You are on page 1of 9

Mga Akdang Pampanitikan:

Salamin ng Mindanao

Aralin 2 : Pabula

Layunin

✓ Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan

(F7PN-Ic-d-2)

✓ Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka, at

iba pa) (F7WG-I-cd-2)

✓ Tuklasin

Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang

maihahambing sa mga ito.

leon aso kuneho ardilya


_____________ _____________ _____________ _____________

Ngayon, alamin natin kung ang mga paglalarawang iyong ibinigay ay tutugma

sa karakter ng mga hayop sa babasahing pabula.

Pahina 1 ng 9
Basahin

Ang Aso at Ang Leon (The Dog and the Lion)


Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho.

Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit

sa kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,”

sabi ng aso sa sarili.

Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa

kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating

na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang

napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito?

Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit na

punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang

kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman

ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili.

Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng

kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng

ardilya.

Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka sa

likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!”

Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na

ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila

nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang

Pahina 2 ng 9
aso ay nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang

nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!”

Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi

kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng

leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa

harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang patayin at lapain

ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon.

Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika,

“akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na

ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalalangan. Nanginginig na

humingi ng tawad ang ardilya.

Talakayin

Ilahad ang iyong ideya at pananaw sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang ginagawa ng matandang aso sa kagubatan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Ano ang panganib na naghihintay sa matandang aso sa kagubatan? Paano niya

ito naiwasan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Sino ang nakasaksi ng lahat ng mga pangyayari sa kagubatan? Ano ang

kaniyang ginawa?

Pahina 3 ng 9
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Tama ba ang ginawang pagtulong ng ardilya sa leon? Pangatuwiranan ang

iyong sagot.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang mga mabubuting at di-gaanong mabubuting katangian ang

ipinakita ng mga karakter sa binasang pabula?

di-gaanong
mabuting katangian karakter
mabuting katangian

aso

leon

ardilya

6. Mula sa sagot mo sa bilang 5, sino sa mga tauhan ang dapat na maparisan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

7. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa

ardilya na, “matanda na ako at maraming karanasan”?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pahina 4 ng 9
Linangin: Kasanayang Panggramatika

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posilibidad

Ang mga ekpresyong gaya ng maaari, posible, puwede, siguro, baka, marahil, sa

palagay ko ay ilan lamang sa mga madalas na ginagamit sa tuwing tayo ay nagbibigay

ng ating hinuha sa mga bagay na maaaring mangyari. Ang mga ito ay nagpapahayag

ng posibilidad batay lamang sa opinyon o hinuha ng tagapagsalita. Maaaring maging

totoo o hindi ang isang hinuha.

Pansinin ang halimbawang mula sa binasang pabula:

1. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili.

2. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,”

bulong niya sa sarili.

3. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya.

Pagsasanay 1

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na ekspresiyong nagpapahayag ng

posibilidad sa tungkol sa kung ano ang maaaring naging kinahinatnan ng matandang

aso, batang leon, at ng ardilya mula sa pabulang binasa.

1. Maaari. . .

________________________________________________________________

________________________________________________________________

_______________________________________________________________.

2. Siguro. . .

________________________________________________________________

________________________________________________________________

_______________________________________________________________.

Pahina 5 ng 9
3. Sa palagay ko. . .

________________________________________________________________

________________________________________________________________

_______________________________________________________________.

Pagsasanay 2

Ibigay ang iyong sariling opinyon sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari

o sitwasyon na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk. Ang

unang bilang ay ginawa ko na para sa iyo upang maging gabay.

SITWASYON 1:

May nasalubong kang matanda sa daan na may maraming dala. Gusto ng


matanda na tumawid sa daan ngunit hindi siya napansin ng mga tao.
Ano kaya ang mangyayari sa matanda?
Sa aking palagay, maaaring ang matanda ay matagal na makatatawid sa daan dahil
takot siyang masagasaan.

SITWASYON 2:

Lumabas ka ng bahay nang hindi man lang nagsuot ng face mask dahil
nakipaglaro ka sa iyong kapitbahay. Akmang-akma na pag-uwi mo ay
pananghalian na. Dahil sa gutom ay nakalimutan mong maghugas ng iyong
mga kamay.
Ano kaya ang posibleng mangyayari sa iyo?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pahina 6 ng 9
SITWASYON 3:

Inutusan ka ng iyong ina na magsaing. Habang ikaw ay nagsasaing ay


abalang-abala ka rin sa paglalaro ng iyong cellphone. Nang biglang may
naamoy kang kakaiba kasabay nang malakas na sigaw ng iyong ina.
Ano sa tingin mo ang mangyayari?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

SITWASYON 4:

Nakita mo ang iyong dating kaklase na nakaaway mo noong nasa


elementarya pa kayo at biglang tinawag ang iyong pangalan.
Ano sa tingin mo ang sasabihin niya sa iyo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

SITWASYON 5:

Unang araw ng pasukan at may nakita kang pera na nalaglag sa sahig ng


inyong silid-aralan. Nakita mong may isang mag-aaral na dumampot sa pera at
isinilid sa kaniyang bag.
Ano sa tingin mo ang dapat mong gagawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pahina 7 ng 9
Pagyamanin

Think-Pair-Share

Iyong natutuhan mula sa pabulang “Ang Aso at ang Leon” na tulad ng

matandang aso, ay maaaring makamit nino man ang karunungang hinubog mula sa

maraming taon at mga karanasan.

Ngayon, subukin mo namang isipin kung saan mo makikita ang iyong sarili sa ilang

taon mula ngayon. Pumili ng kapares, at magpalitan sa pagsagot sa mga tanong.

Isaalang-alang ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

1. Saan ka mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?

______________________________________________________________________________

2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?

______________________________________________________________________________

3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakapagtapos ka na?

______________________________________________________________________________

4. Nakikita mo ba ang iyong sarili na magtrabaho o di kaya’y tumira sa ibang bansa?

______________________________________________________________________________

5. Ilang taon ka kaya magpapakasal o mag-aasawa?

______________________________________________________________________________

Pagsulat ng Sanaysay

Sumulat ng isang sanaysay na magpapahayag ng iyong damdamin at saloobin

tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na

parang tao sa mga kwento. Gamitin ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

Pahina 8 ng 9
Rubric sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan 4 3 2 1
Kaakit-akit at Walang dating
nakatatawag Angkop ang at hindi Napakasimple
Pamagat pansin ang nabuong nakatawag- ng nabuong
pamagat ng pamagat pansin ang pamagat
sanaysay pamagat
May ilang
Naipakita nang Magulo at
May taglay na bahaging
mabuti ang walang
Nilalaman kaisahan ang magulo at
kaisahan ng kaisahan ang
sanaysay walang
sanaysay sanaysay
kaisahan
Napakalinaw at
Paraan ng Maayos na Hindi
nakapakaayos May kaguluhan
Paglalahad ng nailahad ang maunawaan
na nailahad ang sa paglalahad
Saloobin saloobin ang paglalahad
saloobin
Wasto at
Paggamit ng Nakagamit ng 1
angkop ang Wasto ang Wasto ang
Ekspresyong ekpresyong
pagkakagamit pagkakagamit pagkakagamit
Nagpapahayag nagpapahayag
ng 4 na ng 3 ekspresyon ng 2 ekspresyon
ng Posibilidad ng posibilidad
ekspresyon

Pahina 9 ng 9

You might also like