You are on page 1of 20

Unang Markahan

Aralin 2
Ikalawang Linggo

Lunes, Hulyo 2, 2018 LP #

PANITIKAN: Ang Aso at Ang Leon (The Dog and the Lion)
Pabula ng Maranao. Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.
GRAMATIKA: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipapaliwanag ng mag- aaral kung bakit hayop ang karaniwang ginagamit na tauhan sa
pabula at paano nakatutul;ong sa pagbuo ng mga pangungusap ang mga salitang
nagpapahayag ng posibilidad.
MGA POKUS NA TANONG
 Bakit hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang tao ang karaniwang ginagamit sa
pabula?
 Paano mo maipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad?
MAHAHALAGANG KONSEPTO
 Karaniwang ginagamit sa pabula ang mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang
tao upang mapangibabaw ang magagandang pag- uugali ng tao na dapat tularan at
magpapakita ng magandang aral.
 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad sa mga pangyayaring
maaaring magkatotoo o hindi matiyak ang kaganapan.
INAASAHANG PAGGANAP
 Nakapagsasagawa ang mga mag- aaral ng isang puppet show batay sa sumusunod na
pamantayan:
a) orihinalidad c) kawili- wili
b) pagkamalikhain d) nagtuturo ng kagandahang- asal
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG- UNAWA SA NAPAKINGGAN
 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
PAG- UNAWA SA BINASA
 Napatutunayan at naipapaliwanag ang mahalagang kaisipan sa binasang akda
PAGLINANG NG TALASALITAAN
 Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa
ginamit na panlapi.
PAGSASALITA
 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat- dapat/ di- karapat-
dapat ng paggamit ng mga hayp bilang tauhan sa pabula
PANONOOD
 Nailalarawan ang isang kakilalang may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa
napanood na animation
PAGSULAT
 Naipapahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga
hayop bilang tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
GRAMATIKA
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag o ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad
(maaari, baka, at iba pa)
ESTRATEHIYA SA PAG- AARAL
 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula at iba’t ibang lugar sa
Mindanao

Unang Markahan
Aralin 2
TUKLASIN

Lunes: Hulyo 2, 2018 LP #

9:20- 10:10 7- 10 11:50- 12:40 DR


10:10- 11:00 7- 19 1:00- 1:50 7-10
11:00- 11:50 7- 11 2:40- 3:30 7-14

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Napaghahambing ang mga ugali ng tao at hayop
B. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
C. Nailalarawan ang isang hayop na tauhan sa binasang akda./
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Ilahad ang mensaheng nais iparating batay sa pahayag.

Kaibigang langgam, parang awa mo na


ilang araw nang hindi tumitigil ang
ulan. Siguro matatagalan pa bago ito
tumigil. Nagugutom na ako...

Ayan ang sinasabi ko sa iyo, kaibigang


Tipaklong. Bago pa man umulan, inaaya
na kitang mag- ipon ng pagkain. Hindi
ka nakikinig. Sige pumasok ka, baka
magkasakit ka pa.

Mga Tanong:

1. Bakit lumapit si Tipaklong sa kaibigan niyang si Langgam?


2. Ano ang mensaheng nais ibatid ng kanilang usapan?

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Paghahambing

Bigyang pansin ang mga sumusunod na mga larawan. Isulat kung anong katangian ng tao ang
tinataglay ng bawat isa.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Pangkat 2: Paghihinuha
Bakit ang mga hayop ay nagsasalita at kumikilos na parang tao sa pabula? Bumuo ng
pangungusap gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad upang ipaliwanag ang
sagot.

1. Maaaring
2. Siguro
3. Marahil
4. Baka
5. Sa aking palagay

Pangkat 3: Pagbuo ng Konsepto

Bumuo ng konseptong nais ipahiwatig ng dalawang larawan.

Nabuong Konsepto:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pangkat 4: Sang- ayon o Di Sang- ayon?


Ilahad ang iyong saloobin sa mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek(√) kung ikaw ay
sumasang- ayon o hindi sumasang- ayon. Ipaliwanag ang sagot.

Sumasang- ayon Hindi sumasang- ayon

1. Sa palagay ko, hindi makatarungang ihambing ang


tao sa hayop.
2. Siguro, ang hayop ay may kakaibang katangiang
taglay na wala sa tao.
3. Di kaya magalit ang tao kapag sinabing para siyang
hayop.
4. Marahil ang hayop ay maaari ring magbigay ng aral
sa tao.
5. Baka mali ang paniniwalang ginamit ang hayop sa
pabula upanbg itago ang tunay na katangian ng tao.

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANGKATANG GAWAIN

Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan ang Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon hinihinging impormasyon hinihinging masyon ang hindi
Impormasyon angkop

Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos na Napakaayos at nakapa- Malinaw at Hindi naging maayos
pagsasalita ng nag- linaw ng pagsasalita ng maayos ang at malinaw ang
uulat nag-uulat pagsasalita ng pagsasalita ng nag-
nag-uulat uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas ang Nakapagpamalas Bahagyang may pag-
pagkakaisa sa pangkat pagtutulungan at ng pagtutulungan tutulungan at pag-
pagkakaisa sa pangkat at pagkakaisa sa kakaisa sa pangkat
pangkat

a. Pagbabahaginan ng pangkat
b. Pagmamarka at pagbibigay ng puna
C. Sintesis
Bumuo ng isang kaisipan gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon. Ayusin ang mga
ito upang makabuo ng isang maayos na pangungusap. Gumamit ng mga pang- ugnay
upang mabuo ito.

nagkakatulad tao hayop


Pagbibigay gabay aral buhay

III. Takda/ Kasunduan


Hanapin o alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. a. matanda ________________________________________________
b. matandain ______________________________________________
2. a. malayo_________________________________________________
b.malayuan _______________________________________________
3. a. marumi ________________________________________________
b. marumihan_____________________________________________
4. a. bayani _________________________________________________
b. bayanihan______________________________________________
5. a. matiyaga_______________________________________________
b. pinagtiyagaan____________________________________________

Inihanda ni:

Bb. Mari Rose E. Mosuela


Guro sa Baitang 7

Binigyang Pansin ni:

Gng. Zenaida G. Evangelista


Puno ng Kagawaran sa Filipino
Unang Markahan
Aralin 2
LINANGIN (Unang Sesyon)

Lunes: Hulyo 3, 2018 LP #

9:20- 10:10 7- 10 11:50- 12:40 DR


10:10- 11:00 7- 19 1:00- 1:50 7-10
11:00- 11:50 7- 11 2:40- 3:30 7-14

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

a. Nahihinuha ang magiging kalalabasan ng mga pangyayari sa tatalakaying akda


b. Nasusuri ang pagbabago ng kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa gamit ng
panlapi
c. Naiisa-isa ang mga elemento ng pabula

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain:
Panoorin ang maikling dokyumentaryo tungkol sa pangkat- etnikong Maranao.

https://m.youtube.com/watch?v=cFvn1ULcOAO&t=46s

Mga Tanong:
1. Maaari kayang masalamin sa mga akdang nagmula sa Maranao ang kanilang lahing
pinagmulan at kultura? Pangatwiranan.
2. Sa iyong palagay, may pagkakaiba kaya ang pabula sa Pilipinas na nabasa mo na?
Ipaliwanag.
B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto : Suriin ang pagbabagong nagaganap sa mga salitang naglalarawan batay sa
gamit ng panlapi.
1. nagugutom- nagutom
2. kakainin- kumakain
3. isiniwalat- isinisiwalat
4. maisahan- naisahan
5. nakayuko- niyukuan
C. Pagbasa sa Akda
Pagbibigay ng oras sa mga mag-aaral upang tahimik na basahin ang pabulang “Ang Aso
at Ang Leon” ng mga Maranao.
Sanggunian : Kayumanggi Baitang 7- Unang Markahan nina Perla Guerrero et. al.,
D. Pagtalakay sa Akda
1. Ilarawan ang katangiang taglay ng matandang aso, leon at ardilya.
2. Bakit nagawang linlangin ng matandang aso ang leon?
3. Makatwiran ba ang panlilinlang na ginawa ng matandang aso sa leon at sa ardilya?
Ipaliwanag.
4. Kung ikaw ang matandang aso, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang panlilinlang sa
leon at ardilya? Ipaliwanag.

E. Input ng Guro
Pabula - Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyegong muzon
na ang ibig sabihin ay myth o mito ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-
salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay
binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o
kapaligirang kanilang ginagalawan.

Elemento ng Pabula
a. Tauhan - payak ang paglalarawang ginagawa sa mga hayop bilang pangunahing
tauhan.
May dalawang uri ang tauhan; lapad at bilog.

b. Tagpuan - tinutukoy nito ang panahon at pook o lugar kung saan nangyari ang
mga pangyayari at kuwento. Ang payak at pahiwatig ang dalawang uri nito.

c. Banghay - tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito


ay may simula, gitna at wakas.
d. Aral – ang pabula ay kinapupulutan ng aral na nagsisilbing gabay sa pang-araw-
araw na
buhay ng isang tao.

Sanggunian :

Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma


ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.

F. Sintesis
Ipaliwanag ang pahayag na nasa ibaba at ibigay ang kaugnayan nito sa ating buhay.

“Ang buhay ay nasusukat sa dami ng iyong karanasan”

III.Takda/ Kasunduan
1. Saliksikin ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad
2. Nakatutulong ba ang paggamit ng angkop na salita na nagpapahayag ng posibilidad sa
paglalahad ng maaaring kalabasan ng isang sitwasyon o pangyayari?

Inihanda ni:

Bb. Mari Rose E. Mosuela


Guro sa Baitang 7

Binigyang Pansin ni:

Gng. Zenaida G. Evangelista


Puno ng Kagawaran sa Filipino
Unang Markahan
Aralin 2
LINANGIN (Ikalawang Sesyon)

Lunes: Hulyo 4, 2018 LP #

9:20- 10:10 7- 10 11:50- 12:40 DR


10:10- 11:00 7- 19 1:00- 1:50 7-10
11:00- 11:50 7- 11 2:40- 3:30 7-14

II. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang mahalagang kaisipan mula sa binasang akda
B. Napaghahambing ang katangiang taglay ng mga tauhan sa tinalakay na akda
C. Nagagamit nang wasto ang mga eskpresyong nagpapahayag ng posibilidad
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Basahin at unawain ang nilalaman ng kasunod na pabulang Ang Unggoy at ang Buwaya
sa pahina 16 sa Kayumanggi 7.

Mga Tanong :
 Ano-anong salita/parirala ang nagpapahayag ng posibilidad sa pangungusap?
 Nakatulong ba ang paggamit ng mga ito sa paglalahad ng kinalabasan ng
pangyayari o sitwasyon? Ipaliwanag.

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1- Pagbibigay ng Marka

Pangkat 2- Paglalahad ng mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda sa


pamamagitan ng pagsasadula

LIGHTS

CAMERA

ACTION!
Mga Tanong :
1. Naranasan mo na bang maloko/malinlang? Ano ang iyong nararamdaman?
2. May nagpakita ba ng katapatan sa mga tauhan ng akda? Patunayan.

Pangkat 3 - Paghahambing sa katangian ng mga tauhan sa pabulang “Ang Aso at Ang


Leon” at “Lalapindigowa-i (Kung Bakit Maliit ang bewang ng Putakti) at“Ang Unggoy at
Ang Buwaya” gamit ang tsart sa ibaba.

TAUHAN Kalakasan ng Tauhan Kahinaan ng Tauhan

Ang Aso at Ang Leon


- matandang aso
- Leon
- ardilya
Ang Unggoy at Ang Buwaya
- unggoy
- buwaya

“Lalapindigowa-i (Kung Bakit


Maliit ang bewang ng Putakti)
- Lalapindigowa-i
- Odang
- Orak

Mga Tanong :
1. Maituturing bang kahanga-hanga ang kanilang mga katangian?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang kanilang katangian ano ito at bakit?

Pangkat 4
Paglalahad ng inyong posibleng maging saloobing batay sa mga pangyayari mula sa
akda, gamit ang mga salita sa pagpapahayag ng posibilidad.

Pagnanais ng unggoy na Panlilinlang ng


makatawid sa kabilang matandang aso sa leon
ilog. at sa ardilya

Pagiging tamad nina Odang Pagtanggap ng ardilya


at Orak na gawin ang sa kanyang kamalian
paghahatid ng pagkain
para sa asawa
Tanong :
1. Paano napukaw ng akdang ito ang iyong damdamin?
2. Mula sa iyong natutuhan sa akdang ito, paano mo ito isasabuhay?

RUBRIC SA PANGKATANG GAWAIN

Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon ang hinihinging hinihinging masyon ang hindi
impormasyon Impormasyon angkop
Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Napakaayos at nakapa- Malinaw at Hindi naging
na pagsasalita ng nag- linaw ng pagsasalita ng maayos ang maayos at malinaw
uulat nag-uulat pagsasalita ng ang pagsasalita ng
nag-uulat nag-uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas ang Nakapagpamalas Bahagyang may
pagkakaisa sa pangkat pagtutulungan at ng pagtutulungan pag-tutulungan at
pagkakaisa sa pangkat at pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
pangkat pangkat

a. Pagbabahaginan ng Gawain ng bawat pangkat


b. Pagbibigay ng Marka

C. Input ng Guro
EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD
Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay nagpapahayag tayo ng
mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo
subalit hindi pa matiyak o masigurado o may pag-aagam-agam pa tayo. May mga
salita o ekspresyong ginagamit sa ganitong pagpapahayag tulad ng:

Baka puwede kaya ang…


Maaari Siguro
Marahil sa palagay ko
may posibilidad bang… Tila
puwede kayang…

Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaaasahang sagot
ay maaaring positibo o negatibo depende sa kung maaari nga bang magkatotoo ang
bagay na inihahayag o itinatanong.
Halimbawa:
Usapan 1
Ding: Posible kayang umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang uulan nga mamaya. Makulimlim kasi ang himpapawid.

Sanggunian :
Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma
ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.

III. Takda / Kasunduan

A. Pumili ng isang hayop na naiibigan mo at ilahad ang mga katangiang naibigan mo sa


kanya.
Inihanda ni:

Bb. Mari Rose E. Mosuela


Guro sa Baitang 7

Binigyang Pansin ni:

Gng. Zenaida G. Evangelista


Puno ng Kagawaran sa Filipino

Unang Markahan
Aralin 2
Pagnilayan at Pag- unawain

Lunes: Hulyo 5, 2018 LP #

9:20- 10:10 7- 10 11:50- 12:40 DR


10:10- 11:00 7- 19 1:00- 1:50 7-10
11:00- 11:50 7- 11 2:40- 3:30 7-14

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Naiuugnay ng mga mag-aaral ang sariling katangian sa isang hayop


B. Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat ng paggamit
ng mga hayop bilang tauhan sa pabula
C. Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga
hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagbibigay ng mag-aaral ng isang hayop na maaaring sumalamin sa kanyang
pagkatao.

Tanong:
1. Paano mo nasasalamin ang iyong sa iyong napili?

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 – Pagbuo ng isang pabula at gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng


posibilidad.

Tanong:
1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad sa paglalahad ng kalalabasan ng isang sitwasyon o pangyayari?

Pangkat 2 - Pagbibigay ng Marka

Pangkat 3 - Pagsasagawa ng “Harapang Pag-uusap” sa paglalahad ng kanilang sariling


pananaw o saloobin sa pagiging karapat-dapat ng paggamit ng hayop
bilang tauhan sa pabula.

Paksang Pag-uusapan: Karapat-dapat bang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa
pabula?

Mga Tanong:
1. Sa inyong palagay mas nakapupukaw ba ng atensyon ang mga hayop bilang
tauhan sa pabula? Pangatwiranan.
2. Saang aspeto mo mailalapit ang pagkakaugnay/pagkakatulad ng mga hayop sa
tao? Ipaliwanag ang iyong sagot batay sa tinatalakay na akda.

Pangkat 4 – Pagpapahayag ng saloobin at damdamin tungkol sa paggamit ng hayop


bilang tauhan sa pabula, gamit ang “Pader ng Kalayaan”
PADER NG KALAYAAN

Tanong:
1. Mas napupukaw ba ang inyong atensyon ng mga hayop bilang tauhan sa
pabula? Ipaliwanag.

RUBRIC SA PANGKATANG GAWAIN


Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon ang hinihinging hinihinging masyon ang hindi
impormasyon Impormasyon angkop
Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Napakaayos at nakapa- Malinaw at Hindi naging
na pagsasalita ng nag- linaw ng pagsasalita ng maayos ang maayos at malinaw
uulat nag-uulat pagsasalita ng ang pagsasalita ng
nag-uulat nag-uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas ang Nakapagpamalas Bahagyang may
pagkakaisa sa pangkat pagtutulungan at ng pagtutulungan pag-tutulungan at
pagkakaisa sa pangkat at pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
pangkat pangkat

C. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag/salitang ginamit sa pangungusap na nagpapahayag
ng posibilidad. Isulat sa papel ang wastong sagot.

1. Maaaring masira ang kinabukasan mo kung hindi ka iiwas sa masamang bisyo.


2. Baka maipasa ko ang pagsusulit dahil nakinig ako sa aking guro.
3. May posibilidad bang maging guro ako baling araw?
4. Malamang lulusog ang mga bata kung kakain sila ng mga masusustansyang
pagkain.
5. Siguro hindi matutuloy ang lakad naming bukas.

D. Sintesis
Ilahad ang naging kabisaan sa inyo ng tinalakay na paksa.

KAASALAN
KAISIPAN DAMDAMIN
III. Takda/ Kasunduan
A. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng isang puppet show.

Inihanda ni:

Bb. Mari Rose E. Mosuela


Guro sa Baitang 7

Binigyang Pansin ni:

Gng. Zenaida G. Evangelista


Puno ng Kagawaran sa Filipino

Unang Markahan
Aralin 2
Ilipat

Lunes: Hulyo 6, 2018 LP #

9:20- 10:10 7- 10 11:50- 12:40 DR


10:10- 11:00 7- 19 1:00- 1:50 7-10
11:00- 11:50 7- 11 2:40- 3:30 7-14

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Nakapagbibigay ng iba pang salitang maiuugnay sa kahulugan ng isang salita


B. Nakapagsasagawa ng isang puppet show na gumagamit ng mga salitang nagpapahayag
ng posibilidad tungkol sa paksang ibibigay
C. Napahahalagahan ang pagkakaisa sa pagbuo ng gawain

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Panuto: Magbigay ng salitang maaaring maiuugnay sa kahulugan ng salitang “puppet
show”.

Puppet Show

B. Pagbibigay ng Sitwasyon
Isa kang puppeteer. Inaanyayahan kang magtanghal ng isang pabula sa
pamamagitan ng puppet show sa bahay- ampunan. Layon nitong magpasaya ng
mga batang nakatira roon gayundin upang magtuto ng kagandahang- asal.

C. Paglalahad ng Krayterya/Pamantayan

a. Orihinalidad 5 puntos
b. Pagkamalikhain 2 puntos
c. Kawili- wili 2 puntos
d. Nagtuturo ng kagandahang asal 1 puntos
Kabuuan 10 puntos

III. Takda/ Kasunduan


1. Magdala ng larawan ng iyong hinahangaang “superhero.”
2. Ibigay ang mga katangian kahanga-hanga sa iyong napili.

Inihanda ni:

Bb. Mari Rose E. Mosuela


Guro sa Baitang 7
Binigyang Pansin ni:

Gng. Zenaida G. Evangelista


Puno ng Kagawaran sa Filipino

You might also like