling kasuotan miyembro ng pamilya

Standard
RUBRICS: (Para sa Guro Lamang)
Pamantayan 4-5 gawain 2-3 gawain 1 gawain
Nakagawa ng gawain upang mapangalagaan ang
5 puntos 3 puntos 1 puntos
kasuotan at naitala ito sa talahanayan

Tayain Natin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ito ay nagsasabi ng


wastong pangangalaga ng kasuotan at MALI naman kung di wasto.

__________ 11. Direktang buhusan ng pantanggal mantsa o bleach ang namantyahang de-
kolor na damit.
__________ 12. Isuot ang pantalon ng limang-ulit bago labhan upang di kumupas kaagad.
__________ 13. Siguraduhing malinis din ang aparador o kahon na lalagyan ng damit bago
ilagay ang mga natuping malilinis na mga damit.
__________ 14. Kaagad na sulsihan ang napunit o natastas na damit nang di na lumaki ang
sira nito.
__________ 15. Pihitin ang pinaka mainit na temperatura ng plantsa nang agad agad matapos
ang pamamalantsa.

You might also like