You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of General Santos City

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV UNANG MARKAHAN – UNANG LINGGO


Paaralan Mindanao State University-GSC Baitang Baitang IV
Jurnelene Lei C. Ugos
Lea Marie Magan
Mga Guro Asignatura Filipino
Debbie Sugar Jaictin
Dena Jane Medel
Takdang Markahan Unang
Oras 50 minuto Markahan

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, at banghay) mula sa


binasang kwento
• Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kuwento sa tunay na buhay
• Nakasusulat ng maikling kuwento tungkol sa isang natatanging tao sa komunidad gamit
ang mga elemento ng kuwento sa pagsulat

II. Nilalaman
Pagbasa
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
A.
napalalawak ang talasalitaan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pagsulat
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin

Pagbasa
Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang
B. Pamantayan pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
sa
Pagganap Pagsulat
Nakasusulat ng talatang pasalaysay

C. Mga Natutukoy ang mga elemento ng kuwento


Kasanayan sa - tagpuan
Pagkatuto - tauhan
- banghay
F4PB-Ia-97

Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa


pamayanan.
F4PU-Ia-2
Paksang Aralin
Elemento at Pagsulat ng Kuwento

Mga K-12 Curriculum Guide


Sanggunian ADM Filipino Module 4 Google

 Balloons
 Dart
Kagamitang
 Dartboard
Panturo
 Answer Sheets
 Larawan
Pagpapahalaga

Tinatayang
Oras 50 minuto

III.
Pamamaraan

A. Apat (4) na minuto ang tagal sa pagsasagawa.


Panimulang  Panalangin
Gawain  Pagtsek ng Atendans
 Pagbati
 Mga alituntunin sa klase

Strategy: Gamification Activity:


1. Balik Aral Putukan na!
Oras: 3 minuto

Bilang pagbabalik-aral sa nakaraang aralin, gagawin ng mga magaaral ang


sumusunod na gawain. Bibigyan lamang sila ng 3 minuto para gawin ito.

Panuto: Paputukin ang mga lobo


gamit ang darts. Kung nakakuha ka
ng (/), magbibigay ang guro ng mga
tanong na dapat mong sagutin batay
sa nakaraang aralin at kung (x) na
man ay ligtas ka sa katanungan.
Mga tanong:
1) Dahil sa COVID 19 nagkaroon ng lockdown sa buong Pilipinas.
Anong kahulugan ng salitang may salungguhit? A.
Permanenteng estado ng panunuluyan.
B. Proseso ng pagpapaunawa ng isang idea o konsepto.
C. Halaga ng pera na nakalaan bilang pondo.
D. Estado kung saan pinapayuhang manatili sa loob ng bahay.

2) Si Maria ay kumuha ng pluma upang isulat ang kanyang karanasan


ngayong panahon ng pandemya. Ano ang kasingkahulugan ng may
salungguhit?
A. gunting C. bolpen
B. papel D. krayola

3) Ang pagong ay isang makupad na hayop dahil sa daladala niya ang


kanyang bahay. Ano ang kasalungat na salita ng may salungguhit?
A. mabilis C. manipis
B. mabagal D. matulis

4) Sa bayan naming ay may makipot na daanan na mahirap pasukin


patungo sa ilog. Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit?
A. malawak C. masikip
B. maganda D. masukal

5) Ano ang salitang pahiwatig ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


“Hindi sagot ang digmaan sa hindi pagkakaintindihan ng mga bansa.
A. hindi sagot C. hindi pagkakaintindihan
ng mga bansa D. salitang pahiwatig
Pagganyak Estratehiya: Visualization Gawain: Ano
ito?
Oras: 5

Panuto: Mayroong parcel box na ipinadala sa klase at laman nito ay iba’t-


ibang gamit na ipapakita ng guro. Ito ay huhulaan ng mga bata at aalamin
kung ano ba ang ugnayan nito sa tatalakayin ngayong araw.
Katanungan:

1. Anu-ano kaya ang mga bagay na ito? Ano ba sa tingin mo ang ugnayan
ng mga kagamitang ito sa ating itatalakay ngayon?
Paghawan ng Estratehiya: Class Discussion
Balakid/ Gawain: Kilalanin natin
Pag-unlad sa Oras: 3 minuto
Talasalitaan
Makikita sa chart ang iba’t-ibang kagamitan na naging napakahalagang
rekados noong pandemic.

Facemask Ang face mask ay isinusuot


bilang simpleng panakip sa
mukha upang mapabagal ang
pagkalat ng virus.

Ang alcohol ay madalas


Alcohol
ginagamit pang disinfect,
karaniwang ng mga kamay,
upang linisin ito mula sa mga
bakterya na nakukuha sa mga
bagay na hinahawakan.

Ang mga Pantakip ng Mukha ay


Face Shield maaaring magpabawas sa
pagkalat ng mga nakakahawang
particle kapag may isang
nagsasalita, umuubo, o
bumabahing.

1-meter social Isa ang 1-meter social


distancing distancing na gabay sa pagsugpo
o pagpigil ng virus kaya ito ay
sadyang ginagawa upang
maiwasan ang mabilisang
paghawa ng virus sa mga tao.

Pagbasa Gawain: Ang Istorya


(Panitikan) Oras: 5 minuto
Panuto: Ang lahat ay makinig dahil oras na sa pag kukuwento. Gamit ang
isang Pop-Up Book ay ipapakita ng mga guro kung gaano kahalaga ang mga
bagay na nabanggit sa itaas.

Basahin ang kwento

Big book:

B. Paglinang Estratehiya: Lecture


ng Oras: 5 minuto
Paksa
(Babasahin ang Layunin)
Paglalahad ng
Paksa “Elemento at Pagsulat ng Kuwento”
(Wika at
Gramatika) Ano ang Kwento?

Ang Kwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at


bungang-isip na hango sa isang tunay na karanasan o pangyayari sa buhay.

Elemento ng Kwento

A. Tauhan
• Ay mahalagang elemento ng kwento sapagkat tumutukoy ito sa mga
taong gumaganap.
• Nakasaad dito kung sinu-sino ang mga nagsiganap sa kwento.
Mayroong bida, kontrabida, at iba pang tauhan. Maaaring tao ang
bida, minsa naman ay hayop o bagay.
Halimbawa:
a. Sina Julie, Jenny, Anna, at Kyle ay magkakaibigan na nakatira sa
Purok Malakas…
b. Hinahamon ni Matsing si Pagong na makipagkarera sa kaniya…

B. Tagpuan
• Tumutukoy sa lugar, atmospera, at panahon kung saan nagaganap ang
kwento.

Halimbawa:
a. Noong unang panahon, sa Baryo Maginaw…
b. Sa malawak na bukirin ng San Rafael, naninirahan ang isang
magandang Binibini…

C. Banghay
• Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga
magkakaugnay na pangyayari.
• Pagkakasunod-sunod ng kwento.

Bahagi ng Banghay:
 Simula- sa parting ito ipinapakilala ang mga tauhan, ang tagpuan o
pangyayarihan ng kwento, at ang pagsasalaysay ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.

 Gitna- binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at


kasukdulan.

 Wakas- dito mababasa ang magiging resolusyon ng kwento.


Maaaring masaya o malungkot, Pagkatalo o pagkapanalo, Dito rin
makikita ang aral na maaari nating makuha sa kwento.

Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng kuwento tungkol sa


isang natatanging tao sa pamayanan. Basahin ng lahat.
Kilalang-kilala ang Pamilyar sa personal
isang tao sa na impormasyon ng
pamayanan natatanging tao

May kapaki- May katangi-tanging Naging inspirasyon


pakinabang na ambag katangian sa ibang tao
sa pamayanan

Pangwakas Estratehiya: Question and Answer


na Gawain: Sagutan na!
Gawain Oras: 5 minuto

1. Ano ang kahulugan ng kwento?


Paglalahat 2. Anu-ano ang mga elemento ng kwento? Ibigay ang bawat kahulugan
nito.
3. Anu-ano ang bahagi ng banghay?
4. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng kwento
tungkol sa natatanging tao sa pamayanan? Ibigay ang mga sumusunod
na katangian.
5. Gamit ang iyong sariling pag-unawa, bakit kailangan ang mga
elemento ng kwento (tauhan, tagpuan, at banghay) sa pagsusulat ng
kwento?

Paglalapat Estratehiya: Event Map


Gawain: Wow, Sorbetes!
Oras: 5 minuto

“Ang pagkakaibigang tunay nina Inday at Baday”

Sa bayan ng Calumpang, may dalawang matalik na magkaibigan na


laging masayang nagtatagpo at naglalaro sa parke ng kanilang komunidad,
sila ay sina Inday at Baday. Halos araw-araw silang namamasyal at nag
kukwentuhan sa madamong parte ng parke. Hanggang sa isang araw
inanunsiyo ng pamahalaan na ang lahat ay pansamantalang
ipinagbabawalang lumabas ng kanilang mga bahay dahil sa lumalalang mga
kaso at banta ng Covid-19.
Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot na nadarama habang nag-
uusap gamit ang cellphone ng kanilang mga magulang at may araw din na
naiiyak na lamang si Baday sa kagustuhang makapaglaro sa labas kasama si
Inday. Nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ng dalawa hanggang sa makalipas
ang ilang buwan ay nakatanggap sila ng magandang balita na maari nang
lumabas ng bahay pero kailangang sumunod sa mga Pangkalusugang
Palatuntunin tulad ng matinding pagsunod sa isang metrong distansya (1-
meter social distancing), paggamit ng alcohol o hand sanitizer, at pagsuot ng
face mask at face shield habang sinisigurong walang sintomas ng Covid-19
sa panahong nakikipagsalamuha sa ibang tao.
Nagplano ang dalawa na magkita muli sa dating tagpuan. Ngunit
hindi sumipot si Baday dahil walang magkasya at nahuhulog sa mukha ni
Baday ang face mask na ipinapasuot sa kanya. Kaya gumawa ng paraan si
Inday upang magkita silang muli. Nagpatulong siya sa kanyang ina na
magtahi ng face mask na may mga disenyong pambata na tiyak na kakasya sa
mukha ni Baday.
Nang sumunod na araw, sinorpresa ni Inday si Baday sa kanilang
bahay at ibinigay ang kanyang ginawang face mask na may disenyong
pambata. Sobrang nagustuhan ito ni Baday at tuwang-tuwa siyang isinuot
ang face mask sabay sabing, “Halika! Maglaro na tayo sa parke. Marami
akong gustong ikwento sayo.” Sumilip ang kumikislap na mga mata ng ina ni
Baday sa suot nitong face mask dahil muli na naman niyang nasilayan ang
napakasayang ngiti ng anak sa loob ng mahabang panahon.
Masayang-masaya ang magkaibigan kaya't dali-dali silang lumabas
upang maglaro at magkwentuhan sa parke, kung saan sila naglalaro noon.
Natakpan man ng face mask at face shield ang kanilang mga mukha pero hidi
nito maitatago ang saying nadarama ng dalawang bata. ngunit kitang-kita sa
kanilang mga mata ang sayang kanilang nadarama.

Panuto: Mayroong tatlong sadlok ng sorbetes na kailangang punan ng mga


sagot bago ito kainin. Ngunit, may limitasyon lamang ang pagsagot dahil
mabilis na natututunaw ang mga sorbetes. Pagkatapos mong masagutan ay
ianyo ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng tanong.

Mga tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang pangyayari?
3. Ano ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa pagkakaibigan nina
Inday at Baday?
IV. Pagtataya Estratehiya: Experiential Learning
Gawain: Tayahin natin!
Oras: 5 minuto

Panuto: Basahin ang sumusunod na kuwento. Sagutin ang mga tanong na


nasa ibaba at isulat sa papel ang iyong sagot. Gawin ito sa loob ng 10 minuto.

Ang Masayang Paglalakbay


(by: Cheche Cortez)

Tuwang-tuwa sina Roy, Rico at Rey sa kanilang “field trip” sa Legaspi City.
Ang una nilang pinuntahan ay ang Hoyop-hoyopan Cave sa Camalig.
Namangha sila sa ganda ng kuweba. Napagod sila sa pag-akyat sa
bulubundukin ng Kawa-Kawa sa Ligao ngunit sulit naman sa napakagandang
tanawin doon. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang hayop
sa “Wild Life‟. Pagkatapos nilang mananghalian, sila ay nagtungo sa
PAGASA Center upang malaman kung papaano namumuo ang isang bagyo.
Nakita rin nila ang perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa may Cagsawa
Ruins. Sulit ang pagod ng mga mag-aaral habang papauwi na sila sa kani-
kanilang bahay.

A. Sino sino ang mga tauhan sa kuwentong binasa?

(1) __________________,
(2) __________________ at
(3) __________________.

B. Ano anong mga lugar na kanilang pinuntahan ayon sa kuwento?

(1) _______________________
(2) _______________________
(3) _______________________
(4) _______________________, at
(5) _______________________.

C. Pasunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tekstong nabasa.


Lagyan ng bilang 1-5 sa patlang.

______a. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang
hayop sa ‘Wild Life’.
______b. Natutula rin sila sa hugis perpekto ng Bulkang Mayon ng
sila ay pumunta sa Cagsawa, Daraga.
______c. Sulit ang kanilang pagod habang papauwi na sa kanilang
bahay
______d. Napagod ang tatlong bata sa pag-akyat nila sa
bulubunduking Kawa-Kawa sa Ligao.
______e. Namangha sila sa ganda ng kuweba.

D. Sumulat ng natatanging kuwento ng isang natatanging guro sa inyong


pamayanan gamit ang mga elemento ng kuwento sa pagsulat.
Gagamitin ang rubrics o pamantayan sa pagmamarka.

V. Kasunduan Gawain: Magsanay ka pa!

Panuto: Sumulat ng isang natatanging kuwento tungkol sa isang nanay na


nagsusumikap na mapag-aral at mapagtapos ang mga anak sa kabila ng
kahirapang nararanasan ng kanilang pamilya. Gamitin ang elemento ng
kuwento sa pagsulat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____________________________
Pamagat
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Ilagay ito sa iyong portfolio sa Filipino.


Inilahad nina:

Jurnelene Lei C. Ugos


Lea Marie Magan
Debbie Sugar Jaictin
Dena Jane Medel
Pre-service Teacher

Sinuri at Beripikado ni:

Shekinah Cabunilas
GED 106 Instructor

You might also like