You are on page 1of 26

Doon tayo sa tulay tumawid kasi

bawal dito.
Bagong luto ang kanin kaya
mainit pa ito.
Nadulas si Mikey dahil basa pa
ang sahig.
Natagalan ako magbayad kasi
mahaba ang pila sa kahera.
Mabigat ang trapiko sa EDSA
kaya nag-MRT na lang kami.
Tumahimik na tayo dahil
nandito na si Binibining Garcia.
Hindi ako makagamit ng
kompyuter dahil wala pang kuryente.
Dahil malakas ang bagyo,
nakansela ang mga klase sa
elementarya.
Magaling mag-piyano si Rachel
kasi araw-araw siyang nag-eensayo.
Kinulong ang aso palibhasa
matapang at nangangagat ito.
Hindi pa gising ang tatay mo
sapagka’t hatinggabi na siya
nakatulog.
Si Jenny ang pinakamagaling na
kalahok dito kaya siya ang nanalo sa
paligsahan.
Ang sakit sa baga ni Mang
Domingo ay dulot ng walang tigil na
paninigarilyo.
Sapagka’t nag-aral ka nang
mabuti, mataas ang nakuha mong
marka sa pagsusulit.
Ang dahilan ng pagguho ng lupa
ay ang tuluy-tuloy na ilegal na
pagtotroso sa bundok.
Palihasa’y mahiyain ang bata, hindi
na pinilit ng guro na sumali siya sa
gawain.
Pagka’t hindi ko maintindihan ang
leksiyon sa Math, nagpatulong ako sa
kaibigan ko.
Dahil gusto niyang matulungan ang
kanyang pamilya, pinili niyang
magtrabaho sa ibang bansa.
Labis ang saya ni Monica pagka’t
nakatanggap siya ng sulat mula sa
tatay niya sa Dubai.
Maglulunsad ng kilos-protesta ang
mga drayber ng dyip dahil sa sunud-
sunod na pagtaas ng gasolina.
MAGREADY KAYO BUKAS PARA SA
RECITATION!
PAG-UNAWA SA BINASA
Ang pag-unawa sa akda ay prosesong
pangkaisipan sa anumang babasahing
mga teksto na maaaring maiuugnay sa
sariling karanasan ang mga
impormasyong nilalaman nito upang
mabigyang kahulugan. Tuklasin natin
ang dalawang kasanayan sa pag-unawa sa
pagbasa na makatutulong sa iyong
pagbabasa.
Pagkilala ng Layunin
Ayon sa diksiyunaryo ang layunin ay
tumutukoy sa tunguhin, pakay o
hangarin.
Sa pagbabasa ng akda isa sa mga
kasanayan sa pagbasa ay ang pagkilala sa
layunin ng tekstong binasa. Maaaring
ang nais iparating ng manunulat ay
magbigay impormasyon, mang-aliw o
manghikayat.
Halimbawa:
Naglalarawan ba ito o kaya ay
nagkukuwento lang ng isang tiyak
na karanasan o sitwasyon?
Paghihinuha
Ayon sa diksiyunaryo, ang hinuha ay
ang nabubuo sa isip ng sinuman tungkol
sa anumang bagay, batay sa sariling kuro-
kuro at palagay.
Nakapagbibigay ang mambabasa ng
hinuha kapag nailalarawan niya ang
pangyayari sa nabasa nang may
reaksiyon na parang nasaksihan niya ang
tunay na mga pangyayari.
Halimbawa ng usapan:
Nagtanong si Lam-ang sa kanyang ina kung
nasaan ang kanyang ama dahil matagal nang
hindi nakauwi mula nang siya’y isinilang.
Sa pangungusap na ito, maari kang makabuo ng ilang
hinuha.
a. May masamang nangyari sa kanyang ama.
b. Namatay ang kanyang ama.
c. Nagkaroon ng ibang pamilya sa bundok.
d. Nagkaamnesya ang kanyang ama nang
nakikipaglaban.
e. Natakot bumalik dahil sa kakaibang taglay ni Lam-
ang.

You might also like