You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino

I. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang pantukoy, at ang mga uri nito
B. Makahahanap at nailalahad ang pantukoy at uri nito sa pamamagitan ng masining na
pamaraan
C. Nakapaglalahad ng damdamin mula sa sariling karanasan gamit ang mga pantukoy sa
pamamagitan ng
Pagbabahagian sa klase

II. Paksang – Aralin:


Paksa: Pantukoy at ang mga uri nito;
Sanggunian: Pahina 6-10 (Filipino)
Kagamitan: Chalk, at panturong biswal
Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral


1.Panimulang Gawain

a ●Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag- Panginoon sa araw na ito ay magsisimula ang aming
aaral upang pangunah ang pag-aaral. Gabayan mo po kami ngayong araw na ito.
panalangin.) Bigyan mo po kami ng karagdagang kaalaman.
Gabayan niyo rin po ang aming Guro sa kanyang
pagtuturo sa amin. Amen.

b ●Pagbati
Magandang araw mga mag- aaral!
Magandang- araw po!

c ●Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay paki-ayos ang inyong (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan)
Upuan.

Maaari na kayong umupo.

d● Pagtala ng liban
Meron bang lumiban sa klase sa araw na ito? (Mag-aaral 1)
Wala po ma’am. Lahat po ay naririto.

Mabuti at walang lumiban, maraming salamat.

e● Pagbabalik-Aral:
Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?

(Ang Guro ay magtatawag ng isang mag-aaral)

(Mag-aaral 2)
Ang pangungusap ay may dalawang bahagi, ito ay ang
paksa o simuno at ang panaguri.
Ano naman ang kahulugan ng simuno?

(Ang Guro ay magtatawag ng isang mag-aaral)


(Mag-aaral 3)
Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.

Ano naman ang ibig sabihin ng panaguri?

( Magtatawag ng isang mag-aaral) (Mag-aaral 4)


Ang panaguri ay ang tumutukoy o naglalarawan sa
paksa.

f● Pagbabasa ng mga Layunin

Sa araw na ito ay mayroon tayong bagong


paksa na tatalakayin at kaakibat nito ang mga
kasanayang dapat nating isaalang -alang sa araw na
ito. Ano kaya ang mga dapat nating matamo sa araling
ito? Nais kung ituon ninyu ang inyong paningin sa
pisara at sabay-sabay na basahin ang mga layunin.

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-


aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang pantukoy, at ang mga uri nito
B. Makahahanap at nailalahad ang pantukoy at uri nito
sa pamamagitan ng masining na pamaraan
C. Nakapaglalahad ng damdamin mula sa sariling
karanasan gamit ang mga pantukoy sa pamamagitan
ng pagbabahagian sa klase.

2. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating talakayan,


magkakaroon muna tayo ng panbungad na gawain.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang unang
pangkat ay (Pangkat PANTANGI) at ang pangalawang
pangkat ay ang (pangkat PAMBALANA).

(Ang guro ay papangkatin ng dalawang pangkat ang


mga mag-aaral.)
Wala munang tatayo, hintayin muna ang karagdagang
panuto, at kung kailan ko kayo patatayuin. Bibigyan ko
lamang kayo ng 10 segundo upang mabuo ang inyung
pangkat. Sa bandang kanan uupo ang pangkat 1 at sa
bandang kaliwa naman ang pangkat 2.Pag sinabing
kong (sulong) ay maari na kayong pumunta sa inyung
Pwesto bawat grupo.
Ang bawat pangkat ay may kaparehong gawain.
masusukat ang inyung husay at kaalaman
pamamagitan sa paunahang pag sagot at pagsumite sa
gawaing papel na aking ibibigay.
( Nagbigay ang guro ng sagutang papel)

Handa na ba kayo???? (Lahat ng mag-aaral)

Handa na po Ma’am!....
Pagsinabi kong (sulong) pumunta na kaagad.

SULONG!.............
(Binilangan ang mga mag-aaral hanggang sampung
segundo.) (Nagsitayuan ang mga mag-aaral,papuntasa kanilang
ka grupo, at nagsi-upo na ang bawat pangkat.

(Gawaing nakapaloob sa sagutang papel na ibinigay ng


Guro para sa Pangkat 1 at 2)

Piliin ang angkop na salita na naaayon sa


pahayag upang mabuo ang pangungusap.
Mga pag pipilian:
Sina ni Ang
Kina Ang mga kay si

1. Guro ay nagpupulong.
2. Lapis na ito ay akin.
3. Rose at Daisy ang papuri.
4. Jenny lamang ang nakakuha ng tamang
Sagot.
5. Liza ang panyong aking napulot.

(Nagsumite ng gawain ang dalawang pangkat.)

(Winasto ng guro ang mga sagot ng dalawang


pangkat.)
(Sagot ng pangkat 1)

1.Ang mga
2.Ang
3.kina
4.Si
5.Kay

(Sagot ng pangkat 2)

1.Ang mga
2.Ang
3.kina
4.Si
5.Kay

(Susi sa pagwawasto)
1.Ang mga
2.Ang
3.kina
4.Si
5.Kay

Pareho kayong nakatumpak ng inyung mga sagot


subalit,
Naunang nakapasa ng papel ang pangkat 1
kaysa sa pangkat 2 ibig sabihin, may karagdagang
puntos na ang Pangkat 1.
3.Paghahawan ng sagabal

(Ipapabasa ang mga nakasulat sa pisara)


Sabay-sabay nating basahin ang nakasulat sa pisara.

(Babasahin ng lahat)

Pantukoy
Pantukoy na Pantangi at
Pantukoy na Pambalana

4.Paglalahad

Sa araw na ito, malalaman natin kung ano nga ba ang


pantukoy at ang (2)dalawang uri nito.
Basahin ang nakapaskil sa pisara at sagutan ito sa
pamamagitan ng pagtutukoy ng mga wastong
pantukoy na dapat gamitin sa pangungusap.
Ito ay inyung paunang gawain sa talakayang ito.Ito ay
indibidwal na gawain at isulat ito sa malinis na papel.

GAWAIN:

Punan ang patlang ng mga pantukoy na naayon at


wasto sa pahayag upang mabuo ang pangungusap.
At sabihin kung anong uri ng pantukoy ang iyong
ginamit.

1.Nanguna sa paglilinis ng barangay G.at Gng.dela


cruz.

2.Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway Elsa at


Luis.

3. pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang


nasasakupan.

4.Nakipagkasundo na si Elai Juan at Pedro.

5. ibong lumilipad ay malaya.

( Babasahin ang nakapaskil sa pisara at sasagutan ito


sa malinis na papel)

Magpalitan ng papel sa inyung katabi.

(Susi ng Pagwawasto)

1.Sina
2.nina
3 Ang
4.kina
5.Ang mga
Naway nakuha ninyu ang wastong mga sagot.

5.pagtatalakay
Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa
pagtukoy sa tao, bagay,
lunan o pangyayari.Ito'y nahahati sa
dalawang uri.

1. Pantukoy na Pambalana
- tumutukoy sa mga  pangngalang pambalana
(  ang, ang mga, mga )
Ang maramihan
Halimbawa: Ang pinuno ay
palaging naglilingkod sa
kanyang mga nasasakupan.
ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-
tulong
ang mga mag-aaral  sa paggawa ng collage.
• mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay
tinulungan ng kanyang mga
tagasunod.

2.Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang


pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina

▪Si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Roa
ay isang mabuting guro.
•sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis
ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
• ni (iisahan)
Halimbawa: Napagalitan
ni Coach Gab ang mga manlalaro
dahil hindi sila dumating sa      oras.
• nina (maramihan)
Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro
ang pag-aaway nina Elsa at Luis.
• kay (isahan) Halimbawa: 
Ibinahagi ni Sofia angkanyang panghimagas kay Sam.
•kina (maramihan) Halimbawa: 
Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.

Ngayon ay may ibibigay akong Gawain. Ito ay


pangkatang Gawain.

(Babasahin ng guro ang panuto)

GAWAIN:
PANUTO: Maghanap at kumuha ng tatlong mga bagay
na narito lamang sa loob ng klasrum at tukuyin kung
ano ang bagay na ito, gamit aang mga pantukoy.
Pagkatapos ay ibalik sa lagayan ang mga bagay na
ginamit, o kinuha kung saan ito nanggaling.
Malinaw ba? Meron ba kayong katanungan?

(Lahat ng mag-aaral)
Wala na pong katanungan Ma’am.

Bibigyan ko lamang kayo ng 5minuto.Sige, simulan na


ang inyung gawain.

( Isasagawa na ang gawain)

Natapos na ang 5 minuto at nawa’y natapos na ninyu


ang inyung gawain.
Ang bawat grupo ay mag piprisenta sa inyung nakalap
na kagamitan at tukuyin kung ano ito.

(PAMANTAYAN)

KAWASTOHAN-25%(Wasto ang paggamit sa mga


Pantukoy)

PAMARAAN-25%( Mapamaraan sa pagkalap at


masining na pagtukoy sa mga kagamitang nakalap)

KABUOANG SKOR-50

(Pagpiprisenta ng gawain)

Pangkat 1:
Kagamitang nakalap

1.Ballpen.
Ang ballpen ay ginagamit sa pagsulat.

2.Papel.
Ang mga papel ay gawa sa putting kahoy.

3.Upuan
(Pagbibigay ng Kabuang Skor sa pangkat 1) Gawa sa kahoy ang upuan na ito.

KAWASTOHAN-25 puntos
PAMAMARAAN-25 puntos
KABUOANG SKOR- 50 puntos

(NAKUHANG SKOR)
50 na puntos
Pangkat 2:

1.Selpon
Kay Amor ang selpon na kulay puti.

2. Aklat
Ang aklat ay isang babasahing papel na nagbibigay ng
karagdagang kaalaman.

3. Walis
Ang walis ay ginagamit sa paglilinis.

(Pagbibigay ng Kabuang Skor sa pangkat 2)

KAWASTOHAN-25 puntos
PAMAMARAAN-25 puntos
KABUOANG SKOR- 50 puntos

(Nakuhang Skor)
50 na puntos

Napakahusay!
Nagawa ninyung makahanap ng mga bagay-bagay at
nailahad ito gamit ang mga pantukoy sa masining na
pamaraan.

6.Paglalapat

Sa natapos na nagawa ninyung mga gawain kanina


Ano ang ibig sabihin ng pantukoy?

(Mag-aaral 5)
Ang pantukoy.ay katagang ginagamit sa
pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari.

Ano ang dalawang uri nito?

(Mag-aaral 6)
Pantukoy na pambalana ay tumutukoy sa
pangngalang pambalana tulad ng (ang, ang mga,
mga)
Pantukoy na pantangi ay tumutukoy sa pangngalang
pantangi tulad ng(si,sina,ni, nina,kay ,kina)
Magaling!

7.Paglalahat

Ang pantukoy ay ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay,


lunan, at pangyayari.
May dalawang uri ng pantukoy ito ang pantukoy na
pantangi at pantukoy na pambalana.

Bakit mahalaga ang pantukoy?

(Mag-aaral 7)
Mahalaga ang pantukoy at ang dalawang uri nito
dahil ito ay ginagamit sa pagtutukoy kung saan
nagiging malinaw at nauunawaan ang ating
pagpapahayag.

IV. Ebalwasyon

A.
PANUTO: Timbangin ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
wasto, at isulat ang salitang MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.

(5 PUNTOS)1.Ang pantukoy ay ginagamit sa pantukoy sa pangalan ng tao, bagay,hayop,


pangyayari, o lunan.

(5 PUNTOS)2. Ang pantukoy na(ang, ang mga,mga) ay mga pantukoy na pantangi.

(5 PUNTOS)3.Ang pantukoy na( si,sina,ni,nina,kay,kina) ay mga pantukoy na pambalana

B. (5 PUNTOS)
PANUTO: Ilahad ang iyong masayang karanasan sa kalakip ang paggamit ng mga
pantukoy. Buo ng isang sanaysay gamit ang 50 salita lamang . At bukas ay ibabahagi ito sa
klase.

SUSI NG PAGWAWASTO
A.
1.TAMA
2.MALI
3.MALI

B.
KUNG TAMA ANG PAGGAMIT NG MGA PANTUKOY, -5 PUNTOS

MPS=?

=RS
Bilang ng mga mag-aaral
=MS
Bilang ng aytem × 100
MPS=
V. Takdang -aralin
Gumuhit ng isang bagay, at ipaliwanag at tukuyin ang bawat parte nito.
Gamitin ang mga pantukoy sa pagpapaliwanag.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Malinaw ba ang lahat?

Meron ba kayong mga katanungan o gustong


linawin?

(Lahat ng mag-aara)
Wala na po Ma’am.

Kung wala na kayong mga katanungan ay maaaring


dito na nagtatapos ang ating talakayan sa araw na
ito. Nawa’y marami kayong natutunan. Hanggang sa
susunod nating pagkikita,

Paalam sa inyung lahat!

(Lahat ng mag-aaral)
Maraming salamat po, Paalam na po Ma’am.

Inihanda ni:

You might also like