You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

PAMANTASANG PAMPAMAHALAAN NG AKLAN- Ibajay Campus


DEPARTAMENTO NG EDUKASYON PANGGURO
Ibajay, Aklan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO- PANITIKAN

Gurong-Mag-aaral : Jessa Mea C. Tugo


Gurong Tagapag-ugnay : Bb. Julie Ann D. Almanon
Paaralan : Pambansang Mataas na Paaralan ng Naisud
Disiplina : Filipino
Baitang at Seksiyon : Baitang 7-Rizal
Oras : 8:00-9:00 n. u.
Petsa : Setyembre 20, 2018

I. LAYUNIN
F7PN-IIc-d-8
Naihahayag ang nakikitang mensahe ng napakinggang na alamat

II. MGA NILALAMAN


A. Paksang Aralin: “Ang Alamat ng Sampalok”
B. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=na3wgCfwAAQ
C. Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng teksto, Paggamit ng multi-media, mga
larawan, laptop, cartolina.
D. Pagpapahalaga:
PAGKAMAGALANG

III. MGA PROSESONG PAGKATUTO

Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo’y (Tatayo ang mag-aaral, at


mananalangin. mananalangin.)
2. Pagbati

Isang mapagpalang umaga mga mahal Isang mapagpalang umaga rin po, Bb.
kong mag-aaral! Tugo.

Kumusta kayong lahat? Mabuti naman po.

Klase, sa araw na ito ay may bago na


naman tayong araling tatalakayin.

Handa na ba kayong making at matuto? Handa na po kami, ma’am!

Kung gayon, itago ang mga bagay-


bagay na walang kinalaman sa ating
aralin. Magsiupo na ng tuwid at sa akin
lamang ang atensyon ng lahat.

Bago tayo magsimula, ihahayag ko


muna sa inyo ang ating layunin sa
umagang ito.

Maaari bang basahin ng lahatan. (Babasahin ng mga mag-aaral.)

F7PN-IIc-d-8 F7PN-IIc-d-8
Naihahayag ang nakikitang mensahe ng Naihahayag ang nakikitang mensahe
napakinggang alamat ng napakinggang alamat

3. Pagtatala ng Liban

Sino ang liban ngayon klase? Wala naman pong liban ngayon,
ma’am!
Kung gayon, palakpakan niyo ang
inyong mga sarili sapagkat alam kong
lahat kayo ay gustong-gusto na matuto
sa ating magiging aralin ngayon.

4. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating aralin


ngayon ay balikan muna natin ang ating
pinag-aralan noong nakaraang araw.
Sino sa inyo ang nakaalala sa ating
tinalakay kahapon?
(Sasagot ang mag-aaral.)

Maaaring sagot:

Ang nakaraang aralin ay tungkol po sa


mga pabula na kung saan ang pabula
po ay isang akdang pampanitikan na
ang karakter o tauhan sa kwento ay
pawang mga hayop lamang.
Mahusay! Batid kong lahat kayo ay
natuto sa ating aralin kahapon.

5. Malikhaing Pagganyak

Klase, para magkaroon kayo ng ideya at


mahihinuha ninyo kung ano nga ba ang
ating aralin ngayong araw. Maglalaro
muna tayo. Ang larong ito kung tawagin
ay ilarawan mo ako. Ipapangkat ko kayo
sa dalawa. Magbibigay ako ng isang
bagay sa bawat pangkat at ilarawan ang
bagay na ito. Isulat sa kartolina ang
mga salita o parirala na naglalarawan
sa bagay. Kung kaninong grupo ang
may pinakamaraming ideya sa bagay
na iyon ay sila ang manananalo.

At kung kaninong pangkat ang


magwawagi magbibigay ako ng premyo
mamaya.

Maliwanag ba klase? Maliwanag po, ma’am!

Handa na ba kayo? Handa na po, kami ma’am!

Magsimula! Bibigyan ko lamang kayo ng


limang minuto.

(Sisimulan na ang laro.) (Masayang makikilahok ang mga


mag-aaral)
(Pagkatapos) Maaaring sagot:

Unang Pangkat

maasim maliit

prutas
tanim

Kayumanggi Parang
ang mani
kulay

Ikalawang Pangkat

Parang mga
matang
nakapikit Uri ng
prutas

maasim

tanim Kayumanggi
ang kulay

(Babasahin ng mga mag-aaral ang


kanilang ginawa.)

Mahusay klase. Natutuwa ako sapagkat


malugod kayong nakihalok sa ating
munting laro. Palakpakan ang iyong
mga sarili!

Mamaya nalang yung premyo ng mga


nakilahok.
Nahuhulaan niyo na ba kung anong
bagay ang inyong inilarawan klase?
(Sasagot ang mag-aaral.)

Maaaring sagot:

Ma’am ang bagay na iyan ay isang


prutas na kung saan ay sampalok!
Magaling! Isang bagsak!

Ang inilarawan ninyong bagay ay isang


sampalok.

Sino-sino ba sa inyo ang may mga


tanim na puno ng sampalok?
(Magsitaasan ng kamay ang mga
mag-aaral)
Saan kadalasang ginagamit ang
sampalok klase? Maaari mo bang
ibahagi ng iyong sagot sa klase?
(Sasagot ang mga mag-aaral.)

Maaaring sagot:

May tanim po kami na sampalok sa


bahay, ma’am. Kapag nagluluto si
nanay ng sinigang ay hinahaluan po
niya ito ng sampalok, pampalasa at
pampaasim raw sa kaniyang niluluto.
Magaling! Bigyan siya ng tatlong
bagsak, klase!

Saan pa natin ginagamit ang sampalok?


Ginagawa rin pong minatamis ang
sampalok ma’am para maging kendi.
Tama! Isang bagsak!

(Karagdagang kaalaman tungkol sa


sampalok.)

Alam niyo ba klase na ang sampalok ay


maaaring makuhanan ng maraming uri
ng gamot at sustansya na maaaring
benipisyo sa kalusugan. Kaya mainam
na kumain tayo ng sampalok hindi
sobra-sobra. Maliwanag ba, klase?
Opo, ma’am.
Ngayon klase, bago tayo tumungo sa
ating bagong aralin, mayroon akong
inihandang maikling vidyu. Ang vidyung
aking ipapanood sa inyo ay may
kinalaman rin sa ating magiging aralin
ngayon.

Magsiupo ng tuwid at ituon lamang ang


mga atensyon sa t.v monitor. Manood
kayo nang mabuti klase dahil
magtatanong ako pagkatapos.

(Pagkatapos mapanood ang vidyu)

Klase, base sa maikling vidyung inyong


napanood bago lang tungkol saan ang
vidyu? (Magsitaasan ng kamay ang mga
mag-aaral.)

(Sasagot ang mag-aaral.)

Maaaring sagot:

Ang vidyu po na aming napanood ay


tungkol sa isang salbahe na prinsipe
at walang paggalang sa isang
matanda kung kaya’t siya’y
pinarusahan ng matanda na naging
diwata pagkatapos nitong bastusin at
saktan ng prinsipe.

Tumpak klase! Bigyan siya ng dalawang


bagsak!

Sino pa ang gustong magbahagi?

Ano kaya ang nais ipabatid ng vidyu?


Anong mensahe ang ipinapakita dito?
(Magsitaasan ng kamay ang mga
mag-aaral.)

(Sasagot ang mag-aaral.)

Maaaring sagot:

Ang nais pong ipabatid ng vidyung


aming napanood ay igalang natin ang
ating kapwa at higit na sa mga
nakakatanda sa atin. Ang mensahe na
kakikitaan sa vidyu ay ang
pagkamagalang.
Bravo! Bigyan siya ng tatlong bagsak.

Ngayon klase, base sa ating


naging laro kanina at sa vidyung inyong
napanood, ano kaya ang magiging
paksa ng ating aralin ngayong araw?
(Sasagot ang mag-aaral.)

Maaaring sagot:

Ang pamagat po ng paksang ating


tatalakayin ngayong araw ay tungkol
po sa Alamat ng Sampalok.
May ediya ka klase! Nahulaan mo agad
ang pamagat. Palakpakan natin siya.
(Magpapalakpakan ang mga mag-
aaral.)
Ang paksang ating tatalakayin ngayong
araw ay isang alamat. Ang alamat ng
Sampalok.

Klase, may ediya ba kayo kung ano


kahulugan ng alamat?
Ma’am ang alamat po ay tumatalakay
sa mga pinagmulan ng isang bagay,
lugar o pangyayari na nag-iiwan ng
aral o mensahe sa mambabasa.
Magaling! Bigyan siya ng dalawang
bagsak.

Naunawaan na ba ninyo klase kung ano


ang alamat? Opo, ma’am.

6. Pagbasa sa Pamatnubay na
Tanong

Basahin nang lahatan.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa


alamat na napanood?

2. Bakit kaya naging sampalok


sina Samuel, Palileo at
Lokario?

3. Sang-ayon ka ba sa naging
kaparusahan ng tatlong
prinsipe? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

4. Ano ang aral o mensahe na


nais ipabatid ng alamat na
napanood?

A. Paglinang

(Panonood ng vidyu.)

Ngayon klase, alam kong ito na ang


pinakahihintay ng lahat. Tatalakayin na
natin ang ating aralin. Ating aalamin
kung ano nga ba ang dahilan kung bakit
nagkaroon tayo ng isang maasim na
prutas na tinatawag na sampalok.

Handa na ba kayo klase? Handa na po kami, ma’am!

Ngayon, magsiupo ng tuwid at ituon


lamang ang atensyon sa monitor. Sa
puntong ito ay panunuorin ninyo ang
tungkol sa Alamat ng Sampalok.
Makinig kayo nang mabuti sapagkat
may mga katanungan tayong dapat
niyong masagutan pagkatapos nating
mapanood ang vidyu.

Maliwanag ba klase? Opo, ma’am!

(Manonood ng masinsinan at may


pang-unawa ang mga mag-aaral.)

B. Pagpapalalim

(Matapos panoorin ang vidyu.)

Naunawaan ba ninyo ang vidyu klase? Naunawaan po, ma’am.

At dahil nauunawaan ninyo ang kwento


ay ating sasagutan ang mga
katanungan. (Sasagot ang mag-aaral)

Maaaring sagot:
1. Sino-sino ang mga
pangunahing tauhan sa
alamat na napanood?
Ang mga pangunahing tauhan po sa
napanuod naming alamat ay sina
Samuel, Palileo at Lokario po.
2. Bakit kaya naging sampalok
sina Samuel, Palileo at
Lokario?
Naging sampalok po sina Samuel,
Palileo at Lokario dahil isinumpa sila
ng isang diwata, sapagkat
napakasama ang kanilang mga ugali,
walang paggalang sa kanilang mga
kapwa.
3. Sang-ayon ka ba sa naging
kaparusahan ng tatlong
prinsipe? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Sang-ayon po ako, sapagkat ang mga
kagaya nila ay nararapat parusahan at
bigyan ng leksyon. Mawawakasan na
rin ang kanilang masasamang mga
ugali.
4. Ano ang aral o mensahe na
nais ipabatid ng alamat na
napanood?
Ang aral omensahe na nais iparating
ng napanood namin na alamat ay
dapat tayo’y maging mabait at
magalang kaninuman.
C. Paglalahat

Kung lubos niyo na naunawaan ang


ating tinalakay na aralin. Magkakaroon
muna tayo ng kaunting pagbabalik
tanaw.

Sino ang maaaring makapag-buod ng


alamat na ating tinalakay?
(Sasagot ang mag-aaral)

Maaaring sagot:

Ang alamat ng sampalok po ay


umiikot sa tatlong prinsipe na ubod ng
sama ang mga ugali. Wala silang
paggalang kaninuman. Kung kaya’t
dumating ang araw na pinarusahan
sila ng isang diwata. Isinumpa sila na
magiging isang napakaasim na prutas
katulad ng kanilang mga ugali. Ang
prutas ay tinawag na sampalok.
Pinagsama-sama ang kanilang mga
pangalan kung kaya’t SAM PA LOK.
Napakahusay! Napakatalas naman ang
iyong memorya, bigyan natin siya ng
masigabong palakpakan.
D. Paglalapat

Nagyon klase, alam kong nauunawaan


na ninyo ang alamat kung kaya’t
magkakaroon tayo ng gawain.
Papangkatin ko kayo sa tatlo at buong
lugod kayong makikihalok sa gawain na
ito. Maliwanag ba klase?

UNANG PANGKAT

Ang unang pangkat ay ipapahayag


ninyo ang nakikitang mensahe sa
napanood na alamat sa pamamagitan
ng paggawa ng salawikain. Magbigay
ng kahit dalawang sariling likha na
salawikain.

IKALAWANG PANGKAT

Ang ikalawang pangkat ay ipapahayag


ang nakikitang mensahe sa napanood
na alamat sa pamamagitan ng poster
slogan.

IKATLONG PANGKAT

At ang ikatlong pangkat naman ay


ipapahayag ang nakikitang mensahe sa
napanood na alamat sa pamamagitan
ng paggawa ng tula. Ang tula ay
bubuuin ng hindi bumaba sa apat na
taludtod.

Narito ang rubric..


May kaugnayan sa paksa-----40%
Paglalahad -----------------------30%
Pagkamalikhain -----------------20%
Hiyakat sa manunuod----------10%

Kabuuan --------------------------100%
Magsimula na ang bawat pangkat!

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung


minuto sa paghahanda ng inyong mga
gawain.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang Alamat ng


Mangga. Ipaliwanag ang nakikitang
mensaheng nakapaloob sa alamat na
nasa ibaba. Isulat ito sa malinis na
kalahating papel.

Alamat ng Mangga
Kaisa-isang anak nina Aling
Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at
matulungin si Ben. Nagmana siya sa
kanyang mga magulang na mababait
din naman. Isang araw, isang
matandang pulubi ang kinaawaan ni
Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay,
ipinagluto at pinakain. Isang araw
naman, samantalang nangangahoy,
isang matandang gutom na gutom ang
nasalubong niya. Pinakain din niya ito at
binigyanng damit.

Makaraan ang ilang panahon,


nagkasakit si Ben. Sa kabila ng
pagsisikap ng mag-asawa na
pagalinginang anak, lumubha ito at
namatay pagkatapos. Ganoon na
lamang ang iyak ng mag-asawa.

Kinabukasan, habang nakaburol


ang kanilang anak, dumating ang isang
diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben.
Ibinaon ng diwata ang puso sa isang
bundok. Ito ay naging punongkahoy na
may bungang hugis-puso. Marami ang
nakikinabang ngayon sa bungang ito.
Antas ng Masteri:
Desisyon sa Pagtuturo:

V. TAKDANG-ARALIN
Alamin ang kahulugan ng maikling kwento at ang mga bahagi nito.

Inihanda ni:
JESSA MEA C. TUGO
Gurong Mag-aaral

Nabatid nina:

JULIE ANN D. ALMANON


Gurong Tagapag-ugnay

RAYMOND P. ELITIONG
Tagapayo

JERBY J. PADERES
Practice Teaching Supervisor

Inirekomendang Pagtibayin:

THELMA A. SITIOCO
Punongguro I

Pinagtibay:

SHARON C. MASULA, PhD


Tagapayo, Departamento ng Edukasyong Pangguro

You might also like