You are on page 1of 3

Epifel Christy R.

Perges
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO
TEACHER APPLICANT FOR JUNIOR HIGH SCHOOL

Mala Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang uri ng pang-uring ginamit sa pangungusap.


b. Nagagamit nang tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan;
c. Napahahalagahan ang mga Pang-uri sa pamamagitan ng tamang paglalarawan sa
pangalan o panghalip.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Uri ng Pang-uri
b. Sanggunian: Hiyas ng Lahi ( panitikan, gramatika at retorika) p.184-185
c. Kagamitan: biswal o visual aid at multimedia
III.Pamamaraan:
Paghahanda

 Magsitayo ang lahat para sa panalangin


 Babatiin ang buong klase
 Pagtatala sa mga lumiban
 Pagbabalik-aral
Pagganyak
 Ilarawan ang mga sumusunod na larawan.
 Ano ang mga salitang ginamit mo sa paglalarawan?
 Anong bahagi kaya ng pananalita ang naglalarawan panghalip?
Paglalahad
 Batay sa inyong ginawang paglalarawan, tungkol saan kaya ang paksang
aralin natin ngayong araw.

C. Pagatatalakay
( Applying reading and critical thinking skills)

 Ano ang kahulugan ng pang-uri?


 Ano-anu ang apat na uri ng pang-uri
 Ibigay ang kahulugan ng pang-uring panlarawan.
 Ibigay ang kahulugan ng pang-uring pamilang.
 Kahulugan ng pantangi
 Ibigay ang kahulugan ng paari.
D. Paglalapat

 Magbigay ng sariling pangungusap sa bawat uri ng pang-uri


 Tukuyin ang mga uri ng pang-uri sa sumusunod na pangungusap
E. Paglalahat

 Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri ng pang-uri.


 Sa anong paraan mo mapapahalagahan ang paggamit ng pang-uri.
IV. EBALWASYON:
Salungguhian ang mga panlarawang ginamit at tukuyin kung Panlarawan, Pamilang, Pantangi, o
Paari ang sumusunod na pangungusap.
1. Umani ang taniman ng tiyo ko ng daan-daang kaing ng dalanghita.
2. Pinag-iingatan ko palagi ang aking mga gamit sa paaralan.
3. Ang mga larawang ipininta ng lalaki ay kahanga-hanga.
4. Lumaking responsable ang tanging anak ng mag-asawa.
5. Ipinakilala niya sa amin ang kaniyang amang Italyano.
6. Ang pangalawang kalahok ang pinakamahusay sa pagsulat ng sanaysay.
7. Nakita ang mga aklat mo sa loob ng kabinet.
8. Kawili-wiling basahin ang kabuuan ng panitikang Filipino.
9. Nabibilang sa pangkat etnikong Itneg ang matalik kong kaibigan.
10. Sadyang matipid ang aking ina.
V. TAKDANG ARALIN
GUMAWA NG ISANG TULA NA NAPAPATUNGKOL SA IYONG AMA’T INA. GAMITIN ANG MGA URI
NG PANG-URI
PAMANTAYAN:
NILALAMAN-2O
PAGKAMALIKHAIN-10
KABUUAN 30 PTS

You might also like