You are on page 1of 11

Ang paghahambing ay nagagamit sa

pagpapagaan ng mga salita na tinatawag


na mga eupemistikong pahayag. Ang
Eupemistikong Pahayag ay pananalitang
nagkukubli sa tahasang kahulugan ng
isang pahayag tulad ng karahasan,
kabastusan, pamumuna, at iba pang
may matalim na mensahe.
Ito ay mga pahayag na maituturing
na matalinghaga upang “mapalambot”
ang paraan ng pagkakasabi ng isang
pahayag. Nakatutulong upang
mapataas ang pandama at kaisipan sa
pag-unawa ng mga ganitong pahayag.
Halimbawa ng Eupemistikong pahayag
 hikahos sa buhay – mahirap
 makati ang kamay – magnanakaw
 Balinkinitan - payat
Dalawang Uri ng Paghahambing
1. Pahambing na Magkatulad
Magkatulad ang hambingan kung ang
dalawang pinaghahambing ay magkapareho o
magkapatas ang katangian at makikilala ito
sa pamamagitan ng paggamit ng mga
panlaping ka-, sin, kasing-, kasim-, magka-,
magsing-, magkasing-, ga-, at mga salita
tulad ng gaya, katulad, paris, para, kapuwa,
kawangis at iba pa.
Halimbawa:
a. Magkatulad ang pagmamahal sa
bayan ng mga bayani.
b. Kapuwa sila matulungin sa
kanilang kapamilya
c. Kasimbait at kasinsipag ni Maggie
ang kaniyang ina.
2. Pahambing na Di-magkatulad
Ginagamit ito sa paghahambing ng
dalawang bagay na may magkaibang
katangian. Ito ay may dalawang uri:
Palamang at Pasukdol.
A. Palamang - Kung ang inihahambing
ay mas malaki o higit ang katangian sa
pinaghahambingan. Naipapahayag ito sa
pamamagitan ng salitang labis, lalo,
higit, di-hamak at sa katagang kay,
kaysa sa, sa/kay
Halimbawa:
a. Higit na magagalang ang mga
kabataan noon kaysa sa ngayon.
b. Masunurin at mababait ang mga
kabataan noon kaysa sa ngayon.
B. Pasahol - Kung ang pinaghahambing
ay mababa ang uri o nahihigitan sa
katangian ng pinaghahambing.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang di gaano, di-
gasino, di-lubha, di-totoo at ang
katagang salitang gaya, tulad, paris,
kaysa, sa/kay.
Halimbawa:
a. Mapagwalang-galang sa kapuwa ang
mga kabataan ngayon di paris ng mga
kabataan noon.
b. Lalong mahilig sa masasamang bisyo
ang mga kabataan ngayon di-tulad ng
kabataan noon.

You might also like