You are on page 1of 7

Filipino 5

Kwarter 3 – Sanayang Papel sa


Pagkatuto Blg. 1
Pang-abay na Naglalarawan ng
kilos
KARAPATANG SIPI ©2021
Filipino – Baitang 5
Kwarter 3 - Sanayang Papel Blg. 1

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa Sanayang
Papel na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot.

Tagapamanihala: Mariano B. De Guzman


Kawaksing Tagapamihala: Sueno S. Luzada Jr.
Puno ng CID : Maria Sheila V. Lagoda
Tagamasid Pansangay sa Filipino: Anna Liza F. Abuloc
Tagamasid Pampurok: Mary Ann A.Papica,Ed.D

Mga Bumuo ng Sanayang Papel

Manunulat: Maricris V. Albo


Tagasuri ng Nilalaman: Anna Liza F. Abuloc
Cesar T. Arriola
Gumuhit ng Larawan: Abegail A. Bongalonta;
Nagdisenyo ng Pahina: Anna Liza F. Abuloc
Pangalan ng mag-aaral _______________________________
Baitang/Pangkat ______________
Petsa: ______________

I- Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

II- Panimulang Konsepto:

Ang Sanayang Pampagkatutong ito ay tatalakay sa mga salitang naglalarawan


kung paano isinagawa o isinasagawa ang isang kilos. Ano kaya ang tawag sa
mga salitang naglalarawan ng kilos o pandiwa?
Basahin ang pangungusap.
Masayang iniabot ni Rica ang regalong bag sa kanyang
nanay.
Paano iniabot ni Rica ang regalo sa kanyang nanay?
( masaya) Ang salitang masaya ang naglalarawan kung paano iniabot ni
Rica ang regalong bag sa kanyang nanay.
Anong kilos ang inilalarawan ng salitang masaya ( iniabot)
Pang-abay na pamaraan ang mga salitang naglalarawan ng pandiwa o kilos.
Sinasagot nito kung paano isinagawa ang kilos o mga kilos sa pangungusap.

III- Mga Gawain:

Pagsasanay A
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga pangungusap. Salungguhitan
ang salitang naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos sa pangungusap.

1. Buong tapang na sinuong ng lalaki ang rumaragasang tubig


2. Maingat na inilagay ni Benito ang mga hinog na mangga sa basket.
3. Mahinahong kinausap ng ina ang anak na galit na galit dahil sa pagkatalo sa
larong basketbol.
4. Masayang umuwi si Roberto dala ang balitang nakapasa siya bilang
iskolar sa Unibersidad ng Pilipinas.
5. Tumulong tayo sa mga nangangailangan nang bukal sa kalooban.

Pagsasanay B.
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang pang-abay na pamaraan sa
paglalarawan ng kilos na ipinakikita ng bawat larawan.
Gawing gabay ang pahayag sa bawat bilang.

1. Pagbibigay-galang sa watawat ng Pilipinas

____________________________________________________________

2. Pagdarasal sa Panginoon

_________________________________________________________

3. pagkarga sa sanggol

__________________________________________________________

4.paglalaro ng mga bata

__________________________________________________________

5. pagdiriwang ng kaarawan

________________________________________________________
Pagsasanay C
Panuto: Pagmasdan ang larawan. Sumulat ng isang maikling talata gamit
ang pang-abay na pamaraan.Salungguhitan ang kilos o pandiwang
inilalarawan ng pang-abay sa pangungusap.

___________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

IV- Rubrik sa Pagpupuntos ng Pagsasanay C

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5
Kaangkupan ng talatang sinulat
Organisasyon ng ideya/ kaisipan
Wastong gamit ng pang-abay na pamaraan.
Maayos at malinaw na nailahad ang mensahe.
Kabuoang Puntos
5-Napakahusay
4-Mahusay
3-papaunlad
2- magsanay pa
1- nangangailangan ng gabay

V- Sanggunian:

Alab Filipino 5 pahina 123


Hiyas sa Wika 5 pahina 258
Mga larawan mula sa LRMDS

You might also like