You are on page 1of 7

GRADE 2 Paaralan DAPSMECS - MAIN Antas 2

DAILY LESSON LOG Guro MARILYN O. LIGUID Asignatura FILIPINO

(Pang-araw-araw na Tala sa February 23, 2021


Pagtururo Petsa/Oras Markahan Ikalawang Markahan
8:00 am - 9:00 am

I. LAYUNIN Nailalarawan ang mga elemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,
kasukdulan, katapusan/kalakasan)

A. Pamantayang Pangnilalaman Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat

B. Pamantayang Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F2PN-IIj-12.1

Isulat ang code ng bawat kasanaya F2PB-IId-4

II. NILALAMAN/PAKSA Elemento at bahagi ng Kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO powerpoint presentation at video

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng K-12 Curriculum Guide Grade 2 107-108


Guro

2. Mga Pahina sa Activity Sheets in Filipino 2 pahina 19-23


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resources

B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MGA MAG - AARAL

Tuwing nagbabasa tayo ng kuweto ay alam


A. Balik-aral sa nakaraang aralin
natin kung minsan kung ano ang susunod na
at/o pagsisimula ng bagong aralin
mangyayari.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Naalala niyo ba ang kuwento ni Langgam at


Tipaklong?
Sabihin nga sa akin ang pagkakasunod sunod
na mga pangyayari sa naganap sa kuwento. At
batay sa kuwento sino ang gusto ninyong
gayahin? Si Lanngam po.
Bakit?

Masipag at maawain

Anong mga salita sa ating kuwento ang hindi


ninyo maintindihan?
ibinaling, mangutya, ginantihan
Gamitin natin sa pangungusap para
maintindihan ninyo

1.Nagtinginan ang mga bata saka ibinaling ang


kanilang tingin kay Yulo.
C. Pag-uugnay ng mga
2.Huwag kayong mangutya ng kapwa anuman (inilipat,iniba)
halimbawa sa aralin
ang kasarian kalagayan o kapansanan

3.Narinig ko ang pinaguusapan ninyo


mahinahong wika ni Titser Gosoy. (manlait, mamintas)

(malumanay, mahina)

D. Pagtalakay ng bagong Meron akong babasahin na kuwento. Pero bago


konsepto at paglalahad ng ko babasahin, anu-ano ang mga dapat tandaan
bagong kasanayan #1 sa pagbabasa ng kuwento?
Makikinig na Mabuti, intindihin ang
binabasa. Alamin ang mga salitang hindi
Ang babasahin kong kuwento ay pinamagatang maintindihan
“Titser Gosoy”

Titser Gosoy

Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang


Elementarya ng Barangay Labo. Nakatawag ng
pansin ang kanyang galing sa pagtuturo,
kakaibang kulay at paika-ikang paglalakad.

Hindi niya pinapansin ang pangungutya sa


kanya. Tuloy lamang siya sa pagtuturo,
pagtulong sa kapwa, at pamimigay ng gamit at
laruan sa mga bata.
Isang araw, may ilang mag-aaral ang
nagkuwentuhan tungkol kay Titser Gosoy.

“Alam n’yo ba, si Titser Gosoy, napakagaling


magturo! Mabait pa,” ang wika ni Noel.

“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas niya


ang mahigit 400 katao sa Marikina noong
nananalanta ang bagyong Ondoy, “ang sabi ni
Janet.

“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,”


pangungutya ni Yulo. “Huwag kang ganyan,
Yulo! Maputi ka lang.” pasinghal na wika ni
Janet na halos tusukin ng hintuturo sa ilong si
Yulo.

“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin.”pabulong


na wika ni Noel. “Magandang umaga po, Sir
Gosoy,” sabay-sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May
problema ba?” tanong ni Titser Gosoy sa mga
bata.

“Wa---wala po, Sir….” wika ni Janet.

“Narinig ko ang pinag-uusapan niyo,”


mahinahong wika ni Titser Gosoy.
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling ang
kanilang tingin kay Yulo.

“Kahit bata kayo, dapat matutunan ninyo ang


magagandang asal na dapat taglayin ng isang
bata,” paliwanag ni Titser Gosoy.

“Huwag kayong mangutya ng kapwa, anuman


ang kasarian, kulay, kalagayan, o kapansanan.
Isipin ninyo, tao silang marunong masaktan,”
seryosong sabi ni Titser Gosoy. “Lahat ng tao ay
likha ng Diyos, kaya dapat igalang,” paliwanag
pa niya.

Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan


naman ito ng guro ng isang mahigpit na yakap.
1.Ano ang pamagat ng kuwento? Titser Gosoy

2.Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? Noel, Janet, Yulo at Titser Gosoy

3.Saan ang pinangyarihan ng kuwento? Sa paaralan

4.Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento. Noel – mabait

Yulo – mapanghusga

Janet – matapat

Titser Gosoy – magaling na guro

5.Sino sa mga mag-aaral ang dapat tularan at Noel at Janet – Tularan


hindi dapat tularan?
Yulo – Hindi tutularan
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad bagong
kasanayan #2 6.Nagalit ba si TItser Gosoy sa mga magaaral?
Hindi po
Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

7.Ano ang naramdaman mo habang binabasa at


matapos basahin ang kuwento? Huwag mamintas sa kapwa

8.Anong bahagi ng kuwento ang nakatawag ng


iyong pansin? Hindi maganda ang pintasin kasi
nakakasakit ng damdamin ng isang tao.

9.Paano nagsimula ang kuwento?


Sa bagong guro nila at ang kanyang ugali,
katangian at kapansanan na taglay niya.

Pinakinggan ng mga bata ang payo ng


10.Paano ito nagwakas kanilang guro

F. Paglinang sa Kasabihan
(Tungo sa Formative Assessment)

Isulat sa loob ng mga bilog ang mga katangian


ni Titser Gosoy.

Titser
Gosoy
G. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay

Anu-ano ang mga bumubuo sa isang kuwento at simula, gitna, wakas.


ilarawan ang mga ito.

Sa simula, ay ang mga tauhan at ang


H. Paglalahat ng Aralin tagpuan

Gitna – pangyayari sa kuwento

Wakas – Kung paano natapos ang


kuwento

I. Pagtataya ng Aralin Punan ng impormasyon ang mga kahon batay


sa nabasang kuwento.

Pamagat ng Kuwento

Mga Tauhan

Simula

Kasukdulan

Wakas
Basahin ang sumusunod na kuwento sa pahina
J. Karagdagang Gawain para sa
107 sa ating aklat at isulat ang Simula, gitna, at
takdang-aralin at remediation
wakas ng kuwento.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation

C. Nakatulong baa ng remerial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Aong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturoang


aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Isinumite ni: Isinumite kay:


MARILYN O. LIGUID EMMA R. CAMPILLA
Teacher III Principal IV

You might also like