You are on page 1of 2

Ikatlong Mahabang Pagsusulit sa Filipino 7

TP 2020-2021

Pangalan : __________________________ Petsa : _______________________


40
Baitang at Pangkat : ____________________ Guro : _______________________

KAALAMAN (10)

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

D 1. Ito ay batay sa istorya ng Bibliya. Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang mga tao.
A. Teoryang Bow-wow B. Teoryang Yum-yum C. Teoryang Pooh-pooh D. Tore ng Babel
C 2. Ayon sa teoryang ito, ang tao ay lumilikha ng tunog na may kahulugan upang maipahayag ang tindi
ng damdaming nararamdaman tulad ng galit, tuwa, galak, takot, pangamba, at iba pa.
A. Teoryang Bow-wow B. Teoryang Yum-yum C. Teoryang Pooh-pooh D. Tore ng Babel
B 3. Ayon sa teoryang ito, ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng paggalaw at
ginagaya ito sa pamamagitan ng kanilang bibig.
A. Teoryang Bow-wow B. Teoryang Yum-yum C. Teoryang Pooh-pooh D. Tore ng Babel
A 4. Ayon sa teoryang ito, ginagaya ng mga tao ang tunog ng kalikasan.
A. Teoryang Bow-wow B. Teoryang Yum-yum C. Teoryang Pooh-pooh D. Tore ng Babel
A/B 5. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkakapareho ng baybay.
A. Intonasyon B. Tono C. Punto D. Diin
C 6. Ito ay ang rehiyonal na tunog o accent.
A. Intonasyon B. Tono C. Punto D. Diin
B 7. Ang __________ ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
A. Intonasyon B. Tono C. Punto D. Diin
C 8. Isang kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay ng katangian, katutubong kulay,
o kultura sa isang partikular na lugar o pangkat.
A. Mito B. Alamat C. Kuwentong-bayan D. Epiko
A 9. Ito ay karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong may kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala,
diwata, at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
A. Mito B. Alamat C. Kuwentong-bayan D. Epiko
B 10. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.
A. Mito B. Alamat C. Kuwentong-bayan D. Epiko

PROSESO (25)

II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa
pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. pagkampay ng pakpak ng lumilipad na ibon


B. indayog
C. malaman
D. dumadaloy
E. paunlarin

E 11. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi natin.
D 12. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang-bayan gamit ang
mga salitang kay sarap pakinggan.
C 13. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa atin ng
ating mga ninuno.
B 14. Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.
A 15. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.

III. Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay
nagsaaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi.

TAMA16. Mahalaga sa isang bansa at sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng isang wika
sapagkat ito ay nagsisilbing bigkis ng pagkakaisa.
TAMA17. Mababatid ang layunin at adhikain ng isang tao o lahi sa mga salitang sa labi ay
namumutawi.
MALI 18. Ang ating wika ay pabayaan dahil ito naman ay walang kahalagahan.
TAMA 19. Ang wika ay isang kayamanang maililipat mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na
henerasyon.
TAMA 20. Ang wika ang kasangkapang kailangan upang magkaunawaan.
MALI 21. Ang kayamanan ay mas mahalaga kaysa wika ng lahi.
TAMA 22. Ang wika ay kaluluwa ng bansa.
MALI 23. Ang ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa magulong pakikipagtalastasan.
TAMA 24. Isa sa mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga kuwentong bayan, mito, at alamat.
MALI 25. Ang kuwentong bayan, mito, at alamat ay walang kaugnayan sa isa’t isa.

IV. Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa akdang “Ang Alamat ng Bulkang Mayon” ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod nito. Lagyan ang patlang ng bilang 1 hanggang 10.

6 26. Sumang-ayon si Daragang Magayon na magpakasal kay Pagtuga alang-alang sa kanyang ama.
4_ 27. Binigyan ni Rajah Makusog ang magsing-irog ng pahintulot sa plano nilang pagpapakasal.
7 28. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan.
3 29. Nagtapat ng pag-ibig si Panganoron kay Daragang Magayon.
8 30. Tinamaan ng sibat ang magsing-irog na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.
2 31. Iniligtas ni Panganoron si Daragang Magayon sa bingit ng kamatayan nang siya’y mahulog sa ilog
at muntik nang malunod.
9 32. Nakita ng mga tao ang puntod ng magsing-irog ay tumataas at nang kalaunan ay naging isang
bulkan.
1 33. Nabighani ang kalalakihan mula sa iba’t ibang tribo sa kagandahan ni Daragang Magayon.
10 34. Tinawag na Mayon mula sa pangalang Magayon ang bulkang nabuo mula sa puntod ng magsing
irog.
5 35. Binihag ni Pagtuga si Rajah Makusog.

PAG-UNAWA (5)
Pang-un

V. Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata.

(36-40) Ayon sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig
pa ang hayop at malansang isda." Ipaliwanag ang kahulugan nito.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pamantayan:

Natatalakay nang higit pa sa inaasahan ang nakapaloob sa talata taglay ang tamang pagpapahayag at
5 kalinawan nito sa pagpapaliwanag.
Natatalakay nang maayos ang nakapaloob sa talata taglay ang tamang pagpapahayag at malinaw na
4 pagpapaliwanag.
` Natatalakay nang maayos ang talata taglay ang tamang pagpapahayag ngunit kulang sa malinaw na
3 pagpapaliwanag.
Natatalakay ang talata taglay ang tamang pagpapahayag ngunit hindi sapat ang pagpapaliwanag.
2
Sinubukang maglahad ngunit bigong makatapos.
1

0 Walang kasagutang naibigay.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. Christine Joyce L. Dimaandal Bb. Diana C. Soriño

Guro sa Filipino 7 Koordineytor Pang-Akademiko

You might also like