You are on page 1of 27

Wesleyan University - Philippines

FILIPINO 2 :ARALIN 1
Unang Linggo
Setyembre 13 - 17, 2021

Magagalang
na
Pananalita
Resulta sa Pag-aaral:

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang magagalang na pananalita


2. Nagagamit ang magagalang napananalita

Batayang Akda:
BINHI 2, Wika at Pagbasa para sa Elementarya
JO-ES Publishing House,INC. pahina, 59
Ester V. Raflores, may akda
Panimula
Ang paggalang ay likas sa ating mga Pilipino. Ang “Po” at “Opo”
ay laging ginagamit sa pakikipag-usap sa mas matanda kaysa sa atin. May
mga pagbati tayong ginagamit sa bawat sitwasyon. Ang pagiging
magalang ay magandang ugali ng isang batang tulad mo. Ang pagbati at
paghingi ng pahintulot sa anumang gagawin ay mahalaga upang maging
kawili-wili sa iyong pamilya at sa iba. Ito ay nagpapakita ng paggalang sa
magulang. May kasabihan nga tayo na “ Ang batang Magalang ay
dangal ng magulang.”
Ang paggalang ay unang natututunan sa loob ng
tahanan. Bata pa lamang ay itinuturo na ito ng inyong
mga magulang kaya sila’y natutuwa kung ang kanilang
anak ay magalang. Sa araling ito ay malalaman ninyo ang
magagalang na pananalita.
Katawan ng Aralin/Talakayan

Magagalang
na
Pananalita
Basahin ang usapan ng magkaibigan

Caleb: Magandang
umaga Darren.
Darren: Magandang
umaga rin naman sayo
Caleb.
Caleb: Kamusta ka?
Darren: Mabuti naman
ako. Maraming salamat.
Ikaw kamusta?

Caleb: Mabuti rin naman.


Darren: Paalam
na Caleb.
Caleb: Paalam, Darren.
Ingat ka.
arr

Darren: Ingat ka din.


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong pagbati at
magagalang na pananalita ang
ginamit sa dayalogo?

2. Kailan natin ginagamit ang


pagbating magandang umaga?
3. Kailan ginagamit ang salitang
kamusta?
4. Kailan ginagamit ang salitang
salamat?
5. Kailan ginagamit ang salitang
paalam?
Tandaan

May magagalang na pananalita


na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon tulad ng:
Pagbati Magandang
araw po!
Magandang
umaga po!

Magandang
tangahali po!
Pagbati

Magandang
hapon po!

Magandang
gabi po!
Paghingi ng Pahintulot

Papayagan po ba
ninyo ako…

Maaari po
ba...
Paghingi ng Pahintulot

Pwede po ba…

Nais ko pong hingin


ang inyong pahintulot
na…
Pagsasanay
Panuto: Isulat ang magagalang na
salita na dapat sabihin sa bawat
sitwasyon.
1. Pagkagising mo isang umaga
lumabas ka sa inyong bakuran at
nakita mong naglalakad sa tapat-
bahay ang iyong tiyahin, Ano ang
sasabihin mo?
2. May kumatok sa inyong pinto isang
gabi, ikaw ang nagbukas ng pinto at
napagbuksan mo ang kapitan ng
inyong barangay. Ano ang sasabihin
mo?
3. Kumakain ng tanghalian ang
inyong pamilya, biglang
tumunog ang telepono, ikaw
ang naatasang sumagot nito.
Anong pagbati ang sasabihin
mo?
4. Pauwi ka na sa inyong bahay isang
hapon galing sa paglalaro sa parke.
Nakasalubong mo ang tatay ng
kaibigan mo. Anong pagbati ang
sasabihin mo?
5. Inanyayahan ka sa kaarawan ng
iyong kaibigan, nais mong dumalo rito.
Ano ang sasabihin mo sa iyong mga
magulang?
6. Gumagawa ka ng iyong proyekto ng
maubos ang iyong pandikit. Gusto
mong humingi sa ate mo upang
matapos mo ito. Ano ang sasabihin
mo?
7. Isang araw ng Sabado inaya ka ng
kaibigan mo na maglaro sa parke
malapit sa inyong bahay. Ano ang
sasabihin mo sa iyong mga magulang?
Pagbubuod
May magagalang na pananalita na ginagamit
para sa pagbati sa iba’t ibang panahon tulad ng
magandang umaga, magandang tanghali,
magandang hapon, magandang gabi at magang
araw. Mayroon din magagalang na pananalita sa
paghingi ng pahintulot gaya ng maaari po ba…,
puwede po ba…, papayagan po ba ninyo akong…,
at nais ko pong hingin ang inyong pahintulot na…
Sa pakikipag-usap ang “po” at “opo” ay
huwag kalilimutan, nagpapakita ito ng
pagiging magalang.
Paglalapat
Gamitin ang magagalang na pananalita sa
bawat sitwwasyon.

1. Naglalaro ka ng bola, di sinasadya


na napunta ito sa bakuran ng
kapitbahay nyo. Nang mag “tao po”
ka lumabas si Aleng Marta.
2. Nagugutom ka, nang magbukas ka
ng ref may nakita kang mansanas,
hindi mo alam kung kanino, nakita mo
ang nanay mo na papasok sa kusina.

3. May proyekto sa paaralan ang


grupo mo, kailangan mong pumunta
sa bahay ng kaklase mo.
4. Isang umaga, naglalakad ka
papunta sa plasa upang makipaglaro
sa kaaibigan mo. Nakasalubong mo
ang kapitan ng inyong barangay.

5. Oras na ng tanghalian nang


dumating ang mga kaibigan ng iyong
tatay..
Takdang - aralin
1. Gumawa ng isang dayalogo na
nagpapakita ng magagalang na
pananalita.
2. Kasama ang kapatid o magulang
isadula ang dayalogo.
3. Ivideo ang pagsasadula nito.
*Ipapasa sa susunod na Lunes
Batayang Akda:

Raflores, E.V. at Benidicto, F.A. ( 2019 )


BINHI 2, Wika at Pagbasa para sa Elementarya
JO-ES Publishing House, Inc. Valenzuela City,
Philippines

You might also like