You are on page 1of 35

Pormatibo at Summative na Pagtataya

Pedagogical Retooling in Mathematics,


Languages and Science (PRIMALS 4-6)
Layunin:
• Magkakaroon ng malinaw na kaalaman sa kahulugan ng
pormatibong pagtataya;
• Naipaliliwanag ang magkakaibang pananaw sa pormatibong
pagtataya;
• Naikukumpara ang pagtatayang summative sa pormatibong
pagtataya;
• Naibabahagi ang pansariling kaunawaan at karanasan sa
kasalukuyang umiiral na proseso sa pagtataya; at,
• Malalaman at maisasagawa ang iba’t ibang gawain para sa
pormatibong pagtataya
Susing Pang-unawa o Punto ng Pang-unawa:
• Ang pormatibong pagtataya ay maituturing na
pagtataya para sa pagkatuto (assessment for
learning) upang maiangkop ng mga guro ang
kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral. Ito rin ay
pagtataya bilang pagkatuto (assessment as
learning) kung saan nakikita ng mag-aaral ang
kanilang sariling pag-unlad, mga kalakasan at
kahinaan na bunga ng pagtatayang isinasagawa.
Susing Pang-unawa o Punto ng Pang-unawa:
• Ginagawa ang pormatibong pagtataya sa buong
proseso ng pagtuturo. Samantalang, sa
katapusan ng isang semestre at taong panuruan
naman ginagawa ang pagsusulit na summative.
• Mahalagang maging malinaw sa mga guro ang
kahalagahan ng pagtatayang pangklasrum na
ang mga mag-aaral ang sentro nito.
Panimula:
• Muling binalikan sa unang mga sesyon ang kaalaman
natin sa mga Istratehyang Pampagtuturo at kung
paanong nahuhubog ang mga makrong kasanayan sa
pamamagitan ng wastong paghahanay ng mga
kasanayan. Sa sesyong ito, mapagninilay natin ang
kasalukuyang pagtatayang pangklasrum na umiiral sa
ating mga silid- aralan at matatanto natin kung
paanong matataya natin upang maging buo ang isang
mag-aaral.”
Gawain:
Panuto:
• Itaas ang kulay KANANG KAMAY kung sang-ayon,
KALIWANG KAMAY naman kung Di sang ayon at
DALAWANG KAMAY kung walang kasiguraduhan
• Sang-ayon o Di Sang-ayon

1. Ang pagtataya ay isang integratibong bahagi ng pagtuturo at


pagkatuto.
2. Maaaring ang pagtataya ay pormatibo at
summative.
3. Ang mga pormatibong pagtataya na binuo
ng guro ay para lamang sa pagmamarka at
pagkakategorya ng mga mag-aaral.
4. Isang uri ng summative na pagsusulit ang
National Achievement Test.
5. Madalas na pinaghahandaan ang mga
gawain sa pagtataya.
6. Ang mga gurong may pagkiling sa
nilalaman ng aralin ay hindi nabibigyang
halaga ang pormatibong pagtataya.
7. Maaaring magamit ang iba’t ibanguri ng
Pormatibong Pagtataya sa ibang asignatura.
8. Magagamit ang mga pormatibong
pagtataya sa huling bahagi ng aralin.
9. Sa pasulat lamang magagamitang
pormatibong pagtayaya.
Pangkatang Gawain:
Panuto:
Bumuo ng apat na pangkat..
• Pag-usapan ang sumusunod na konsepto gamit ang mga
grapikong pantulong:
a. UNANG PANGKAT: Gamit ang mapa ng konsepto bigyang
kahulugan ang pagtataya.
Pangkatang Gawain:
Panuto:
IKALAWANG PANGKAT: Gamit ang venn diagram ano ang
pagkakaiba ng pormatibo sa summative na pagtataya.
Pangkatang Gawain:
Panuto:
IKATLONG PANGKAT: Tukuyin ang iba pang prinsipyong
umiiral sa pormatibong pangklasrum.
Pangkatang Gawain:
Panuto:
IKAAPAT NA PANGKAT:
Magtala ng mga uri ng pormatibong pagtataya.
Pangkatang Gawain:
Presentasyon ng awtput:
Gabay naTanong:
• Ano ang iyong realisasyon?
• Gaano kahalaga ang pagtatayang pangklasrum sa kabuuan
ng mga mag-aaral?
• Ano ang pagkakaiba ng pormatibo sa summative na
pagsusulit?
• Maaari bang maging summative ang isang pormatibong
pagtataya?
Panonood ng Video: Pormatibong
Pagtataya

Resource Person:
Gaudencio Luis Serrano
PRIMALS 4-6 National Training of Trainers
• Balangkas ng video presentation:
1. Kahulugan at Kahalagahan ng Pormatibong Pagtataya
2. Summative assessment maaari bang maging pormatibong
pagtataya
3. Proseso sa Siklo ng pagtuturo at pagtataya
4. Pagproseso ng bawat conception sa paraan ng pagtatanong ng
tagapagsalita
5. Nagagawa ng Pormatibong Pagtataya sa mga Guro at Mag-aaral
6. Pagkakaiba ng Pormatibo sa Summative
7. Mahalagang Prinsipyo ng Pormatibong Pagtuturo
Repleksiyon:
PANUTO:
Itaas ang thumbs up kung ang tinutukoy ng
sumusunod na mga pahayag ay pormatibo at thumbs
down naman kung pagtatayang summative.

1. Pagtataya para sa pagkatuto


Repleksiyon:

2. Ibinabagay ang pagtuturo at pagkatuto para sa pag-


unlad ng mga mag-aaral
Repleksiyon:

3. Kinukuha tuwing pagkatapos ng bawat markahan,


semestre at taong panuruan
Repleksiyon:

4. Magbabago ng aralin para sa pangangailangan ng


mga mag-aaral
Repleksiyon:

5. Nakaantas ang mga mag-aaral batay sa kanilang


marka
Repleksiyon:

6. Pagtataya ng natutuhan.
Repleksiyon:

7. Tinataya ang mga mag-aaral sa mastery ng mga


kasanayan.
Repleksiyon:

8. Hindi nangangailangan ng agarang pagbabago sa


pagtuturo
Repleksiyon:

9. Sinusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral.


Repleksiyon:

10. May paggabay ng bawat episodo ng pagtuturo.


Repleksiyon:

• Anong uri ng pagtataya ang madalas mong


ginagamit sa iyong pagtuturo?
• Paano mo pinaghahandaan ang mga uri ng
pagtatayang ito?
• Sa iyong palagay, gumagamit ka na ba ng
pormatibong pagtataya? Paano mo ito ginagamit?
Aplikasiyon:
• Gumawa ng pormatibong pagtataya sa mga sumusunod. Planuhin ang
paggamit kung sa aling bahagi ng aralin ito gagamitin.
• Bago, Habang at Pagkatapos ng Aralin. Itala ang iba pang
impormasyon at kagamitan na sa iyong palagay ay makatutulong sa
pagtataya ng inyong mag-aaral.
• Pangkat 1: Interbyu/ Panayam
• Pangkat 2: Dyornal
• Pangkat 3: PasalitangPresentasyon
• Pangkat 4: Think-Pair-Share (Mag-isip-Magpareha-Magbahagi)
• Pangkat 5: Role Play/ Pagsasatao
Butil ng Kaisipan:

Napapanahon na upang hawiin at bigyang linaw


ang ating mga pagtingin sa pagtatayang pangklasrum.
Mahalagang hindi lamang nakatutok ang mga
pagtataya sa kaalaman. Hinahamon tayo ng ika-21
siglo na hubugin ng buo ang bawat mag-aaral. Kung
kaya’t mahalagang buo rin ang ating kakayahan bilang
mga guro.
MARAMING SALAMAT
PO!

You might also like