You are on page 1of 5

ARALIN 4-Paghahangad

Pagtukoy sa Simbolo at imahe sa Kuwento

LEARNING TARGETS / LAYUNIN SA PAGKATUTO:

Nabibigyang-kahulugan ang ilang simbolong ginamit sa binasang kuwento

Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay
Naisasalaysay ang sariling karanasan na kaugnay ng kulturang nabanggit sa binasang kuwento
Napaghahambing ang mga kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na mga teleserye o pelikula
Nakasusulat ng isang kuwento nang may wastong simula, gitna, at wakas
Nakagagamit ng iisang pananaw sa pagsasalaysay ng isang kuwento mula simula hanggang wakas
Nakasasaliksik ng impormasyong kailangan sa gagawing proyekto sa iba pang paraan

Proyekto para sa Bayan at Lipunan (PBL)

Muling balikan sa Aralin 1 ang layunin ng PBL para sa markahang ito.

Ating Tuklasin!

Ano-anong bagay ang pinapangarap mong makamit o makuha balang araw? Gumuhit o magdikit ng mga
larawan ng mga ito sa mga kuwadro sa ibaba. Sa baba ng mga larawan, sumulat ng maikling paliwanag
kung bakit mo gustong makamit ang mga bagay na ito.

Paglinang ng Talasalitaan

A. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa mga patlang ang
iyong sagot.

1. Noon at ngayon, may malaking interes ang mga negosyante sa stock market.

____________________________________________________________________________________
2. Mas maginhawa ang buhay kung walang iniisip na suliranin sa buhay.

YUNIT II: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA SILANGAN AT TIOG –SILANGANG

1
ASYA
_____________________________________________________________________________________

3. Malakas ang tukso ng pera, lalo na sa mga lugar-sugalan.

_____________________________________________________________________________________

4. Ang mga taong nasa mundo ng negosyo ay may matalas na dila.

_____________________________________________________________________________________
5. Nadismaya siya sa pagbagsak ng stock market.

____________________________________________________________________________________

B. Iguhit sa kahon ang pinapangarap mong bahay. Sa loob ng bahay, isulat mo ang mga tradisyon at
paniniwalang nais mong maipasok sa bahay na ito na gagawin mong gabay sa iyong pamumuhay.

PAGTUKLAS SA KAALAMAN!

Masining na Pagsasalaysay

Naranasan mo na bang makiupo sa nag uumpukang mga tao at makinig sa kanilang kuwentuhan?
Kamusta naman ang iyong pakikinig? Nasiyahan ka ba sa pagpapalitan nila ng kuwento?

Ang bawat tao sa mundo ay may kaniya-kaniyang karanasan sa buhay marami ang may makukulay ,
natatangi, at di-malilimutang karanasan. Ang ganitong mga karanasan ang karaniwang nilalaman ng mga
kuwento – maaaring sariling karanasan o karanasan ng iba na narinig , nabasa o nasaksihan. Ngunit may
mga kuwento rin namang kathang-isip lamang. Marami ang nasisiyahan sa pakikinig at pagabasa ng mga
kuwento, kaya naman ang pagkukuwento o pagsasalaysay ang marahil ang pinakagamiting paraan ng
pakikipagtalastasan ng tao.

Ang pagsasalaysay ay dapat maging kawili-wili upang patuloy itong pakinggan o basahin , at magiging
kawili-wili lamang ito kung magiging masining ito. Masasabing masinig ang pagsasalaysay o ang
mismong kuwento kung mayroon itong makabuluhang paksa, magandang panimula, maayos na
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, at kapana- panabik na wakas na tiyak na mag-iiwan ng kakintalan
sa isip ng nakikinig o nagbabasa.

Isa ring mahalagang sangkap ng isang masining na kuwento ang pagkakaroon ng tunggalian.

Tulad ng natalakay na sa isang nakaraang aralin sa tunggalian naipakikita ng awtor na ang buhay ng
pangunahing tauhan sa kuwento ay puno ng pakikipag-sapalaran, may saya at lungkot maging pighati,
YUNIT II: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA SILANGAN AT TIOG –SILANGANG
2
ASYA
tulad ng sa totoong buhay. Ang tunggalian ay maaring maganap sa pangunahing tauhan laban sa ibang
tauhan ng kuwento ( tao laban sa tao), sa lupit at kapangyarihan ng kalikasan (tao laban sa kalikasan ), sa
mga pangyayari sa lipunan ( tao laban sa lipunan) sa mga pangyayaring susukat sa kaniyang
pananampalataya ( tao laban sa Diyos) at maging sa kaniyang sariling mga pagpapahalaga at paniniwala (
tao laban sarili)

Para naman mas maipakita ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento o ang
ugnayan ng mga ito, makatutulong ang paggamit ng angkop na mga salita o ekspresyong naghuhudyat sa
pagsisimula, pagpapatuloy at pagkatapos ng isang kuwento.

Panitikan

Basahin(Buksan ang aklat sa pahina98-102)

Papel
(Maikling Kuwento ni Catherine Lim mula sa Singapore)

Pagtalakay sa binasang akda

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang katangian ng mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa sa
kanila.

2. Bakit naakit ang mag-asawang Tay Soon at Yee Lian na bumili ng shares of stock?

3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan ng pagkabigo ng mag-asawa?

4. May mga simbolo bang ginamit sa kuwento? Kung mayroon, pumili ng isa o dalawa at tukuyin ang
sinisimbolo nito o ng mga ito.

5. Ano ang aral na nakuha mo sa kuwento?

B. Ano-anong kaugalian sa Singapore ang inilahad sa kuwento? Sino-sinong tauhan ang nagpakita ng
mga kaugaliang ito? Ilahad sa ibaba ang iyong mga sagot.

YUNIT II: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA SILANGAN AT TIOG –SILANGANG

3
ASYA
Mga Kaugaliang Ipinakita sa Kuwento

Tauhan :

C. Mayroon ka bang sariling karanasan kaugnay sa tinukoy na mga kaugalian sa Singapore? Isalaysay ito.

D. Balikan ang ilang napanood na teleserye o pelikula na kinakitaan ng mga

kaugalian. sa iba't ibang bansa sa Silangang Asya. Paghambingin ang mga
kulturang ipinakita sa mga napanood.

Pagpapahalagang Pangkatuhan

Lahat ay ating gagawin upang makamit ang mga hinahangad natin sa buhay, at kay sarap ng
pakiramdam kapag nagkaroon na ng katuparan ang mga ito. Sa mga paghahangad na ito, mahalagang
maipamalas natin ang kabutihan ng ating intensiyon at ang kalinisan at kaayusan ng ating mga hakbangin
sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Wika at Gramatika

Basahin ang bahaging Pagsasaing sa inyong aklat sa pahina 103-104

Pagsasanay

Sumulat ng isang maikling kuwento na nagsasalaysay kung ano ang ginawa mo upang makuha ang isang
bagay na iyong hinangad. Sikaping maging magkakapareho sal pananaw na gagamitin sa pagsasalaysay.
Bumuo ng maayos na simula, gitna, at wakas ng iyong kuwento. Isulat ito sa sumusunod na nakalaang
espasyo.

Simula
______________________________________________________________________________

Gitna

Wakas
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

YUNIT II: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA SILANGAN AT TIOG –SILANGANG

4

PAGBUBU
Ang paghahanagad
OD NGng sobra sa kakayahan ay hindi patas sa takbo ng buhay.
Iwasan ang pagnanais ng isang bagay na hindi pinaghirapan.

 PAGTATAYA SA PAGTUPAD SA MGA LAYUNIN NG ARALIN

Sa pahina 105-106 ng aklat ay gawin ang pagsusuri sa pagsasakatuparan sa bawat layunin

ng aralin. Sa komentaryo, ipaliwanag ang markang ibinigay sa sarili.

PAGSUSURI NG KAALAMAN!
Pumili ng isa sa mga kuwentong naririnig sa iyong paligid. Isulat ito nang may
maayos na simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas. Gumamit ng
angkop na mga ekspresyon o pang-ugnay sa pagsisismula, pagpapadaloy at
pagwawakas ng kuwento.

YUNIT II: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA SILANGAN AT TIOG –SILANGANG

5
ASYA

You might also like