You are on page 1of 16

Learning Activity Sheets

(Quarter 4; Week 1)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Pagiging Masunurin Ating Ugaliin

Tandaan Natin:

Kahalagahan ng Pagiging Masunurin


Ang pagsunod sa utos ng mga magulang at nakatatanda ay pag-uugaling

dapat taglayin ng isang bata. Ito ay pagpapakita ng pagsunod sa kalooban ng Diyos at

pagmamahal sa ating mga magulang. Ang pagiging masunurin ay dapat na ugaliin

sapagkat ito ang magbibigay daan upang maging maayos ang pagsasama ng bawat

kasapi ng pamilya.

Mahalagang sundin ang mga sinasabi ng magulang at iba pang nakakatanda

dahil sila ay nag-aalala lamang para sa ating ikabubuti. Nararapat na huwag

magbingi-bingihan sa kanilang mga paalala at gawin ang kanilang iniuutos nang

maluwag sa kalooban.

Ang batang masunurin sa magulang at iba pang nakatatanda ay magiging

mabuting mamamayan na bahagi ng isang lipunan.

Gawain:
Iguhit ang bulaklak kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging masunurin at
dahon kung hindi.

_______ 1. Kahit ano ang ginagawa ni Lukas, kapag siya ay tinatawag ng magulang at
nagpapatulong sa kanya, dali-dali siyang sumusunod.
_______ 2. Kapag nagpapatulong ang kuya ni Jin sa mga gawain sa kanilang tahanan, siya
ay nagkukunwaring masama ang pakiramdam
_______ 3. Kapag nakikipaglaro si John sa kanilang kapitbahay, siya ay hindi nauutusan.
_______ 4. Masayang tinatapos ni Shane ang mga gawain na iniuutos sa kanya sa kanilang
tahanan.
_______ 5. Mahilig manood ng telebisyon si Loraine kaya nalilimutan na niya ang mga
pinagagawa sa kanya.

English 1
Quarter 4 - Module 1
Recognizing Common Action Words

Remember This:
Recognizing Common Action Words

The words are washes, brushes, puts, eats and drinks. These words are examples

of actions words.

Action words simply expresses an action. The action is something the subject of

the sentence is doing. Examples of action words are the following.

There are also some action words that do not show action like:
Activity:
Which of the following is an action word? Choose the correct letter of the answer.
Write it on the blank.

__________1. A. dance B. ink C. jacket

__________2. A. duck B. bird C. sit

__________3. A. ten B. unicorn C. walk

__________4. A. eat B. heart C. lamp

__________5. A. cart B. kite C. run

Mother Tongue-Based 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Pagkilala ng mga Salitang Naglalarawan sa Pangungusap

Tandaan Natin:

Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na Salitang Naglalarawan. Ito ay


mga salitang tumutukoy sa katangian, kulay, dami o bilang, hugis, laki, tekstura, at
damdamin ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
Ang pangngalan at panghalip ang karaniwang inilalarawan nito. Halimbawa:
a. katangian – masipag b. kulay – dilaw
c. dami o bilang – tatlo d. hugis – bilog
e. laki – maliit f. tekstura – malambot
g. damdamin – masaya

Gawain:
Isulat sa patlang ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pangungusap.
Piliin sa panaklong ang sagot.

1. _________________________ ang sinakyan naming dyip papunta sa bahay ng lola.


(Malaki, Maasim, Malungkot)

2. Kaygandang pagmasdan ang kabukirang _________________________ na aming


nadaanan. (makinis, luntian, matigas)
3. Inilagay ko sa aking bulsa ang ___________________________ na balat ng kendi habang
kami ay naglalakbay. (apat, malalim, matalino)

4. __________________________ ang hangin dahil maraming tanim na mga puno at


halaman. (Asul, Mahaba, Sariwa)

5. Naghain si lola ng niluto niyang ___________________________ na bibingka na paborito


naming lahat. (mapait, masarap, mataas)

Mathematics 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Pagkakasunod-sunod ng mga Araw sa Isang Linggo at mga Buwan sa Isang Taon

Tandaan Natin:

 May pitong ( 7 ) araw sa loob ng isang linggo.


 Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga araw sa isang linggo: Linggo, Lunes,
Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado.
 Linggo ang unang araw, Lunes ang ikalawa, ang ikatlong araw ay Martes,
Miyerkules naman ang ikaapat na araw, Huwebes ang ikalimang araw, Biyernes
ang ikaanim na araw at ang Sabado ang ikapitong araw
 May labindalawang ( 12 ) buwan sa isang taon. Ito ay ang Enero, Pebrero,
Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre,
Disyembre.
 Enero ang unang (1st) buwan at Disyembre ang panlabindalawang (12th) buwan

Gawain:
Iguhit ang kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at kung mali.

________ 1. Ang araw bago ang Lunes ay Martes.

________ 2. Ang araw pagkatapos ng Biyernes ay Sabado.

________ 3. Ang kasunod ng Marso ay Abril.

________ 4. Pagkatapos ng buwan ng Disyembre ay buwan ng Enero.


________ 5. Nauna ang buwan ng Mayo sa buwan ng Abril.

Filipino 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Pagtukoy sa mga Salitang Magkakatugma

Tandaan Natin:

Ang mga salitang ito ay may magkakatulad na hulihang tunog.


Ang tawag sa mga ito ay salitang magkakatugma.
Halimbawa:
dahon – kahon payong – bayong
mataas – malakas halaman – pamayanan
lupain – hardin
Kadalasang ginagamit ang salitang magkatugma sa mga panitikan tulad ng tula,
awit, at iba pa.

Gawain:
Basahin ang sumusunod na bugtong. Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ang
pares ng salitang may salungguhit ay magkatugma at malungkot na mukha kung hindi.

_______1. Nang ihulog ko ay buto, nang hanguin ay trumpo.

_______2. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.

_______3. Dalawang batong itim, malayo ang mararating.

_______4. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

_______5. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona.

Araling Panlipunan 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Distansya at Direksyon

Tandaan Natin:

Ang lokasyon ay tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang bagay o lugar.


Ginagamit ang mga salitang kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harap, at likod sa
paglalarawan ng lokasyon.
Distansiya naman ang tawag sa lapit o layo ng pagitan ng dalawang bagay. Ito
rin ang tawag sa iksi o haba ng lokasyon o kinaroroonan ng isang pook.
Malapit ang mga bagay sa isa’t isa kung ang mga ito ay magkatabi, magkadikit,
o ilang hakbang lang ang pagitan.
Malayo naman ang mga bagay sa isa’t isa kung maraming hakbang ang pagitan
ng mga ito.

Gawain:
Pag-aralan ang larawan. Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat
pangungusap.

_______________1. Malapit ang mesa sa kama.

_______________2. Malayo ang mesa sa upuan.

_______________3. Malapit ang pinto sa kama.

_______________4. Malayo ang upuan sa bintana.

_______________5. Malapit ang upuan sa kama.

Music 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Pagpapakita ng Pangunahing Konsepto ng Tempo sa Pamamagitan ng mga Paggalaw
(Mabilis o Mabagal)

Tandaan Natin:
Sa musika, ang bilis o bagal ng isang awit ay tinatawag na tempo. May mabilis o

mabagal na mga awitin o tugtugin na maaaring lapatan ng kilos o galaw.

Maaaring ilarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang pagkilos o paggalaw na

naaayon sa awitin o tugtugin. Maaari rin itong ihalintulad sa paggalaw o pagkilos ng

isang tao, hayop, at mga bagay na nasa paligid.

Gawain:
Isulat ang letra ng tamang sagot batay sa tempong inilalarawan.
__________1. Paano inaawit ang awiting pampatulog?
a. mabagal b. mabilis c. napakabilis

__________2. Paano inaawit ang awiting “Leron Leron Sinta”?


a. mabagal b. mabilis c. napakabilis

__________3. Paano inaawit ang awiting “Ang Bayan Ko”?


a. mabagal b. mabilis c. napakabilis

__________4. Paano mo ikikilos ang pagpanik sa hagdan?


a. mabagal b. mabilis c. napakabilis

__________5. Paano mo ikikilos ang pagbaba ng hagdan?


a. mabagal b. mabilis c. napakabilis

Art 1
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
2-Dimensiyonal at 3-Dimensiyonal na Likhang Sining

Tandaan Natin:

2-Dimensiyonal at 3-Dimensiyonal na Likhang Sining


Ang mga bagay, hugis o likhang sining na ginuguhit nang palapad ay tinatawag
na 2-dimensiyonal o 2D. Ito ay may haba at taas lamang. Ang ilan sa mga halimbawa
nito ay ang mga hugis na parisukat, bilog, tatsulok at parihaba.

Samantala, ang mga bagay, hugis o likhang sining na ginuguhit nang may kapal
o lapad, haba at taas ay tinatawag na 3-dimensiyonal o 3D. Ang ilan sa mga halimbawa
nito ay ang mga hugis o likhang sining na bola, mesa at dice.

Gawain:
Bilugan ( O ) ang mga larawan na nagpapakita ng 2-dimensiyonal at ikahon( ) ang
mga larawan na nagpapakita ng 3-dimensiyonal.
Performance Tasks
(Quarter 4; Week 1)

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Pagiging Masunurin Ating Ugaliin

Layunin:
Nakasusunod sa utos ng mga magulang at nakatatanda
EsP1-PIVa-1
Gawain:
Kulayan ng dilaw ang araw kung nagsasaad ng pagiging masunurin sa mga magulang
at nakatatanda ang mga salitang nakapaloob dito.
English 1

Recognizing Common Action Words

Objective:
Recognize common action words in sentences/ stories
EN1G-IVa-e-3.4
Activity:
Answer the crossword by supplying the boxes with correct action words. The pictures
serve as your clues.

Mother Tongue-Based 1

Pagkilala ng mga Salitang Naglalarawan sa Pangungusap

Layunin:
Nakikilala ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap.
MT1GA-IVa-d-2.4
Gawain:
Gumuhit sa loob ng kahon ng isang magandang tanawin. Sumulat ng 5 salita na
maaaring maglarawan sa tanawing iyong iginuhit.

1. ______________________ 2. ______________________

3. ______________________ 4. ______________________

5. ______________________

Rubriks:
Iskor 5 4 3 2 1
Malinis, kaaya-aya, maganda May isang kulang na Kulang ng dalawang Kulang ng tatlong Kulang ng apat na
Pamantayan ang pagkakaguhit, at angkop sa sangkap na sangkap na sangkap na sangkap na
tema. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan. kinakailangan.

Mathematics 1

Pagkakasunod-sunod ng mga Araw sa Isang Linggo at mga Buwan sa Isang Taon

Objective:
Tells the days in a week; months in a year in the right order
M1ME-IVa-1
Gawain:
Pag-aralan ang kalendaryo. Gamitin ito upang masagutan ang mga tanong sa ibaba.
Lagyan ng tsek na krayolang pula tamang araw na angkop sa ibinigay na petsa.

Filipino 1

Pagtukoy sa mga Salitang Magkakatugma

Layunin:
Natutukoy mo ang mga salitang magkakatugma na ginamit sa pangungusap.
F1KP-IIIc-8

Gawain:
Magbigay ng dalawang salita na magkatugma sa mga sumusunod. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon.

1. bagay

2. libro
3. pamayanan

Araling Panlipunan 1

Konsepto ng Distansya at Direksyon Unang Linggo

Layunin:
Naipaliliwanag ang konsepto ng distansya at ang gamit nito sa pagsukat ng lokasyon
AP1KAP-Iva-1

Gawain:
Gawin ang isinasaad sa bawat bilang

1. Kulayan ng dilaw ang bagay sa kanan ng bentilador.


2. Kulayan ng berde ang nasa itaas ng halaman.
3. Kulayan ng asul ang nasa ibaba ng malaking relo.
4. Kulayan ng pula ang nasa kaliwa ng mesa.
5. Kulayan ng rosas ang nasa kaliwa ng kabinet.

Music 1
Pagpapakita ng Pangunahing Konsepto ng Tempo sa Pamamagitan ng mga Paggalaw
(Mabilis o Mabagal)

Layunin:
Naipapakikita ang pangunahing konsepto ng tempo sa pamamagitan ng paggalaw (mabilis o mabagal)
MU1TP-Iva-2; MU1TP-IVb-3
Gawain:
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Itala sa tamang hanay ang pangalan ng
sasakyan ayon sa galaw nito.

Mabagal Mabilis

1. _________________________________ 1. _________________________________

2. _________________________________ 2. _________________________________

3. _________________________________ 3. _________________________________

Arts 1

2-Dimensiyonal at 3-Dimensiyonal na Likhang Sining

Layunin:
Natutukoy ang pagkakaiba ng 2-dimensiyonal at 3-dimensiyonal
A1EL-IVa
Gawain:
Gumuhit ng linya mula sa 2–dimensiyonal na likhang sining papunta sa 2D na salita.
Gumuhit ng linya mula sa 3-dimensiyonal na likhang sining papunta sa 3D na salita.

You might also like