You are on page 1of 13

Learning Activity Sheets

(Quarter 4; Week 4)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
English 1
Quarter 4 - Module 4
Defining and Listing Down Familiar Words

Remember:
Define and List Down Familiar Words
Familiar words are words that you have heard or read before but
never actually knew the meaning.
We can give meaning to things around us using their characteristics or
uses.
Here are some of the familiar words that you might know with their
meaning.

Activity:
Identify the word that each item defines. Write the letter of the correct answer.
______1. a body part used for hearing
a. ears b. nose
c. eyes d. tongue
______2. a part of a house where you enter
a. comfort room b. kitchen
c. door d. window
______3. a thing used to sleep
a. arm b. box
c. bed d. clock
______4. a person who teaches at school
a. dentist b. police
c. doctor d. teacher
______5. a thing used to capture picture
a. camera b. mat
c. glass d. mop

Mother Tongue-Based 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat ng mga Salitang Naglalarawan

Tandaan Natin:

Pansining mabuti ang bawat pares ng salita.

Hanay A Hanay B
1. masaya- maligaya 1. masaya- malungkot
2. tahimik-payapa 2. tahimik-maingay
3. marami-sagana 3. marami - kaunti
4. maganda-marikit 4. maganda-pangit
5. takot-pangamba 5. takot-matapang

Ano ang iyong napansin sa bawat pares ng salita sa hanay A at hanay B?


Ang mga salita sa hanay A ay tinatawag na salitang magkasingkahulugan. Pares
ito ng salitang may parehong kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa:
mataas-matayog maliit - munti
luntian - berde matalas – matalim
Ang mga salita sa hanay B ay tinatawag na salitang magkasalungat. Pares ito ng
salitang may kabaligtarang kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa:
mayaman - mahirap mabango - mabaho
mabilis - mabagal masama – mabuti

Gawain:
Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang dalawang larawan ay magkasingkahulugan
at ekis (x) kung and dalawang larawan ay magkasalungat.
Mathematics 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Paglutas ng mga Suliranin na may Araw sa Isang Linggo, Buwan sa Isang Taon, Oras
na Kuwarter at Kalahating Oras

Tandaan Natin:
● May pitong araw sa isang linggo.
1. Linggo 2. Lunes
3. Martes 4. Miyerkules
5. Huwebes 6. Biyernes
7. Sabado
● May 12 buwan sa isang taon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Enero 7. Hunyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hulyo 12. Disyembre
● Lunes ang unang araw ng pagpasok sa paaralan.
● Biyernes ang huling araw ng pagpasok sa paaralan.
● Enero ang unang buwan ng taon.
● Disyembre ang huling buwan ng taon.
● Ang bilang ng mga araw sa bawat buwan ay hindi pare-pareho.
● Kalendaryo ang ginagamit para malaman ang wastong ayos ng mga buwan sa
isang taon.
● Ang isang oras ay may katumbas na 60 minuto.
● Ang maikling kamay ang nagsasabi ng oras.
● Ang mahabang kamay ang nagsasabi ng minuto.
● Ang isa pang kamay ng orasan ay nagsasabi ng segundo. 60 segundo ang
katumbas ng 1 minuto.
● Ang kumpletong ikot ng mahabang kamay sa orasan ay katumbas ng isang oras.

Gawain:
Basahin at lutasin ang bawat suliranin. Bilugan ng krayolang asul ang letra ng tamang
sagot.
1. Magbabakasyon sina Marta sa Pasko. Anong buwan ito?
A. Enero B. Disyembre C. Pebrero

2. Kung ang ika-12 ng Hunyo ay Sabado, anong araw ang ika-14 ng Hunyo?
A. Lunes B. Martes C. Miyerkules

3. Natutulog si Melisa ng walong oras sa isang araw. Kung matutulog siya ng 9:00 ng gabi,
anong oras siya gigising?
A. 5:00 ng umaga B. 6:00 ng umaga
C. 7:00 ng umaga

4. Gustong magbakasyon ni Lorna at ng kaniyang nanay sa Boracay. Kailangan nilang


bumiyahe ng dalawang araw. Kung aalis sila ng Biyernes, anong araw sila makakarating sa
Boracay?
A. Sabado B. Linggo C. Lunes

5. Nais umuwi ng probinsya ng nanay ni Karen sa araw ng mga patay. Anong buwan ito?
A. Agosto B. Oktubre C. Nobyembre
Filipino 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Pagkilala sa Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa
Tahanan,Paaralan at Pamayanan

Tandaan Natin:

Ang mga salita na naglalarawan kung paano, kailan at saan ginawa ang isang
kilos. Ito ay tinatawag na pang-abay.

Halimbawa:
Ang mga bata ay masayang naglalaro.
Paano naglalaro ang mga bata?

Namasyal sa Tagaytay ang buong mag-anak.


Saan namasyal ang mag-anak?
Sa susunod na Linggo ay may darating na bisita.
Kailan may darating na bisita?

Gawain:
Piliin ang angkop na pang-abay na bubuo sa bawat pangungusap. Bilugan ng
krayolang pula ang titik ng tamang sagot.

1. Ang aking tatay ay ____________manghuli ng isda kaya marami siya laging huli.
a. mabagal b. mahusay c. maingay

2. Umiinom ako ng gatas _________________ bago matulog.


a. tuwing gabi b. tuwing umaga c. tuwing madaling-araw

3. Naglalangoy si Andi _____________ kasama ang kaniyang mga kaibigan.


a. sa ilog b. sa bukid c. sa palaisdaan

4. Kami ay nagpupunta ______________ tuwing Araw ng mga Patay.


a. sa paaralan b. sa palengke c. sa sementeryo

5. _______________na nagbabasa ang mga bata sa loob ng silid-aklatan.


a. Maingay b. Malakas c. Tahimik

Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Lugar, Lokasyon at Distansya

Tandaan Natin:
Lugar, Lokasyon at Distansya
(Iba’t ibang Uri ng Transportasyon mula sa Tahanan Patungo sa Paaralan)

May kinalaman ang lugar, lokasyon at distansya ng tirahan sa paraan ng


pagpasok sa paaralan araw-araw.
Gumagamit tayo ng iba’t ibang uri ng transportasyon sa pagpasok sa paaralan
depende sa layo o lapit ng bahay patungong paaralan.
Kung malapit lang ang paaralan, maaaring lakarin na lamang ito.
Sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyan ang mga mag-aaral kung malayo,
depende sa lugar, lokasyon at distansya ng bahay patungo sa paaralan.
Kung nais sumakay sa mga sasakyan upang makapasok sa paaralan, ang mga
sumusunod ay ilan sa mga maaari ninyong sakyan:
Gawain:
Tukuyin ang sasakyang maaaring sakyan patungo sa paaralan. Bilugan ng krayolang
pula ang letra ng tamng sagot.

1. Si Jeos ay nakatira sa kabilang bayan. Sumasakay siya sa ______ tuwing papasok sa


paaralan.
A. bisikleta C. dyip
B. bus D. pedicab

2. Katabi ng bahay nila Faye ang paaralan kaya siya ay __________ sa pagpasok.
A. naglalakad C. sumasakay ng bus
B. sumasakay ng bangka D. sumasakay ng kuliglig

3. Si Rosalie ay nakatira sa lalawigan, kadalasang sumasakay siya sa _______ papuntang


paaralan.
A. bangka C. kotse
B. bus D. kuliglig

4. Sa Lungsod ng Maynila nag-aaral ng kolehiyo si Hailey. Mula sa probinsya sumasakay


siya ng _______ sa pagpasok sa paaralan.
A. bangka C. pedicab
B. bus D. traysikel
5. Si Zyrich ay tumatawid ng ilog sakay ng _______ sa pagpasok sa paaralan.
A. bangka C. dyip
B. bisikleta D. kotse

Physical Education 1
Ika-apat na Markahan - Modyul 2
Pagtalon sa isang lugar ng paulit-ulit gamit ang Pasulong, Patalikod at Patagilid na
patern

Tandaan Natin:

Ang Pagtalon ay ginagawa ng tao o hayop. Sa pagtalon maari natin itong gawin
na pasulong, patalikod at maaari ding patagilid.
Sa Pagtalon nating ito ay nakakatulong upang maging matatag ang ating
katawan dahil ito ay isang uri ng ehersisyo.
Lokomotor na kilos ang ginagamit natin para sa pagtalon

Gawain:
Gumuhit ng kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at naman
kung ito ay mali.

________1. Mas mabilis ang paglukso kaysa sa pagtakbo.

________2. Ang pagtalon ay isang uri ng lokomotor na galaw.

________3. Nagagawa natin ang mga kilos na lokomotor.

________4. Ang paglalakad ay isang uri ng di lokomotor na galaw.

________5. Ang pagtalon ay isang uri ng ehersisyo

Health 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Personal na Impormasyon Tungkol sa Sarili

Tandaan Natin:

Personal na Impormasyon Tungkol sa Sarili


Makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga personal na
impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan. Mahalagang malaman ng mga
mag-aaral ang mga personal na impormasyon tungkol sa sarili upang ito’y maging
batayan ng kanyang pagkakakilanlan.
Ang Kard ng Pagkakakilanlan ay isang dokumentong naglalaman ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili. Ito ay dapat ingatan at laging dala.
Maaari mo rin itong ipakita sa mga taong dapat pagkatiwalaan lalo kung ikaw ay
nawawala.

Gawain:
Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ng krayolang pula ang letra ng tamang sagot.
1. Si Lucy ay bago sa kanilang paaralan. Alin ang wastong pagpapakilala ng sarili ang dapat
niyang sabihin?
A. Ako ito.
B. Ako si Lucy
C. Kilala ninyo ako.
D. Ako si Lucy C. Sevilla. Anim na taong gulang nakatira sa Paliwasan, San
Miguel, Bulacan.

2. Nagpunta ng palengke ang mag-inang si Aling Perla at Nita. Dahil sa dami ng tao
napahiwalay siya sa kanyang ina. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sumigaw ng malakas.
B. Umiyak nang umiyak.
C. Humingi ng tulong sa tindera.
D. Manghingi ng tulong sa tamang tao at sabihin ang impormasyon tungkol sa
sarili.

3. Sa unang araw ng klase nila Susan ay inatasan silang magpakilala ng kanilang guro. Ano-
anong personal na impormasyon ang dapat niyang sabihin?
A. edad, kinis ng mukha, pangalan, trabaho
B. edad, hugis ng mukha, pangalan, tirahan
C. edad, hugis ng ilong, kulay ng balat, pangalan,
D. edad, pangalan, pangalang ng magulang, tirahan

4. Ang lahat ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Paliwasan ay may


dokumentong naglalaman ng personal na impormasyon sa kanilang sarili. Ano ito?
A. ATM Kard
B. Kard Katalog
C. Kard sa paaralan.
D. Kard ng Pagkakakilanlan

5. Nagkaroon ng Lakbay Aral ang mga bata sa Baitang I na kinabibilangan ni Rodel. Sa


sobrang mangha ni Rodel sa lugar ay napalayo siya sa kanyang mga kasama. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Umiyak nang malakas.
B. Magsisigaw upang marinig ng mga kasama.
C. Lumabas at hanaping mag-isa ang mga kasama.
D. Humingi ng tulong sa gwardiyang nasa lugar at ipakita ang Kard ng
Pagkakakilanlan.

Performance Tasks
(Quarter 4; Week 4)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
English 1

Defining and Listing Down Familiar Words

Objective:
Define familiar words
EN1G-IVa-e-3.4
Activity:
Group together the words in the box according to their category. Write your answer in
the box.
Persons Things Animals

1. _____________________ 3. _____________________ 4. _____________________

2. _____________________ 5. _____________________

Mother Tongue-Based 1

Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat ng mga Salitang Naglalarawan

Layunin:
Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat sa mga salitang naglalarawan
MT1GA-IVh-i-4.1
Gawain:
Isulat ang salitang Kasingkahulugan kung ang pares ng salita ay
magkasingkahulugan at Kasalungat kung ang pares ng salita ay magkasalungat.

________________________ 1. mali – tama

_________________________2. malamig – maginaw

_________________________3. masipag – tamad

_________________________4. mataas-matangkad

_________________________5. matalino - marunong

Mathematics 1

Paglutas ng mga Suliranin na may Araw sa Isang Linggo, Buwan sa Isang Taon, Oras
na Kuwarter at Kalahating Oras

Objective:
Solves problems involving time (days in a week, months in a year, hour, half-hour, and quarter-hour)
M1ME-IVb-4
Gawain:
Lutasin ang suliranin. Isulat ang sagot sa patlang.

Magbabakasyon si Dora at ang buong pamilya niya sa ika-9 ng Abril, 2021 sa Aklan
ng limang araw. Naghanda sila ng gamit kahapon. Aalis sila bukas sakay ng eroplano sa
ganap na 11:00 ng umaga. Isang oras lamang ang biyahe nila at makakarating na sila sa
Aklan Airport. Kung Huwebes ngayon,

1. Anong araw sila naghanda ng gamit?


__________________________________________________________________________
2. Anong araw sila darating sa Aklan?
__________________________________________________________________________
3. Anong buwan sila magbabaksyon?
__________________________________________________________________________
4. Anong oras sila darating sa Aklan Airport?
__________________________________________________________________________
5. Ilang araw silang magbabaksyon sa Aklan?
__________________________________________________________________________
Filipino 1

Pagkilala sa Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa


Tahanan,Paaralan at Pamayanan

Layunin:
Nakikilala ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan
F1WG-IIIh-j-6; F1PN-IIIj-12
Gawain:
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap at isulat ang iyong sagot sa loob ng tamang kahon sa ibaba.

1. Tuwing umaga ay nagwawalis ako sa aming bakuran.


2. Si nanay ay nagluluto ng aming agahan sa kusina.
3. Masipag magtanim si tatay ng mga gulay sa likodbahay.
4. Masayang dinidiligan ni kuya ang mga tanim na gulay.
5. Si ate ay naglilinis sa loob ng bahay.

Paano Kailan Saan

Araling Panlipunan 1

Lugar, Lokasyon at Distansya Ikaapat na Linggo

Layunin:
Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at distansya sa pang araw-araw na buhay sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng transportasyon mula sa tahanan patungo sa paaralan
AP1KAP- IVc-6
Gawain:
Magpatulong sa magulang, tagapangalaga o nakatatandang kapatid na gumupit o
gumuhit ng larawan ng inyong paaralan, tahanan, at uri ng transportasyong sinasakyan mula
sa bahay patungong paaralan. Idikit o iguhit ang mga ito sa tamang lalagyanan at punan ang
mga patlang ng tamang impormasyon.

Rubriks:
Iskor 5 4 3 2 1
Malinis, kaaya-aya, maganda May isang kulang na Kulang ng dalawang Kulang ng tatlong Kulang ng apat na
Pamantayan ang pagkakaguhit, at sangkap na sangkap na sangkap na sangkap na
pagkakakulay. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan.

Physical Education 1

Pagtalon sa isang lugar ng paulit-ulit gamit ang Pasulong, Patalikod at Patagilid na


patern

Objective:
Makasunod sa mga simpleng panuto at mga aktibidad
PE1BM-IVf-h-14.
Gawain:
Gawin ang “Paper Plate jumping Game” Gamit ang mga paper plate kailangan talunan
ang mga nakalatag na paper plate sa lupa. Gawin Ito sa loob lamang ng 20 segundo.

Rubriks:
Iskor 5 4 3 2 1
Naisagawa sa loob ng 20 Naisagawa sa loob ng Naisagawa sa loob ng Naisagawa sa loob ng Naisagawa sa loob ng
Pamantayan segundo 21-25 segundo 25-30 segundo 30-35 segundo 35-40 segundo

Health 1

Personal na Impormasyon Tungkol sa Sarili

Layunin:
Naibibigay ang mga personal na impormasyon tungkol sa sarili
H1IS-IVb-2
Gawain:
Gumawa ng sariling Kard ng Pagkakakilanlan. Punan ng tamang impormasyon ang
bawat patlang.

You might also like