You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino III

I. Layunin:
A. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap sa paglalahad ng paksa sa klase;
B. Nauunawaan ang pagkakaiba ng apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit;
C. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap ayon sa
gamit.

II. Paksang Aralin:


A. Uri ng Pangungusap
B. Sangguninaan: Filipino 3 Kamalayan Wika at Pagbasa pp. 171 – 175
C. Kagamitan: biswal eyds, larawan,video

III. Pamamaraan:
Gawaing Pang-Guro

A. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban at Pag sasaayos ng Silid-Aralan

B. Balik-Aral
Ipaliliwanag kung ano ang. pangungusap at parirala
Pangungusap – lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa at
nagtatapos sa bantas.
Parirala – lipon ng mga salita na walang buong diwa.

C. Panlinang na Gawain:
Pagganyak:
Pagpapanood ng isang video clip tungkol sa uri ng pangungusap.

Pagganyak na Tanong:
1. Batay sa ating napanood sa simula ng istoryo paano basahin ng batang
lalaki ang kanyang mga linya?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong bantas?

D. Pagtalakay:
1. Ipaliliwanag ang apat na uri ng pangungusap.
2. Magtatawag ng mag aaral at manghihingi ng halimba ng uri ng
pangungusap.
E. Pagpapalawak ng kaalaman:
Papangkatin sa dalawa ang klase, bawat isa ay kinakailangan na gumawa ng
iba’t ibang uri ng pangungusap gamit ang isang larawan naipapakita ng
guro.

F. Paglalahat:
1. Ano nga uli an gating aralin ngayong araw?
2. Ano ano naman ang mga uri nito?
3. Ano ang kahalagahan ng tinalakay natin ngayong araw?

IV. Pagtataya:
Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong o
padamdam.

_____________1. Kunin mo nga ang bag ko sa kwarto.


_____________2. Sino ang may sabi na pitasin moa ng bulaklak?
_____________3. Kalian ka babalik sa ibang bansa?
_____________4. Ang loro ay marunong magsalita.
_____________5. Ay! Natusok ng karayom ang kamay ng bata.
_____________6. Punasan mo basing basahan ang mesa.
_____________7. Ang mga bulaklak sa hardin ay unti-unting bumubuka.
_____________8. Ang mga bibe ay lumalangoy sa ilog.
_____________9. Naku! Kinakabahan ako sa pagsusulit.
_____________10. Lilipat ba kayo ng tirahan?

V. Takdang-Aralin:
1. Ano ang kahulugan ng pang-uri?

Anne Kristine Yabut

You might also like