You are on page 1of 27

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 9

1
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 1

Page | 1
APPROVAL SHEET

This is to certify that the module entitled Maikling Kuwento ng Singapore: Ang
Ama; Pang-ugnay sa mga Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari for Grade 9
Week 1 written by AUBREY R. BLAS, MARY ANNE M. ANSAGAY and RODNEY B.
CRISTOBAL was edited and reviewed by the Division Quality Assurance Team and is
now approved for the utilization of the different schools in the Schools Division of Laoag
City.

GERALDINE R. GARDAYA SHELWYN V. FELIPE

Editor Editor

JESIECA STARLETT A. MABINI LORNA M. BALISBISANA

Editor Reviewer

ALLAN M. UTLEG
Lay-out Artist
MODYUL SA FILIPINO 9

KWARTER 1
LINGGO 1

Maikling Kuwento ng Singapore: Ang Ama

Pang-ugnay sa mga Pagsunod-sunod
ng mga Pangyayari

Development Team

Writer/s: Aubrey R. Blas

Rodney B. Cristobal
Mary Anne M. Ansagay

Editor/s: Shelwyn V. Felipe

Jesieca Starlett A. Mabini
Geraldine R. Gardaya

Reviewer: Zorayda S. Paguyo/ Lorna M. Balisbisana

Illustrator: Mark Bryan Aguinaldo / Nestor Lucero
Lay out Artist: Rodney B. Cristobal/Allan M. Utleg

Management Team: Vilma D. Eda

Dr. Joye D. Madalipay
Dr. Domingo L. Laud
Dr. Lourdes B. Arucan
Juanito V. Labao
Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 1

Mahal na Mag-aaral,

Puno ako ng kasiyahan at ikaw ay nasa ika-9 na baitang. Nakatitiyak ako na ikaw
ay magagalak at siguradong iyong kagigiliwan ang mga aralin na inihanda para sa iyo
ngayong taon bagong panuruan 2020-2021.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagmamalas ng iyong pag-unawa at

pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng bansang Singapore. Huwag kang mag-alala
dahil sa iyong paglalakbay, magiging katuwang mo ako. Paalala lamang, kailangan mong
matapos ang Modyul na ito sa loob ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang makakaya
para tapusin ito.

Lubos na Nagmamahal,

Ang iyong guro

ALAMIN Narito ang mga layunin na kailangan nating isaalang-alang

habang tinatapos natin ang aralin.
:

_______________________________________________________________________

1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang

Asyano batay sa napakinggang akda (F9PN-Ia-b-39)

2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda

(F9PB-Ia-b-39)

3. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo

o konotatibong kahulugan (F9PT-Ia-b-39)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 2

SUBUKIN Bago tayo tumungo sa ating mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa ating
magiging paksa sa pamamagitan ng paunang pagtataya. Sa
ibaba ay mayroong sampung katanungan na kailangan mong
sagutin. Basahin nang mabuti at sagutin ang mga tanong. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_______________________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

_____1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento

a. Ama c. Kapitbahay
b. Mui Mui d. Ina

_____2. Ayon sa kuwento, ilan silang magkakapatid?

a. 4 c. 7
b. 6 d. 8

_____3. Ilang taong gulang si Mui Mui?

a. 5 c. 7
b. 6 d. 8

_____4. Ano ang dala ng ama ang isa o dalawang beses na dala ng ama?
a. Kendi c. Pansit
b. Tsokolate d. Biskwit

_____5. Sino ang nagsalin ng akdang “Ang Ama?

a. Romulo N. Peralta c. Elynia Ruth S. Mabanglo
b. Pat V. Villafuerte d. Mauro R. Avena

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 3

Para sa bilang 6-7

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na

kanyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y
tanggapin mo.”

_____6. Ipinapahiwatig ng teksto na ang ama ay _____________

a. Nagsisisi c. Nagdadalamhati
b. Nalulungkot d. Lahat ng nabanggit

_____7. Mahihinuhang ang ama ay magiging _________________

a. Mapagmahal c. Lasinggero
b. Matapang d. Matatag

_____8. Ang tawag sa salita o mga salita na may iba pang malalim na kahulugan
a. Konotasyon c. Kasingkahulugan
b. Denotasyon d. Kasalungat

_____9. Nagtataglay ito ng totoo at literal na kahulugan ng salita o parirala

a. Konotasyon c. Kasingkahulugan
b. Denotasyon d. Kasalungat

_____10. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?

a. Matulungin c. Makasarili
b. Mapagbigay d. Mapagmahal

Nahirapan ka ba para sa paunang pagtataya? Huwag kang mabahala, dahil sa

pagpapatuloy mo sa modyul na ito, mas lalo mo pang mauunawaan at maiintindihan ang
ating aralin.

Kaya’t tara na, magsimula na tayo!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 4

BALIKAN:

GAWAIN 1: BALIK TANAW

Sa gawaing ito, nais kong isulat mo ang pangalan ng iyong magulang,

maaaring ito ay iyong ama o ina o ang taong tumulong o tumayo bilang
magulang mo. Pagkatapos, magsalaysay ng isang pangyayaring hinding hindi
mo makakalimutan kailanman.

____________________

________________________________________________

________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 5

TUKLASIN
Bilang premyo mo sa pagtatapos sa unang gawain,
maglalakbay tayo papunta sa bansang Singapore! Ihanda
ang sarili dahil paniguradong mamamangha ka sa iyong
malalaman. Bilang bahagi ng ating paglalakbay,
magsaliksik at magbasa sa libro at internet ng apat na
mahahalagang pagkakakilanlan ng bansang Singapore.
Gayahin ang pormat sa ibaba at isulat ang iyong nasaliksik
sa kahon gamit ang sagutang papel.

_____________________________________________________________

GAWAIN 2: FAN-FACT ANALYZER

Singapore

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 6

Malugod na pagbati! Nakikita mo ba ang mga larawan sa ibaba? Ano-ano ang
napapansin mo? Nais kong pagmasdan mo nang mabuti ang mga larawan at suriin ang
emosyon at saloobin na nais nitong iparating. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 3: NAMUMUKHAAN MO?

1.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

2.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

3.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 7

4.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

5.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

6.

__________________________________
_
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
____

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 8

Mahusay! Natutuwa akong nakikita ko ang kasiglahan mo sa simula pa lamang ng mga
gawain. Naibigay mo ang emosyon at saloobin nakapaloob sa bawat mukha.

Ngayon nama’y personal mong ilarawan ang mukha ng iyong ama sa mga larawan sa
itaas. Nasaan ang mukha ng iyong ama dito?

GAWAIN 4: AMA KO, NAILALARAWAN KO!

Panuto: Muling balikan ang mga larawan sa itaas. Piliin ang mukhang naglalarawan sa
iyong ama o sa itinuturing mong ama. Sumulat ng paglalahad kung bakit ito ang napili.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

SURIIN Sa bahaging ito ay maglalaan ka ng sapat na oras para

basahin ang isang akda mula sa bansang Singapore na
pinamagatang “Ang Ama” na isinalin sa Filipino ni Mauro
R. Avena.

_____________________________________________________________
ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 9

para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na
kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-
kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang
maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila
lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin
ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng
marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama
ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno
ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.
Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng
pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito
umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at
kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung
may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-
sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot
na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito
upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng
kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito,
at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong
lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi
paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa
kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-
ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na
nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina.
Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay
tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 10

sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi
humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay
haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi
ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante
sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing
at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito.
Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis
na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina
ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang
umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang
kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting
bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok
ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta
ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa,
puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot
niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero
mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang
asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay,
kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki
mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi
bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at
kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at
laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay
na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa
kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit -
at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at
brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na
ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga
siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.

Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 11

bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa
kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya
gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay.
Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng
tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang
mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang
mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang
mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata
kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na
siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng
pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na
nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya
sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't
nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama.
Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi

dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-
iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan
siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-
layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang
bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang
sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na

kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang
maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy
itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang
mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang
saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang
kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

Mula sa Panitikang Asyano:Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 12

Nagustuhan mo ba ang binasa mong akda? Para matiyak ko na naintindihan mo, sagutin
ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 5: UNAWA SA BINASA

1. Sa paanong paraan nagsimula ang kuwento?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga katangian ng ama na nangibabaw sa kuwento? Ibigay ang mga
bahaging nagpapakita ng mga katangiang nabanggit.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pagbabago ng ama mula sa di-mabuting pag-
uugali nito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Saang bahagi ng kuwento ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kanyang

anak? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6. Kasiya-siya ba para sa iyo ang naging wakas ng kuwento? Bakit?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

7. Ilarawan ang saloobin ng mga anak hinggil sa kanilang ama. Isalaysay nito.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 13

8. May pagkakatulad o pagkakaiba ba ang kultura nating mga Pilipino sa kultura ng
mga taga-Singapore? Ibatay ang iyong sagot mula sa kuwentong binasa.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

9. Bilang mga Pilipino, paano natin ipinakikita ang pagmamahal sa namayapa nating
mga mahal sa buhay? Paano naman ito ipinakita sa kuwento?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

10. Ano ang banghay? Bakit mahalaga ito sa pag-unawa sa isang kuwentong binasa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Magaling! Ngayon, atin naman pagyamanin ang iyong

talasalitaan. Sa pagkakataon ito, bigyang-kahulugan ang
sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa
pangungusap. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

_____________________________________________________________

GAWAIN 6: PAGLINANG NG TALASALITAAN

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo

at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama
ng kaluwagang-palad nito.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 14

3. Kung umuwi tong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at
ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis
sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Alam nilang ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa

nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa

kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di’y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay

na bata.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 15

ISAISIP: Binabati kita! Tunay na napagyayaman mo ang iyong
talasalitaan ganoon din ang iyong kaalaman sa mga
paksang pinag-aaralan. Pero hindi pa diyan nagtatapos
ang mga kaalamang iyong matutuklasan.

Dadako naman tayo sa bahaging kailangan nating sukatin

ang kaalaman mo tungkol sa denotatibo at konotatibo.
Para sa mas marami pang kaalaman, basahin ang tungkol
sa denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan.

_____________________________________________________________

Alam mo ba na…

Alam mo ba na ang denotasyon ay ang literal na kahulugan ng isang salita o pahayag.

Samantala ang konotasyon naman ay may ibang kahulugan nais na iparating.

DENOTATIBO AT KONOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN

NG MGA SALITA

Denotatibong Pagpapakahulugan
- Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Halimbawa:
1. Nakapapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init. - nagbibigay
init at liwanag sa daigdig.
2. Ang sarap pagmasdan ng dapit- hapon sa dalampasigan. - Papalubog
na ang araw.

Konotatibong Pagpapakahulugan
- Pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Sa iyong pagdating ay muling sumikat ang araw sa aking puso. -
muling umibig/ nagmahal muli
2. Sa ating buhay ay hindi natin mapipigilan ang pagsapit ng dapit-
hapon. – pagtanda
Mula sa https://www.slideshare.net/OliverSasutana/denotatibo-at-konotatibong-
pagpapakahulugan-ng-mga-salita

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 16

ISAGAWA Ngayon subukin natin ang iyong kakayahan sa
kaalaman tungkol sa ating paksa. Ibigay ang
denotasyon at konotasyon sa mga salita sa
ibaba. kailangan mo ring gamitin sa sariling
pangungusap ang konotasyong naibigay bilang
kasagutan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____________________________________________________________

GAWAIN 7: SALITA MO, KAHULUGAN MO!

Mga Salita Denotasyon Konotasyon

Halimbawa:
Bola Laruan Biro
1. Kaluwagang-palad

2. Ahas

3. Luwad

4. Kaniyang dugo at
laman

5. Madilim na ang langit

1._____________________________________________________________________

2._____________________________________________________________________

3._____________________________________________________________________

4._____________________________________________________________________

5._____________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 17

TAYAHIN Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling
pagsusulit sa kabuoan ng aralin natin. Basahing
mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

_____________________________________________________________
_____1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento
a. Ama c. Kapitbahay
b. Mui Mui d. Ina

_____2. Ayon sa kuwento, ilan silang magkakapatid?

a. 4 c. 7
b. 6 d. 8

_____3. Ilang taong gulang si Mui Mui?

a. 5 c. 7
b. 6 d. 8

_____4. Ano ang dala ng ama ang isa o dalawang beses na dala ng ama?
a. Kendi c. Pansit
b. Tsokolate d. Biskwit

_____5. Sino ang nagsalin ng akdang “Ang Ama?

a. Romulo N. Peralta c. Elynia Ruth S. Mabanglo
b. Pat V. Villafuerte d. Mauro R. Avena

Para sa bilang 6-7

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na

kanyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y
tanggapin mo.”

_____6. Ipinapahiwatig ng teksto na ang ama ay _____________

a. Nagsisisi c. Nagdadalamhati
b. Nalulungkot d. Lahat ng nabanggit

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 18

_____7. Mahihinuhang ang ama ay magiging _________________
a. Mapagmahal c. Lasinggero
b. Matapang d. Matatag

_____8. Ang tawag sa salita o mga salita na may iba pang malalim na kahulugan
a. Konotasyon c. Kasingkahulugan
b. Denotasyon d. Kasalungat

_____9. Nagtataglay ito ng totoo at literal na kahulugan ng salita o parirala

a. Konotasyon c. Kasingkahulugan
b. Denotasyon d. Kasalungat

_____10. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?

a. Matulungin c. Makasarili
b. Mapagbigay d. Mapagmahal

Binabati kita kaibigan! Dahil matagumpay mong natapos ang modyul na ito!

Hanggang sa muli. Paalam!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 19

20 Filipino 9 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Panimulang Pagtataya/ Tayahin
1. B 6. D
2. B 7. A
3. D 8. A
4. C 9. B
5. D 10. C
Gawain 1 Balik Tanaw
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Gawain 2 Fan-Fact Analyzer
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Gawain 3 Namumukhaan Mo
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Gawain 4 Ama Ko, Nailalarawan Ko
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Gawain 5 Unawa sa Binasa
1. Nagsimula ang akda sa pagtukoy sa mga tauhan, tagpuan at suliranin ng kuwento
2. Mui Mui
3. (Ang kasagutan ay maaring iba-iba)
4. Dahil sa kahirapan
5. Noong inalayan niya ito ng pagkain sa kanyang puntod
6-10. (Ang kasagutan ay maaring iba-iba)
Gawain 6 Paglinang ng Talasalitaan
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Gawain 7 Salita Mo, Kahulugan Mo
• Ang kasagutan sa gawain ay maaring iba-iba
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat

Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Salamin ng Kultura at Buhay: Modyul sa Fipilino Baitang 9

B. Online Resources

https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/

http://www.google.com.ph

https://www.slideshare.net/OliverSasutana/denotatibo-at-konotatibong-
pagpapakahulugan-ng-mga-salita

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 21

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon:____________________

Paaralan: _________________________________________________________________

Guro: __________________________________ CP No. ng Magulang:________________

SAGUTANG PAPEL
Paunang Pagtataya

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain 1
______________________________

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 2
Singapore

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 22

Gawain 3

1. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
6. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain 4
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 5

1. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
6. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
7. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
8. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
9. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
10. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 23

Gawain 6
1. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
6. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain 7
Mga Salita Denotasyon Konotasyon
Halimbawa:
Bola Laruan Biro
1. Kaluwagang-palad

2. Ahas

3. Luwad

4. Kaniyang dugo at
laman

5. Madilim na ang langit

1. _________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________

4. _________________________________________________________________

5. _________________________________________________________________

Tayahin
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 24

For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 9 25

You might also like