You are on page 1of 15

Department of Education

National Capital Region

8
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 1:
Pag-uugnay ng Mahalagang Kaisipan
sa Tunay na Buhay
(Karunungang Bayan)

May-akda: Adelwisa P. Mendoza


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin – Pag-uugnay ng Mahahalagang Kaisipan sa Tunay na Buhay
(Karunungang Bayan)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo


ang sumusunod:

a. naiisa-isa ang mga uri at katangian ng karunungang bayan;


b. natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
karunungang bayan; at
c. naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay

Subukin
Bago ka magpatuloy, subukan mong kilalanin ang mga karunungang
bayan na sumasalamin sa tradisyon, kultura at kaugalian ng isang
tribo/pangkat o lahi.

A. Hanapin sa loob ng kahon ang mga sagot sa bawat tanong at isulat


ito sa patlang.

Palaisipan Bugtong Salawikain


Sawikain Kasabihan Karunungang Bayan

__________1. Paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan ng mga taong


nabibilang sa bawat pangkat o tribo na may pagpapahalaga
sa kamalayang tradisyonal at kultural.

__________2. Paraan ng paglutas sa isang suliranin sa pamamagitan ng


isang lohikal na paraan gamit ang matalinong pag-iisip.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
__________3. Isang pahulaang nakalilibang gamit ang mga salitang
naglalarawan na binubuo ng isa o dalawang maikling taludtod
na may sukat at tugma.

___________4. Isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng


ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo.

___________5. Isang patalinhagang salita o pahayag na naglalayong


mangaral at magiwan ng mabuting asal

B. Pag-aralan ang sumusunod na kaisipan at pahayag. Sabihin kung


saang pangyayari sa tunay na buhay ito angkop na maiuugnay.

____________________1. Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot.


____________________ 2. Dalawang batong itim malayo ang nararating.

____________________3. Ang tumatakbo nang matulin, kung matinik ay

malalmi.

____________________4. Pinapatay ng dila ng masama ang kaniyang kapwa.


____________________ 5. Hulog ka ng langit sa akin.

Pag-uugnay ng Mahahalagang
Aralin Kaisipan sa Tunay na Buhay
(Karunungang Bayan)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pag-uugnay ng mahahalagang


kaisipan sa karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay.
Matatamo ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang nakaraang aralin tungkol sa tradisyon, kultura
at kaugalian ng mga Pilipino. Batay sa mga larawang nasa susunod na
pahina. Tukuyin kung ito ay tradisyon, kultura at kaugalian ng mga taga-
Marikina. Isulat ang iyong damdamin sa mga bagay na ito gamit ang
#AngDamdaminKo.
City of Good Character 2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Tuklasin
A. Panimula

Basahin/pakinggan/awitin ang awit na Bugtong-Bugtong ni Florante.


Bisitahin ang link o Basahin ang lirikong nakasulat sa ibaba.
Bugtong-Bugtong ni Florante –
https://www.youtube.com/watch?v=zqxGIRzMkXc

May liwanag kung mayrong dilim


May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip'
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo
Kadalasang kasama ay mga karpintero
At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato
Kailangang pukpukin martilyo
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao mayrong buto't balat
Mahaba ang bituka at ito'y lumilipad
Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
May dila nga ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila't laging kasama ang isa't isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa iyo ay sasama

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit
Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip'
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang nilalaman ng awit?


2. Anong uri ng karunungang bayan ang nakapaloob sa awitin?
3. Tukuyin ang mga pahayag na naglalarawan na nangangailangan ng
sagot. Isa-isahin at ibigay ang kaisipan.
4. Paano mo natukoy o nakilala ang karunungang bayan sa awit na nabasa
o napakinggan?
5. Mahalaga bang pag-aralan ang mga karunungang bayan? Bakit? Ano
ang maidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na buhay?

B. Pagbasa

Basahin mo naman ngayon ang inihandang tula at pagkatapos ay


sagutin nang pasalita ang mga gabay na tanong.

Panuto sa Buhay
ni Adelwisa P. Mendoza

Ang buhay ng tao ay puno ng karanasan,


Na kailangang ingatan at pahalagahan.
Mga pagkakamali na dapat iwasan,
At ipagpatuloy mga gawang may kabutihan.

Mga pag-uugaling hindi natin napapansin,


Kagaya ng paghusga, diyan tayo magaling.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna,
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kung sa paglakad may matatalisod ka,
Magdalawang isip ka’t magbilang ka muna.
Sa anomang lalakarin makasampong beses na pakaisipin,
Upang di pagsisihan ang sasapitin.

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo,
Gintong utos ng Diyos diyan ka mapapanuto.
Isipin mo palagi kapakanan ng kapwa sa bawat kilos mo,
Upang mapanatili respeto at pakikipagkapwa tao.

Pakatandaan mong ang lahat ay may dahilan,


At ang lahat ng dahilan ay may bungang naghihintay.
Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.

Sa Diyos ang karunungang iyong tinataglay,


Kaya’t huwag kalimutang magpasalamat sa Poong maykapal.
Gawing makabuluhan buhay na ibinigay.

C. Pag-unawa sa binasa

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Pansinin ang mga pahayag na nakasulat ng pahalang sa akda at
tukuyin ang uri ng karunungang bayan na kinabibilangan nito.
3. Ilahad ang kaisipang nais palutangin ng may-akda.
4. Paano mo ito maiuugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan ?
5. Mahalaga bang pag-aralan ang mga karunungang bayan?
Ipaliwanag.

D. Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng matatalinhagang pahayag na ginamit sa tula.

1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa


__________________________________________________________________
2. Dungis sa mukha mo’y pahirin muna, bago ka mamintas ng
mukha ng iba
__________________________________________________________________
3. Magdalawang-isip ka’t magbilang ka muna sa anomang lalakarin
makasampung beses pakaisipin
__________________________________________________________________
4. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo
__________________________________________________________________

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
Alam mo ba na ang karunungang bayan ay kabilang sa panitikan ng
mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Español? Itinuturing ito na
isang mabuting paraan sa pagbibigay ng payo na nag-iiwan ng aral sa
buhay at nakatutulong din ito para patalasin ang ating isipan sa
pamamagitan ng lohikal at matalinong pag-iisip.

Karunungang Bayan – Paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng mga


taong nabibilang sa bawat tribo/pangkat o lahi na may
pagpapahalaga sa kamalayang tradisyonal at kultural.

Mga uri ng karunungang bayan at mga halimbawa nito:

1. Palaisipan (Logic) - Paraan ng paglutas ng isang suliranin sa


pamamagitan ng lohikal na paraan gamit ang matalitong pag-iisp.

Hal. Ano ang mas mabigat isang kilong bulak o isang kilong bigas?
Sagot: Pareho, Dahil parehas silang isang kilo

2. Bugtong (Riddle) - Isang nakalilibang na pahulaan gamit ang


salitang naglalarawan sa isang bagay, pook at pangyayari na
binibuo ng isa o dalawang maikling taludtod na may sukat at
tugma.
Hal. Hayan na hayan na Sagot: Hangin
Hindi mo pa nakikita

3. Kasabihan/Pamahiin (Saying) - Isang makaluma at maiksing


pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan bilang
gabay sa pang-araw-araw na buhay.

Hal. Bawal isukat ang damit pangkasal, baka hindi matuloy ang
kasal.
Bawal magwalis tuwing gabi, nawawala ang suwerte

4. Salawikain (Proverbs) - Isang patalinhagang salita o pahayag na


naglalayong mangaral at magturo ng mabuting asal.

Hal. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.


Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Sawikain (Idioms) - Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at ugali ng isang tao.

Hal. Balat sibuyas – Iyakin


Bukas Palad - Matulungin

Ang lahat ng ito ay mga karunungang bayan na may nakapaloob na


mahahalagang kaisipan o ideya. Hindi ito magkakaroon ng maliwanag na
kabuluhan kung hindi natin ito maiuugnay sa tunay na buhay. Papaano
nga ba ito maiuugnay? Bawat karunungang bayan ay may mga angkop na
pangyayari na maaaring pag-ugnayan halimbawa: “Habang maiksi ang
kumot ay matutuo kang mamaluktot.” ang salawikaing ito ay
maiuugnay natin sa pagiging matiisin at pagiging kontento sa kung anong
mayroon ang isang tao sa pagkakataong yaon ng kaniyang buhay.
Isa pang halimbawa: “Dalawang batong itim, malayo ang
nararating.” Ito ay isang bugtong na ang sagot ay mata. Saan at paano
maiuugnay ang kaisipan nito sa tunay na buhay? Ang mga mata ng tao ay
maraming nakikita. Ang mata din ay nagiging kasangkapan sa paghuhusga.
May mga taong humuhusga base lamang sa kanilang paningin. May
kasabihan pa nga na ang “kagandahan ay nasa tumitingin.”
Samakatuwid, ang mga karunungang bayan ay palaging may
kaugnayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay kung ating pakalilimiin.

Pagyamanin

Pumili ng isang gawain sa ibaba na naaayon sa iyong interes o


kakayahan. Sundin ang panuto sa gawaing iyong mapipili.
 Guhit Mo, IugnayMo!
Humanap ng isang halimbawa ng karunungang bayan. Sabihin ang
mahalagang kaisipan sa nasabing halimbawa. Iguhit mo kung saang
pangyayari sa tunay na buhay ito maiuugnay. Gamitin ang pamantayan
sa pagmamarka sa susunod na pahina.

 Tulawit!
Humanap ng isang halimbawa ng karunungang bayan. Sabihin ang
mahalagang kaisipan sa nasabing karunungang bayan. Iugnay ang
nasabing kaispan sa mga tiyak na pangyayari sa tunay na buhay sa
paraang pagsulat ng isang tula na nilapatan ng makabagong himig.
Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa susunod na pahina.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
 I-vlogMo!
Humanap ng isang halimbawa ng karunungang bayan. Sabihin ang
mahalagang kaisipan sa nasabing karunungang bayan. Iugnay ang
nasabing kaisipan sa isang tiyak na pangyayari tunay na buhay. Gawin
ito sa paraang isang vlog. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa
ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Gumamit ng tiyak na halimbawa ng 20 %
karunungang bayan
Naibigay ang mahalagang kaisipan sa 30%
ginamit na karunungang bayan
Naiugnay sa tiyak na pangyayari sa 30%
tunay na buhay ang kaisipan
Orihinalidad at pagkamalikhain ng 20%
presentasyon
Kabuoan 100%

Isaisip
Kumpletohin ang pahayag sa loob ng mga kahon upang mabuo ang
mga bagay na dapat mong tandaan sa pag-uugnay ng mahahalagang
kaisipan mula sa mga karunungang bayan, sa mga pangyayari, at sa tunay
na buhay.

Ang karunungang Ang mga uri ng Ang bawat


bayan ay… Karunungang bayan karunungang bayan ay
ay . . . may mahalagang
kaisipan na . . .
1.
2.
3.
4.

Isagawa
Sa pagkakataong ito, subukan mong ilapat sa tunay na buhay ang
natutuhan mo sa aralin. Mabigay ng tatlong karunungang bayan ayon sa
City of Good Character 9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
hinihingi sa ibaba. Tukuyin ang mahalagang kaisipan sa nasabing
karunungang bayan at iugnay ang kaisipan sa tiyak na pangyayari sa tunay
na buhay.

Halimbawa:

Karunungang bayan: Salawikain “Habang maiksi ang kumot, matutong


mamaluktot.”

Mahalagang kaisipan: Maging matiisin at makontento sa kung anong


mayroon sa buhay.

Pangyayari sa tunay na buhay: Nais mong bumili ng bagong cellphone,


subalit wala kang sapat na pera para makabili nito. Matuto
munang magtiis hanggat wala pang sapat na pera.
Pagtiyagaan ang lumang cellphone.

1. Kasabihan:______________________________________________________

____________________________________________________________________

Mahalagang kaisipan: _____________________________________________

____________________________________________________________________

Pangyayari sa tunay na buhay: ____________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Salawikain: _____________________________________________________

____________________________________________________________________

Mahalagang kaisipan: _____________________________________________

____________________________________________________________________

Pangyayari sa tunay na buhay: ____________________________________

___________________________________________________________________

3. Palaisipan: ____________________________________________________

__________________________________________________________________

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mahalagang kaisipan: _____________________________________________

___________________________________________________________________

Pangyayari sa tunay na buhay: ____________________________________

___________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang aralin, subukan mo naman ang
talas ng iyong isipan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa ibaba.
Kilalanin ang mga karunungang bayan, ilahad ang mga kaisipan at iugnay
ito sa tunay na pangyayari sa buhay.

Karunungang Uri ng Pangyayari sa Tunay


Bayan Karunungang Mahalagang na Buhay
Bayan
Kaisipan

Kung may
isinuksok, may
madudukot

Malas ang
madaanan ng
isang pusang
itim

Ano ang nasa


gitna ng DAGAT?

Ningas kugon

Hinila ko ang
tadyang
Lumapad ang
tiyan

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Palawakin pa ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng mga gawain


sa ibaba.

Husay mo, Ipakita mo !

Ngayon ikaw naman ang gumawa ng sarili mong bugtong, palaisipan


at salawikain. Tiyaking may mahalagang kaisipan sa iyong gawa at maari
itong iugnay sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Isulat ito sa iyong
journal gawing batayan ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan
Nakabubuo ng sariling Bugtong, Palaisipan at salawikain 30 puntos
Masining at Malinaw na nailahad ang kaisipan 30 puntos
Maiuugnay sa mga tunay na pangyayari sa buhay 30 puntos
Orihinalidad 10 puntos
Kabuoan 100 puntos

Susi ng Pagwawasto

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=zqxGIRzMkXc

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)


Mga Editor: Perlita Ponsal (Guro, BNHS)
Daniel De Guzman (Guro, SRNHS)
Wilfredo Padua (Prinsipal, NES)
Dr. Josefino DL. Lu (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like