You are on page 1of 16

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 1(SSES)
Unang Markahan – Unang Linggo
Modyul 1: Nagagamit ang magalang na
pagbati at pananalita sa pakikipag-usap

Crisanta M. Trozado
Manunulat

Marissa S. Muldong/Hazel G. Amor


Mga Tagasuri

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang makatulong na


mapaunlad ang inyong kaalaman tungkol sa paggamit ng
magalang na pagbati sa umaga /pagbati sa tanghali/gabi at
pananalita sa pakikipag-uusap. Nasasagot ang mga tanong
batay sa kuwento. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa mga sitwasyon sa pag-aaral.
Ang mga salitang ginamit sa modyul na ito ay siniguradong
mauunawaan upang higit mong matutuhan ang mga aralin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nagagamit ang magalang na pagbati at pananalita sa


pakikipag-uusap
2. Nasasagot ang mga tanong sa kuwentong binasa
3. Naisusulat ang mga magalang na pagbati at pananalita
sa pangungusap
Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.


Bilugan ang letra ng angkop na sagot sa bawat
sitwasyon.

1. Si Joy ay mabait na bata at namumupo. Siya ay isang


batang _________________.
A. masunurin B. magalang C. bastos

2. Ano ang sinsabi mo kapag hindi mo maabot ang


isang bagay?
A. pakiabot po B. kunin mo C. akin na

3. Kapag dumating si nanay at tatay galing sa trabaho.


Ano ang gagawin mo?
A. magpapansin B. magmamano C. makikipag-
kamay

4. May kaibigan kang matagal mo ng hindi nakikita at


bigla siyang dumating ano ang sasabihin mo sa
kanya?
A. Ano na? B. Kamusta ka? C. Ano ang balita?

5. May nag-uusap sa pinto at gusto mong lumabas. Ano


ang sasabihin mo?
A. Padaan po B Alis diyan C. Makikiraan po
Nagagamit ang magalang na pagbati at
Aralin 1
pananalita sa pakikipag-uusap.

Ang paggamit ng magalang na pagbati at pananalita


ay nagpapakita nang pagiging magalang ng isang
batang Pilipino.

Balikan

Pag-uugnay sa sariling karanasan.


Sa loob ng inyong tahanan. Ano ang mga
naririnig mo na magagalang na salita?

Sumulat ng 3 magalang na salita.

1. _______________________________________

2. _______________________________________

3. _______________________________________
Tuklasin

Basahin ang maikling kuwento


Si Elena at si Elenito ay magkapatid na Kambal

Tuwing umaga pagsikat ng araw ay nasa labas na kami ng


bahay ng aking kakambal na si Elenito. “Kay gandang
pagmasdan ang umaga kapag nakikita mo si haring araw,”
sabi ni Elenita. Minsan dumaan ang aming guro sa tapat ng
aming bahay at binati namin siya ng “Magandang Umaga
po Binibing De Luna,”
“Magandang Umaga naman Elenita at Elenito, ano ang
ginagawa ninyo sa labas,” tanong ng guro
“Hinihintay po namin si nanay, namalengke po siya,” sabi ni
Elenito
 Sino ang nakita nilang dumaan sa kanilang bahay
isang umaga?

_______________________________________________

 Ano ang magalang na pagbati ang ginamit nila?

________________________________________________

Sa pagsapit ng ika-12:00 ay sama sama kaming kumakain


ng tanghalian, habang kami ay kumakain biglang
dumating ang aming Lola na galing sa Alabang.

“Magandang Tanghali po Lola,” bati ng


kambal, sumabay na po kayo sa aming
tanghalian Lola. Sige mga anak at ako ay
magpapahinga muna.
 Sino ang dumating habang sila ay
nagtatanghalian?

__________________________

 Anong pagbati ang ginamit nina Elenita at


Elenito?

_____________________________________________
Gabi na ay naglalaro pa ang kambal, biglang dumating
ang kanilang Lolo, “Mga apo gabi na maglinis na kayo ng
inyong katawan,”
“Magandang gabi po Lolo,” bati ng mga bata

 Bakit kaya gabi na nasa labas pa sila Elenita at


Elenito?

___________________________________________________

 Ano ang sinabi ng kanilang Lolo?

__________________________________________________

 Anong pagbati ang ginamit ng magkapatid sa gabi?

__________________________________________________

Ang mga magagalang na pagbati ay:


Magandang umaga po
Magandang tanghali po
Magandang gabi po
Magandang hapon po

Pag-aralan ang larawan:

Mano po!
Pasok po kayo!

Tulungan ko na po kayo!

Suriin

A. Ano-ano ang mga magagalang na pagbati ang


ginamit sa maikling kwento? Isulat ang iyong sagot sa
patlang

1. ____________________________

2._____________________________
3.___________________________________

B. Basahin nang mabuti ang mga sumsusunod na


pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang loob ng kahon kung
angkop ang paraan ng pakikipag -usap o pagbati sa
nakatatanda. Kung hindi angkop, lagyan ng ekis (X) ang
kahon.
1.Nagustuhan mo ba ang pasalubong ko sa iyo?

2.Halina na po kayo, kumain na po tayo.

3.Magandang Umaga po sa inyong lahat.

4.Ano ka ba, bakit mo ba sinira ang laruan ko?

5.Magandang Tanghali po. Saan po kayo pupunta?

Pagyamanin
A. Sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng
magagalang na pagbati batay sa mga larawan.

B. Ayusin ang mga magagalang na pananalita at isulat ito


sa patlang.
.

1. Ibag angadnagaM po- ____________________________

2. Agamu angadnagaM po- _________________________

3. Oyak po yoluT- _______________________________


4. Onam po- ______________________________________________

5. Atsumak po- ____________________________________________

Isaisip

Ang Magandang Umaga, Magandang tanghali


Magandang hapon at Magandang gabi ay ilan
lamang sa mga magagalang na pagbati na
ginagamit. Makikiraan po, Paki -abot po, Hindi ko po
sinasadya, Saan po? Ano po? ay ilan lamang sa mga
magagalang na pananalita.

Isagawa

Isulat ang dayalogo ayon sa pinapahiwatig ng larawan.


Tayahin

Hanapin sa hanay B ang kahulugan o isinasaad ng mga


larawan sa hanay A . Isulat ang letra sa patlang.

Kumusta po
1. ____________ A.
Mano po
2. ____________ B.

3.___________ C. Tao po

Paalam po
4.____________ D.

Pabili po
5.____________ E.

Karagdagang Gawain

.
Gumuhit ng dalawang tao na nag-uusap at isulat ang
magalang na pananalita na ginamit
pananalita
1.maganadang gabi po
2.magandang umaga po
3. Tuloy po kayo. Tayahin Suriin
4. Magandang hapon po 1.B B. 1.X
2.K 2./
3.D 3./
Pagyamanin 4..E 4.X
A. 1.Magandang umaga po,tayo na mag 5.A 5./
ehersisyo.
2.Magandang gabi po,ang ganda ng buwan. Suriin
3.Mano po Lola,Mano po Lolo A. 1. Magandang Umaga po
2 . Magandang tanghali po
4.Paalam po Lola
3. Magandang gabi po
Tuklasin
Balikan Subukin
1.Binibing De Luna
1.po 1.B
2.Magandang umaga po
2.Opo 2.A
3.Lola
3.Ano po 3.B
4.Magandang tanghali po
4.B
5. nawiling maglalaro
5.C
6. Bakit gabi na ay nasa labas pa kayo?
7. Magandang gabi po
Susi sa Pagwawasto
Sariling Gawa
Isagawa

Sanggunian
https://cse.google.com/cse?q=clipart+of+respecting+elders&sa=Search&ie=UTF-
8&cx=partner-pub%2D33171671626

https://cse.google.com/cse?q=clipart+of+boy+and+girl&sa=Search&ie=UTF-8&cx=partner-
pub%2

You might also like