You are on page 1of 19

Mga Akdang Pampanitikan:

Salamin ng Mindanao

Aralin 5 : Dula

Layunin

✓ Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling

karanasan (F7PB-Ih-i-5)

✓ Tuklasin

Gawain A

Panoorin ang isang Youtube video tungkol sa kwentong mula sa katutubong tribo

ng mga Tausug sa Mindanao, “Mga Kuwentong Bayan: The 7 Biraddali Sisters” sa

https://www.youtube.com/watch?v=jl7ki3-86YI.

1. Kawili-wili ba ang paksa ng kwento? Kapani-paniwala ba ang mga tauhan at

pangyayari sa kwento? Bakit, bakit hindi?

2. Ayon sa tagapagsalaysay, bakit mahalagang matutuhan ang mga kwentong

gaya ng isinalaysay sa video? Sang-ayon ka ba sa kaniya?

Gawain B

Basahin at unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung

makatotohanan ang pangyayari at ekis (✘) naman kung hindi makatotohanan.

_____ 1. Umaawit nang kayganda ang mga manok.

_____ 2. Nangingitlog ang isang tandang.

Pahina 1 ng 19
_____ 3. Tumitilaok ang tandang tuwing madaling araw.

_____ 4. Dumudumi ng ginto ang manok.

_____ 5. Ang tandang ay isang uri ng manok.

_____ 6. Mayroong bahagharing balahibo ang manok.

_____ 7. Isang babaeng manok ang tandang.

_____ 8. Kumakahig ng lupa ang manok para makahanap ng pagkain.

_____ 9. Mayroong balahibo at matatalas na kuko ang manok.

_____ 10. Nakalilipad nang matagal sa himpapawid ang tandang tulad ng mga

ibon.

_____ 11. Nakapagsasalita ang tandang sa mga tao.

_____ 12. May nakatagong mahika o kapangyarihan ang tandang.

_____ 13. Kayang pagalingin ng manok ang nararamdamang sakit ng mga tao.

_____ 14. Mayroong pakpak ang mga manok.

_____ 15. Natutulog ang manok na nakapikit ang mata.

Ngayon naman ay basahin mo ang susunod na akda, pansinin ang mga

pangyayari, alin sa mga ito ang kapani-paniwala, alin naman ang hindi? Anong kultura

ang makikita sa salaysay?

Basahin
Ang Mahiwagang Tandang
Arthur P. Casanova

Dulang pambata ang iskrip na “Ang Mahiwagang Tandang.” Maaari itong

itanghal bilang dulang mascara o dulang anino na nasubukan na ring gawin ni

Casanova sa kanyang klase. Msusubok din ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral
Pahina 2 ng 19
o manggawa sa teatro kung lilikha sila ng mga eksperimental na produksiyon nito. Sa

mga guro ng wika sa silid-aralan maaari rin itong gawing lunduyan sa pagtatamo ng

kakayahan at kasanayan sa wikang pambansa.

Mga Tauhan:

Lokus a Mama – ang ama ni Bagoamama, asawa ni Lokus a Babae

Lokus a Babae – ang ina ni Bagoamama, asawa ni Lokus a Mama

Bagoamama – anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae

Mahiwagang Tandang – ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga

Sultan Abdullah – ang sultan ng kaharian ng Agamaniog

Reyna Aliah – ang reyna ng kaharian ng Agamaniog

Sabandar – isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mananayaw ng sultan

Kanankan – isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mananayaw ng sultan

Guwardiya 1 at 2 – mga bantay ng palasyo

Bata 1 at 2 – mga kalaro ni Bagoamama sa Palasyo Dama 1 at 2- mga alalay ng

reyna at sultan

Mga Mandirigma – magigiting na kawal ng sultan

Taumbayan 1,2, 3, 4, 5 at 6 – mga mamamayan ng Kaharian ng Agamaniog

Korong Babae – pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula

Pahina 3 ng 19
Korong Lalaki – pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, set at props ng dula

Tagpuan: Sa Kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian ng mga Meranao

sa Lanao del Sur

Korong Babae: Noong panahon ng ating mga ninuno, may naninirahang mag-

asawa sa isang maliit na kaharian.

Korong Lalaki: Si Lokus a Mama.

(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Lokus a Mama. May dala siyang mga sanga ng

kahoy at itak. Tinatanggalan niya ng dahon ang mga sanga.)

Korong Babae: At si Lokus a Babae.

(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae. May dala siyang plangganang

puno ng labahin.)

Korong Lalaki: May isa silang anak na lalaki. Si Bagoamama.

(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Bagoamama. Pupunta siya sa gitna ng

entablado at maglalaro ng kasipa.)

Lokus a Babae: Ang hirap talaga ‘pag natatambak ang labahin. Sumasakit ang

beywang ko. Nasaan na ba si Bagoamama. Bagoamama,

Bagoamama!

Pahina 4 ng 19
Bagoamama: Bakit po ina?

Lokus a Babae: Tulungan mo nga ako sa pagsasampay nitong aking mga nilabhan.

Bagoamama: Akin na po at isasampay ko sa likuran ng bahay.

Lokus a Babae: Naku ang hirap pa namang magpatuyo ng damit nitong mga

nakaraang araw. Halos hindi nagpapakita ang araw. Bago matuyo

ang mga damit eh may amoy na ang mga ito. Dumating na ba ang

Itay mo?

Bagoamama: Naroon po sa kusina at inaayos ang mga panggatong na kinuha

niya sa gubat kanina.

Lokus a Babae: Nariyan ka na pala. Marami ka bang nakuhang makakain mula sa

gubat?

Lokus a Mama: Kakaunti nga eh. May dala akong isang buwig ng saging. Mga

tatlong araw pa bago mahinog ang mga iyan.

Lokus a Babae: Eh gulay, mayroon ka?

Lokus a Mama: Sayote at kalabasa. Pakaunti nang pakaunti ang mga ligaw na

gulay. May bigas pa ba tayo?

Lokus a Babae: Dumaan ako kina Usman kanina bago naglaba sa lawa. Nakahiram

ng kaunti. Kasya na sa atin iyon sa loob ng tatlong araw.

Lokus a Mama: Kailangan nating bayaran ang bigas na iyan ng mga manok.

Pahina 5 ng 19
Lokus a Babae: Halos wala rin tayong manok. Aba’y sumama ka kina Bashier sa

pangingisda sa lawa at nang hindi tayo nag-iisip kung saan kukuha

ng ulam. Malapit na ring maubos ang mga bulad natin.

Lokus a Mama: Hayaan mo’t kakausapin ko si Bashier mamaya para makasama

ako sa kanilang pangingisda sa lawa bukas.

Lokus a Babae: Naaawa na nga ako riyan kay Bagoamama. Bihirang-bihira na

siyang makatikim ng sariwang isda.

Lokus a Mama: Hindi lang siya. Sawang-sawa na ako sa manok. Ni hindi tayo

makabili ng karneng baka.

Lokus a Babae: Ikaw kasi hindi ka natuto-tuto sa pag-aararo ng bukid. Sayang iyang

malawak na lupaing ipinamana sa atin ng aking ama. Hindi

nabubungkal at natataniman. Disin sana’y hindi tayo naghihirap ng

ganito.

Lokus a Mama: Aywan ko ba, hindi ko talaga natutunan iyan. Lumaki kasi ako sa

paggawa ng brass. Simula naman ng maging mag-asawa tayo,

tumigil na ako sa paggawa ng brass. Malaki ang puhunan sa

paggawa ng brass.

Lokus a Babae: At simula noon, ang pangunguha na lang ng mga prutas at gulay

ang nakayanan mong gawin.

Lokus a Mama: Hayaan mo mangingisda ako bukas. Sana maganda ang panahon

bukas. Ulan kasi nang ulan nitong mga nakaraang araw. Kung hindi

ulan, puno naman ng hamog ang kapaligiran.


Pahina 6 ng 19
Lokus a Babae: Harinawang sumikat ang araw bukas nang makatikim naman tayo

ng tinolang kadurog.

Lokus a Mama: Magluto ka ng ating hapunan at ginutom ako sa paghahalughog

sa gubat.

Lokus a Babae: Mabuti pa nga. Palagay ko’y gutom na rin ang anak natin.

(Magpopormang kusina ang Korong Babae. Tatlong babae ang magpopormang

tatlong tungko ng kalan at apat namang kababaihan ang magpopormang palayok.

Magluluto ng pagkain si Lokus a Babae. Babalik sa Korong Lalaki si Lokus a Mama at sa

Korong Babae naman si Lokus a Babae.)

Korong Lalaki: Sadyang ganyan nga po kahirap ang buhay ng mag-anak.

Palaging salat sa pagkain.

Korong Babae: Umaasa na lamang sila sa mga pagkaing nakikita sa kanilang pali-

paligid! Tunay pong kaawa-awa.

Korong Lalaki: Ai-Dao! Tunay na kahabag-habang. Isang araw...

(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae na may dalang banig at

malong. Ilalatag niya ang banig. Mula sa Korong Lalaki ay lalabas naman si Lokus a

Mama na may sakit. Hihiga siya sa banig at kukumutan siya ni Lokus a Babae ng malong.)

Lokus a Mama: Allah! Tulungan po ninyo ang aking asawa. Pagalingin po ninyo siya.

(Lalabas si Bagoamama mula sa Korong Lalaki.)

Bagoamama: Ina, kumusta na po si Ama?

Pahina 7 ng 19
Lokus a Babae: Tatlong araw nang mataas ang kanyang lagnat. Hindi gumagaling

sa gamot na ibinigay ng albularyo.

Korong Babae: Sa pagkakataong iyon, naalaala ni Bagoamama ang buhay sa

palasyo ng sultan.

(Ang dalawang koro ay magsisipunta sa kaliwang bahagi ng entablado. Ang

mga babae ay magpopormang mga kurtina ng kaharian sa pamamagitan ng

paggamit ng kanilang mga malong. Sa pamamagitan naman ng kanilang mga

katawan, mag-aanyong trono naman ng sultan ang mga kalalakihan maliban sa

karakter ni Sultan Abdullah. Uupo siya sa trono. Naroon sa tabi niya si Reyna Aliah.)

Bagoamama: Ina, bakit po tayo mahirap lamang?

Lokus a Babae: Bagoamama, si Allah ang may kagustuhan nito.

Bagoamama: Wala ba tayong magagawang paraan para maging mayaman

tayo?

Lokus a Babae: Hindi ko alam, Bagoamama. Ang iyong ama at ako ay limampung

taon nang naninirahan sa kahariang ito ngunit hanggang ngayon

ay mahirap pa rin kami. Palagay ko’y kapalaran na natin ang

maging dukha.

Bagoamama: Kung ginawa tayo ni Allah na mahirap, ang ibig sabihin, maramot si

Allah.

Lokus a Babae: Anak, hindi natin alam ang tunay na layunin ni Allah. Anong

malay mo bukas makalawa ay maawa sa atin si Allah at gagawin

Pahina 8 ng 19
din niyang maginhawa ang ating buhay.

(Saglit na napaisip si Bagoamama. Tumabi siyang muli sa kanyang ina at sinabing

kailangan silang pumunta sa torogan ng sultan at humingi ng abaka. Nagtaka si Lokus

a Babae sa sinabi ng anak. Tinanong niya kung aanhin ang abaka ngunit hindi iyon sinabi

ng anak. Nagtaka lamang at iiling-iling na sumunod si Lokus a Babae kay Bagoamama.

Hanggang sa makatulog siya sa pagod. Nagtaka ang mga tao sa kung sino ang

natutulog na babae sa palasyo ng sultan. Hanggang sa nakarating sa kaalaman ng

sultan ang pangyayari. Pinapunta ng sultan si Lokus a Babae sa kanyang harapan.)

Sultan Abdullah: Ikaw pala, Lokus a Babae. Ngayon ka lang bumisitang muli. May

problema ba?

Lokus a Babae: Wala po mahal na Sultan Abdullah.

Sultan Abdullah: Hindi ako maaaring magkamali, nababasa ko sa iyong mukha na

ikaw ay may problema. Ano ang maitutulong ko sa iyo, Lokus a

Babae?

Lokus a Babae: Mahal na Sultan, nahihiya po akong ipagtapat sa inyo ang aking

suliran. Ngunit, mahal na sultan, pinapupunta po ako dito ng aking

anak upang humingi ng abaka.

(Nagtaka ang sultan ngunit agad din naman niyang ipinatawag ang mga kawal

at pinag-utusan na kumuha ng abaka sa manghahabi. Lubos ang pasasalamat ni Lokus

a Babae sa Sultan at dali-daling umalis. Pagdating sa bahay ay itinanong niya sa anak

kung aanhin ang baka. Sinabi ni Bagoamama na kailangan nilang gumawa ng tali at

lubid ngunit hindi niya rin sinabi sa ina kung para saan iyon. Hanggang sa makagawa

sila ng daan-daang lubid.


Pahina 9 ng 19
Nang matapos ay agad ding kinuha ni Bagoamama ang mga natapos na lubid

at nagsimula nang magtungo sa gubat. Naisip pala niyang gumawa ng bitag. Nakakita

siya ng napakalaking yapak at doon siya gumawa ng maraming bitag. Pagkatapos ay

umuwi na siya at dali-dali siyang sinalubong ng kanyang ina.)

Lokus a Babae: Anak, huwag ka sanang mabibigla, yumao na ang iyong ama. Ang

problema’y wala tayong pampalibing sa kanya. Ni wala rin tayong

maibabayad sa Imam para makapagdasal.

Bagoamama: Kung ayos lamang Ina ay tayo na lamang ang maglibing kay Ama

at saka na lamang natin siya padasalan kapag may pera na tayo.

(Ganoon na nga ang nangyari. Inilibing nila si Lokus a Mama. Nang sumunod na

araw, pumunta si Bagoamama sa gubat upang tingnan ang mga bitag. Nagulat siya

sapagkat lahat ng kanyang mga bitag ay may huli. Isinukbit niya ang mga itinaling mga

huli sa kanyang balikat ngunit laking pagtataka niya nang magsalita ang manok.)

Mahiwagang Tandang: Kalagan mo ako! Para mo nang awa, tulungan mo ako!

Bagoamama: Ha? Sino iyon? Saan galing ang tinig na iyon?

Mahiwagang Tandang: Para mo nang awa, kalagan mo ako. Iuwi mo ako agad.

(Nahinalik sa takot si Bagoamama. Halos tumayo ang kanyang mga balahibo sa

naramdamang takot. Gulat na gulat si Bagoamama nang matuklasan na ang tandang

ang nagsasalita. Napakakisig ng tandang na tila isang magiting na mandirigma.

Maganda ang balahibo at ang palong ay parang korona ng hari. Natuklasan ni

Pahina 10 ng 19
Bagoamama na talagang may natatagong hiwaga ang tandang. Agad niya iyong

iniuwi sa bahay. Nagulat si Lokes a Babae sa dami ng huling manok ng kanyang anak.)

Bagoamama: Huwag na po kayong maraming tanong pa. Ang mabuti pa’y

dalhin ninyo sa palengke ang mga huli at inyong ibenta.

(Nang makaalis si Lokes a Babae ay dumumi ng maraming ginto ang

mahiwagang tandang. Biglang yumaman ang mag- ina. Naipaayos ang kanilang

bahay. Laking gulat ng napadaang mga kilalang mangsasangyaw. Batid ng

mahiwagang tandang ang pakay ng dalawa kaya’t nagsalita iyon na lubos na

ikinagulat ng dalawa. Karipas silang tumakbo at nang makarating sa palasyo ay bigla

na lamang silang napahandusay. Ginising sila ng mga kawal at dali-dali nilang

pinuntahan ang sultan.)

Sabandar: Mahal na Sultan, hindi na po kayo ang pinakamayamang tao sa

Kaharian ng Agamaniog!

Kanankan: Mayroon na pong higit na mayaman kaysa sa inyo!

Sultan Abdullah: Anong ibig ninyong sabihin? Nababaliw na ba kayo? Marahil ay

sinaniban kayo ng demonyo!

Sabandar at Kanankan: Mahal na Sultan, nagsasabi po kami ng totoo.

Sabandar: Mahal na Sultan, si Bagoamama na anak ni Lokes a Babae at Lokes

a Mama ay may mahiwagang tandang na nagsasalita. Bigla silang

nagkaroon ng magagarang tela at mga ginto at pilak.

Pahina 11 ng 19
(Nag-isip ang sultan habang pinaglalaruan ang kanyang bigote. Naisipan niyang

bilhin ang Mahiwagang Tandang mula sa mag-ina. Lingid sa kaalaman ng Sultan ay

alam na ng Mahiwagang Tandang at nina Bagoamama ang pakay ng Sultan kaya’t

bago pa man dumating ang Sultan ay nakapagdesisyon na sila. Pumayag ang

Mahiwagang Tandang na siya ay bilhin ng hari. Ngunit upang masigurado ang estado

ng buhay nina Bagoamama at Lokes a Babae ay sinabi ng tandang na nais ni

Bagoamama na pakasalanan ang prinsesa na anak ng sultan. Pumayag naman ang

hari. Bago lumisan ang tandang at sumama sa sultan ay binigyan niya muna ng bigay-

kaya ang mga taong naroroon. Maraming magagarang tela ang lumabas sa bibig ng

tandang habang siya ay tumitilaok.)

Taumbayan 1: Ang gaganda ng kulay.

Taumbayan 2: Ang gagara.

Taumbayan 3: Elegante. Panreyna at pansultan ang mga telang ito.

Taumbayan 4: Ginto at pilak! Para sa atin ba ang lahat ng iyan?

Mahiwagang Tandang: Oo paghahatian ninyong lahat iyan! Bagoamama, sa palagay ko’y

tapos na ako sa aking misyon. Panahon na upang ako ay lumisan.

Dalangin ko ang masaya at masaganang pamumuhay ninyo rito sa

Kaharian ng Agamaniog.

Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila ka! Sana’y dalawin mo kami

sa hinaharap. Salamat.

Lokus a Babae: Hindi namin malilimutan kailanman ang iyong labis na kabutihan.

Salamat sa ginintuan mong puso.


Pahina 12 ng 19
Bagoamama: Salamat muli kaibigan. Utang na loob ko sa iyo ang lahat ng

tinatamasa ko ngayon. Sana’y patnubayan ka ni Allah.

Alamin

Ibigay ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga hiram na salita ayon sa

pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap. Pagkatapos, gamitin ang mga hiram na

salita sa sariling pangungusap.

1. Malaki ang puhunan sa paggawa ng brass.

Kahulugan: _____________________________

Pangungusap: __________________________________________________________

__________________________________________________________.

2. Ai-Dao! Tunay na kahabag-habang.

Kahulugan: _____________________________

Pangungusap: __________________________________________________________

__________________________________________________________.

3. Allah! Tulungan po ninyo ang aking asawa. Pagalingin po ninyo siya.

Kahulugan: _____________________________

Pangungusap: __________________________________________________________

__________________________________________________________.

4. Mahal na Sultan, nahihiya po akong ipagtapat sa inyo ang aking suliran. Ngunit,

mahal na Sultan, pinapupunta po ako dito ng aking anak upang humingi ng

abaka.

Kahulugan: _____________________________

Pangungusap: __________________________________________________________

Pahina 13 ng 19
__________________________________________________________.

5. Ni wala rin tayong maibabayad sa Imam para makapagdasal.

Kahulugan: _____________________________

Pangungusap: __________________________________________________________

__________________________________________________________.

Talakayin

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Aling mga bahagi ng dula ang nagpapakita o sumasalamin sa kultura’t tradisyon

ng Mindanao?

a. Kabuhayan - _______________________________________

b. Pananampalataya - _______________________________________

c. Pulitika/pamamahala - _______________________________________

d. Wika - _______________________________________

e. Pag-uugali - _______________________________________

2. Aling mga pangyayari sa dula ang nagpapakita ng mga hindi makatotohanang

pangyayari?

a. ________________________________________________________________________

b. ________________________________________________________________________

c. ________________________________________________________________________

Pahina 14 ng 19
Suriin

Gawain A

Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung ang mga

pangyayari sa dula ay makatotohanan o maaaring mangyari sa totoong buhay.

Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung makatotohanan ang pangyayari at ekis (✘) naman

kung hindi makatotohanan.

_____ 1. Ang pagmamahal ni Bagoamama sa prinsesa ay dalisay at totoo.

_____ 2. Nagsasalita at dumudumi ng ginto ang tandang.

_____ 3. Nagpasalamat ang taumbayan sa tulong ng tandang.

_____ 4. Matibay ang pananalig ni Bagoamama sa Poong Maylikha.

_____ 5. Maraming tela ang lumabas sa bibig ng tandang.

_____ 6. Tumitilaok nang tumitilaok ang mahiwagang tandang.

_____ 7. Elegante ang telang suot ng mga mamamayan.

_____ 8. Nag-aagawan ang mga tao sa pagpili ng kanilang isusuot.

_____ 9. May lumabas na ginto at pilak sa puwit ng tandang.

_____ 10. Maraming nagkalat na ginto’t pilak sa paligid at tuwang-tuwang pinulot ito

ng mga taumbayan.

Pahina 15 ng 19
Gawain B

Basahin at suriin ang pagiging makatotohanan ng sumusunod na mga

pangyayari mula sa mga pahayag at iugnay ito batay sa iyong sariling karanasan o

karanasan ng ibang kakilala.

Pangyayari mula sa Dula Sariling Karanasan

1. Pagdanas ng masamang panahon

“Sana maganda ang panahon bukas.

Ulan kasi nang ulan nitong mga

nakaraang araw. Kung hindi ulan,

puno naman ng hamog ang

kapaligiran.”

2. Paniniwala sa mga albularyo

“Tatlong araw nang mataas ang

kanyang lagnat. Hindi gumagaling sa

gamot na ibinigay ng albularyo.”

3. Pananalig sa Panginoon sa gitna ng

mga pagsubok at paghihirap

“Anak, hindi natin alam ang tunay na

layunin ni Allah. Anong malay mo

bukas makalawa ay maawa sa atin si

Allah at gagawin din niyang

maginhawa ang ating buhay.”

Pahina 16 ng 19
4. Kasunduan sa pag-aasawa

Ngunit upang masigurado ang estado

ng buhay nina Bagoamama at Lokes

a Babae ay sinabi ng tandang na nais

ni Bagoamama na pakasalanan ang

prinsesa na anak ng sultan.

5. Pagtanaw ng utang na loob sa

kapwa

“Hindi namin malilimutan kailanman

ang iyong labis na kabutihan. Salamat

sa ginintuan mong puso.”

“Salamat muli kaibigan. Utang na

loob ko sa iyo ang lahat ng

tinatamasa ko ngayon. Sana’y

patnubayan ka ni Allah.”

Pagyamanin

Gawain 1

Suriin ang mga pahayag na nasa ibaba at dugtungan ang pahayag na

nagaganap sa totoong buhay ayon sa iyong karanasan. Gawing batayan ang

ginawang halimbawa upang masagutan ito.

1. Ang pagkakaibigan nina Bagoamama at tandang ay walang kapantay.

Ang matalik kong kaibigan na si ______________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
Pahina 17 ng 19
2. Ang pag-alis ng tandang ay nagdulot ng kalungkutan kay Bagoamama.

Ang pag-alis ng aking mahal sa buhay ay _____________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Lahat ay kumakaway sa tandang tanda ng kanilang pasasalamat sa kanya.

Ang aking paraan ng pasasalamat ay sa pamamagitan ng ____________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Natapos na ang misyon ng tandang at umalis na ito.

Tapos na ako sa gawaing bahay, maaari na akong ____________________________

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pahina 18 ng 19
Pahina 19 ng 19

You might also like