You are on page 1of 6

 

Bawat Bata Bumabasa 


3B’s Initiative 
(DM 173, s. 2019)
Pambansang Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi
 
Sesyon Blg. 13
Pagtuturo ng Pagsusunod-sunod ng
mga Pangyayari

Learning Action Cell Session Guide 


Filipino K-10  
Inihanda ni:

Celestino Dalumpines III


Tagamasid Panrehiyon
Rehiyon VI
Mga Layunin

Pagkatapos ng sesyon, ang mga guro ay inaasahan na:

Pangunahing Layunin:

Nailalapat ang kaalamang natutuhan mula sa sesyon sa pagtuturo sa mga


mag-aaral gamit ang iba’t ibang sa estratehiya pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari

b.Nagagamit ang Explicit Instruction sa pagtuturo ng pagsusunod-sunod


ng mga pangyayari.

Tiyak na Layunin:

1.​ N
​ abibigyang kahulugan ang pagsusunod-sunod

2.​ N
​ atutukoy ang iba’t ibang konsepto kaugnay sa pagtuturo ng banghay

3. Nailalapat ang mga kaalamang natutuhan sa pagtuturo ng kasanayan


sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Mga Susing Pang-unawa

1. Isa sa epektibong pagtuturo ng pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari ay ituturo muna na ang isang pangyayari ay may simula
at katapusan.
2. Sa pagtuturo ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari dapat
unahin munang ibigay na halimbawa ang mga pamilyar na
pangyayari sa mga mag-aaral.
3. Mahalagang ituro ang pagkakasunod-sunod nga mga pangyayari
ang paggamit ng mga larawan sa pondasyon ng edukasyon.

4.​ M
​ abisang ituro ang pagsusunod-sunod nga pangyayari mga gamit ang

Explicit Instruction.

Pambansang Pagsasanay Panliterasi cdalumpines


Mga Kailangang Kagamitan:

Ø​ ​Power Point presentation

Ø​ ​Internet connection

Ø​ ​Laptop/desktop/cp

Inaasahang Haba ng Oras

2 oras

Mga Sanggunian

NEPP Module II Manual

Pambansang Pagsasanay Panliterasi cdalumpines


Mga Hakbang

Panimula​: (5 minutes)

Ø​ ​Gabay Para sa Tagapagdaloy

·​ ​Batiin ang mga kalahok. Bilang panimula, sabihin: ​“Mula sa


unang sesyon ng ating palihan, mapapansin na ang pagkakaayos
o daloy ng ating mga paksa ay katulad ng proseso sa pagtuturo
ng panimulang pagbasa – sinimulan sa Wikang Binibigkas, kung
saan binigyang-diin ang kahalagahan ng paglinang ng kasanayan
sa pakikinig at pagsasalita at kung paano ito gagawin sa loob ng
klase. Mula rito, sinundan ng kasanayan sa Paglinang ng
Kamalayang Ponolohikal at kung paano ito ituturo sa loob ng
klase upang ang mga bata ay magkaroon ng Tatas o Katatasan sa
pagbasa. Kasabay sa paglinang ng Tatas ay ang Paglinang o
Pagpapayaman ng Talasalitaan tungo sa Epektibong Istruktura ng
Salita at Pagpapakahulugan​. Natalakay na rin ang tungkol sa
tamang pagpili ng mga tekstong pang-impormasyon ngunit mas
lalong maging makabuluhan ito kung may alam ang mga
mag-aaral sa pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari.(Ipakita
ang slide 1 na naglalaman ng pamagat ng sesyon)

·​ Sabihin: ​Isa sa pinakaepektibong pag-unawa sa mga teksto ay


kung may alam ang mga mag-aaral tungkol sa tamang


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

·​ Ilahad ang mga layunin ng sesyon (ipakita ang slide 2 at 3).


·​ Inigay ang daloy ng sesyon (ipakita ang slide 4)


·​ Ibigay ang Priming Activity – Kuwento Ko Dugtungan Mo


(Dugtungang Pagkukuwento) (ipakita ang slide 5)

·​ ​Papangkatin sa lima ang buong buong grupo. Ang bawat

grupo ay pipili lamang ng limang miyembro, Bibigyan ng

Pambansang Pagsasanay Panliterasi cdalumpines


sitwasyon ang bawat grupo. Ang sitwasyon ay ipakuwento sa
kanila mulsa simula hanggang wakas. Ang unang miyembro ang
magsisimula sa pagkukuwento pagkatapos dudugtugan ng
ikalawa, ikatlo hanggang ang ikalimang miyembro ay
makapagsalita.

Gawain (15 minuto) –Banghay Ko, Ibigay Mo (Pangkatang Gawain) (​slide 6)

Bago ang Gawain, papangkatin ang buong grupo sa lima. Ang


bawat grupo ay bibigyan ng pentle pen at manila paper para doon
ipasulat ang tamang kagkasunod-sunod ng mga pangyayri sa
video na panonoorin.

Ø​ ​Ipakita ang video (Si Langgang at ang Mangangaso)

Ø ​Pagkatapos panoorin ang video bigyan ang lahat ng pangkat ng


3 minuto para ipasulat ang tamang pagkasunod-sunod nga pmga
pangyayari sa napanood na video.

Ø ​Pagkatapos bawat grupo ay bibigyan ng 30 sek. Para iulat ng


isang kinatawan ang kanilang ginawa.

Pagsusuri (10 minuto)

Ø​ ​Iproseso ang Ginawang awtput. ipasagot isa-isa ang


sumusunod:

1. Ano an gating ginawa?

2. ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa ito??

3. Tama ba ang ginawang awtput ng inyong grupo? Bakit?

v​ ​Abstraksiyon (45 minuto) – (slides 7 hanggang 28))

Pambansang Pagsasanay Panliterasi cdalumpines


Ø​ ​Talakayin nag mga pangunahing tanong sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari (ipakita ang slide 7)

Ø​ ​Talakayoin ang mga kasanayan sa bawat antas kung saan


makikita ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari (ipakita ang
slide 8 hanggang 12)

Ø​ ​Hingan ng opinyon ang mga dumalo tungkol sa Pagnilayan


(ipakita ang slide 13)

Ø​ ​Talakayin ang tamang proseso sa pagtuturo ng


pagususnod-sunod ng mga pangyayari.

Aplikasyon (15 minuto)

Talakayin ang aplikasyon gamit ang Explicit Instruction (ipakita


ang slide 29 hanggang 54)

Pampinid (2 minuto) Slide 55

“Ang tamang pagtuturo ng Pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari ay magiging makabuhan lamang kung sasabayan ito ng
akmang estratehiya at sa pagkilala sa bawat mag-aaral.Ngunit
pakatandaan walang epektibong estratehiya sa gurong tamad
yakapin ang pagbabago.”

Sir Tino

 
6

Pambansang Pagsasanay Panliterasi cdalumpines

You might also like