You are on page 1of 10

2

Republic of the Philippines 222222222e2222222222


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

MTB-MLE
IKATLONG MARKAHAN- MODYUL 4

Mga Bumuo ng Modyul

Mga Manunulat: EVA P. ROSELLO


ANIANA M. VALDEZ
Tagaguhit: VERGILIO E. SARMIENTO
Mga Tagasuri ng Nilalaman: SHEILA C. MOLINA
AMAFLOR C. ALDE
Tagasuri ng Wika: TOMMY R. RICO
Tagapamahala:
MALCOLM S. GARMA, Regional Director
NERISSA L. LOSARIA, Schools Division Superintendent
GENIA V. SANTOS, CLMD Chief
JOCELYN M. ALIÑAB, CID Chief
MARICAR D. AGAO, Regional EPS, MTB
SHEILA C. MOLINA, Division EPS, MTB
DENNIS M. MENDOZA, Regional LR Supervisor
MARICAR D. AGAO, Regional Librarian
TOMMY R. RICO, Division LR Supervisor
NANCY M. MABUNGA, Regional Librarian

__________________________________________________________________________________________
1
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

ARALIN
Pag-asa! Tanging Hiling
4
Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
Nakagagamit ng iba’t ibang pagpapahayag o
ekspresyon na naaangkop sa baitang upang ipakita ang
mga tungkulin, pag-asa, hiling at naisin (MT2OL-lllg-h-3.3)

Unang Pagsubok
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tungkulin, P kung
pag-asa at H kung hiling ang ekspresyong tinutukoy ng
bawat pangungusap.
___1. Pwede ko bang magamit ang iyong laptop para sa
aming Online Class?
___ 2. Kailangan kong mag-aral nang mabuti upang
makakuha ako ng mataas na marka.
___ 3. Pangarap kong makapagtapos ng aking pag-
aaral.
___ 4. Tangi kong panalangin na sana ay patuloy tayong
gabayan ng Panginoon.
___ 5. Bilang anak dapat kong sundin ang mga
2
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
mabubuting payo ng aking mga magulang.

Balik-tanaw
Panuto: Piliin sa panaklong ang wastong pandiwa sa
bawat pangungusap.

Paraan ng Paglilinis ng Sahig


1. Una, (tapakan, walisan) ang sahig o gumamit ng
vacuum cleaner upang matanggal ang mga maliliit na
dumi.
2. Pangalawa, (punasan, buhusan) ng basang basahan
upang maalis ang nakadikit na mga dumi rito.
3. Ikatlo, (magluto, maglagay) ng floor wax sa malinis na
basahan.
4. Pagkatapos, (ipunas, idikit) ito sa sahig at hintayin itong
matuyo.
5. At sa huli, (hampasin, bunutin) ang sahig upang ito’y
kumintab.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Sa araling ito ay malalaman mo ang angkop na
salita o ekspresyon na dapat gamitin sa pagpapahayag
ngkaisipan para sa iyong mga tungkulin, pag-asa, hiling
at naisin sa buhay.

3
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Basahin ang diyalogo:
Nilo: Itay, gusto kong maging isang pulis na
katulad mo.
Mang Tonio: Oo, anak manalig ka at umasang ibibigay
ng Diyos ang iyong hiling.
Nilo: Kaya nga po itay, kailangan kong mag-aral
nang mabuti.
Mang Tonio: Sana ay ipagpatuloy mo iyong kasipagan
sa pag-aaral.
Nilo: Maaari po bang gabayan mo ako at
turuan sa mga dapat kong gawin?
Mang Tonio: Oo naman, naniniwala ako sa iyong galing.
Nilo: Maraming salamat po itay. Sana ay
matupad ko ang aking pangarap na
maging isang pulis.
Sagutin:
1. Ano ang pangarap ni Nilo?
2. Ano ang kailangang gawin ni Nilo upang maabot
ang pangarap?
3. Ano ang hiling ni Mang Tonio sa kaniyang anak?
4. Ikaw, ano ang iyong pangarap?
5. Ano ang iyong gagawin upang makamit ito?

4
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Ngayon, pansinin ang mga salitang may salungguhit.
Ang mga salitang ito ay ginagamit upang maihayag
mo ang iyong tungkulin, pag-asa at hiling. Narito ang ilan
pang halimbawa.
Pagpapahayag ng mga tungkulin:
Bilang mag-aaral dapat kong pagbutihin ang aking
pag-aaral.
Kailangan kong magsumikap upang makapagtapos sa
pag-aaral.
Sa pagpapahayag ng iyong mga tungkulin, maaari
mong gamitin ang mga ekspresyong: dapat kong, at
kailangan kong.

Pagpapahayag ng pag-asa:
Sana ay manalo kami sa patimpalak.
Umaasa ako na uunlad ang aming buhay sa
darating na panahon.

Naniniwala ako na walang imposible sa Diyos kung


tayo ay taimtim na nagdadasal sa kaniya.
Sa pagpapahayag ng pag-asa, maaari mong
gamitin ang sumusunod na ekspresyon: sana, umaasa,
naniniwala ako.

5
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Pagpapahayag ng hiling:
Gusto kong makapagtapos sa pag-aaral para
matulungan ko ang aking magulang.
Nais kong manatiling malusog at ligtas sa anomang
karamdaman.
Maaari po bang sumama ako sa field trip?
Pwede po ba akong kumain ng paborito kong
pagkain?
Sa pagpapahayag naman ng iyong mga naisin o
hilig maaari mong gamitin ang mga ekspresyong gusto
kong, nais kong, maaari o pwede.

Gawain
I. Panuto: Isulat ang salitang tungkulin, pag-asa, o hiling
sa unahan ng bawat bilang na tumutukoy sa bawat
pangungusap.
_______ 1. Dapat kong ayusin ang aking hinigaan
pagkagising ko sa umaga.
_______ 2. Hangad ko ang kaligtasan ng mga tao sa
buong mundo.
_______ 3. Umaasa sina Nanay at Tatay na
makapagtatapos ako ng aking pag-aaral.
_______ 4. Sana ay maging isa akong sikat na mang-aawit
katulad ni Sarah Geronimo.
_______ 5. Naniniwala ako na hindi tayo bibiguin ng
Panginoon sa lahat ng ating panalangin.

6
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
II. Panuto: Bilugan ang angkop na ekspresyon sa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap.
1. Si tatay ay (umaasang, maaring) makapagtatapos ako
ng aking pag-aaral.
2. (Naniniwala akong, Dapat akong) magsumikap upang
matupad lahat ang aking pangarap.
3. (Nais kong, Maaari bang) sumaya sina itay at inay.
4. (Kailangan kong, Umaasa akong) magtipid, para
may magamit ako sa oras ng pangangailangan.
5. (Sana ay, Maaari bang) mawala na ang COVID-19 sa
buong mundo para matapos na ang pandemyang ito.

III. Panuto: Punuan ng angkop na salita ang bawat


patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

gusto kong naniniwala dapat akong


hiling kailangan kong
1. ________ alagaan, mahalin, at igalang ang aking mga
magulang at iba pang nakatatanda.
2. Ang tangi kong ____ ay maging maginhawa ang
aming buhay.
3. _________ ako na matatapos din ang pandemyang
COVID-19.

7
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
4. _________ makasakay sa eroplano at malibot ang
buong mundo.
5. _________ magsikap upang lahat ng aking pangarap
ay matupad.

Tandaan
Ang bawat salita o ekspresyon ay may kaniya –
kaniyang gamit sa pagpapahayag ng tungkulin, hiling at
pag-asa sa buhay.
Narito ang ilan sa mga ekspresyon na maaaring gamitin:
Tungkulin Pag-asa Hiling
Kailangan kong Sana Nais ko
Dapat akong Umaasa ako Gusto ko
Naniniwala ako Maaari po
Pwede

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong tungkulin, pag-
asa at hiling ngayong may pandemya.
Tungkulin Pag-asa Hiling

8
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Rubrik sa pagwawasto:
5 puntos Nakasunod sa panuto.
4 puntos Nakasunod sa panuto ngunit hindi malinaw ang
pagpapahayag.
3 puntos Dalawa lamang ang naihayag.
2 puntos Isa lamang ang naihayag
1 puntos Hindi natapos ang paghahayag.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang angkop na ekspresyon sa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap.
1. (Nais kong, Sana) maging malinis, malusog at
masigla ang aking katawan upang hindi madaling
mahawahan ng sakit.
2. (Umaasa akong, Dapat akong) balang araw ay
kikilalanin akong doktor sa aming bayan.
3. (Naniniwala akong, Maaari bang) samahan mo ako
papuntang Quiapo?
4. (Nais, Hangad ) ko ang kaligtasan mo sa iyong
paglalakbay sa ibayong dagat.
5. (Kailangan , Umaasa akong) ipagpatuloy ang aking
pag-aaral upang makamit ko ang aking mithiin sa
buhay.

9
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

Sanggunian

 clipart-library.com and creativefabrica.com

Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok II. 1. umaasang

1. H 2. Dapat akong
2. T 3. Nais kong
3. P 4. Kailangan kong
4. H 5. Sana ay
5. T III.

Balik-tanaw 1. Kailangan kong

1. Walisan 2. Hiling
2. Punasan 3. Naniniwala
3. Maglagay 4. Gusto kong
4. Ipunas 5. Dapat akong
5. Bunutin Pag-alam sa Natutuhan
Gawain (sariling sagot ng mag-aaral)
I.
1. tungkulin Pangwakas na Pagsusulit
2. hiling 1. Nais kong
3. pag-asa 2. Umaasa akong
4. hiling 3. Maaari bang
5. pag-asa 4. Hangad
5. Kailangan kong

10
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.

You might also like