You are on page 1of 16

Department of Education

9
National Capital Region
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 7:
Pagbibigay-puna sa Kabisaan
ng Paggamit ng Hayop bilang Tauhan

May-akda: Maria Idalyn L. Pagunsan

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

Aralin – Pagbibigay-puna sa Kabisaan ng Paggamit ng Hayop


bilang Tauhan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang misasagawa mo ang


sumusunod:

A. nasasagot ang mga tanong sa binasang pabula; at


B. nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos

Subukin
Bago simulan ang aralin, subukin muna ang iyong kaalaman. Lagyan
ng tsek ( ) ang kahon kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
pagiging pabula ng isang akda at (x) kung hindi.

1. Kapupulutan ng magagandang aral sa buhay.

2. Hindi makatotohanan at likhang-isip lamang.

3. Ang tinaguriang ama ng sinaunang pabula ay si Aesop.

4. Kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.

5. Ito ay gumagamit ng tauhang hayop na nagsasalita o


kumikilos na parang tao.

Pagbibigay-puna sa Kabisaan
Aralin ng Paggamit ng Hayop Bilang Tauhan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng puna sa kabisaan ng


paggamit ng hayop bilang mga tauhan na nagsasalita at kumikilos na parang
tao. Upang ito ay malinang, kailangan mong maisagawa nang matapat ang mga
gawain.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Balikan mo ang nakaraang aralin. Tukuyin ang damdaming
nangingibabaw sa mga linyang ipinahayag ng tauhan sa loob ng komiks.
Ipaliwanag kung bakit ito ang damdaming natukoy sa binasa.

Napakaganda niya talaga!


Hindi siya mawala sa isip
ko. Kailan ko kaya siya ulit
makikita?

Damdamin: _______________________

Paliwanag: ________________________

_________________________________
_________________________________

Uy! siya yun. Kausapin ko


ba? Ano naman ang
sasabihin ko? Ano na Rick,
bilisan mo mag-isip! Dali!!!

Damdamin: _______________________

Paliwanag: ________________________

_________________________________
_________________________________
_

Hay naku, Rick! Nautal ka


na naman. Hindi ka naman
nakapagsalita. Sinayang
mo lang ang pagkakataon.
Haayyyy...

Damdamin: _________________________

Paliwanag: _________________________

___________________________________

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mamayang uwian talagang
kakausapin ko na siya. Hindi na ko
mahihiya. Kaya mo yan, Rick! Go!

Damdamin: _______________________

Paliwanag: ________________________

_________________________________
_________________________________
_

Naku po, uwian na. Kaya ko


ba talaga?!

Damdamin: _______________________

Paliwanag: ________________________

_________________________________
_________________________________
_

Tuklasin
A. Panimula
Ngayon ay subukan mong tuklasin ang kaligiran ng pabula. Iyong
alamin, ano nga ba ang pabula? Halika’t punan ng iyong ideya ang graphic
organizer sa ibaba gamit ang iyong kaalaman. Gamitin ang mga tanong na
nasa loob nito bilang batayan ng gawain.

Ituloy ang gawain sa susunod na pahina.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pabula (Kahulugan)

Sino ang Ano ang Ang mga Ang pabula ay Hindi tao ang
tinaguriang Ama ginagamit na bahaging nagpapakita ng gamit na tauhan sa
ng Sinaunang tauhan sa loob ng bumubuo sa aral sa buhay? loob ng pabula
Pabula? pabula? pabula ay
dahil
_______________ _______________ _____________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________
Magbigay ng maikling pagtalakay sa kasaysayan ng pabula sa Pilipinas gamit ang mga datos na
nakalap.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Ngayon, simulan nating talakayin ang pabula. Basahin mo muna ang


pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho”, mula sa salin sa Filipino ni
Vilma C. Ambat.
B. Panonood
Link: https://www.youtube.com/watch?v=XCf-Odn5nRM
(maaaring ito ay panoorin na lamang kung may sapat na internet
connection)
C. Pagbasa
(maaaring tahimik na pagbasa ang gawin kung offline)

Ang Hatol ng Kuneho


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may
isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog
siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon,
subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong
subalit walang nakarinig sa kaniya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong
hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay
na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad
tumayo.“Tulong! Tulong!” Muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” Sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng
tigre. Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito.
“Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari.
Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay,” wika ng lalaki at
nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre.
“Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako,
tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang
na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki
upang tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba
sa hukay. “ Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita
ng tigre ang lalaking tumulong sa kaniya. Naglaway ang tigre at naglakad
paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito
ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” Sumbat
ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako!
Hindi ako kumain nang ilang araw!” Tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno
ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin,
kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” Tanong ng puno
ng Pino. “ Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang
mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga
taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol
ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at
pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng
butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige
pawiin mo ang iyong gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?” Tanong ng tigre habang nananakam
at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!”
pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumang-ayon
ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
opinyon ng baka. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,”
wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami
ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang
nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang
makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda
na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa
paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol
sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka
na sa iyong kamatayan!” Wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin
ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang
dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” Sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” Singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin
ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa
sagot ng puno ng Pino at ng baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!” Pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” Sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang
kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang
mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang
kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.
“Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at
magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli
ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan
patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi
mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng
kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon,
upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay
matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang
kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon.
Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang
tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay
nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay,” paliwanag
ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa madaling salita, kung ang tao ay
hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging
problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!”
Wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

D. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Punan ng angkop na ideya ang mga pahayag sa ibaba.
1. Ano ang paksa ng binasang akda?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Sino/Ano ang mga tauhang ginamit sa loob ng akda. Isa-isahin ang
katangiang ipinakikita ng mga ito.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Sa inyong palagay, ano ang nais ipabatid ng akdang binasa sa mga
babasa nito? Ano ang nais nitong ituro sa mga tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Makatuwiran ba ang naging hatol ng kuneho sa situwasyong
kinalalagyan ng lalaki at tigre sa akda? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang magbibigay hatol sa situwasyon ng tigre at lalaki, ano
ang iyong magiging hatol? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
6. Sa iyong palagay, kung makakausap natin ang mga hayop at
kalikasan ano kaya ang sasabihin nila sa ating mga tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
7. Kung gagawa ka ng isang panukala upang maiwasan ang pang-
aabuso sa mga hayop at kalikasan, ano ito? Paano mo ito maisasa-
katuparan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
8. Sa mga nagaganap na katiwalian sa pamahalaan, kabilang na ang sa
sektor ng kalikasan, sa iyong palagay mayroon pa kayang solusyon

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
upang maiwasan ang illegal logging sa Pilipinas? kung mayroon, ano
ito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
9. Bakit mahalagang pag-aralan ang isang pabula? Mayroon ba itong
maitutulong sa isang bansa o pamayanan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
10. Sa iyong palagay, mabisa ba ang paggamit ng tauhang hayop sa
loob ng akdang binasa? Patunayan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

D. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa loob ng


mga diyalogong ipinahayag ng mga tauhan sa loob ng akda. Tukuyin
mula sa HANAY B ang damdaming ipinamamalas sa HANAY A.

HANAY A HANAY B
1. “Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki A. Pagmamakaawa
habang nakadungaw sa hukay B. Pagtataka
2. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita C. Pagsusumamo
makalilimutan habambuhay.” D. Pagkatakot
3. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa E. Pakikiusap
akin na hindi mo ako sasaktan? F. Pagkagalit
4. Kaya huwag mo na akong tanungin
tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.
Kainin mo na ang taong iyan.”
5. “Pakiusap, parang awa mo na!”

Suriin
Ang pabula ay isang uri ng akdang panitikang prosa o tuluyan. Ito ay
gumagamit ng mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao bilang tauhan.
Ito ay malimit na ikinukuwento sa mga bata upang magbigay aral sa buhay subalit
maaari ring magamit ng mga nakatatanda.
Pinaniniwalaang si Aesop na isinilang na kuba at alipin ang siyang
tinaguriang Ama ng Sinaunang Pabula. Pinaniniwalaang dahil ipinanganak na
alipin si Aesop kaya hindi siya gumamit ng tauhang tao sa loob ng kaniyang mga

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
isinusulat dahil wala siyang karapatang pumuna o magsalita ng taliwas sa
kanyang amo. Kaya naman, sa halip na tao ay hayop ang ginamit nitong tauhan sa
kaniyang mga isinusulat. Napapansin niya na ang hayop ay parang tao. Ang kilos
at ugali ng mga ito ay hindi nalalayo sa tao. Halimbawa, ang ahas ay taksil, ang
aso ay matapat, ang kalabaw ay masipag at marami pang iba.
Ang pabulang binasa mo ay pabulang nagmula sa bansang Korea na isinalin
sa Filipino ni Vilma C. Ambat. Masasalamin sa pabulang ito ang kultura at
kasaysayan ng bansang pinagmulan nito. Ika nga, ang panitikan ay
representasyon ng buhay, pamumuhay, lipunan, pananampalataya at damdamin
ng manuunulat nito. Mababatid natin mula sa kasaysayang pinagdaanan ng
bansang Korea na ilang beses din itong nasakop ng mga dayuhan at kung gaano
nila pahalagahan ang gampanin ng mga hayop sa kanilang buhay na masasalamin
din sa kanilang mitolohiya.
Kaya naman, ikaw ano ang masasabi mo sa pabulang binasa mo? Mabisa ba
ang paggamit ng hayop upang magparating ng mensahe sa iba?

Pagyamanin

Ngayon, inaasahan kong lubos mo nang nauunawaana ang pabula. Kaya


naman pagyamanin natin ang iyong natutuhan. Mula sa mga gawaing nakatala sa
ibaba pumili lamang ng isa o dalawang nais at kaya mong gawin. Sundan ang
rubric sa ibaba bilang pamantayan sa pagmamarka.

Gawain 1
Estratehiya: Pagsusuri sa Akda
Pamagat: Ang Hatol ng Kuneho salin sa Filipino
ni Vilma C. Ambat

Panuto: Punan ng angkop na datos ang graphic organizer sa ibaba.

Pamagat (Akma ba ang pamagat sa nilalaman ng Akda)

Simula Gitna Wakas

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suliranin/Problema

Mahahalagang Kaisipan
1
2
3

Gawain 2
Estratehiya: Pagsulat ng Pabula
Pamamaraan:
1. Mag-isip ng paksang nais lumutang sa susulating akda.
2. Pumili ng mga hayop na gagamitin sa pagsulat.
3. Ito ay dapat may simula, gitna at wakas.
4. Sikapin na ito ay napapanahon o di kaya’y nauugnay sa
sariling karanasan.
5. Dapat na ito ay nagtataglay ng aral sa buhay.
6. Gamiting pamantayan sa pagsulat ang rubrik sa ibaba.

Gawain 3
Estratehiya: Paglikha ng Pagkakakilanlan
Panuto: Gumuhit/ Gumupit ng isang larawan ng hayop na
maaaring maglarawan ng iyong sarili. Bigyan ito ng pag-uugnay sa
sariling katangian at talakayin kung bakit ito ang napiling hayop.

Katangian: ______________________________
Pagtutulad: _____________________________

Larawan ng Katangian: ______________________________


Napiling Hayop Pagtutulad: _____________________________

Katangian: ______________________________
Pagtutulad: _____________________________

Katangian: ______________________________
Pagtutulad: _____________________________

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PARA SA GAWAIN
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamta Di- Nangangailan
(5) (4) man ang gaanong gan pa ng
husay Mahusay Pagsasanay
(3) (2) (1)
NILALAMAN
(Angkop sa paksa
ang mga naging
tugon sa gawain)
PRESENTASYON
(Maayos at malinaw
na naipakikita ang
ideyang hinihingi ng
gawain)
PAGLALAHAD
(Mahusay na
naipakita/ nailahad
ang naging resulta
ng isinagawang
gawain )
KAISAHAN
(Naipakita ang
kaisahan ng mga
ideya)

Isaisip

Ang pabula ay isang uri ng panitikang gumagamit ng hayop bilang tauhan


na nagsasalita o kumikilos na parang tao. Ito ay nagpapakita ng pag-uugali ng
mga tao sa pamamagitan ng paghahambing sa katangiang ipinamamalas ng mga
hayop. Nagtataglay din ito ng mga aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw
na buhay.
Ito ay isang kathang-isip na nagpapakita ng angking kahusayan ng mga
Pilipino sa pagsulat. Masasalamin din dito ang kultura at kasaysayan ng isang
bansa bagama’t hindi makatotohanan o piksyon lamang ang akda.

Isagawa
Sikaping maisakatuparan ang gawain nang buong husay. Ilalapat mo ang
aral na iyong natutuhan mula sa arlin gamit ang isang tula.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Panuto: Sumipi ng isang pabula (maaaring nabasa, narinig o napanood) at
suriin ang kabisaan ng paggamit ng tauhan sa pabulang napili. Gamit ang
isang tulang may 2-4 na saknong paghambingin ang mga karakter sa
pabula, sa tunay na buhay.

Halimbawa: Kung maglambing, akala mo’y pusa sa amo


Yun pala’y ahas na di mo mapapaamo.
Kung magsalita’y tila asong matapat
Yun pala’y matulis pa ang dila sa bayawak.

Paalala: Gamitin ang rubrik na nasa bahaging “Pagpapayamanin” sa


modyul na ito.

Tayahin
Panuto: Tukuyin ang katangiang nais ipakita ng manunulat sa
mga tauhang ginamit sa akdang “Ang Hatol ng Kuneho.” Bigyan
ito ng katangian at patunayan kung naging mabisa ba ang
paggamit sa kanila sa loob ng akda.

Paalala: Lagyan ng sariling kuhang-larawan mula sa iba’t ibang


babasahin.

1. Larawan ng Tigre Katangian

2. Larawan ng Lalaki Katangian

3. Larawan ng Puno Katangian

4. Larawan ng Baka Katangian

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Larawan ng Kuneho Katangian

Karagdagang Gawain
Upang madagdagan pa ang iyong kaalaman, gawin ang alinman sa mga
gawaing nakatala sa ibaba.

1. Bumuo ng rebyu ng anomang pabula gamit ang inyong Youtube


Channel. Ibahagi sa klase ang link upang mapanood at makapag-
subscribe ang iyong mga kamag-aral.

2. Lumikha ng isang monologo gamit ang isa sa mga tauhan ng


pabulang napili at i-upload ito sa Youtube. Ibahagi ang link ng bidyo
upang mapanood ng mga kamag-aral.

Sa palagay ko ay nauunawaan mo na ang aralin, nawa’y ipagpatuloy


mo ang iyong kahusayan. Binabati Kita!

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Peralta, Romulo et al., Panitakang Asyano 9 (Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino) Unang Edisyon 2014. Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc. pp103-105

https://www.youtube.com/watch?v=XCf-Odn5nRM

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Maria Idalyn L. Pagunsan (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like