You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Aklan State University


College of Teacher Education
LABORATORY HIGH SCHOOL
Banga, Aklan

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 7

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa maikling kuwentong Sandaang Damit;

2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa buhay na may kaugnayan sa panghuhusga o pang-aapi


sa kapwa; at

3. Nakaguguhit ng larawang may kaugnayan sa Sandaang Damit.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa:
Sandaang Damit ni Fanny Garcia
b. Sanggunian:
Baisa, A. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2014.
p. 251 - 253
c. Mga Kagamitan:
Multimedia Presentation, Biswal na Kagamitan (Visual Aids), Laptop, at Projector.

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga klase!


Magandang umaga po, Bb. Arador!

Bago tayo
magsimula sa
ating Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Diyos Espiritu
Santo.
Panginoon, salamat po nang marami dahil ligtas

makabuluhang
po kaming nakarating sa loob ng silid-aralang ito
upang kami’y makapag-aral. Patawarin Mo po
kami sa aming mga kasalanan. Ihanda Mo ang
aming pag-iisip at puso sa pagtanggap ng mga
kaalaman ibabahagi sa umagang ito ng aming
butihing guro. Tulungan Mo Kami lubusang

talakayan ay maunawaan ang mahahalagang impormasyong


matutuhan namin. Sa inyo po lahat ng kapurihan.
Hinihingi po namin ang lahat ng ito, sa pangalan

manalangin ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas. Amen.

muna tayo sa (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng mga

ating
kalat.)

(Sasabihin ni Edgar ang liban sa klase.)

Panginoon,
hingin
natin ang
Opo Ma’am!

kanyang
presensiya, at
paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong
Napansin ko po ang pananakit sa kapwa.

Ang ipinahihiwatig po ng larawan ay bullying o


diskriminasyon.

araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan
na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at
nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng

magsimula sa pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang


kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
ating
makabuluhang
talakayan ay (Tahimik na panonoorin ng mga mag-aaral ang
maikling bidyo.)

manalangin May isang batang babae na lumaki sa hirap. Araw-


araw siyang tinutukso ng kaniyang mga kaklase

muna tayo sa dahil sa kaniyang pananamit at pagkain.

Isang araw, nakaisip siya ng paraan upang hindi

ating na siya tuksuhin ng kaniyang kamag-aral at sinabi


niya sa kaniyang mga kaklase na mayroon siyang
sandaang damit.

Panginoon, Labis na nagtaka ang kaniyang kamag-aral dahil


ilang araw na siyang hindi pumapasok sa eskwela

hingin
kaya’t binisita nila ito ng kaniyang guro at
nalaman nila ang ikinikuwento ng bata na
sandaang damit ay pawang iginuhit lamang.

natin ang Ipinakita sa kwento na nangyayari ang

kanyang diskriminisasyon sa lipunan maging sa mga


paaralan. Sa kwentong ito, palaging tinutukso ang
batang babae dahil siya ay mahirap kaya nagdulot

presensiya, at
ito ng pagbabago sa kanyang ugali.

paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong Gumawa ng paraan ang batang babae ng paraan
upang maiwasan ang panunukso sa kanya ng
kanyang mga kaklase. Siya ay nagsinungaling sa

araw, magsitayo
kanyang mga kaklase upang hindi na siya tuksuhin
ng mga ito. Kahit na masama ang kanyang
pamamaraan, nagtagumpay naman siyang
makuha ang respeto at tiwala ng kanyang mga ka-

tayong lahat at eskwela.

yumuko.
Bago tayo Kahit na nagsinungaling ang batang babae ay
lumabas pa rin ang katotohanan na mayroon nga
siyang sandaang damit ngunit ito ay iginuhit niya

magsimula sa lamang.

ating
makabuluhang
talakayan ay
manalangin Opo ma’am. Naranasan ko na pong husgahan ng

muna tayo sa
aking kapwa. Lagi pong hinuhusgahan ang aking
pisikal na kaanyuan. Ngunit kahit na ganoon ay
hinahayaan ko na lamang sila at mas lalo kong

ating
minahal ang aking sarili upang hindi maapektuhan
sa sasabihin ng iba.

Ako rin po ma’am. Naranasan ko pong mabully

Panginoon, noon pero hindi ko na lang sila pinapansin at dahil


doon ay nagsawa rin sila kakabully sa akin.

hingin
natin ang
kanyang Nauunawaan po naming ma’am at wala na po
kaming tanong.

presensiya, at
paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong
araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo magsimula sa ating makabuluhang
talakayan ay manalangin muna tayo sa ating
Panginoon, hingin natin ang kanyang presensiya at
paggabay sa pag-aaral natin ngayong araw na ito.
Magsitayo ang lahat at yumuko. Pangunahan mo ang
panalangin, Almaecah.
(Spiritual Intelligence)
(Ang mag-aaral ay guguhit ng larawan.)

Natutunan ko po na huwag magsinungaling kahit


pa para sa ikabubuti mo kasi darating ang araw at
lalabas pa rin ang katotohanan.

Natutunan ko po ma’am na huwag


magsinungaling para lamang magustuhan ka ng
ibang tao dahil parang niloloko mo lang din sila at
ang iyong sarili.
Maraming Salamat, Almaecah. Bago kayo umupo ay
pulutin muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga
upuan at ilagay ito sa basurahan.
(Naturalist Intelligence)

Edgar, maaari mo bang sabihin kung sino ang mga


liban sa klase?

Maraming Salamat! Ngayon, tayo ay magsimula na sa


ating aralin.

B. Pagganyak

Handa na ba kayo sa ating talakayan ngayong umaga?

Ngayon bago tayo dumako sa ating pormal na


talakayan ay may nais akong ipakitang mga larawan.
(Logical & Visual-Spatial Intelligence)

Ano ang napapansin niyo sa dalawang larawan?


Magaling! Ano pa?

Mahusay! Klase, ngayong umaga ay tatalakayin natin


ang isang akdang may kaugnayan sa larawang aking
ipinakita.

C. Pagtatalakay sa Aralin

(Verbal-Lingistic Intelligence)
Bago natin umpisahan ang talakayan ay alamin muna
natin ang kahulugan ng maikling kuwento. Pakibasa,
group 1.

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan. Ito


ay isang maikling salaysay na naglalaman ng isang
kuwentong may mahalagang pangyayari. Kadalasan,
ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan
ng panibagong karunungan sa isipan ng mga
mambabasa.

Ngayon, pakitago ang lahat ng gamit na nasa ibabaw


ng lamesa. May nais akong ipakita sa inyong maikling
bidyo hinggil sa Sandaang Damit. Maupo nang
maayos, panoorin at unawaaing mabuti ang bidyo.

Batay sa napanood ninyo, anu-ano ang mga


mahahalagang tagpo na nakapaloob sa bidyo?

Magaling! Ngayon, isa-isa ninyong bibigyang-halaga


ang bawat tagpong nahango mula sa napanood na
bidyo. Unahin natin ang unang tagpo. Xander, ano
ang masasabi mo?

Makikita na ang bawat pangyayari sa kwento ay


nangyayari sa totoong buhay. Katulad na lamang ng
batang babae na pumapasok sa paaralan na walang
baon at tila madalas natutukso dahil sa estadong
panlipunan. Ang labis na kahirapan ang siyang
nagiging dahilan kung bakit tayo madalas nakararanas
ng diskriminasyon maging sa paaralan at hindi pantay
na pagtingin sa lipunan na ating ginagalawan. Sa
ikalawang tagpo, ikaw naman Jan Cedrix.

Natutong magsinungaling ang bata dahil hindi na niya


matiis ang ginagawang panunukso ng kanyang mga
kaklase. Patunay lamang ito na nagagawang
magsinungaling ng isang tao kapag siya ay
nakararanas ng diskriminasyon para lamang
makasabay sa kaniyang kapwa. Ano naman ang
reaksiyon mo Ashley sa ikatlong tagpo?

Winakasan ang kuwento nang nalaman ng guro at ng


kaniyang kaklase na ang ikinikuwento niyang
sandaang damit ay iginuhit lamang upang magsilbing
alaala na sa likod ng paghihirap at pangarap ay
mayroong mas malalim na katotohanan. Ang mahirap
ay maaaring magkunwari o magsinungaling sa
kaniyang lipunang ginagalawan ngunit lalabas pa rin
ang katotohanan tungkol sa totoo niyang katayuan na
dapat bigyan ng pansin ng nakararami.

Naranasan niyo na ba ang naranasan ng batang babae


sa kuwento? Naging biktima rin ba kayo ng pang-aapi
at panghuhusga ng inyong kapwa? Paano niyo
hinarap o nalampasan ang sitwasyon na iyon?

Mahusay! May iba pang magbabahagi?

Mahusay ang inyong mga naging kasagutan klase. Sa


lipunang ating ginagalawan, hindi maiiwasan o
mawawala ang panghuhusga ng kapwa. Basta lagi
lamang tandaan na kung maaari ay huwag hayaang
magpaapekto sa sasabihin ng ibang tao at mahalin
ang iyong sarili upang matutunan ka rin mahalin ng
iba.

Nauunawaan ba klase ang mga napag-usapan? May


tanong pa ba ukol sa tinalakay?

Kung gayon, dumako naman tayo sa isang gawaing


lalong magpalalalim ng inyong kaalaman at
kasanayan kaugnay ng aralin.

D. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Narito ang gawain. Gumuhit ng dalawang klase ng


damit. Isang damit na sumisimbulo sa dating ugali ng
batang babae sa kuwento at isang damit na
nagpabago o nagbigay ng transpormasyon sa pag-
uugali ng pangunahing tauhan sa kuwento.
Paghambingin ang mga ito at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa ibaba.

1. Alin kaya sa palagay mo ang higit na nagpaligaya sa


batang babae sa kuwento? Bakit?
2. Kung ikaw ay pipili sa dalawang damit na ito , alin
ang isusuot mo? Bakit?

Bago magsimula, ibibigay ko muna sa inyo ang


pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pagkamalikhain – 30
Organisasyon ng mga ideya – 30
Kaangkupan sa paksa - 20
Orihinalidad – 20

Kabuuan: 100%

F. Paglalahat

Sa pangkalahatang pagtatalakayan, anong aral o


mensaheng inyong napulot mula sa araling ating
tinalakay?

Tama. Ikaw naman, John Michael.

Kahanga-hanga! Talaga nga namang naintindihan


ninyo ang paksang ating tinalakay klase.

IV. PAGTATAYA

Pakitago ang gamit na nakapatong sa inyong upuan


maliban sa bolpen at kumuha kayo ng kalahating
bahagi ng papel para sa pagsusulit. Inaasahan kong
masusunod ang mga panuntunan sa ganitong
gawain. Basahin ang panuto Ayanna.
(Babasahin ni Ayanna ang panuto.)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay isang anyo ng panitikan na may


layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.
a. Maikling Kuwento
b. Sanaysay
c. Mito
d. Wala sa nabanggit.
2. Ang may-akda ng Sandaang Damit ay si
________.
a. Fanny de Jesus
b. Fanny Gomez
c. Fanny Garcia
d. Fanny Dela Cruz
3. Sa pahayag na, “Ang batang hindi nagsasabi
ng katotohanan, ay batang hindi
maaasahan”. Ang pahayag sa itaas ay isang
_________.
a. Salawikain
b. Opinyon
c. Tayutay
d. Wala sa nabanggit.
4. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang
tagpo ng maikling kuwentong Sandaang
Damit maliban sa isa.
a. May isang batang babaeng lumaki sa
hirap. Lagi siyang tinutukso ng kaniyang mga
kaklase dahil sa kaniyang pananamit at
pagkain.
b. Isang araw natutong lumaban ang batang
babae at nagsinungaling ito dahil sinabi niya
na siya ay may sandaang damit.
c. Nalaman ng kaniyang kaklase na ang
sandaang damit na kaniyang kinikuwento ay
pawang iginuhit lamang.
d. Yumaman ang batang babae nang
makatapos sa pag-aaral.
5. Aling damdamin ang mahihiwatigan sa
kuwento?
a. Pag-aalala
b. Pagkaawa
c. Pagkalungkot
d. Lahat ng nabanggit.

Isa-isa nating iwawasto ang pagsusulit klase.


Susi sa Pagwawasto
1. a
2. c
3. a
4. d
5. d
Klase, sino ang nakakuha ng iskor na 5, 4, 3, 2, 1

Natutuwa ako klase sapagkat lahat ay nakapasa,


nangangahulugan lamang na lubusa ninyong
nauunawaan ang topikong ating tinalakay.
Pakipasa sa harapan ang naiwastong mga papel at
ibigay sa akin. Pakikolekta, Andrea.

V. TAKDANG-ARALIN

Sa puntong ito, kunin ang kwaderno klase at isulat


ang takdang aralin para sa araling pag-uusapan
natin sa susunod na pagkikita.

A. Basahin at pag-aralan ang Mga Panandang


Anaporik at Kataporik ng Pangngalan.

May di malinaw ba klase sa takdang -aralin?


Wala po Ma’am.
Kung maliwanag na ang lahat ay iligpit na ang mga
gamit. Ayusin ang mga upuan, pulutin ang mga kalat,
at bunutin ang anumang bagay na nakasaksak.
Maaari na kayong lumabas ng silid. Maraming salamat at paalam na po, Binibining
Arador!

Maraming salamat at mag-ingat kayo sa pag-uwi!

Hinanda ni:

DANNIELZ C. ARADOR

Nagsasanay na guro

You might also like