You are on page 1of 5

PILYEGO NG GAWAING PAMPAGKATUTO

FILIPINO 2
Unang Markahan- Ikalawang Linggo
Pangalan: ____________________________________Petsa: ______________
Baitang at Pangkat:___________________________
Iskor:_______________
Paksa: Paggamit ng Magagalang na Pananalita
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop
na sitwasyon (pagbati, paghingi ng pahintulot, pagtatanong ng lokasyon ng lugar;
pakikipag-usap sa matatanda; pagtanggap ng paumanhin; pagtanggap ng tawag sa
telepono; pagbibigay ng reaksyon o komento;) (F2WG-Ia-1)

F3WG-Ia-d-2 F3WG-IIa-c-2 F3WGF3WG-Ia-d-2


F3WG-IIa-c-2

Paggamit ng Magagalang na Pananalita


~Gumamit ng magagalang na pananalita sa pagbibigay ng komento o
reaksyon, sa pagsagot sa telepono.
~Maging mahinahon sa pagsasalita.
~Gumamit lagi ng po at opo kapag kausap ang matatanda.
~Magmano sa nakatatanda.
~Bumati ng magandang umaga po, magandang tanghali po, o magandang
gabi po.
Basahin ang maikling kuwento.

Ang Masayang Bakasyon


Ni: Cindelyn E. Cinches
Buwan ng Abril at nagsimula na ang bakasyon sapagkat
katatapos lamang ng klase noong Marso, nagpasya ang mga magulang
ni Jona na magbakasyon sa lungsod ng GenSan kung saan nakatira ang
kanyang lolo at lola. Pagdating sa bahay, agad na nagmano si Jona sa
kanyang lolo at lola.

Jona: Magandang hapon po. Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Kumusta
na po kayo? Lubos po akong nagagalak na makita po kayo.
Lolo: Naku! Kami man ay lubos na nagagalak na makita ang
pinakapaborito kong apo.
1
Lola: Halika nga rito apo ko! Ang laki mo na, pumunta na tayo sa
kusina at inihanda ko na ang paborito mong meryenda simula
noong bata ka pa.
Jona: Maraming salamat po lola at niluto ninyo ang paborito
kong biko.
Lola: Oo naman, gagawin ni lola ang la hat para lamang sa iyo apo ko.

Matapos ang pagkain ng kanilang meryenda, nagtungo si Jona


sa sala upang manood ng telebisyon kasama ang kanyang lolo.

Jona: Lolo maaari po ba akong maglaro sa labas mamaya?


Lolo: Oo naman apo, basta’t huwag kang lalayo. Jona: Opo,
lolo.

Habang naglalaro, hindi sinasadyang nasagi ni Jona ang paso at


nabasag ito. Hindi malaman ni Jona ang gagawin ngunit
napagpasyahan niyang sabihin sa kanyang lola ang nangyari.
Jona: Lola, humihingi po ako ng tawad sapagkat nasagi ko po ng
hindi sinasadya ang paso at nabasag ito ha bang ako po ay
naglalaro.
Lola: Pinapatawad na kita apo ko kaya’t huwag ka ng mag – alala at
lubos akong natutuwa sapagkat hindi mo inilihim ang iyong
nagawang kasalanan. Mahal na mahal kita apo.
Jona: Mahal na mahal din po kita Lola.

Panuto:Sagutin ang tanong base sa napakinggang kwento.

1. Anong katangian mayroon si Jona base sa binasa nating


kwento?
2. Dapat ba nating tularan si Jona? Bakit?
3. Anong magagalang na pananalita ang ginamit ni
Jona bilang paghingi ng pahintulot sa kanyang lolo?
2
4. Ano naman ang sinagot kay Jona ng kanyang lola
noong humingi siya ng tawad dito?

Magaling! Ngayon naman ay ipapakita ko sa inyo ang iba pang


gamit ng magagalang na pananalita.

GAWAIN 2

Panuto: Basahin ang tula.


“Ang Tamang Daan”
Ni: Cindelyn E. Cinches

Isang araw, inutusan ni Aling Selya si Lulu na pupunta sa


talipapa upang bumili ng toyo. Umalis si Lulu bitbit ang pera ngunit
nakaligtaan niyang itanong kung saan matatagpuan ang talipapa.
Dahil malayo na ang kanyang nalalakad nagpasya siyang magtanong
sa kanilang kapitbahay na si Ka Terya.

“Magandang araw po Ka Terya,”

“Magandang araw din Lulu, ano ang


maipaglilingkod ko sa iyo.”
“May nais po akong malaman Ka Terya, Maituturo po ba ninyo
sa akin kung saan ang talipapa? May kailangan po akong bilhin
eh.”

“Nakikita mo ba ang iskinitang iyan sag awing kanan?


Taluntunin mo iyan at sa pangatlong kanto ay kumaliwa ka.
Makikita mo na ang talipapa.”

“Naku, maraming salamat po sa inyo, Ka Terya. Lalakad


na po ako.”

Panuto: Sagutin ang tanong base sa napakinggang kwento.

3
x Anong magagalang na pananalita ang ginamit ni Lulu bilang
pagtatanong kung saan matatagpuan ang talipapa?
Kahanga hanga, dapat din nating gamitin ang magagalang na
pananalita sa pagtatanong ng lokasyon ng isang lugar.

GAWAIN 3
Unang dayalogo

Carl: Magandang umaga po! Si Carl poi to. Ano pong maipaglilingkod
ko sa inyo?
Jenny: Magandang umaga Carl. Si Jenny ito. Kumusta ka?

Ikalawang dayalogo

Ginoong Ruel: Ang pangit ng nagawa kong laruan. Hay! Gina:


Magandang araw Ginoong Ruel, hindi naman po. Maganda po.
Dagdagan lang po siguro ng palamuti.

Panuto: Sagutin ang tanong base sa napakinggang


dayalogo.

x Sa unang dayalogo, paano sinagot ni Carl ang telepono?

x Anong magagalang na salita ang kanyang ginamit sa pagsagot sa


telepono?
x Sa ikalawang dayalogo, paano naman nagbigay ng komento ang
batang babae?
x Anong magagalang na salita ang ginamit ng batang
babae?

GAWAIN 4

4
Panuto sa Magulang: Gabayan ang iyong anak sa pagsagot
sa gawain.

Panuto sa Mag-aaral: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung


saan ginagamit ang mga magagalang na pananalita na isinasaad sa
bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon.

3. Maaari po ba akong pumunta sa bahay nina Josie


upang maglaro?

4. Magandang Umaga po Kapitan Castro.

5. Patawarin mo ako Jessica sapagkat naputol ko ang


lapis mo.

You might also like