You are on page 1of 5

 

Bawat Bata Bumabasa 


3B’s Initiative 
(DM 173, s. 2019)
Pambansang Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi
 
Sesyon Blg. 3.0
KAMALAYANG PONOLOHIKAL:
PUNDASYON SA
PANIMULANG PAGBASA
Learning Action Cell Session Guide 
Filipino K-10  
Inihanda ni: 
 
 

PRIMA A. ROULLO
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Lungsod Koronadal
Rehiyon XII
Layunin

Pagkatapos ng sesyon, ang mga guro ay:

A. Pangunahing Layunin

Nailalapat ang kaalamang natutuhan mula sa sesyon sa pagtuturo ng tatas


sa mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang estratehiya.

B. Mga Tiyak na Layunin

1. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng kamalayan sa


ponolohiya/ponema sa paghahanda sa pagbasa;
2. Naiisa-isa ang mga paraan na maaaring gamitin sa paglinang ng
kamalayan sa ponolohiya/ponema;
3. Nasasabi ang koneksiyon ng kaalaman sa ponolohiya sa pagbasa; at
4. Nakabubuo ng lesson activity sa pagtuturo ng kamalayan sa ponolohiya
at ponema.

Susing Pang-unawa o Mga Punto ng Pang-unawa

1. Phonological Awareness ​-is a broad skill that includes identifying and


manipulating units of oral language – parts such as words, syllables, and
onsets and rimes.

2. Phonemic Awareness ​-is the foundation of reading because it is the ability


to understand that words are made up of sounds

3. Phoneme-i​ s a single sound that maps to one or more printed letters. It is


the smallest sound in spoken language.

4. Ayon sa pag-aaral, ang mga batang may sapat na kaalaman at pag-unawa


na ang salita ay binubuo ng mga ponema o tunog ay higit na mas handa sa
susunod na kasanayan: ang ​decoding​ o panimulang pagbasa.

5. Ang tahasang pagtuturo ng kamalayang ponema at ang pagkakaroon ng


matibay na pundasyon nito sa mga mag-aaral ay makatutulong sa
matagumpay na pagbasa at pagbaybay.

Kailangang Kagamitan Inaasahang Haba

● PowerPoint Presentation 2 oras/ 120 minuto


● templates ng repleksiyon at
gawain

2
Mga Sanggunian

.​ ​https://www.readingrockets.org/helping/target/phonologicalphonemic

​https://athome.readinghorizons.com/reading-academy/reading-pyramid

(Ball and Blachman, 1991;Lundberg, Frost, and Petersen,1988;Yopp,1992)

PAMAMARAAN:

A. Panimula

1.​ ​Ipakilala ang sarili. Mungkahing sasabihin:

“Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Ako si __________________


ng ___________. Ngayong araw, magkakaroon tayo ng isang
makabuluhayang talakayan na naglalayong makapagbahagi ng angkop na
estratehiya sa paglinang sa KAMALAYANG PONOLOHIKAL: Pundasyon
sa Panimulang Pagbasa.”

“Sa araw na ito, tatalakayin natin ang KAMALAYANG PONOLOHIKAL


bilang pundasyon ng PANIMULANG PAGBASA. Ang sumusunod ay ang
layunin natin para sa talakayang ito.” ​(Ilahad ang mga layunin)

*Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC:​ Magbigay ng kaunting paliwanag bilang


pagbibigay-linaw sa mga layuning nabanggit. Maaari ding tanungin ng tagapagdaloy ang
mga partisipante ng kanilang sariling ideya hinggil sa mga nabanggit na layunin.

2. Sabihin: ​“Habang tinatalakay natin ang mga konsepto sa sesyong ito,


inaasahang masasagot ang sumusunod na mahahalagang tanong para sa
inyong pag-unawa:”

● Ano ang kamalayang ponolohikal?


● Paano mo ihahambing ang kamalayang ponolohiya at ponema?
● Ano ang kaugnayan ng kasanayang kamalayang ponolohikal/ponema
sa pagkatuto ng pagbasa?
● Paano itinuturo ang Kamalayang ponolohikal at ponema?
● Paano tinataya ang kasanayang kamalayan sa ponolohikal/Ponema?

3. Sabihin​: “Maaari ninyong kunan ng larawan ang mga tanong at gamitin bilang
gabay sa pakikinig at pakikibahagi sa sesyon.”

4. Ilahad ang daloy ng sesyon:


- Gawain

3
- Pagsusuri
- Pagtalakay sa mga konseptong kaugnay sa kamalayang ponolohikal

- Implikasyon ng kamalayang ponolohikal sa panimulang pagbasa


- Mga mungkahing estratehiya
- Repleksyon
- Clincher

B. Gawain ​(15 minuto)


1. Iparinig sa mga kalahok ang awiting ​Bahay Kubo​.
2. Itanong ang sumusunod:
● Anong ​makro skill​ ang ginamit sa gawaing ito?
● Anong mga salita ang magkatugma sa unang taludtod ng kanta?
● Anong salita ang kaya mong ibigay?
● Anong ​literacy domain​ ang nililinang sa gawaing ito?
● Paano mo itinuturo ang Kamalayang Ponolohikal sa mga mag-aaral?

C. Pagsusuri ​(15 minuto)


1. Sa puntong ito, pag-uusapan ang ginawang gawain.

2. Sabihin: ​Tunghayan ang mga tanong at sagutin ito.


● Ano-anong mahahalagang kaisipan ang inyong nakuha mula sa ating
gawain?
● Ano ang Kamalayang Ponolohiya? Bakit mahalagang malinang ang
kasanayang ito?
● Ano-ano ang mga implikasyon ng kakulangan at kagalingan sa
Ponolohiya sa pagbasa sa klase?

3. Ipagawa ang sa mga kalahok ang ​Gawain 1. Ipakita ang Power Point
slides 5 at 6

D. Abstraksyon ​(70 minuto)

Estratehiya: Lecture-Demo

1. Panoorin ang Video 1---The Reading Pyramid


2. Ipaliwanag ang mga nasa slides 8-10
3. Ipagawa ang Gawain 2: Tanungan Tayo
4. Panoorin ang Video 2----Strategies in Teaching Phonological Awareness
5. Ipagawa ang Gawain 3: Try Mo!
6. Panoorin ang Video 4-----Decoding (Marungko)
7. Ipagawa ang Gawain 5: Share Mo!

4
E. Paglalapat ​(10 Minuto)

​ EPLEKSYON
Estratehiya: R

1. Isulat sa hugis bilog na papel ang bagong kaalaman kaugnay ng


napag-usapan.
2. Isulat sa hugis pusong papel ang nais gawin kapag ituturo na ang bagong
kaalaman.

Inihanda ni: 
 
 

PRIMA A. ROULLO
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Lungsod Koronadal
Rehiyon XII

You might also like