You are on page 1of 14

“PAGHAHAMBING”

MGA URI NG PAGHAHAMBING

1. Magkatulad - ang paghahambing kung


patas na katangian ang pinagtutulad.
Ginagamit ang mga panlapi at katagang
hambingan tulad ng;
• Ka- nangangahulugang kaisa o
katulad
Hal: Kadugo ni Samuela si Lapu-
Lapu.
Kawika ko si Rara kaya
nagkakaintindihan kami .
Magka- nangangahulugan din ng
kaisahan at pagtutulad

Hal: Magkapareho kaming nagsunog ng


kilay sa pag-aaral.
Sing (sin-/ sim-/) - gaya rin ng
ka- , nagagamit ito sa lahat ng
pagkakatulad
Hal: Singhinhin ng birhen kaya’t
matiyagang manalangin .
Simpula ng rosas ang kaniyang
mukha .
Kasing ( kasin-/ kasim-/ )
Hal: Kasingkulay ng pula ng rosas ang dugo ng
kanilang kabayanihan.
Magsing ( magkasin-/ magkasim-/ ) -
ang pagpapatulad ay napipisan o nag
kakasama sa paksa ng pangungusap.

Hal: Magsingkulay ang mga ninunong


Pilipino noon at ngayon.
Magsimpula sa kagitingan sina Rizal
at Bonifacio.
 Ga- (gangga) nangangahulugan ng
gaya, tulad, paris, para.

Hal: Gamais ang bato ng singsing ni


darna .
Gamunggo ang mga butil ng
pawis ng kasipagan ang
masaksihan sa kaniya .
2. Di Magkatulad – ang
paghahambing kung nagbibigay
ito ng diwa ng pagtanggi ,
pagkakait o pagsalungat sa nais
patunayan ng pahayag . May 2
uri ng hambingan di-
magkatulad;
Pasahol- may higit o nakalalamang na katangian
ang pinaghahambingan .

 Lalo- nangangahulugang pagpapahigit sa


“Kulang” ng katangian. Katuwang ito ng
paghahambing na kapos sa/kay kung ngalan ng
tao , o kaysa o kaysa sa kung bagay o
pangyayari.

Hal: Lalong mutain ang batang iyakin.


Di gasino- tulad ni – ginagamit sa
paghahambing uri o katangian ng tao .

Hal: Di gasinong tanyag si Adarna gaya ni


Darna

Di gaano- tulad ni – ginagamit lamangf


sa mga hambingang bagay

Hal: Di gaanong matalino ang mag- aaral


na pabaya sa kaniyang talino.
Palamang- may higit na katangian ang
ihinahahambing

Lalo- paghahambing na may kalamangan.


Hal: Lalong masarap biruin ang lasing huwag
lang ang bagong gising.

Higit/mas- kaysa/kay sa/kay


Hal: Higit na mabuti’y gawin ang magagawa
ngayon at di na ipagpabukas
Labis- tulad din ng higit/mas
Hal: Labis na mapili si Clara sa
mapapangasawa kaya’t napili’y bungi.

Di hamak- karaniwang isinusunod sa pag


uri.
Hal: Malupit na di hamak ang mga
sundalong Hapon kaysa sa mga sundalong
Amerikano.
PAGSASANAY

Gawain 1

Bumuo ng alinman sa mga salawikain, sawikain,


kasabihan at bugtong na ginagamitan ng
paghahambing. Salungguhitan ang mga ito.

Halimbawa: Higit na madaling maging tao kaysa


magpakatao

You might also like